Chapter 2
PALABAS na ako ng company building kung saan ako nag tra-trabaho. Nag undertime lang kasi ako ngayon dahil uuwi ako ng Quezon province. Pinayagan naman ako ni sir Reagan na umuwi ng maaga at mag leave ng three days.
Kailangan ko kasing bisitahin ang nakaka tanda kong kapatid dahil matagal ko na din na hindi siya nakikita. Sinakto ko narin ang pagpunta dahil fiesta din sa barangay kung saan nakatira sila ate.
Inayos ko na kagabi ang mga dadalhin ko kaya kukunin ko nalang ang bag ko saka ako lalarga. Mahaba pa ang byahe ko kaya matutulog talaga ako mamaya sa bus.
Nang makarating ako sa tinutuluyan kong apartment ay agad kong kinuha ang bag na dadalhin ko. Lumabas naman agad ako ng apartment ko para daanan muna ang caretaker.
Nakita ko si manang Luz na nag wawalis sa bakuran kaya tumikhim ako para kunin ang attensyon niya.
"Oh.. Hope, ngayon ba ang alis mo?" Tanong sa 'kin ni manang Luz kaya tumango ako habang may ngiti sa labi.
"Opo. Pwede po bang patingin-tingin ako sa apartment ko manang?" Pakiusap ko dahil hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari last year n'ong umalis ako saglit para mag grocery. Pag balik ko no'n ay sira na ang kandado ng pinto ko at ninakaw ang cellphone at pera ko.
"Sige, hija. Akong bahala," saad ni manang.
"Salamat po! Alis na po ako," nakangiti kong sabi.
"Sige, mag-iingat ka!" Sagot naman sa 'kin ni manang Luz kaya tumango ako saka ako naglakad palabas ng apartment.
Ngunit, laking gulat ko ng makita ko ang baklang boss ko na nakatayo habang naka sandal ang likod nito sa sasakyan. Naka suot siya ng sunglass habang naka suot ng jogger pants at red na tshirt.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na bakla si sir Reagan. Wala kasi sa hitsura niya, idagdag pa ang katawan niya na namumutok ang mga muscle sa braso. Malapad din ang balikat niya at halatang may abs na tinatago. Lagi ko pa siyang tinutukso na baka mga boys lang ang habol niya sa gym kaya siya pumupunta do'n.
"Anong ginagawa mo dito, sir?" Tanong ko sakanya ng makalapit ako. Umayos naman siya ng tayo saka tinanggal ang suot niyang sunglass.
"Sama ako sa'yo sa probinsya, sisteret." Nakangisi niyang sabi kaya pinalo ko ng mahina ang dibdib niya.
"Aray naman, sisteret, tinamaan mo ang boobs ko," reklamo niya sa ginawa ko sabay taklob ng dalawang palad niya sa dibdib na kunwaring may tinatakluban.
"Wala ka namang boobs," saad ko sabay himas ng dibdib niya.
"Ouch, sisteret naman eh," reklamo na naman niya sa 'kin ng kinurot ko ang dibdib niya. "Mahal ang iniinom kong pills para magkaroon ako ng dibdib no!" Irap niyang sabi sa 'kin saka kunwaring hinawi ang bangs niya kahit wala naman. Napaka etchusera talaga. Minsan nga ay inaamoy niya ang buhok ko dahil naiingit daw siya dahil hindi daw niya mapahaba-haba ang buhok niya.
"Bakit gusto mong sumama?" Tanong ko sakanya.
Ngumisi siya ng nakakaloko bago siya nagsalita. "Syempre, maghahanap ako ng papable do'n. Alam mo na!" Malamang sabi niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya pero sa kasamaang palad ay wala akong makurot dahil ang tigas.
"Sige, momshie.. sama ka na lang para makatipid naman ako sa pamasahe," nakangiti kong sabi. Ngumiti siya sa 'kin saka niya binuksan ang pintuan ng passenger seat kaya agad akong lumapit para pumasok. Naramdaman ko namang inagaw sa 'kin ni Reagan ang dala kong bag kaya hinayaan ko na dahil mabigat din naman kasi ang dala ko. Bumili kasi ako ng mga pasalubong din para sa mga pamangkin ko.
