SHARON POV
Nagkatinginan lang kami sa isa’t isa ‘tong bata na nasa harap ko ngayon, wala sa amin ang gusto na unang magsalita hanggang sa ako na ang sumuko, grabe talaga ang batang ito, kakaiba talaga!
“Ok tama na, talo na ako! “ pagsuko ko sa at aba! nginisihan lang ako!
“ Dios ko Lord, bata po ba ito? “ tanong ko pa sa kawalan, dahil kung umasta siya daig pa talaga ng isang matandang unano! Hindi naman siya talaga maliit. Ok naman ang tangkad n’ya kasi umaayon naman sa kanyang edad.
“ I’m hungry! “ Maya’t maya saad niya at nakasimangot pa. Aba kakaiba talaga tong batang to hah, dala ko ba pagkain niya! Syempre sinabi ko lang yan sa sarili ko.
“I have baon here, So if you want we can share, “ sagot ko sa kanya at pinakita ko pa ang aking mahiwagang baon. Taglish pa ang gamit kung salita total nakaka intindi naman s’ya ng tagalog.
Naubos na kasi ang baon ko kahapon na english. Nilabas ko na ang baon ko, bahala siya kung kakainin n’ya o hindi, aba! Hindi ko na problema, kung ayaw niya.
Pero ng tignan ko ang mukha niya mukhang gutom nga at may tinawagan pa siya hah, infairness, aba sosyal kausap ko ang sarili ko ulit, meron pala siyang cellphone hindi ko manlang napansin, at yun na nga may kausap na. Nag taka naman ako marunong pala siyang gumamit ng phone.
Isusubo ko palang sana ang pagkain ko ng sakto naman napatingin ako sa kanya at naka titig lang saakin. Ako naman medyo nahabag sa damdamin.
Syempre ang lola niyo eto na naman nakosensya at pinansin ko na , at inaya sa tabi ko, mukhang nagpapansin naman. Dahil naka tayo lang naman sa aking tabi.
“Halika nga dito, naku na mis mo ako agad noh? Gusto mo ba to? “ tanong ko sa kanya, tumango at umiling lang naman, hindi na ako magtaka, sosyalin ang batang to eh.Dahil kagabi nga naubos pa ang buong manok, hindi naman siya mataba.
Kaya naman tumayo na ako, at binalik ko na ang lunchbox ko sa bag, tapos hinawakan ko na ang kanyang kamay. At ang luko humagikgik pa, aba kanina lang seryoso to eh! Mukhang nagpapansin nga ang mamang liit. Napangiti na rin ako sa aming itsura. Para na nga kaming mag Ina. Napa iling pa ako sa naisip ko, lagi nalang sumasagi sa isip ko ang boyfriend, asawa, o anak, ano ba yan!
“So, where do you want to go to eat then, ? “ tanong ko sa kanya, tinuro lang ang canteen parang umurong ata ang dila neto at tahimik na ulit.
“why are you so quiet, ? “ maya-maya tanong ko sa kanya ngunit hindi pa rin nagsalita, kaya naman nag alala na ako, baka may sakit kaya dinama ko ang noo n’ya, kung mainit ba pati leeg, ok naman siya. Kaya nakahinga ako ng maluwag sa dibdib. Bigla kasi akong kinabahan.
“May sakit ka ba baby? “ tanong ko na medyo nag alala na ako, sumenyas naman na wala daw, kasi umiling naman, Siguro nga gutom lang talaga siya, kung sabagay mag 1 pm na!
“Bakit kasi hindi manlang pina kain ng ama nito bago man lang dinala doon, “ kausap ko sa sarili ko, as if naman na may sasagot saakin.
“So, your hungry hah, wait lang po, at tayo ay papasok na sa loob, ako din kasi gutom na, “ bulong ko sa kanya ng papasok na kami sa loob ng restaurant, tumango naman si mamang liit at napangiti pa, wow hah! Lumelevel up talaga ang bata. Laging may bagong pinapakita saakin.
