NAgising ako dahil sa ingay na nagmumula sa malapit. Papalapit ng papalapit ang mga tinig na naririnig ko. Kahit sobrang sakit ng katawan ko ay pinilit ko paring bumangon. Ang likod ko talaga ang totoong sobrang sakit, hindi kasi ako sanay na mahiga sa matitigas na higaan lalong-lalo na sa semento.
Lihim akong napangiti ng makakita ng kaunting liwanag. Parang nanggagaling iyon sa apoy. Damn, gaano katagal na ba akong hindi nakakita ng ilaw o liwanag? Dalawang taon? Sampung taon? Dito na yata ako mabubulok sa kulungang ito.
Huwag na huwag ko lang na makikita ang Jose Damian na yun dahil siguradong bubunutin ko ng paisa-isa ang mga buhok niya sa ilong. He's so cancelled to the highest degree.
At ang Gobernador Heneral kuno na yun... Malalaman talaga niya. I so hate them to my next life. Mata lang niya ang walang latay. Hintayin lang nilang makalabas ako dito.
Nakarinig ako ng pagtawa. Palapit narin ng papalapit ang liwanag. Sana ilabas na nila ako dito. It's so dark everywhere and all I could see is black. Wala rin akong kasamang nakakulong dito dahil ni minsan ay wala pa akong narinig na ingay galing sa kung sino man. Well, except sa sumisitsit na kung ano dito sa loob ng kulungan, hindi naman ako bothered dahil wala namang nangyaring masama sakin and I don't get any scratch. Wag na wag lang mangyayaring ahas to dahil makakapatay talaga ako ng Diyos. I swear.
Agad akong tumayo ng tumigil sa tapat ng selda ko ang dalawang lalaki ng may hawak na ilaw na gawa sa apoy. May mga dala din silang kung ano na hindi ko maaninag ng maayos dahil hindi sapat ang liwanag.
I need water.
Uhaw na uhaw nako at kailangan ko na ng tubig. Ilang buwan na kaya nila akong kinulong dito? O ilang taon? Ang sasama talaga nila. Dapat tinuloy ko na lang yung pagmamadre ko ei. Nakakapagtakang hindi ako masyadong gutom. Oo, gutom ako pero yung sakto lang. Nararamdaman ko din yung mga daliri at balat kong walang putol or humahapdi. No signs that I ate myself because of starvation. Thank God, ayokong mabawasan at masugatan ang to die for body ko noh.
"Penge tubig 'kyah" mahinang sambit ko.
"Tubig ba? Oh hayan, kumain ka na rin para may lakas ka mamaya pag igagarote ka na hahahaha" natigilan ako dahil sa sinabi nung isang kampon ng demonyo. He doesn't sound that mean at all, pero alam kong demonyo silang lahat dito. Hinding-hindi ako magiging mabait sa kanila noh. Di na nila ako mauuto. After all, I am Maria Cruzzette Ruzzo.
"Hay naku Pedring, wag mo ngang tinatakot ang bata. Ibigay mo na yan at nang makaalis na tayo," sabi nung isa at siniko pa ang kasama niya. Aw you're so nice talaga manong,suntukin mo nga yang kasama mo.
"A-ano ba yung garote?" Kinakabahang tanong ko. All this time wala akong idea sa tinatawag nilang garote pero natatakot ako dahil sigurado akong kung ano man iyon, ikamamatay ko ulit iyon. Gosh. I'm immortal.
"Naku ija, wag mo nang itanong nang sa gayon ay hindi kaba ang makapatay sayo," sinundan pa yun ng nakakalokong tawa ni Mang Pedring kuno. Kinikilabutan tuloy ako.
"Aray naman Benito, humayo na nga tayo at nagiging mapanakit ka nang matanda ka ahahaah" reklamo ni Mang Pedring ng batukan siya ni Mang Benito- B-Benito?? Tama ba yung narinig ko? Hindi kaya siya ang lalaking pumatay sakin? Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko upang tingnan ang mukha niya. Parang akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig ng maaninag ko ang mukha niya. Hindi. Namamalikmata lang ako.
Kinusot-kusot kong muli ang mga mata ko. Pero pag tingin ko ulit sa kaniya....
Siya talaga, siya nga si Mang Benito. Ang tatay ko...
Ang pumatay sakin.
Pero bakit nandito siya?
Anong ginagawa niya dito?
Namatay din ba siya?
Tapos ginawa siyang alagad ni Satanas?
Pero bakit hindi niya ako nakikilala?
Bakit parang ang gaan-gaan pa nung pagtawa niya gayong nasa harapan lang niya ako. Ang babaeng pinatay niya. He killed me for Pete's sake.
Parang naubos ang hangin sa katawan ko at biglang nanlambot ang mga buto ko kaya napahawak nalang ako sa sa bakal ng selda at doon kumuha ng lakas habang nakatulalang nakatitig kay Tatay o kung matatawag ko pa ba siyang tatay pagkatapos ng ginawa niya. Kung hindi sana niya ako pinatay, wala ako dito ngayon. Wala sana ako dito sa empyerno. Ni hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa mga magulang ko, kay Christine, kay Manang Beth, at sa mga fans ko. Maraming pa akong mga pangarap na gusto abutin. Gusto ko pang mag travel around the world nang hindi gamit ang pera ng mga magulang ko. Gusto ko pa sana siyang hanapin para ako na ang mag alaga sa kanya dahil alam kong wala siyang pamilya at walang mag-aalaga sa kaniya, kasama siya sa mga plano at pangarap ko sa buhay. Pero siya rin pala ang naging dahilan ng pagguho ng mga plano at pangarap ko sa buhay.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Ganun din ang mga daliri ko. Parang sinasakop ng sakit at pagkamuhi ang buong sistema ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, isumbat at itanong. But I wasn't able to speak or even create a movement. Parang pati paghinga ko ay naging limitado dahil lang sa presensya niya.
"Ayos ka lang ba Ineng?" Hindi ko alam kung paano niya ako natatanong ng may malaking ngiti sa labi, ang galing talaga niyang magkunwari. Ganito ba ang gusto niya? Ang magpanggap na parang walang nangyari? What the hell man?! Hindi ko kaya to. I can't take him anymore.
"M-masaya ka ba?" garalgal ang boses ko ng tanungin ko siya. Agad na gumuhit sa mukha niya ang pagtataka. Tss. Maang-maangan.
"Aba'y kung si Benito ang tinatanong mo Ineng, malala na iyan. Tumanda kasing binata ahaha-aray! Susmaryosep ka naman Benito para kang binabae kung kumurot," ani Mang Pedring.
" M-masaya ka na ba T-tay? P-pano mo nagawa sakin yun? Mahal mo ko 'tay diba? "
"Ineng ano bang sinasabi mo? K-kilala mo ba ako? " Nagtatakang tanong pa niya sakin. Kung hindi ko lang talaga siya kilala aakalain kong hindi talaga niya ako nakikilala. But hell no, Benito din ang pangalan niya at kamukhang-kamukha niya ang pumatay sakin.
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili kong umiyak.
"Ang galing niyo ho talaga. Kaya siguro kayo napunta dito sa empyerno ay dahil diyan sa ugali niyo. Ang sama-sama niyo *sob* . Ang swerte ni Satanas sa inyo, grabe" hindi ko kayang magsalita nang matagal dahil paniguradong sasabog lang ako sa iyak. Ang sakit-sakit pala sa pakiramdam na makaharap yung taong minahal mo ng totoo at pinagkatiwalaan mo buong buhay pero pinatay ka lang. Damn. Alam ko naman naging masama akong tao, pero hindi ko akalaing dadating ako sa puntong to. Ang bigat sa loob, parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko na hindi ko kailanman matatanggal hanggat hindi ako nabibigyan ng hustisya. Hihingi talaga ako ng second chance kay San Pedro na mabuhay ulit kahit isang buwan lang para itama yung mga pagkakamali ko sa lupa. O kahit para bigyan nalang ng katarungan yung pagkamatay ko. O makapagpaalam man lang sa mga magulang ko at kaibigan.
He sighed.
Saka tumingin sakin ng mataman. Tingin na para bang awang-awa siya sakin. Na para bang nangaingailangan ako ng kalinga, which is true. Galit ako, oo, pero hindi ako magsisinungaling at sasabihing hindi ko siya na miss. Siya parin ang tatay ko. Kahit gaano pa ako ka galit, siya parin ang tatay ko. Mahina pa rin ako pagdating sa kanya. Mahal ko eh.
"Ija, alam kong hindi naging maganda ang pakiramdam mo. Pasensya ka na sa ginawa ng Heneral sayo, hayaan mo at pakikiusapan ko siyang dalhin ka sa mga magulang mo. Marahil ay hindi naging maganda ang naging epekto sa iyo ng iyong sugat at hindi ka pa naipagamot kaagad," I was stunned. He looks and sounds so sincere. If I was a fool, I would definitely believe that he was concerned for me. But no. Hinding-hindi nako muli pang mahuhulog sa bitag ng kahit na sino.
I tried to keep myself and my emotion calm. Hindi ko siya paplastikin but I would play his game.
"Wow. I'm stuned Tatay. Concern ka pala sakin dahil may sugat ako. Pagkatapos mokong sasaksakin, you still have the d-ck to talk to me and act like nothing f**k up ever happened,"
Ito ang unang pagkakataon na kinausap ko siya ng pabalang. Buong buhay ko, nirespeto ko siya. Respetong kahit sa mga magulang ko ay hindi ko binigay. Pero sinayang lang niya.
"Hindi kita lubos maunawaan ija, kakaiba ang lenggwaheng ginagamit mo na nagpapatunay sa mga sabi-sabi. Ngunit nababatid kong may pag asa ka pang gumaling,"
" Gumaling saan?"
" Sa sakit mo. Wala pang espesyalista sa ganyang karamdaman ngunit nakatitiyak akong gagaling ka-"
" Mukha ba akong baliw?!"
" H-hindi. S-siguro?"
" Arghh. This is insane. I shouldn't be even talking to you. Siguro nga nababaliw nako para kausapin ang taong pumatay sakin. Nakakainis! Stay away from me!"
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dala ng frustration,inis,galit, at pagkalito. Hindi ako nababaliw, siguro ay siya. But not me, definitely.
" U-umalis nalang kaya tayo Benito? M-mukhang b-baliw nga ang batang yan," umuutal pang sabi ni Pedring. Unti-unti rin siyang umatras papunta sa likuran ni tatay-ni Benito. Parang bang kaharap niya ang isang nakatakot na nilalang o taong may nakakahawang sakit. Umikot ang mga mata ko.
"Takot ka sakin? Oh, I pity you. Dapat kang mas matakot diyan sa katabi mo. But wait, diba mga alagad kayo ni Satanas? You can't fool me, not anymore. Alam kong wala kayong kinakatakutan. Halang ang mga kaluluwa niyo!" Dinuro ko si Mang Benito.
" At ikaw! Kaya ka napunta dito sa empyerno at naging alagad ni Satanas ay dahil napakasama mo. You killed me, pinatay moko. Kung hindi mo sana ginawa yun, sana buhay pako, sana matutupad ko pa yung mga pangarap ko. Sana nasa langit ako ngayon dahil tiyak kong magsisisi ako sa mga nagawa kong kasalan at naging mabuting tao ako. Sana wala ako dito ngayon sa empyerno. But you're selfish. You made me believe with your fake love. Sana hindi nalang kita nakilala. Sana hindi nalang kita minahal at tinuring na ama. I trusted you, pero p-pinatay moko. Now I'm suffering here in hell."
Pingilan ko ang mapiyok at lalong-lalo na ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako iiyak sa harap niya. Never in his wildest dreams b***h. He is never worth my tears.
I could clearly see in my eyes na bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Bumuka ang mga labi niya na para bang nag aalangan pa siyang magsalita.
"A-anong e-empyerno ang sinasabi mo? At p-pinatay? Hindi ko magagawang pumatay," halata sa boses niya na parang naguguluhan siya. Halata din yun sa mukha niya dahil sa pagkunot ng noo niya at pagsalubong ng mga kilay na may halong pangamba sa mga mata.
Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mang Pedring. Or maybe I should start calling them 'Alagad na walang buntot'.
