Chapter 12

2524 Words
SHARON POV Andito na kami ngayon sa loob ng restaurant! Nagtaka pa ako dahil sa dinami-dami ng pwedeng kainan dito pa sa pagkalayo-layo! Nakita ko naman na tinaas niya ang kanyang kamay na para bang, tinawag niya ang waiter! Saglit lang meron ng lumapit saamin na isang lalaki. Ngumiti pa saakin kaya naman nginitian ko! Ngunit ang Aroganteng kasama ko eto sangkadakmol na ang sama ng mukha! 'You my leave man! " seryoso na sabi niya sa waiter, napakunot noo pa ako sa inasta ng taong kasama ko! At ang waiter kahit hindi oa nakaka order ang kasama ko, ayun umalis na! napalunok pa ako, dahil wala akong masabi Binali wala ko nalang ang inaasta ng kasama ko, dahil feeling ko bigla akong nagutom! Oo nga naman, sa tagal ba naman ng aming byahe! Kung bakit kasi ang layo ng narating ng Atoganteng 'to E! Hindi naman nagtagal sa wakas dumating na ang mga order niya! Oo 'MGA' kasi naman sa dami ng order niya, mauubos niya kaya to? Diosmeyo marimar! Pero hindi ko na siya pinansin dahil gutom na ako! Basta kumain na ako bahala siya sa buhay niya! Habang kumakain ako, pansin ko panay lagay niya sa plato ko ng ulam! Kaya naman napa-angat pa ako ng tingin sa kanya, ngunit ang hinayupak nakatitig lang saakin na akala mo may nakakamangha sa mukha ko! Hindi ko naman napigilan ang hindu mapalunok! Nilunok ko muna ang aking pagkain bago ko siya tinanong! Dahil ang Arogante ito siya hindi naman kumakain! "Sir, may dumi ba ako sa mukha? " tanong ko sa kanya dahil lung makatitig akala mo naman isa akong clown dahil nakangisi pa ang hayop! Gusto ko man magalit sa kanya kaso nahiya naman ako, lalo na at naka porma pa siya samantalang ako simple lang! Nahiya tuloy ako sa lagay ko! "Yes, you had, " sagot niya saakin habang nakatitig sa aking mukha! Nagising naman ako sa realidad dahil sa bigla niyang pagsagot saakin! Kaya naman napahawak pa ako sa mata ko, at baka may muta, ngunit nagsenyas siya na pisngi ko daw yung dumi! Kaya naman tinuro ko pa kung saan kaso pa iling-iling lang siya! Naisip ko tuloy kung pinagtri-tripan ba ako ng hinyupak! "Hoy! Pinagtripan mo ako noh!? " maktol ko sa kanya, sapat na para marinig ng hinayupak na to! Ngunit nabigla ako ng lumapit siya at dumikit ang daliri niya sa labi ko! Nabigla pa ako ng may naramdaman akong parang kuryente sa balat ko ng dumantay ang kanyang darili sa labi ko, ngunit mas nagulat ako sa kanyang ginawa dahil, yung ginamit niyang darili na pinanpunas sa labi ko ay sinubo niya sa kanyang bibig at ang hinayupak dinilaan pa! Parang nanadya ang hinayupak! At ang mga kababaihan sa kabilang mesa hindi rin nakaligtas saakin ang pagsinghap nila! "Omg! Ang sweet niya girls, " sabi ng isang babae sa dulo ng mesa kung saan kami malapit sa kanila! Tapos na kaming kumain, at busog na din ako! Inignore ko na din ang mga sinasabi ng mga tao dito sa loob ng restaurant kahit pa magaganda naman ang feedback nila! Ngunit meron naman iba na akala mo kung sino! Basta ako nagpakabusog ako, libre E! Pero itong kasama ko hindi ko naman nakita na kumain siya! Ngunit marami pa naman ang pagkain sa mesa namin kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi magtanong! "Uwi na ba tayo Sir?Hindi ka ata kumain, akala ko ba gutom ka kanina,? " tanong ko sa kanya, pero ang Arogante ngumiti na akala mong may sinabi akong maganda! " I thought you would ignore me, all the time sweety, " sagot niya na may ngiti sa labi, lumabas tuloy ang pantay-pantay niyang ngipin na mapuputi na nagpadagdag sa kanyang kagwapohan! Ngunit nagising ako sa