Andito kami ngayon sa Japanese foodie, pagka pasok palang namin sa Entrance grabe na ang tingin nang mga tao saamin na akala mo naman artista kami, Ay oo nga pala tong kasama ko pwedeng child actor sa gwapo at napaka cute ba naman, binati kami nang isa sa mga staff at ginaya sa bakanteng mesa.
“Good afternoon ma’am this way please, “ magalang namam niyang pagbati saamin at pag guide sa mesa na u-upuan namin, pinay din naman tong staff dito kaya tinagalog ko na, kasi parang mabait naman dahil nakangiti siya saakin. Yun kasi ang pagka kilala ko sa isang tao, kapag palangiti mabait, like me!
“Salamat ate, “ sagot kong nakangiti, sabay sulyap kay Cj dahil tahimik na naman siya.
“Your welcome ma’am, “ sagot naman ng waiter saamin, kaya sinimangutan ko siya, at nabigla pa ata sa ginawa ko,
“Ma’am ka diyan, hindi ako ma’am, wag mo nga ako ma, mam-mam diyan, “ bulong ko sa kanya sabay simangot pa pero tong batang kasama ko nakabusangot na ang mukha kaya naman umupo na kami at pumili na siya ng order niyang pagkain. Dahil alam ko naman gutom na, ako din naman ramdam ko na din.
Hinayaan ko naman siya pumili ng gusto niya habang may kinakalikot ako sa loob ng aking bag. Baka nakalimutan ko kasi ang aking wallet.
“Give me all the special dish! “ Napa tigil naman ako sa aking ginagawa. At umalis na nga ang waitress.
Napa nga-nga pa ako dahil sa dami ba naman ng kanyang order. Diosko! Kaya tinanong ko siya kung kaya ba niyang ubusin lahat, dahil baka kulang pa ang isang buwan kong sahud sa presyo ng pagkain dito, My Gosh!
“Bakit ang dami niyan Cj, mauubos mo ba lahat,” Tanong ko, tumango lang naman ang luko ewan ko nalang ma judge nga mamaya kausap ko na naman sarili ko. Wala na din akong nagawa, mapapalaban talaga ang na ipon kong pera! Tinignan ko pa siya ng isang beses ngunit eto na naman ang ngisi niya!
Puro Shushi lang pala yun, paano naman kasi hindi ko na sinabi ang mga pangalan basta ang sabi special dish at meron pang pizza hah with cheese mukhang paborito niya ang cheese.
Bago siya magsimulang kumain tinignan muna niya ako, duda ako sa batang to, wala naman siyang pera pero bakit ang dami niyang order, hindi ko naman pina halata sa kanya na namomoblema ako sa money. Nginitian ko lang siya para kumain na.
“Mapa pahamak pa ata ang tips ko, “ kausap ko na naman sa sarili ko, pero nakangiti naman ako sa harap ng bata.
“Lagot sa akin ng Tatay neto mamaya kung sino man ang poncho pilato na yun!” dagdag ko pa sa aking reklamo, dahil isip ko lang naman ang nag uusap at ako.
Pero nawala naman ang himutok ko nung sarap na sarap na siyang kumakain parang gutom nga, kaya naman ngitian ko siya at ngumiti din saakin halla siya tapos ang nakakagulat pa yung nilagyan niya ang plato ko ng pagkain, ayeh sweet pala nang batang to, kahit pala maubos ang tips ko eh ,at kumain na din ako. Wag ko muna isipin ang gastos.
“Thank you young master, “ nakangiti kong pasalamat sa kanya, dahil pakiramdam ko nakukuha ko na loob nito eh.
Nakangiti naman siya saakin pero biglang may nag flash nang camera, ewan ko kung camera yun tunog lang naman saka parang may umilaw, kaya naman lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita mukhang busy sa kanya-kanyang table ang lahat ng tao sa loob. Pati si Cj sarap na sarap din habang kumakain. Kaya binalik ko na sa pagkain nang attention ko at sa bata. Pagtingin ko sa orasan alla
Diosmeyo marimar 2pm na lagot ako kay miss Mangiba neto kausap ko sa sarili ko, at tinignan ko pa ang bata.
