'Plagiarism is the outcome of jealousy'
⚠️: This story is unedited so spare me for the wrong grammars and typos.
Mahal kong Samuel,
Tutol man ang panahon at libo-libong henerasyon ay patuloy parin akong gagawa ng paraan upang tayo'y paghugpungin ng tadhana sa tamang panahon.
Maria
Sa hindi ko mawaring dahilan ay bigla nalang nagbagsakan ang mga luha sa aking pisngi. Bakit ganun, napaka simple lamang ng sulat na binasa ko pero para itong may kakaibang epekto na nag dala ng kakaibang pakiramdam sa aking buong katawan. Is it possible na makaramdam ng wierd na feeling-crap that out, this is more than just weird and this feeling was so surreal. Ngayon palang ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko and I hate it.
I am Maria Cruzzette Ruzzo at wala sa bokabularyo ko ang umiyak o maging mahina, lalong lalo na ang makaramdam ng ganito ka kakaibang pakiramdam. Para bang ako yung mag sulat ng liham para sa taong mahal ko-but Damn,ni minsan ay hindi pa kami nagkasalubong ni kupido kaya paanong ganito kabigat ang nararamdaman ko? Ito ang kauna unahang pagkakataon na walang akong magawa upang patahanin ang sarili ko sa pag-iyak. Sobrang sakit ng dibdib ko to the point na nahihirapan nakong huminga but I just can't calm down. Ano bang nangyayaru sakin?
I put the letter back sa pagitan ng mga pahina ng libro. Halos magkapunit- punit na ito dahil sa patak ng mga luha kong bumagsak dito. But I tried as hard and as careful as I can para mapanatili itong hindi magkapunit- punit at matupi. It seems old, very old.
Agad akong tumayo at patakbong lumabas ng library ni Daddy. Habang paakyat ako ng hagdan ang nakasalubong ko si Mang Kaloy, he asked me what happened at kung bat daw ako umiiyak . Nilagpasan ko na lamang siya dahil wala din naman akong maisasagot. Mismong ako ay hindi ko malaman kung ano ang nangyayari sakin. Nang makarating nako sa kwarto ay agad akong sumampa sa kama ko at nagtaklubong ng kumot.
I let the pain that I feel burst out. Bakit ganun? Amg sakit sakit ng pakiramdam ko sa tuwing naalala ko yung sulat? Bakit ba kung umiyak ako ay parang wala ng bukas? Bwiset na Maria- we had the same name, damn. Hindi kaya ako yung nagsulat nun noong bata pa ako? Oh yeah, quite very impossible dahil mukhang mas matanda pa kay Rizal yung papel at ang date kung kailang yun isinulat ay 1850. Dream on that it's me, dur. Ahh this is insane...kailangan kong tumahan. I need to calm down dahil kung hindi ay magbibigti talaga ako for breaking my record and a damn promise to myself-someone? Na hinding-hindi ako iiyak. Ni hindi ko nga rin maalala kung kailan ako nangakong hindi ako iiyak but it became a habbit na kapag naiiyak ako o pakiramdam ay hirap na hirap nako bigla-bigla nalang akong nakakaring ng boses na nagsasabing wag daw akong iiyak dahil pangako ko daw yun. Pero ngayon? Wala, walang pumigil sa pag iyak ko.
"This is insane.Tanginang sulat ka!" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Ang gulo- gulo ko. Bakit parang pakiramdam ko ay may tao akong gustong-gustong makita pero hindi ko namn alam kung sino. I just need HIM. Nasaan na ba siya? Sino ba siya? Bakit ba wala akong maalala? Damn.
"Will someone *huk* let this pain away? Ang sakit sakit tang*na!Bakit ko ba to *huk* nararamdaman huh?! Ayoko ko ng ganito...ayoko *huk* talaga,"
Inihagis ko ang kumot sa kung saan at isinunog ang mga unan. Nagkalat ito sa sahig, bumaba ako ng kama at naghalungkat ng kung ano- anong mga bagay sa loob ng mga drawer ko. I'm finding for something na hindi ko naman alam kung ano. Basta ang alam ko lang, kapag nahanap ko yun ay mawawala na yung sakit na nararamdaman ko.
Patuloy lang ako sa paghalungkat ng kwarto ko pero wala paring nangyayari. Mukha akong tangang umiiyak ng walang patid habang naghahanap ng isang bagay na hindi ko rin naman alam kung ano.
Hanggang sa hindi ko na kinaya yung bigat ng dibdib ko, lahat ng mahawakan ko ay ibinabato ko sa kung saan. Damit.Sapatos.Libro.Vase. Kahit anong mahagilap ng kamay ko ay hindi ko pinalampas, naiinis ako dahil hindi ko parin mahanap yung bagay na kailangan ko. At ang peste kong pag iyak na parang papasa na sa pagiging taga iyak sa lamay.
Namamanhid na yung mata ko sa kakaiyak pero patuloy parin sa pag agos yung mga luha ko. Wala narin akong madampot na bagay dahil halos lahat ay naitapon ko na at nagkalat na sa sahig.
Napaupo ako sa sulok habang patuloy parin sa pag iyak. Na mi-miss ko na siya. Gustong gusto ko na siyang makita,pero hindi ko alam kung paano at hindi ko din alam kung sino. Nangako ako sa kanyang babalik ako...na gagawa ako ng paraan upang magtagpo kaming muli. Ngunit hindi ko iyon natupad. Patawad mahal ko, patawad kung hindi ko alam kung paano bumalik sayo. Patawad kung....patawad kung ni ngalan mo o wangis ay hindi ko matandaan ngunit ang puso ko...naaalala ka ng puso ko.
Tiyak kong matagal na panahon ka nang nag hihintay sa pagbabalik ko ngunit patawad. Wala akong magagawa dahil tinatraydor ng aking alaala aking sinta. Kung nasaan ka man ay humihingi ako ng tulong. Hayaan mo na akong makalimot sa kahapon. Ayoko ng ganito, ayoko na ng sakit. Alam mong kaya kung kalabanin ang mundo hanggat narito ka sa tabi ko... Ngunit wala ka. Kaya wala din akong dahilan upang lumaban pa at tiisin ang sakit na dulot ng limot na nating pag-ibig. Hayaan mo na akong kalimutan ka...pabayaan mo na ko. Hayaan mk namang maging masaya ako sa mga nalalabing araw ng buhay ko.
Batid kong ikaw ang nagdudulot sa akin ng ganito , pero ayoko. Alam kong nangako ako, nangako akong ikaw lang ang mamahalin ko at babalik ako sayo. Tinupad ng luso kung ibigan ka at maging tapat sayo ngunit ang pangakong akoy magbabalik ay tila imposible ng mangyarj kahit pa sa panaginip.
Ayoko nang bumalik dahil hindi ko alam kung paano. At kahit na alam ko ma'y hindi ko na nanaisin pang bumalik sa panahon mo. Ayokong patuloy tayong patayin ng pag ibig nating tutol ang buong daigdig.
"Please*huk* set me free,"
Hindi ko alam kung bakit ko nasambit ang mga salitang yun. Sino ba itong tinutukoy na utak ko? Wala akong maalala.
Ilang sandali pa'y tumigil na rin sa pag agos ang mga luha ko. Biglang naging blanko ang utak ko halos buong araw akong naupo sa sulok at tulalang naghihintay sa kung ano ngunit hindi ko din nais na dumating.
-binibiningusasaya?
Date started: May 8, 2021