realidad na napa nga-nga na pala ako! At lalo pa ng nagsalita ulit, hindi pa ako nakabawi sa una, at ito na naman may pangalawa pa! " And I thought I was alone here, " dagdag pa niya na akala mo nagpapakaawa, ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Cj,dito mismo sa ama niya! "Sus nagpapaawa kaba? Dala koba ang pagkain mo? " Pa inosente ko naman na sagot akala ko magagalit siya pero ayun na naman tumawa pa ang Arogante! Alla siya anong nangyayari sa taong to? Kausap ko pa saaking sarili! Habang nakatulala ako sa kanya, hangang sa may naring akong boses sa may likud ko,at bigla naman nawala ang ngiti ng taong kaharap ko! "Franco Is that you, ? " boses nang isang babae na medyo may pagka-arte ang boses hindi ko siya makita kasi nasa likud ko, pero yung ngiti kanina ni Mr Arrongant nawala bigla! Kaya naman hindi rin mawala ang pagkunot ng noo ko,dahil hindi naman niya sinasagot ang abbae hangang nakalapit na nga ito at humarap pa saamin, partikular saakin. "Oh, you don't remeber me? So, sad, " paawa efect pang sagot nang babae sa side ko, kaya naman tumingin na din ako sa kanya, napataas pa siya nang kilay nung nakita niya ako na akala mo naman, isa akong nakakadiri dahil bigla pa siyang napaatras! Akalamo kung sino nasabi ko sa sarili ko kaya binalik ko ang dati kong pwesto, at nagsalita na naman ang babae! Pero nabingi ako sa kanyang sinabi at pati si Franco, este boss ko mukhang hindi nagustuhan ang asta ng babae! "Ow, you with your katulong pala! Im sorry, " sabi niyang may pang- uuyam, kaya naman inikutan ko siya ng mata kahit hindi niya ako nakikita! Pero yung mukha kanina ni Franco na akala mo susugurin niya ang babae eto ngayon, na akala mo may nakakatuwa sa sinabi ng bababe! Kaya simanaan ko din siya ng tingin! Bwisit! At bigla ata natauhan ang gago at ito na sinagot na ang babaeng maarte na akala mo kagandahan hipon naman! "She's not my maid_" pambibitin ni Arogante sa sagot niya sa babae sabay tingin saakin na akala mo nag nag-iisip pa ng idugtong kaya naman pinandilatan ko ulit! At ang babae naman mukhang naiirita na! "She is the one of imployee in my Hotel, " dagdag ni Arogante na sagot niya sa babae. Ok na din ang sagot niya, atlist pinaganda naman! Ngunit ang babae parang ayaw tanggapin ang sinabi ni Arogante! "So, It's look like the same sound, imployee or maid,what's the diffirent of that? " Sagot niyang hindu mawawala ang pang-uuyam ng babae! Kaya umuusok na ang ilong ko sa asar sa kanya! Kunting-kunti nalang ang babaeng to saakin, makakatikim na talaga! "Anyways why you here? " pag-iiba ni Arrogant sa topics nilang dalawa, mukhang napansin ata niya na malapit na ako mapuno sa babaing to eh! Nakikinig naman ako sa usapan nila habang nakatayo ang babae, natuwa naman ako dahil hindi siya tinawag ni Arogant na umupo! Habang unti-unti kong hinihiwa ng pino ang steak sa aking plato! "Ow, that! I have with my dad here, anyway nakita lang kita so, that's why, I came here! " Sagot ng hipon na akala mo naman ikinaganda niya ang pag iinarte tsee! "Oh, I see,! " maiksing sagot ni Ceo, nagbunyi ulit ako, dahil mukhang wala naman gana ang kasama ko sa katabi niyang babae na ngayon ay halata naman na nagpapansin! "Well, We'll go a head first, it's been late! " paalam pa niya sa babae sabay tayo tinawag na ako! Nagbunyi naman ako s ababae at siya din ngayon ang tinaasan ko ng kilay! "Mis Magdangal lets go! " Tawag niya saakin medyo nadismaya pa ako sa tawag niya kanina lang sweety ng sweety ngayon naman miss Magdangal daw! Wala din naman