Chapter 1

2659 Words
Sharon POV Araw ng merkules ngayon, at araw din nang d’off ko. Kaya naman sinadya ko talaga magpa late na nang gising. Pagtingin ko sa orasan, alas onse na pala ng umaga kaya bumangon na ako, dumeretso na ako sa banyo at ginawa ko na ang nakasanayan ko tuwing pagka gising. Alam n’yo naman siguro ang ginagawa natin mga babae sa umaga hindi ba? Mag toothbrush maligo ganern. Paglabas ko ng banyo dumeretso na ako sa maliit na kusina namin ni Jenny. At napansin ko may natakpan doon. “ siguro nagluto ang kaibigan ko, “ kausap sa aking sarili. Kaya naman pumunta na ako sa mini dinning namin at tignan kung ano ang niluto ng aking kaibigan. Pagbukas ko sa natakpan ayun nga, tama ako, nag luto nga s’ya, adobong karne nang baboy at bigla tuloy ako nagutom saakin nakita. Kumuha na ako ng kanin sa rice cooker namin, medyo mainit-init pa kasi hindi In ‘Off ng aking kaibigan ang switch, mukhang sinadya niya kasi alam n’yang may pagka tamad talaga akong mag reheat ng kakainin ko. Isa pa nagbabaon kasi kami tuwing papasok kami sa trabaho, at baka wala nang matira sa sahud namin kapag doon pa kami kumain sa restaurant ng hotel ,E’ ang mahal kaya ng isang order doon. Hindi rin kami magka parehas ng d’off ng aking kaibigan. Alternet kasi kami dahil sa dami na din ang linisan, pero Keri naman. And speaking of work, ayun nga isang linggo na rin ang nakalipas mula nang gabing yun, akala pa namin nang kaibigan ko na masasabon kami kinabukasan dahil sa ginawa n’ya sa pen house ng CEO. Pero awa ng Dios, hindi naman kami pinagalitan o sinita. Kaya malaking pasasalamat namin sa Poong maykapal. Matapos na akong kumain hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Pagtingin ko sa orasan mag aalas dose na, meron pa akong oras bago pumasok sa Part time Job ko. Doon sa coffee shop. Oo may part time job ako sa coffee shop at syempre doon din mismo sa hotel na aking pinag tra-trabauhan. Habang nasa byahe ako, naisipan kong tawagan sila Nanay sa probinsya. Denial ko ang number nila at nagring naman, at sinagot naman agad. “Hello ate” sagot agad ng kapatid ko sa kabilang linya. Mukhang hinihintay nga ang aking tawag. “Hello bunso, kamusta na kayo diyan, sila Nanay, Tatay, “ Masigla kong tanong sa kanya, habang nakangiti ako na kuma kausap sa akin kapatid. “Eto ate ok naman kami, sila Nanay at Tatay naman ayun miss na miss ka na daw lalo na si Nanay araw- araw tinatanong kong kailan ka tatawag ate, “ mahaba naman litanya ng kapatid ko, Oo nga, nakaligtaan ko na kasi ang tumawag sa kanila, minsan kasi pagud na ako pagkatapos ng trabaho ko. Ang kalabasan, pagdating ko sa boarding house namin ng kaibigan ko gawa nga ng OT ko. Ay flat na ako agad. Pagkatapos kasi ng duty ko sa hotel, deretso na ako sa isa ko pang Part time Job. Yun ay isang restaurant naman. Kung saan isa akong waitress din. Alas syete kasi ang labas ko sa trabaho, E, sakto naman na kapag gabi, maraming costumer ang duma dating. Kaya sinubukan ko noon na mag aply doon, mabuti naman at tinanggap din ako agad. Kaya masasabi ko swerte parin ako talaga. Ayan tuloy nakakaligtaan ko na ang tumawag sa pamilya ko. “O’ Sherwin ang ate Sharon mo ba yan anak,? “ Rinig kong boses ni Nanay sa kabilang linya. “Opo, Inay s’ya nga po,” Rinig ko din na sagot ng kapatid ko sa aking Ina. “O’ Ate bigay ko na kay Inay ang cellphone hah,” paalam pa niya saakin. “Ok bunso at kausapin ko din si Nanay, salamat bunso, “ malambing kong sagot sa kanya. Namimis kona rin kasi sila. Dalawang taon na akong hindi umuuwi saamin. “Hello, Sharon anak kamusta ka na d’yan anak, “ Malamyos na boses nang Nanay na alam ko pinipigilan ang hindi maiyak, kaya naman imbis na madala ako sa kanya, binola ko nalang s’ya at pinasigla ang aking boses. “Eto po Inay artistahin na ang anak n’yo, ang ganda ko na Inay! “ Pakwela kong sagot sa kanya at narinig ko pang napatawa s’ya saakin sinabi. “Ikaw talagang bata ka kahit kailan hindi mo ako kinakausap nang matino, “ kunwaring pagalit na sagot nang Nanay ko ngunit may malambing parin sa kanyang boses. At hindi ko mapigilan ang mapa hagikgik. “E’ kasi naman po Inay, iiyak kana. Eto nga po mahal kong Inay, mabuti naman ako ang kalagayan ko dito, wag n’yo po akong alalahanin Inay, “ Panigurado ko pang sagot sa kanya, para naman hindi na siya mag alala pa saakin. “ Anak miss na miss ka na namin, pasensya kana hah, kailangan mo pang umalis para sa kapatid mo. “ may lungkot na sabi ng Nanay ko saakin. Oo nagpunta ako dito sa Manila upang maghanap ng trabaho, hindi kasi nila kayang paaralin ang kapatid ko dahil sa kapos kami sa pera, hindi din naman sapat ang kinikita ng Tatay ko mula sa bukid namin, dahil sapat lang sa araw- araw na gastusin sa bahay. Si Nanay naman Housewife. Wala din naman siyang ibang trabaho kundi katulungan siya ni Tatay. Dahil ayaw ko matulad ang kapatid ko sa akin, walang Degrees na natapos, kaya eto ako ngayon, nagsusumikap para mabigyan ko s’ya ng magandang kinabukasan. Yan ang dahilan kung bakit lahat ng raket pinapatos ko na. Basta kaya lang ang katawan ko. “Inay, ano ba kayo, hindi lang naman yan ang dahilan kung bakit ako umalis d’yan, alam n’yo naman Nay na gusto ko din makita ang Manila at syempre para pumuti din ako, at gumanda! “ Masigla ko pang sagot para naman hindi malungkot ang aking Ina. “ Yaan n’yo Inay kapag nakaluwag-luwag ako. Ipapasyal ko kayo dito, “ sigunda ko pa sinabi ko. “Naku anak, h’wag mo na kaming alalahanin ng Tatay mo, si Sherwin nalang ang dalhin mo d’yan, alam mo naman hindi ako sanay sa mahabang byahe Anak. Mabuti pa yang kapatid mo, tulad mo din yun na sabik na sabik din sa Maynila. Ano ba kasi meron d’yan sa Maynila anak hah? “ Mahaba, habang litanya ng aking Ina na may kasamang panenermon pang tanong saakin. “Naku Inay, maraming meron dito, maliban Po sa nagrarangyaan na mga Ilaw, E’ meron pang nag gagandahang mga Bailding po dito Inay, “ Excited kong sagot sa aking Ina, pinasigla pa ang boses k, o allangan naman na sabihin ko na puro usok at mababahong canal ang sasabihin ko eh di pinauwi na ako agad! Mukha naman naniwala ang aking Ina. “Ah, kaya naman pala hindi mo na maisipan umuwi dito bata ka. Nga pala anak pinapasabi Ng Tatay mo miss kana din n’ya, “ May kasamang lungkot ang boses ng aking Ina. Pero halata naman ang pagmamahal saakin ng mga magulang ko, kaya eto ang namimis ko sa kanila na kahit mahirap kami. Mayaman naman kami sa pagmamahal sa isa’t, isa. “Namimis ko na din po kayong lahat d’yan Inay, pati si Tatay. Nasaan po s’ya at kakausapin ko din si Tatay, Inay, “ magalang kong sagot sa aking Ina. Gusto ko rin naman umuwi, kaya lang iniisip ko kailangan ni Sherwin ang pera para sa susunod na Enrolment. Kaya naman naisip ko yung pamasahe ko, idagdag ko nalang sa mga kaylangan nila sa Bahay. “Ay naku Anak wala pa ang Tatay mo, andoon Na naman sa bukid n’ya. Pinapasabi kapag tumawag ka daw, E’ wag daw s’yang kalimutan na ikamusta ka, “ Natatawang sagot ng aking Ina. Napangiti pa ako sa kanila. Talagang ramdam ko ang pagmahahal nila saakin. “Ganun ba Inay, paki sabi kay Tatay po mis na mis ko na din s’ya Inay, kayong lahat d’yan Inay mis ko na kayo, “ Pinipigil kong hindi mapiyok