Chapter 1
NAKIKINIG AKO sa pinagsasabi ng kuya ko habang umiinom ako ng kape. Kanina pa siya panay kwento sa masayang lovelife niya kaya hindi ako nagsasalita dahil hindi ako maka relate.
Bagong kasal lang sila ng asawa niyang si Herrah kaya puro mabulaklak ang pinagsasabi nitong kuya ko na parang timang na nakangiti.
"Akala ko ba magbibigay ka sa 'kin ng pera kuya?" Tanong ko sakanya. Pisteng Kaede kasi yun, pinabagsak ang companya ko dahil lang sa selos sa 'kin. Pag nakita ko talaga yung bwesit na yun tatad-tarin ko siya ng pinong-pino.
Kaibigan ko siya pero talagang pinabagsak ako ng gago. Pero n'ong nagkabalikan sila ng bestfriend kong si Audrey, ang punyetang Kaede ay nag padala lang sa 'kin ng love letter. Parang tanga ang pota! Hindi pa ako inimbitahan sa kasal nila at baka daw sumigaw ako ng itigil ang kasal. Ngunit, nagulat nalang ako ng malaman kong kinuha akong ninong ng gagong yun sa pangalawang anak nila ni Audrey. Ang tangina, hiningian ako ng 50k para daw sa anak nila ni Audrey.
Kaya heto, ginugulo ko buhay ng kuya ko at pinipilit siyang mag invest. Pinipilit ko din siya na sabihan ang mga kaibigan niyang mayayaman para naman makabangon ang kompanya ko.
"Oo na. Ako na bahala do'n," sagot ng kuya ko habang nakangiting naka titig sa cellphone niya. Parang tanga!
"Nakakairita ang ngiti mo, kuya. Ano ka teenager?" Naka simangot kong sabi kaya pinukol niya ako ng masamang tingin.
Kailangan ko talagang makabangon at maraming umaasa sa companya ko. Marami akong empleyado kaya ginagawa ko ang lahat para maka bangong muli. Naka ilang sumpa ako kay Kaede na sana madapa siya habang naglalakad o matapilok man lang pero ang lakas ng kapit kay Lord kaya maayos parin ang lakad hanggang ngayon.
"Tara na, kuya. Akala ko ba susunduin mo ang asawa mo?" Sabi ko sa kuya ko kaya agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. Tumayo narin ako kaya sabay kaming naglakad papunta sa pinto ng coffee shop.
Lumabas kami ng coffee shop habang si kuya Zacreus ay tinatago ang cellphone niya sa leather jacket saka ako inakbayan.
Nakayuko akong naglalakad habang naka akbay parin sa 'kin ang kuya ko. Ngunit agad 'tong huminto sa paglalakad saka inalis ang pagkakaakbay sa balikat ko.
Naka pamulsa akong tinignan ang kuya ko na ngayon ay namumutla habang may tinitignan. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ng kapatid ko at halos magulat ako ng makita ko ang secretary kong si Hope.
"Putangina!" Mahinang mura ni kuya Zacreus habang nakatitig sa secretary ko.
Natataranta akong humawak sa braso ng kuya ko saka hinalikan siya sa pisngi.
Mahina akong natawa ng makita kong nalukot ang mukha ni kuya Zacreus at diring-diri na pinunasan ang hinalikan kong pisngi niya.
"Bwesit ka! Ang asawa ko lang ang pwedeng humalik sa 'kin." Inis niyang bulong sa 'kin.
"Wag ka nga magulo kuya," saad ko sabay siko sakanya saka tumingin kay Hope na halatang gulat na gulat ng makita kami ni kuya Zacreus.
"Ahm.. Good morning po, Sir Reagan." Bati niya sa 'kin saka yumukod sa harap namin.
Kunwari kong hinawi ang invisible bangs ko saka malanding ngumiti kay Hope. "Good morning din, sisteret. Nga pala, jowa ko.." malandi kong pakilala kay kuya Zacreus bilang boyfriend ko kaya agad akong sinakal ni kuya sa leeg.
Putangina talaga 'to! Hindi na mabiro. Plano pa yatang lagutan ako ng hininga.
Mabilis kong tinanggal ang dalawang kamay ni kuya na nasa leeg ko saka kunwaring hinampas ang braso ni kuya Zacreus. "Ganito lang talaga kami maglambingan, sisteret. May halong sakitan dahil gusto ko yung wild. Alam mo na." Nakangiti kong sabi kay Hope at malanding kumindat.
Bwesit na buhay 'to. Hindi ko aakalain na magpapanggap ako ng ganito sa buong buhay ko. Ayaw ko kasing matakot sa 'kin si Hope kaya 'to ang naisipan ko para maging komportable siya sa 'kin.
Ilang ulit ko siyang tinanong kung bakit takot na takot siya sa lalaki. Ngunit, kapag tinatanong ko ay umiiwas siya at halatang ayaw niyang sumagot kaya hinayaan ko nalang. Ayaw ko siyang pilitin din dahil halata sa mukha niya ang takot at pangamba.
May mga lalaki din akong employee pero sinabihan ko na sila na wag magpapakita kay Hope o hindi kaya ay iwasan nila si Hope kapag makita nila.
Balak ko sanang ibahin ang mga floor ng empleyado kong lalaki at mga babae para kay Hope.
"Hello po!" Bati ni Hope kay kuya Zacreus na naka busangot ang mukha.