“Cj we need to make fast ok, b’coz I need to go back to my work, “ sabi ko sa kanya sana naman makinig saakin ang batang ‘to, dahil napansin ko kung ano yung gusto, yun na yun, hindi pwedeng baliin.
“No need to go back, I’ll pay you! “ See, sabi ko sa inyo eh, akala mo na naman matanda, Pay daw, wala naman pera eh, kaya naman natawa pa ako sa sinabi niya, eto na naman ang agaw eksena namin, nahiya pa ako dahil nakatingin na lahat saakin, kaya binulungan ko si Cj.
“Anong pay ka diyan, bakit itong kinain natin may pambayad ka ba? “ paghahamon ko pa sa kanya, dahil kung magsalita ang kaharap kong bata akala mo may sariling pera, nagpapa tawa ba siya!
“Yeah, this is my property! “ mabilis niyang sagot saakin, at hindi ko na naman mapigilan ang napahagalpak ng tawa, wala na akong paki sa mga tao sa loob dahil nakakatawa talaga ang batang ito. Pero ng nahimasmasan na ako humarap ako ulit sa kanya.
“Alam mo Cj, alam ko naman na mayaman ang Tatay mo, pero ang bata mo pa para umangkin noh,
Kakaloka kang bata ka, “ sabi ko sa kanya na natatawa parin ako, At eto na naman ang pag kunot nang kanyang noo, mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko sa kanya,
“You don’t believe me, don’t you? “ Sabi niya saakin na para bang nagbabanta pa, ewan ko kung matatawa ako sa kaharap kong bata, pero pinatulan ko siya, ma try nga siya!
“No, as in N.O? “ sigurado ko pang sagot sa kanya, at nilakasan ko pa ang salitang NO.
Ngunit nakita ko lang naman na tinaas ang kanyang kamay At dumating naman nang isang lalaki kung hindi ako nagkakamali baka eto ang manager.
Nagtaka naman ako dahil bakit ang Manager pa ang pumunta nung nag taas ng kamay si Cj.
Maya lang ng nakatayo na sa harapan namin ang Manager ay nagsalita na si mamang liit na akala mo Bigboss.
“Who owns this restaurant? “ Matigas niyang tanong sa Manager na seryoso ngunit saakin siya nakatingin. Pinipigil ko naman ang hindi matawa sa inaasta ng bata sa harapan ko. Pero nang sumagot ang Manager bigla pa akong napa ubo.
“For Young Master Cedric John Macfin is the net owner, young master, “ Nakayukong sagot ng Manager pa kay Cj na akala mo ginagalang ang bata, hindi ako makapaniwala na sa kanya to, pero ang bata pa niya.
Dahil sa tilablahan ako sa kahihiyan eto nga bigla nalang akong natahimik. Malay ko ba eh ang bata-bata pa noh!
“So, ikaw si Cedric John Smith?,? “ maang kong tanong sa kanya, at tinanguan lang ako pati ang Manager tumango din dahil sumulyap pa ako sa kanya. Kaya pala, lahat ng tao nakatingin saamin partikular kay Cj dahil kilala pala siya.
“Ang tanga mo girl, ano ngayon hah, pahiya ka? “ sermon ko sa aking sarili. Habang si Cj naman bigla ng natahimik.
Tapos na kaming kumain, tapos na din ang kahihiyan ko kanina, sabi ko kasi E’ Don’t judge by the cover of the book pero yun ang ginawa ko sa batang to. Malay ko ba, oo nga anak siya ng mayaman pero ang bata pa niya para siya na ang may ari ng restaurant noh! Kaya naman tinanong ko s’ya, andito kasi kami sa park dito rin sa loob ng hotel, dito malapit sa swimming area, dito niya kasi ako dinala dahil nga hindi na ako pumasok sa work ko.
“Cj how old are you? “ tanong ko sa kanya na seryoso ako, para sagutin ako ng tama.
“I’am 5,” maikli naman nyang sagot, sabi ko nga 5 palang niya, ngunit bakit parang matanda na siya kung mag isip at magsalita. Kaya nagtataka talaga ako. Ngunit natigil ako sa pagmuni-muni ng siya din ang nagtanong saakin.
“how about you, how old are you,? “ hindi ko naman inaasahan ang tanong niya saakin kaya nabulunan pa ako, dahil iinom sana ako ng tubig, parang matanda talaga ang batang to,
“Um, I’m 23 why? “ Sagot ko sa kanya, patango-tango naman siya na akala mo natutuwa, ewan ko sa batang to! Makita ko lang talaga ang Tatay niya tatanungin ko talaga!
“Not bad, “ at sumagot pa wow hah nasabi ko nalang sa sarili ko, wala na talaga akong masabi sa kasama kong bata.
Palakad-lakad, paikot-ikot na kami dito sa loob ng hotel ako na ang napa pagud sa batang to daig ko pa ang Yaya neto! Gusto ko na sana magreklamo naalala ko pa sinabi n’ya kanina.
“Can you please stay with me for this day” Malungkot niyang boses na may pakiusap, yung mga mata niya malungkot na naman. Kaya naman sabi ko nga itong lola niyo maawain sa bata kaya pumayag na ako.
“Gusto mo ba dito lang ako sa tabi mo ngayon, “
Tanong ko sa kanya, tumango lang siya saakin na para bang pinipigil ang maiyak, parang kulang ata sa pansin ang batang to.
Kaya eto ako ngayon naawa na ako sa batang to
Kahit suplado, at parang matanda kung magsalita, pansin ko naman sweet siya.
Kaya naman nakapagdisiyon akong ilalabas ko
Ang kiliti na tinatago niya sa kanyang katawan.
Pag upo namin sa couch dito sa loob nang Hotel, siya naman ang ring nang cellphone niya, nagulat pa ako dahil sa lakas ng tunog, tumawa naman si Cj bago niya sinagot ang tawag at as usual seryoso na naman si Master!
“Yes! “ sagot niya na parang matanda talaga napailing nalang ako na nakatingin sa kanya dahil busy pa siya sa pakikipag usap, ni hindi ko alam kung kanino. Buti nga pinayagan pa siyang kasama ang katulad kong janitress.
“We are setting here at the waiting area, of course! “ rinig kong sagot sa kanyang kausap, aba demanding tong batang to hah! Grabe talaga galit siya sa kausap niya!
“Then hurry up to come! I’m counting on you! “ dagdag pa na akala mo talaga bossy kaya kakausapin ko ng masinsinan mamaya.
“Cj, who’s calling? “ tanong ko sa kanya nag mahinaon, dahil kumukuha ako ng bwelo.
“The monkey! “ sagot naman niya saakin tinignan ko siya ng seryoso para malaman ko, kung nagbibiro pero seryoso ang lolo kaya naman pinigilan ko ang sarili kong hindi matawa.
“ Ma judge nga mamaya kung sino si monkey, “ na sabi ko nalang sa sarili ko.
Habang naghihintay kami kay monkey na sinabi ni Cj eto na siya nakasimangot na naman kaya naman inaya ko na mag habulan kami. Para naman hindi ma board, naghahabulan lang naman kami ng paikot-ikot, may pustahan kasi kami ang talo, man li-libre ng dinner! Para malibre ako ulit, kasi sa lunch wala na naman akong binayaran eh, napa bungisngis pa ako aking sarili.
Habang nag ha-habulan kami ni Cj, may dumating na lalaki, na parang kilala ko, dahil medyo malayo pa siya kaya hindi ko pa ma sure kung sino.
Pero yung kaba ko at t***k nang puso ko hindi ko maintindihan dahil mukhang nagrarambulan na sila sa puso ko hangang si Cj na ay sumigaw na para bang ang saya-saya niya pagka kita ng taong papalapit na saamin!
“Daddy!! “ tili ni Cj na tumakbo papunta sa lalaki na tinawag niyang Daddy, nakatalikud pa ako, dahil sa oras na yun kanina ay kinuha ko ang tissue sa bag ko, ngunit ang kabog ng dibdib ko ay hindi tumigil sa lakas ng kabog. Dahan-dahan akong humarap sa kanila at ganun na lang ang laki ng mata ko sa aking nakita!