sa aking Ina, pakiramdam ko kasi maluluha na ako. “Sige na Inay ba-bye na po, may trabaho pa po kasi ako, tatawag nalang po ako ulit Inay, “ Dagdag ko pa sa kanya. “O’ s’ya, sige Anak, wag mo pababayaan ang sarili mo hah, lagi kang mag iingat Anak, “ malambing na sagot ng aking Ina. “Nay kausapin ko pa si ate! “ Rinig ko naman na sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya. “Anak kausapin ko daw ng kapatid mo, “ Sabi naman ni Nanay saakin. “Sige po Inay, kakausapin ko s’ya, Ilove you Inay! “ malambing kong pang pahabol na sagot sa kanya. Hindi ko na narinig ang sagot nang Nanay ko dahil kinuha na pala ni bunso ang cellphone n’ya. “Ate malapit na ang pasukan, mag e- enroll ba ako Ate? “ deretsong tanong ng kapatid ko saakin. Kaya naman pinasigla ko ang aking boses. Ramdam ko kasi ang kalagayan n’ya. “ Oo naman bunso, basta pangako mo hah, mag aaral kang mabuti, dahil kung hindi malalagot ka talaga saakin! “ kunwari kong pagbabanta sa kanya, “Oo naman Ate, ako pa ba! Alam mo naman ang pangarap ko talaga ang makapag tapos ng pag-aaral, para naman matulungan ko din sila Tatay at Nanay Ate, saka naawa na din ako sayo E” Nahabag naman ako sa sagot ng kapatid ko. Dahil alam ko ramdam din n’ya ang hirap ng buhay. “O’ s’ya, siguraduhin mo para hindi naman masayang ang pera ko no! “ Pabiro ko naman na sagot sa kanya. Alam ko naman na hindi s’ya masasaktan sa sinabi ko. Dahil alam naman niya na nagbibiro lang ako. “Oo naman Ate, wala ka talaga bilib saakin,” Sagot n’ya na medyo nagtatampo ang boses. Kaya naman napangiti pa ako sa asta ng kapatid ko. “Sus ikaw naman, joke ko lang yun no, kaya nga nagsisikap na ako dito para sayo bunso, “ drama kong sagot sa kanya, akala ba niya siya lang ang marunong. Pwes No! Dahil saakin siya natuto. “Yaan mo Ate kapag nakapag tapos ako ng pag-aaral, ako na bahala sa inyo, “ parang sigurado pa s’ya sa kanyang sagot saakin. Kaya naman napangiti na ako at nagpaalam na rin sa kanya, at baka makaligtaan ko pa ang Part- time ko sayang naman ang pera! “Sige na bunso, Patayin ko na ang tawag ko hah, may gagawin pa kasi si Ate, Iloveyou bunso, “ paalam ko na sa kanya. “Sige Ate salamat, mag iingat ka lagi d’yan. Ilove you too Ate” malambing din n’yang sagot saakin, kaya naman mas lalong gumaan na ang aking pakiramdam. Kahit lalaki pa ang kapatid ko ay sweet din eto saakin. At pinatay ko na ang aking cellphone. Pagtingin ko sa orasan. Alauna na pala, ganun pala ka haba ang kwentuhan namin sa bahay. Pero hindi bale atlist gumaan na naman ang pakiramdam ko kahit paano. Kaya naman dali-dali na akong nag bihis, may dalawang oras pa ako, kaya bago ako pumasok Pasyal muna ako sa mall na malapit sa hotel. Paglabas ko ng bahay nilock ko na ang pinto, tag-isa naman namin ng susi ng kaibigan ko kaya ok lang na nilock ko. Mahirap na baka pasukin kami ng kawatan. Pagbaba ko sumakay na ako nang jeep, ang totoo yan, pwede ko naman lakarin, kasi walking distance lang naman ang hotel mula dito, kaso mainit eh, saka may pasok pa ako mamaya sa coffee shop baka mangamoy pawis na ako. Nakakahiya naman sa mga costumer. Pagdating ko sa mall, naglibot-libot muna ako. “Ang lamig talaga dito, ang sarap sa felling! ”Kausap ko sarili ko na nakangiti pa ako at napapikit sa sinabi ko, ayan tuloy nakatingin na saakin ang mga tao. Napangiwi pa ako sa aking sarili. At umalis na ako doon.Naglibot muna ako hangang naubos ang oras ko, kaya naman napagpasyahan ko nang pumunta sa coffee shop. Pagdating ko sa coffee shop si Miss Tamara siya ang bumungad saakin. “Good afternoon miss Beauty” Bati n’ya agad