Tumawa ako saka tumingin kay Hope. "Sige, mauna na kami, sisteret. Sinusumpong 'tong bebe boy ko eh. Kailangan ko yata siyang lambingin," saad ko saka malakas na hinila si kuya Zacreus palayo kay Hope. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Hope dahil nakikita ko sa mukha ng kapatid ko na kunting-kunti nalang ay malapit na niya akong patayin.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo kaming dalawa ni kuya Zacreus.
"Bwesit ka! How dare you!" Sigaw sa 'kin ng kuya ko habang pinupunasan ang pisngi niya gamit ang palad niya.
"Hanggang kailan ka magpapanggap ha? Pano pag nalaman ng secretary mo ang kasinungalingan mo?" Tanong sa 'kin ni kuya.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil alam kong sesermonan na naman ako ng kuya ko. "Doon siya komportable, kuya." Sagot ko.
Napabuga naman siya ng hangin saka mahinang binatukan ako sa ulo. "Ewan ko sa'yo." Saad niya saka binuksan ang pintuan ng passenger seat.
Inilibot ko muna ang paningin ko para hanapin si Hope. Nakita ko siyang naglalakd na papuntang mall kaya napabuga ako ng hangin. Naglakad nalang ako papuntang driver seat saka ako pumasok ng kotse.
"Ihatid mo ko sa bahay para kunin ang kotse ko," utos sa 'kin ng kapatid ko kaya agad kong binuhay ang makina ng kotse saka ko 'to pinausad.
AGAD KONG BINILI ang mga kailangan ko sa apartment ko. Ubos na kasi ang stocks ko kaya kailangan ko ng bumili. Mabuti nalang at linggo ngayon kaya makakapagpahinga ako pagkatapos kong mag grocery.
Nagulat pa ako kanina ng makasalubong ko ang boss ko este ma'am pala dahil kalahi siya ni Eva. Isang taon narin akong nag tra-trabaho bilang secretary niya kaya komportable na ako kay sir Reagan.
Sir ang tawag ko sakanya kapag nasa public kami, pero kapag kami lang dalawa ay momshie. Siya naman ang nag sabi no'n na yun ang itawag ko sakanya kaya sinunusunod ko lang. Ako nga lang din ang nakaka alam na kalahi ni Eva si sir Reagan.
Pero kanina, ang gwapo ng boyfriend ni bakla habang pinapakilala niya 'to sa 'kin. Medyo may pagkahawig sila lalo na kapag seryoso ang mukha ni sir Reagan.
Tulak-tulak ko ang push cart habang hinahanap ang mga can goods. Nang mahanap ko 'to ay agad akong naglagay sa push cart ko. Kailangan kong mag stock ng mga ganito dahil minsan ay tinatamad na akong mag luto lalo na't gabing-gabi na ako nakakauwi galing sa trabaho.
Kumuha narin ako ng mga pancit canton na iba't-ibang flavor saka ko tinulak ulit ang push cart.
Mabuti nalang at malaki ang sinasahod ko kay sir Reagan kaya nakakapag ipon ako. Natakot ako ng mabalitaan ko mula kay sir Reagan na nalulugi daw ang kompanya niya.
Ang akala ko ay mawawalan na kami ng trabaho lahat dahil sa crisis na kinakaharap ng Salazar Corp. Pero, nasa tamang boss kami at hindi kami pinabayaan ni sir Reagan. Kaya nga, hindi ako umaalis sa tabi niya lalo na kung nag o-overtime siya sa office. Gusto ko siyang supportahan habang inaayos niya ang problema ng companya niya. Kahit pa nga pinapa-uwi na niya ako minsan dahil gabing-gabi na.
Minsan pa nga ay nag dadala ako ng damit in case na magabihan kaming dalawa ni sir Reagan sa trabaho. May kwarto naman kasi ang office niya kaya do'n ako natutulog. Minsan nga ay katabi ko siya matulog pero hindi naman kami as in na magkatabi sa kama. May malaki parin namang space sa pagitan namin dahil malaki naman ang kama.
Kaya naging komportable ako kay sir Reagan dahil alam kong wala siyang gagawin sa 'kin dahil may puso siyang babae. Minsan pa nga ay nakikita niya akong nakasuot ng bra at halos mandiri 'to habang nakatingin sa 'kin dahil hindi daw kami talo kaya natatawa ako.
Nang matapos akong mamili at nakitang lahat ng kailangan ko ay kompleto na ay agad akong naglakad patungo sa counter para magbayad. Kumuha narin ako ng ice cream para may kakainin ako habang nanonood ng netflix.
Binayaran ko lang ang mga pinamili ko saka ako lumabas ng grocery store. Malapit lang naman ang apartment ko kaya hindi ko na kailangang sumakay.
Naglakad ako pauwi ng apartment ko at mabilis na nakarating. Sobrang init kasi kahit pa nga umaga palang naman. Masakit na ang init sa balat kaya mabilis akong naglakad.
Binuksan ko ang pintuan ng apartment ko saka ako pumasok sa loob. Inilapag ko muna ang mga binili ko sa lamesa saka ako umupo sa upuan. Kinuha ko ang cellphone ko na iniwan ko lang sa lamesa saka 'to binuksan dahil baka may message.
Nang makita kong wala naman ay agad akong tumayo saka inayos ang mga pinamili ko. Gusto ko ng manood ng netflix kaya aayusin ko na 'to agad para wala na akong gagawin. Tapos narin naman akong maglaba kanina kaya wala na akong gagawin.
Dapat mag relax lang ako ngayong araw dahil bukas ay balik trabaho na naman at sigurado ako na puro overtime na naman ang gagawin ko.