SHARON POV DAHIL hindi ko nakayanan ang nangyari sa restaurant nung isang araw, nagpa-alam na din ako kina Mr&Mrs Santos lalo na kay Luis na gusto ko nang umuwi. Isa pa nahihiya na din ako, halos isang buwan na din ang nakalipas magmula no'n na tumira ako do'n. Hinatid na rin ako ni Luis saamin para daw sa safety ko. Nahihiya man ako ngunit pumayag na din ako dahil kahit pa umamkn siya sa kanyang nararamdaman saakin ay agad din naman akong nagtapat sa kanya na hangang kapatid lang talaga ang maibibigay ko sa kanya. Hindi na rin siya nagtagal at umuwi din, ni hindi nga bumaba saaming bakuran! Medyo nagtaka pa ako sa inasta niya! Dahil panay tunog pa ng kanyang cellphone kanina ngunit hindi niya sinagot! Basta parang masaya lang siya! Kaya hinayaan ko nalang. Tumuloy na ako sa bakuran