saakin at nakangiti, nahiya tuloy ako, dahil s’ya pa ang naunang bumati saakin, E’ s’ya ang amo ko dito. “Good afternoon Diosa, “ ganti ko naman na bati sa kanya with killer smile syempre. Kahit kasi mayaman si Miss Tamara nakikipag usap din s’ya sa mga staff niya. Lalo na saakin. “ Naku ikaw talaga Sharon hindi ka talaga magpapatalo saakin kahit kailan, “ natatawang sagot n’ya saakin. Isa pa to parang kaibigan rin kung ituring niya ako, kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit masama ang tingin ng ibang mga staff n’ya saakin. Una kasi sa lahat part-timer lang ako sa kanyang coffee shop. “Eh ikaw naman kasi, kararating ko lang ganyan na agad ang bungad mo, mamaya niyan, baka lapain pa ako ng mga staff mo dito oh, “ turo ko sa mga staff n’ya gamit ang labi ko at pabulong kong sinabi sa kanya. At eto na nga napahagalpak pa s’ya sa tawa, Ayun tuloy agaw attention na kami sa mga costumer niya. “You made my day talaga Sha, dito kanalang kasi mag work sa shop ko, “ sabi pa saakin, Oo nga ilang beses na ako ‘tong kinukumbinsi pero ilang beses na din ako tumanggi. Hindi naman sa ayaw ko, sa totoo lang Inuperan pa nga ako sa lampas ng sahud ko bilang janitress at tuloy pa daw ang Part-time ko sa kabila, kaso hindi ko ba alam kung bakit parang my pumipigil saakin. “Miss Diosa, diba sinabi ko naman sayo ang dahilan ko, “ malungkot ko pang sagot sa kanya. Sinabi ko lang naman kasi na hindi ko maiwanan ang aking trabaho sa hotel dahil maganda naman ang trato nila saakin. Isa pa ang hotel ang unang tumanggap saakin sa trabaho. “Eh ano pa magawa ko, “ malungkot n’yang sagot saakin, na akala mo naman big deal sa kanya. E’ lagi na nga kaming nagkikita dito sa loob ng hotel. “Wag ka mag alala lagi naman tayo nagkikita diba? Wag kanang magtampo, ano ba kasi ang nakita mo saakin? “ tanong ko sa kanya, ewan ko din ba sa babaeng to, sa ganda ba naman niyang to, pinagkakainteresan ako, oo maganda ako alam ko, pero wala naman ako panama dito. Allangan naman na tomboy siya, E’ mas maarte pa eto saakin. Syempre mayaman. “Tignan mo nabawasan na ng isang gramo yang ganda mo oh, “ turo ko pa sa mukha niya, kapag kasi kaharap ko siya, nawawalan na din ako ng hiya sa sarili eh. At eto naman, napahagalpak na naman sa tawa napa iling nalang ako sa amo kong maganda, mukhang good mood siya today. “Magtrabaho na ako Diosa, at bala malugi kana saakin, “ biro ko pa sa kanya, at iniwan ko na nga siya kahit tawa parin s’ya ng tawa. Tinanguan nalang n’ya ako, bilang sagot niya saakin, at tuluyan ko na siyang iniwan. Dinala ko muna ang bag ko sa locker ko bago ako magsimula, bawat staff kasi dito my kanya- kanyang locker, E’ kahit part-timer lang ako syempre meron din saakin. Pagkatapos kong naayos ang gamit ko ay bumalik na ako sa loob. “BEAUTY table number 12 please, paki dala ang order n’ya!” Sigaw ni mis Tamara saakin wala tayong magagawa yan na talaga ang tawag saakin. At ako talaga ang paborito niyang staff, charot! “Yes ma’am coming! “ masigla kong sagot sa kanya with killer smile syempre. Ganyan ako kapag oras nang trabaho kailangan Professional. Naks! “Here’s your order Sir, “ pag lapag ko sana ng Coffee ng customer ay s’ya naman ang pag tayo Sa kabilang upuan at hindi maiwasan at natabig ako at ayun nga, yung kape na dala ko accident kong naibuhos sa my order. “What the fu*k!! Danm’t!” sigaw ng lalaki na galit na galit ang boses, para ngang nagdadagundong na sa loob ng coffee shop sa lakas ng kanyang sigaw. Samantalang ako, hindi ko rin alam kong ano ang una kong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD