Chapter 3
NAKAUWI na kami ni sir Reagan kahapon sa Manila. Kaya heto, balik trabaho na naman.
Maaga akong nagising dahil balak kong pumasok ng maaga ngayon para malinasan ko muna ang office ni sir Reagan.
Nag titimpla ako ng kape habang nakikinig ng music sa cellphone ko. Umupo ako sa upuan saka ako humigop ng kape.
Kape lang ginagawa ko sa umaga at sa tanghali ako bumabawi ng kain. Lagi kasi akong inoorderan ng pagkain ni sir Reagan kahit minsan ay wala 'to sa companya.
Napatigil ako sa pag higop sa kape ko ng may marinig akong katok sa labas ng apartment ko. Tumayo ako para pag buksan kung sino man ang kumakatok sa pinto ko.
Pinihit ko ang siradura saka ko binuksan ang pintuan. Bumungad sakin ang mukha ni sir Reagan na may dalang maliit na paper bag.
"A-anong ginagawa mo dito sir Reagan?" Kunot noo kong tanong sakanya.
"Para sa'yo," saad niya sabay abot ng paper bag na hawak niya.
"Ano po 'to?" Ranong ko ulit sakanya.
"May nakita kasi akong nag bebenta ng ube pandesal, ang sabi kasi masarap daw," sagot niya.
"Ang aga mo naman po yata sir? Nagkakape palang ako eh, tapos ikaw papunta na ng office," saad ko habang ang mga mata ko ay titig na titig sa suot niyang suit na halatang mamahalin.
"You can have a day off, Hope. Alam kong pagod ka pa sa byahe," saad niya sa 'kin.
"Ayos lang po momshie. Baka matambakan ako ng trabaho kung hindi ako papasok ngayong araw," saad ko. "Teka, nag kape kana ba, momshie?" Tanong ko na ikina-iling niya.
"Pasok, momshie. Ipagtitimpla muna kita ng kape," aya ko sakanya. Pumasok naman siya saka umupo sa pang-isahan kong sofa.
Dumeritso naman ako sa kusina para ipagtimpla ng kape ang boss s***h momshie ko.
Inilagay ko na din sa plato ang binili niyang pandesal saka ko 'to dinala sa sala saka inilapag sa mesa na nasa harap ni sir Reagan. Bumalik ako ulit sa kusina para kunin din ang kape ko.
Umupo ako sa sahig dahil isang upuan lang naman ang meron ako dito sa apartment. Kumuha ako ng pandesal saka 'to kinagatan. Si sir Reagan naman ay humigop ng kape na tinimpla ko.
"May business meeting ako ngayon araw," saad niya saka kumuha ng pandesal.
"Meeting po? Wala naman naka sched na meeting mo ngayon sir Reagan," kunot nuo kong sabi dahil memoryado ko ang schedule niya ngayong araw.
"Biglaan lang. Kaya pwede kang mag day off ngayong araw," sabi niya.
"Nga pala, sir Reagan. May itatanong po ako sa'yo," saad ko. Kagabi ko pa talaga gustong itanong 'to kay sir Reagan habang nasa byahe kami.
"What is it?" Tanong niya sa 'kin saka humigop ng kape.
"Ahm.. ano ang pinag-usapan niyo ng ate ko nong tinawag ka niya para makausap." Saad ko dahilan para mabilaukan si sir Reagan sa kape na hinihigop niya.
"Ayos ka lang ba sir Reagan?" Raranta kong tanong.
"Napaso yata dila ko," sabi niya habang pinapaypayan ang dila niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Lumapit ako kay sir Reagan saka ko sinapo ang magkabilang pisngi niya para tignan ang dila niya na napaso.
"Anong ginagawa mo?" Tanong sa 'kin ni sir Reagan.
"Titignan ko lang po ang napaso mong dila, momshie." saad ko habang pilit na binubuka ang bibig ni sir Reagan.
"Ayos na ko, sisteret." Saad niya saka niya hinawakan ang kamay ko. Inilayo niya ako sakanya kaya napatitig ako sa kamay naming dalawa na hawak ni sir Reagan.
Bumaba din ang tingin niya don kaya agad niyang binitiwan ang kamay ko at parang diring-diri 'to na nahawakan niya ang kamay ko.
"Hindi tayo talo, sisteret." Saad niya saka kinuha ang alcohol na naka patong sa cabinet ko.
"Ito naman, nag-aalala lang ako sa dila mo momshie eh," naka nguso kong sabi.
"Mas gugustuhin ko pa kung papable ang hahawak sa mukha ko, sisteret." Irap niyang sabi sa 'kin sabay hawi sa invisible bangs niya. Natawa nalang ako dahil diring-diri siya sa ginawa ko.
"Alis na ako. Pogi ang ka business meeting ko kaya dapat maaga ako," malandi niyang sabi saka kumendeng-kendeng na naglakad papunta sa pinto.
Napa-iling nalang ako habang naka masid kay sir Reagan na maarteng pinihit ang siradura ng pinto saka nag flip hair bago tuluyang lumabas ng apartment ko.
NAGMAMADALI AKONG bumaba ng hagdan habang hinahaplos ang dibdib ko sa nangyari kanina. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko na halikan si Hope, kundi mabubuking na niya talaga ako.
Naalala ko pa ang sinabi ng ate niya sakin nong kinusap niya ako mag-isa. Hindi ko aakalain na mahahalata ako ng ate ni Hope.
Alam niyang nag kukunwari lang ako kaya winarningan ako ng ate ni Hope na sabihin ang totoo kay Hope. Ngunit, nag dadalawang isip ako lalo na't alam ko na magagalit siya sakin.
Minsan pa naman ay nag papatulong sakin si Hope mag pakabit ng strap ng bra niya kapag natanggal 'to. Kahit ako naman ay nahihirapan, kinakabit ko ang strap niya pero ang alaga ko tumitigas na. Putangina talaga!
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Hope na isa talaga akong lalaki. Ayaw kong magalit siya sakin pero ayaw ko narin naman mag sinungaling. Nahihirapan narin kasi akong mag panggap kapag nasa harap niya. Maging ang kuya ko ay lumalayo sa 'kin kapag nakikita niya ako na kasama ang secretary ko dahil alam niyang gagawa ako ng eksena.
Agad akong sumakay sa kotse ko na nakaparada sa labas ng apartment ni Hope. Binuhay ko ang makina saka ko 'to pinaharurot. May ka business meeting kasi ako ngayon, mabuti nalang at pinakilala ako ni Kier sa kaibigan niya na interesadong mag invest sa companya ko.
Unti-unti na kasing nakakabangon ang companya ko sa ginawa ni Kaede. Mabuti nalang at may magaling ako na kuya at kaibigan na malalapitan.
Nakarating ako sa isang open area na coffee shop at agad akong naghanap ng maparkingan ng sasakyan ko.
Hindi naman mainit ang pwesto ng coffee shop kaya masarap 'tong tambayan.
Bumaba ako ng kotse at naglakad papunta sa coffee shop. Nakita ko agad ang kaibigan ni Kier na ang pangalan ay Eros. Nagka-usap naman na kami pero gusto ko lang siyang makausap ulit para maging kaibigan. Napag-usapan na namin ang tungkol sa business. Nag sinungaling lang talaga ako kay Hope para masilayan ko siya ngayong umaga. Ayaw ko siyang mapagod kaya ayaw ko muna siyang papasukin sa trabaho.
Nakita ako agad ni Eros kaya tumango siya sa 'kin. Naglakad ako palapit sa table niya saka ako umupo sa katapat niyang upuan. Nag fist bump kaming dalawa saka ako nagsalita. "Kanina ka pa?" Tanong ko sakanya.
"Hindi naman," sagot niya sa 'kin saka itinaas ang kamay niya para tawagin ang waiter.
Umorder lang si Eros ng kape na para sakin dahil naka order na 'to ng sakanya.
"Papunta din dito si Kier," saad ko. "Nag text kasi siya sa 'kin. Sabi niya 8AM nandito na siya," dagdag kong sabi.
"Maniwala ka do'n. Baka 8PM," sagot niya sa 'kin kaya mahina akong natawa.
"Parang ako ang topic niyo ahh," Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na yun.
Umupo si Kier sa upuan na nasa pagitan namin ni Eros. "Wala pa akong tulog mga brother kaya mukha akong panda," saad ni Kier saka kinuha ang kape ni Eros saka naki higop.
"Gago! Kape ko yan!" Reklamo ni Eros saka binatukan si Kier sa ulo dahilan para mabilaukan 'to sa kape na hinihigop niya. Umuubo naman 'to habang pinapalo niya ang dibdib niya.
"Kingina ka kuya Eros! Wag kang magpapakita sa bar ko ha!" Banta niya kay Eros ng makabawi 'to.
Si Kier talaga ang una naming nakilala ni kuya Zacreus. Lagi kasing pumupunta si kuya Zacreus dati sa bar ni Kier para kalimutan ang nararamdaman niya sa inampon ni mama.
Lagi ko siyang sinusundo sa bar na yun sa t'wing lasing na lasing siya kaya nakilala ko si Kier dahil tinutulungan niya akong magbuhat kay kuya palabas ng bar.
"Balita sa 'kin ni kuya Zacreus may kadramahan ka daw," saad ni Kier
sa 'kin. Nalukot ang mukha ko dahil alam ko kung anong tinutukoy niya. Yung kuya ko talagang yun, may pagka tsismoso. Nag-asawa lang, naging madaldal na, hindi naman siya ganun dati.
"Ano yun ha?!" Ranong naman ni Eros na halatang gustong malaman ang sinasabi ni Kier.
"Si Reagan.. nag dra-drama daw na bakla sabi ni kuya Zacreus sa 'kin," saad ni Kier kaya mas lalong nalukot ang mukha ko. Gusto ko na talagang isako ang kuya ko.
"Bakit?" Takang tanong ni Eros sa 'kin.
"Kasi.. ahm.. pano ko ba sasabihin," saad ko habang nagkakamot ng ulo.
Magsasalita sana ako ulit ng mahigip ng mata ko si Hope na naglalakad sa kalsada. Bigla akong kinabahan saka ako nag taklob ng mukha gamit ang kamay ko para hindi ako makita ni Hope.
"Anyare sa'yo?" Takang tanong sa 'kin ni Kier dahil sa ginagawa ko.
"Mukhang alam ko na ang dahil kung bakit siya nagkaka ganyan," saad ni Eros habang nakatingin sa paligid.
"Kaya kaba nag papanggap para makalapit ka sa babae?" Tanong sa 'kin ni Eros kaya bumuga ako ng hangin.
"Takot siya sa lalaki," sagot ko saka sinilip ulit si Hope kung nakalayo na ba 'to. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Hope na medyo malayo na samin.
"Yun din ang sinabi sa 'kin ni kuya Zacreus. Paano kung mahuli ka ng secretary mo ha?!" Saad ni Kier sa 'kin. Hindi ako naka sagot dahil hindi ko din alam ang mangyayari kapag nalaman ni Hope ang totoo.
"Kung ako sa'yo, bud, sabihin mo na ang totoo at baka mas lalo lang magalit ang babae sa'yo." Dagdag na sabi ni Kier sa 'kin.
"Hindi lang magagalit kamo, baka isumpa pa siya ng babae kapag nalaman na nag babalat-kayo lang pala siya," sabat ni Eros dahilan para mapabuntong hininga ako.
Tama naman kasi sila, maging si kuya ay kinukulit ako na sabihin ko na daw ang totoo. Pinagbantaan din ako ng ate ni Hope na kapag hindi ko pa daw sinabi ang totoo sa kapatid niya ay siya daw mismo ang magsusuplong sakin. Pero tangina, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko din alam kung bakit takot na takot si Hope sa mga lalaki. Napansin ko din n'ong nasa bahay kami ng ate niya ay hindi din nag pakita ang asawa ng kapatid niya. Tinanong ko ang ate ni Hope kung bakit wala ang asawa niya sa bahay, ang sagot niya ay para hindi daw matakot si Hope at maging komportable daw 'to sa bahay niya.
Gustong-gusto kong malaman ang nakaraan ni Hope, gusto ko siyang tulongan. Pero pano ko siya tutulongan kung ayaw naman niyang magkwento sa t'wing tinatanong ko siya.