akong nagawa at hindi naman ako nagpahalata sa hipon na babae! Dahil kung nakakamatay lang ang titig niya saakin baka kanina pa ako nakabulagta sa harapan nilang dalawa! Pero nginisihan ko lang siya dahil feeling ko mamatay na siya sa selos! Natuwa pa ako sa aking naiisip! At itong si Ceo mukhang nagtataka pa dahil napalakas ata ang hagikgik ko! At nagtanong pa ng nakalabas na kami sa restaurtant! "Are you happy? " tanong niya saakin na akala mo naman siya ang dahilan dahil nakangiti pa! Pero syempre hindi ako nagpahalata noh! "Ovious ba? " balik tanong ko naman sa kanya na akala mo naman galit ako! "Yes, why? " nagtataka naman niyang tanong saakin, dahil tumigil pa siya sa paglakad at tinignan ako saglit. Pero nag isip muna ako nang iisagot ko syempre mahirap na mapahiya noh! Lalo at mukhang matalino pa naman siya! Ay matalino na pala! "May nakita kasi ako na butiki kanina ayun inapakan ko! " sabi ko na napabungisngis pa ako ulit, kaso hindi ata nabenta sa kanya kasi naman napakunot noo pa siya! Napangiwi tuloy ako sa kagagahan ko! "Really, " Tipid niyang sagot saakin na para bang napipilitan lang din! Sabay iling pa niya na akala mo iniisip niya siguro na baliw ako! Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin! Nasa loob na kami nang sasakyan niya pero walang gustong bumasag sa katahimikan. Kanina kasi pagpasok ko sa kotse tahimik na ako, hangang ngayon. Nakatingin lang ako sa labas, hindi ko kasi alam kung saan Lugar yung dinalhan niya saakin, dahil umabot-abot lang naman kami nang kumulang-kulang na dalawang oras sa byahe! Tapos kumain lang pala ang ginawa namin! "Sus ano ba ang expected mo hah! " sigaw ng utak ko! Kaya naman napa sigaw pa ako ng... wala! wala! wala! kaya tumahimik ka sigaw ko at nakalimutan ko na kasama ko oala sa kotse ang boss ko! At bigla siyang nag preno! Buti nalang naka seatbelt ako dahil kung hindi baka basag na ang bungo ko! Sinaman mo pa siya ng tingin, ngunit bigla din akong natauhan dahil pag-alala ang naaninag ko sa kanyang mukha! "May problema ba sweety, " nag-alala niyang tanong saakin. Dahil tinigil pa niya ang koste at ito napahawak pa sa mukha ko! Ngunit tinanggal ko ang kamay niya, dahil tinawag na naman ako sa kanyang endearment! Kanina lang miss Magdangal! Ngayon sweety na naman! Maktol ko na ako lang naman ang nakakarinig! Kaya naman hinarap ko siya at pinagsabihan! "Pwede ba tigilan mo nga ako sa kaka sweety mo! Kanina ka pa, alam mo ba yun,! " mataray kong sabi sa kanya at ang loko ngumisi na naman! Bwisit talaga siya! Mukhang nang-go goodtime talaga! "What's wrong with that? " Bale wala niyang sagot saakin, kaya naman pinaikotan ko siya ng mata! Dahil mukha nga nasisiyahan sa pang-aasar saakin! "Anong what's wrong with that ka diyan! saka pwede ba sir, tigil tigilan mo din ang kaka english mo buti pa si Cj marunong makisama pero ikaw kanina kapa! " Sigaw ko sa kanya, ewan ko din sa sarili ko kung bakit bigla bigla nalang naging mainit ang ulo ko, wala na din sa isip ko na CEO 'tong kasama ko! "Ok, you want me, to talk to you in tagalog? " Sagot pa niya saakin, lalo naman na pinaikotan ko siya ng mata! Sabi ko nga tagalog pero english naman! "Eto na naman english na naman! Sabi ko tagalog, TAGALOG! " maktol ko sa kanya ngunit ang arogante tumawa lang, "Ops, sorry! " sagot niya na hindi ko inaasahan dahil nag peace sign pa siya gamit ang darili niya, na akala mo nagpipigil ng tawa! Napa nga-nga pa ako sa pinapakita niya saakin ngayon! Nagising naman ako sa realidad ng sinulyapan niya ako kaya nama napatikhim pa ako para bumalik ang boses ko mukhang hinihintay niya ang aking sagot! "Hindi ko sinabi sir, na kausapin mo ako, ang ibig kong sabihin, kapag may sasabihin o itatanong ka pwede po tagalog nalang, yun ang ibig kong sabihin SIR! " Dini-inan ko pa talaga ang sir sa sinabi ko, pero ayun na naman tumawa ulit! Kaya naman hindi na ako nakapagpigil at sinaway ko na siya! "kapag ikaw nagkaroon ng kabag diyan bahala ka sa sa buhay mo sir! " maktol ko sa kanya, at ito na nga! Nagtanong pa! Diosko ano to! Kakambal ni Cj sa kakulitan! Buti pa yung bata ang daling tumigil pero eto walang tigil! "What is kabag? " balik tanong niya sa akin, kaya naman tinignan ko siya nang masama kanina lang sinabi ko wag mag english eh! "You made may day, you know that sweety! " Bigla niyang nasabi pero, gusto ata bawiin, dahil napailing pa siya na akala mo may nasabing mali! "I mean, just like, your funny! " bawi niya Ok na sana yung una eh, my kasunod pa! Bigla naman akong natahimik na! Dahil wala na akong maisasagot sa kanya! Dahil malayo, layo pa ang beyahe, matulog na lang ako, bahala siya mag drive diyan, sino ba kasi maysabi na sa malayo ang kakainan niya, E'hindi naman kumain! Ako lang naman yung kumain! Pero naalala ko pala yung mcdonalds kaya Tumingin ako sa gawi niya kasi hindi ko makita, dahil nakalagay lang naman kanina dito sa tabi ko! Ngunit bakit wala! Kaya naman tinanong ko siya! "Nasaan yung mcdonalds? Tinapon mo? " tanong ko sa kanya, sumulyap naman saakin at napakunot noo pa siya, pero sinagot naman ako! " Akala ko ba busog kana? " balik tanong niya saakin at sa wakas, nagtagalog din thanks God! Nasabi ko pa na parang baliw ako! "Oo nga, busog ako, pero sayang yun! Tinapon mo? " Naghihinayang kong tanong sa kanya Pero hindi na siya sumagot, siguro nga tinapon niya. Sayang naman yun, agahan nalang sana namin E' kausap ko sarili ko, dahil hindi na siya nagsalita, matutulog nalang ako, total malayo layo pa ang bahay ko! Hindi ko namalayan na nasarapan ako sa tulog, napanaginipan ko pa na lumulutang daw ako sa E're, ang sarap kasi kapag malamig may aircon hindi katulad sa boarding namin electricfan ang gamit namin nang kaibigan ko, pero ok lang sanay na syempre, pero iba kapag aircon at ang lamig pa sa kotse ni CEO kaya naman hindi ko namalayan n nakatulog na ako! May matigas pa nga akong naram- daman sa may ulo ko eh, pero ang bango parang amoy ni CEO eto eh. Hinayaan ko muna ang mga guni-guni ko dahil tinawtawag na talaga ako ng antok! Paano ba naman kasi ay masyadong gabi na! Isa busog pa ako kaya siguro antok na antok na ako! Isa pa,panaginip lang din naman ito, kaya lubuslubusin ko na! Minsan nga kahit tulog ako nagsasalita pa ako na akala mo gising! Katulad nalang ngayon! Nakangisi daw saakin si Mr Arrogant! "Hoy Mr Arrogant wag mo ako ngingitian, baka mainlove ako sayo ayaw ko masaktan!" Maktol ko a daw sa kanya dahil sa pananigip naman ito lubus-lubusin ko na! Aba sumagot siya na nakangiti kaya naman nginitian ko rin "It will never happened sweety, I'll promise you, I will never hurt you, because I owned you, " sagot niya daw saakin, ngumiti naman ako kahit hindi ko naintindihan ang sinagot saakin, basta ang alam ko hindi daw niya ako sasaktan! At bigla nalang siyang nawala na parang bola! Saan kanpupunta? Wag mo akong iwan dito hoy! Sigaw ko pa daw ngunit dahil sa malambot na kama ako nakahiga ay napasarap na ang aking tulog! Nakita ko pa siyang nakangiti saakin na malapit ang labi niya sa labi ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD