'hmmm'
Napaungot ako ng magmulat ang aking mga mata. Sobrang sarap sa pakarimdam ng mahiga sa isang malambot na kama habang yakap ng isang mainit na katawan. Hinawakan ko ang kamay na nakapulupot sa aking beywang at mas hinigpitan ang pagkakayapos nito sa akin. Napahinga ako ng malalim habang nakapikit parin ang aking mga mata. Bahagyang gumalaw ang katawang nakapulupot sakin at idinantay ang binti nito sa akin. Mas lalong humigpit ang yakap nito. Ang sarap.
T-teka...Y-yakap?
Agad akong napamulat at napabalikwas sa pagkakahiga. Malakas na naitulak ko ang katawang nakadikit saakin dahilan upang bumagsak ito sa sahig.
Kinakabahan akong napatingin sa paligid. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng isang kwarto na sobrang pangit ng interior design, malawak at malinis sa buong kwarto at maayos na naka arrange ang mga furnitures. May isang gawa sa kahoy na aparador na naka pwesto katabi ng isang pinto, meron ding lamesa na nasa harap ng bintana, may mga librong maayos na nakapatong rito at isang vase na may nakalagay na bulaklak. Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na nagmula sa sikat ng araw na sumisilip sa bintana. Nananaginip ba ako? O baka naman nasa langit na dahil nagsawa na sila sakin sa empyerno o na realise na isa naman talaga akong maganda at mabuting tao? O baka naman ginawa akong asawa ng Lolo ni Lucifer? Like what the hell, bakit ba kasi wala na ako sa loob ng selda?Kinapa ko ang damit ko, heck! Bakit iba na ang suot ko? What the hell am I wearing? At sinong anaknamputa ang nag bihis sakin?! Hindi kaya totoong ipinaasawa ako sa Lolo ni Lucifer tapos ni r**e niya 'ko? Siya din kaya ang nagbihis sakin? Pinakarimdaman ko ang katawan ko, ang sakit ng buong katawan ko. Damn, I'm rapedddd...No way-
"Magandang umaga Binibini,"
"Aaaaahhhh!"
Napalundag ako sa takot ng may biglang nagsalita sa harap ko. Nakatayo dun ang isang lalaki na nakahawak sa likod na parang nabali ngunit nakakalokong ngumingisi. Agad na rumihestro ang inis at galit sa sisitema ko ng makita ko ang mukha niya.
Walang pagaalinlangan kong dinampot ang isang unan at tinapon iyon sa kanya pero mabilis siyang nakailag.
"What the f**k, lubayan moko!! " Gigil na sigaw ko sakanya. Hindi talaga ako nilulubayan ng demonyong to.
Biglang namang kumunot ang noo niya na para bang labis na nagtataka. Lord, pigilan niyo ko, pepektusan ko ang lecheng to.
"Lumayo ka sakin. Stay the heck away from me you son of a b*tch. Pangit ka! Tuloonggggg!! " Dahan-dahan akong hakbang paatras dahil humahakbang din siya palapit sakin. This hypocrite. Bakit ba kasi siya nandito? Hindi kaya siya ang kumuha sakin sa kulungan at ni r**e ako? Ang sama-sama niya talaga. Hindi porket gwapo siya ay may karapatan na siya gawin sa akin to. I hate him to the highest degree and I curse him to infinity.
Napatigil ako ng maramdaman ang matigas na pader na nasa likod ko. Isang hakbang nalang din ang layo namin sa isa't isa. Biglang bumilis ang paghinga ko dulot ng sobrang kaba. Baka biglang tumubo ang sungay nito at tusukin ako.
O di kaya'y bugahan ako ng apoy.
"Mukhang hindi maganda ang naidudulot ng pagmamadre sa iyo, binibini ko"
" A-ano? Bininini ko? Eh kung bigwasan kaya kitang kupal ka? Tinatangina mo ba akong demonyo ka? Ilabas mo yang sungay mo, bwesit ka!" Napapikit pako sa sobrang inis dahil sa kanya. Lakas ng trip netong tawagin akong binibini niya pagkatapos ng ginawa niya sakin.
Seryoso lang siyang nakatitig sakin habang naka amba ang mga magkabilang kamay sa pader na nasa likod ko upang bakuran ako. Napalunok ako ng tatlong beses. Nagsimula ng mamawis ang noo ko dahil sa kaba at pagkailang. Tama, sino bang hindi maiilang sa ganitong kalagayan? Napakalapit namin sa isa't-isa at kaunti nalang ay magdidikit na ang aming mga mukha. Isa lang din naman akong magandang nilalang na na corner na isang demonyong may napaka gwapong mukha. Sobrang gwapo niya at... Napatingin ako sa labi niya pababa sa adams apple niyang bahagyang gumalaw dahil sa paglunok niya. I bit my lower lip.Deym. Sobrang sarap... Sobrang sarap niyang paputukin ang labi at tusukin ang Adam's apple.
"Mukhang nagkamali nga si Ina na ipadala ka sa kumbento, Maria Cristina Rodriguez." My forehead creased. At talagang kinalimutan pa nito ang pangalan ko.
"It's Maria Cruzzette Ruzzo asshole. How dare you forget my name? And what kumbento are you talking about? Baka ang sabihin mo ay sa kulungan, at ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nakulong na bwiset ka! " I hissed.
His forehead creased.
"Hindi ko lubos maunawaan kung ikaw ba ay sinasapian o tuluyan ng nabaliw dahil sa pagkahibang mo sa Gobernador Heneral, ngunit nais kong mabatid mo na kaya kita ipinakulong ay dahil sa iyong kapangahasan at naging pagkilos maging ang iyong pananamit ay lubhang nakaagaw ng pansin at hindi kaaya-aya. Hindi ka pinalaki ni Ina upang maging bayaran. Magmamadre ka ba talaga sa lagay na iyan?tss." Dinuro pa niya iyong sentido ko, agad ko namang tinapik ang kamay niya palayo. Hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi ng lalaking to. What in the hell is he talking about?
"You know what? Ikaw ang hindi ko maintidihan, My name is Ruzze at hindi ako sinasapian o ano. Hindi din ako pumasok sa kung ano mang kumbentong pinagsasasabi mo at hindi ako nahihibang sa kung sino mang Gobernador Heneral na yan. At isaksak mo diyan sa makitid mong utak na hindi ako p****k, sa ganda kong to sa tingin mo talaga ay papatusin ko ang pagbebemta ng katawan? Para lang alam mo, kayang bilhin nang pera ko lahat ng bayaran sa Tondo," mariing wika ko.
Lalong nadagdagan ang guhit sa noo niya. Napasinghap ako sabay pigil ng hininga nang mas lalo nitong inilapit ang mukha sa akin. Konti nalang ang magdidikit na ang aming mga ilong.
"Isang kahibangan pa Maria, isang pabalang na sagot at isang pagpapanggap, pagsisisihan mong umuwi ka pa kahit binalaan na kita sa kung ano ang maaaring mangyari sa tuwing tayo ay nag-iisa," sambit nito sa malamig at malalim na boses. Hindi maiwasang tumayo ng mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya, ano ba ang mga pinagsasabi ng lalaking ito? Mas lalo akong naguguluhan dahil sa kanya. At naiinis ako sa sarili ko dahil may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing magkalapit kaming dalawa.Imbis na matakot ay mas gusto kong malapit ako sa kanya, oo naiinis ako sa kanya,galit ako, pero mas matindi ang pagksabik kong makatabi siya. Parang dati na siyang hinahanap ng katawan ko kahit na ngayon pa lang naman kami nagkatagpo. Kailangan kong malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung bakit kakaiba ang kilos at pananalita ng mga tao sa paligid ko, higit sa lahat kailangan kong malaman kung nasaan nga ba talaga ako. At sa tingin ko ay ang lalaking ito ang makakasagot ng mga katanungan ko.
"P-pwede ba akong magtanong?" Nag-aalangan kong sabi dahil naiilang ako sa distansiya naming dalawa. Hindi siya sumagot ngunit naglakbay ang isang kamay nito patungo sa leeg ko at marahan iyong hinaplos sa parte kung saan naroroon ang sugat ko then it went to up to my chin and lift it up causing me to look at him. I considered it as a 'yes'.
"Nasaan nga ba talaga ako? Sino ka at bakit ang old fashioned ng mga damit niyo, talaga bang nasa langit ak-"
*BLAG
Sabay kaming napalingon sa pinto kung saan nagmula ang ingay ng isang bagay na nahulog sa sahig. Nakatayo doon ang isang matangkad na matandang babae na nakasuot ng baro't saya na may hawak na baso at sa gilid ng paa nito ay may nakakalat na tatlong libro habang ang mga labi ay nakabukas at laglag ang panga.
"Jusmiyo, Damian balak mo nanaman bang patayin ang kapatid mo?!"
Happy reading ?