Binuksan ni sir Reagan ang pintuan ng backseat saka niya ipinasok ang bag kong dala saka niya isinara ang pinto.
Hinintay ko lang na makapasok sa loob ng kotse si sir Reagan habang kinakabit ko ang seatbelt.
"Wag mo akong tutulogan sa byahe, Hope. Baka makatulog din ako," saad niya ng makapasok siya sa loob ng kotse.
"Yes, sir." Sagot ko sakanya.
Binuhay niya ang makina ng kotse saka niya 'to pinausad.
"Three days ako do'n, momshie. Wag mong sabihin three days ka din do'n?" Tanong ko sakanya.
"Ano naman ngayong kong three days din ako do'n? Maghahanap nga ako ng papable 'di ba! Kung gusto mo samahan mo pa ko," saad niya habang nakatuon ang mga mata niya sa daan.
"Pass ako do'n, mamshie. Ikaw nalang maghanap." Sagot ko saka kinuha ang cellphone ko sa sling bag na dala ko.
"Wala ka bang balak mag boyfriend, Hope? Wag mong sabihin sa 'kin na hindi ka mag-aasawa kahit kailan," saad niya kaya tumingin ako sa gawi niya.
"Parang ganun na nga, momshie. Wala talaga akong balak mag-asawa," sagot ko habang nagkakamot ng ulo.
"Wag kang ganyan, Hope. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo dati dahil ayaw mo namang sabihin sa 'kin pero sana.. pag-isipan mo muna yang sinasabi mo. Malay mo, may umiyak kapag nalaman na wala kang balak mag-asawa," mahaba niyang sabi sa 'kin dahilan para kumunot ang nuo ko.
"Sino naman ang iiyak, boss? Sa pagkakatanda ko ay wala ng mga lalaki sa building mo. Nilipat mo na kaya sa ibang building," saad ko sakanya. Napansin ko namang humigpit ang hawak niya sa manibela habang naka focus parin ang mga mata niya sa daan.
"Ahm.. sabi kasi n'ong guard crush ka niya eh," sagot niya sabay tingin sa 'kin.
"Guard? Eh, 'di ba nga puro lady guard ang nandon sa building mo?" Tanong ko sakanya. Narinig ko naman ang mahinang mura niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.
"I mean, yung dati pang guard na naka duty sa company ko. Nakita ka kasi daw niya n'ong nag apply ka," sagot niya.
Napakamot nalang ako sa nuo ko saka ngumiwi. "Sana hindi ko na makita ang guard na sinasabi mo, momshie." Sabi ko saka pinindot ang cellphone ko.
Tumahimik naman si sir Reagan kaya hinayaan ko nalang. Ang haba ng byahe namin kaya medyo masakit na ang pangupo ko.
Nakarating kami sa Quezon Province saktong 9PM na. Pero nasa sulok-sulok pa ang barangay nila ate kaya nasa byahe parin kami.
Nang makarating kami sa harap ng bahay ng ate ko ay agad akong bumaba ng kotse dahil ang sakit na talaga ng pangupo ko.
"Hope.." agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ng ate ko.
"Ate, kamusta?" Nakangiti kong tanong sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad ako palapit sakanya.
"Ayos lang. Mabuti naman at nakarating ka na." Sabi ni ate saka hinaplos ang buhok ko.
"Akala ko mag b-bus ka? Umarkela ka ba ng kotse papunta dito?" Tanong sa 'kin ni ate. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala kong hindi nga pala ako nag chat sa ate ko na sasama ang boss ko.
"Ahm.. kasama ko po ang boss ko ate," nakangiwi kong sabi sa ate ko.
"Boss mo? As in yung ganito," saad ni ate saka kinumpas ang kamay niya na parang maarte.
Mahina akong natawa saka tumango sakanya. "Teka lang ate, pupuntahan ko lang ang boss ko." Pagpapaalam ko sa ate ko saka ako naglakad papunta sa naka paradang kotse. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi parin bumaba ang boss ko.
Binuksan ko muna ang pintuan ng passenger seat para makita ang ginagawa ng boss ko. "Boss, halika na!" Tawag ko sakanya.
"Hindi ba nagalit ang ate mo na sumama ako?" Tanong niya sa 'kin.
"Bakit naman magagalit? Ayos lang kay ate 'yon. Halika na, boss!" Aya ko sakanya. Bumuga naman siya ng hangin bago niya binuksan ang pintuan ng driver seat saka bumaba ng kotse.
Isinara ko narin ang pinto ng passenger seat saka ko binuksan ang pintuan ng backseat para kunin ang gamit ko.
Nang makuha ko 'to ay agad akong naglakad papunta sa ate ko na nakatayo sa harap ng gate ng bahay niya.
"Kinakabahan ako sa ate mo, Hope." Bulong sa 'kin ni sir Reagan.
"Relax ka lang boss. Hindi naman kumakain ng tao ang ate ko," pagpapakalma ko sakanya saka hinawakan ang kamay niya saka kami sabay naglakad papunta kay ate.
"Ate, boss ko nga po pala. Si Sir Reagan Salazar," nakangiti kong sabi kay ate.
"Magandang gabi po, sir." Magalang na bati ng ate ko na yumukod pa kay sir Reagan.
"Magandang gabi din po," magalang din na sagot ng boss ko.
"Oh.. siya, pasok kayo sa bahay ko at baka na gugutom na kayo," saad ni ate saka binuksan ang maliit na gate.
Nauna akong pumasok habang si sir Reagan naman ay nakasunod sa 'kin.
"Pag pasensyahan mo na po sir Reagan ang maliit kong bahay," sabi ng ate ko.
"No, it's fine. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya dahil sumama ako sa kapatid mo," sabi ni sir Reagan habang nag kakamot sa likod ng ulo niya.
"Ay ayos lang po yun, sir Reagan. Mabuti nga po at may kasama siyang bumyahe. Kanina pa din ako nag-aalala sakanya." Sagot ni ate saka umakbay sa balikat ko.
Pumasok kami sa bahay at agad akong umupo sa mahabang sofa na nasa sala nila ate. Tumabi sa 'kin si sir Reagan habang si ate naman ay naghahanda ng pagkain sa kusina.
"Nasaan na ang mga pamangkin mo?" Bulong na tanong sa 'kin ni sir Reagan.
"Tulog na yung mga yun sir. Bukas nalang kita ipapakilala sa mga makukulit kong pamangkin." Sabi ko.
"Nakahanda na ang pagkain. Hali na kayo!" Tawag samin ni ate kaya agad akong tumayo. Maging si sir Reagan ay tumayo din at sabay kaming tumungo sa kusina.
"Mukhang masasarap ate ahh," nakangiti kong puri sa hinandang ulam ng ate ko.
"Syempre naman.. ako nagluto niyan eh," sagot sa 'kin ng ate ko. Masarap kasi siya magluto ng pagkain. Sa katunayan pa nga ay may karenderya ang ate ko na nasa harap ng university.
Nag simula kaming kumain ni sir Reagan habang ang ate ko naman ay nakaupo din sa katapat kong upuan.
"Hindi ka na ba kakain ate?" Tanong ko.
"Naku, kanina pa ako kumain," sagot niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag subo ko ng pagkain.
"May kasiyahan bukas sa gym, Hope." Sabi sa 'kin ni ate.
"Disco ba ate?" Tanong ko dahil kung disco lang naman ang nandoon ay matutulog nalang ako.
"Meron pero mauuna ang Miss Gay." Sabi ni ate kaya tumingin ako sa gawi ni sir Reagan.
"Sayan naman.. kung alam ko lang na sasama ang boss mo dapat pala nilista ko siya para makasali sa contest. Sigurado ako na mananalo ka talaga do'n sir Reagan." Sabi ni ate.
Dali-dali naman akong nilagyan ng tubig ang baso na nasa harap ko ng masamid si sir Reagan. Inabot ko sakanya ang tubig na agad naman niyang tinanggap at agad ininom.
"Ayos ka lang, sir Reagan?" tanong ko sakanya sabay haplos sa likod niya.
Tumango naman siya habang mahinang pinapalo ang dibdib niya.
"Naku, pasensya kana po, sir Reagan. Na bigla ka po yata sa sinabi ko," panghihingi ng ate ko ng pasensya sa boss ko.
Ngumiti lang si sir Reagan kay ate habang ang mukha niya ay pulang-pula dahil siguro sa pag ubo niya kanina.