"O-oo nga Ija. W-wala ka rin sa empyerno. Tsa-tsaka hindi mamamatay tao itong si Benito. Buhay na buhay ka nga ngayon ei. " Fear is carved on his voice. Takot na may halong taranta. Pinagtatakpan pa niya ang kasama niya. What's the purpose on denying it kung patay namam na'ko at tiyak na hindi siya makukulong dahil alagad naman siya ni Satanas at nasa empyerno kami. I would bet my life na ako pa yata ang mapaparuasahan at pinagkakatuwaan lang nila ako ngayon.
I rolled my eyes.
"Pwede ba, itigil niyo na ang pagsisinungaling. Pare-pareho naman tayong mabubulok sa empyernong to. At kasalanon mo yun Mang Benito. This is all on you. Pinatay moko kaya kasalanan mo kung bakit nandito tayong ngayon sa empyernong to-"
"Natitiyak kong hindi niya kinitil ang iyong buhay kaya manahimik ka na lamang. Lalong-lalong wala tayo sa empyerno, kung kaya't kumalma ka at lubayan na itong kaibigan ko!" Napaiksi ako. Hindi ko inaasahaan ang pagsigaw ni Mang Pedring. Natigilan din ako sa sinabi niya. W-wala daw kami sa empyerno...kung gayon ay nasaan ako? Sigurado akong namatay nako kaya ako napunta dito, at kaya rin napunta si Mang Benito dito ay dahil pinatay niya ako at namatay din siya sa hindi ko malamang dahilan.
Iniangat ko ang paningin ko upang tignan sila. Puno ng pawis ang kanilang mga mukha, dumadaloy narin iyon papunta sa kanilang leeg. Nakikita ko iton dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng isang lampara. Bakit sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay nakikita ko ang sendsiridad mula rito at para bang nagsasabi sila ng totoo. I'm too confused. Hindi ko alam kung saan maniniwala. I get this feeling that I shouldn't believe them and be decieved by their lies. Pero nanaig ang nararamdaman kong kailangan kong maniwala sa kanila, that I have to believe them for once. Kaya tataya ako. Wala narin namang mawawala sa akin dahil patay nako. Isa nalang akong kaluluwa na naguguluhan at hindi pa naliliwanagan sa mga nangyayari. Aalamin ko ang totoo o kung ano nga ba ang totoo.
"I-Ibig mong sabihin wala ako sa e-empyerno?"
Sabay pa silang tumango.
"Kung ganun ay nasaan ako?"
"N-nasa P-Pilipinas," magkasabay nilang sambit . Pinigilan kong lumuwa ang mga mata ko. Hypocrites. Are they trying to mess with me? Walang ganito sa Pilipinas for Pete's sake. Kung meron man ay noong Spanish era pa.
"Are you f*cking kidding me?! Taga Pilipinas din ako at walang ganito. Noong panahon lang nang mga kastila na mahigit isang daang taon na ang nakalipas!" Napabuga ako ng hangin. This two is getting into my nerves. Kung may nerves ba ang mga kaluluwa. Well, oddly, I can feel my warmth. Parang kagaya lang din ng katawan ko dati. Nakakaramdam pa nga din ako ng sakit.
"I-isang daang taong nakalipas mahigit? Ibig mo bang sabihin ay...Hindi. Nasa Pilipinas ka talaga Binibini... At nasa panahon parin tayo ng kastila... Taong 1850" ani mang Pedrring na tuluyang nagpatigil sakin. Am I hearing it right? It can't be. Paano ako mapupunta sa nakaraan? Namatay ako kaya malamang nasa empyerno ako ngayon. Unti-unti ko na talagang natatanggap na sa empyerno ako napunta. Tama. Pinaglalaruan lang ako ng dalawang 'to. Humanda talaga sila at puputulin ko lahat ng pwedeng maputol sa katawan nila. These hypocrites is stressing me to the highest degree. Ginawa pa talaga nila akong uto-uto. Sining niloloko nila na nasa Spanish era kami? Ako? No way, hindi porket may mga Civil rights akong nakita, which is I don't remember when at yung malaking bahay na pang Spanish era din ay maniniwala na ako sa kanila. I am not Cruzzette Ruzzo for nothing. Nobody fools a queen.
"H-humayo na tayo Benito. Mukhang nakakatakot ang batang iyan. Naibigay naman na natin ang kaniyang pagkain. Mainam na bumalik na tayo sa tanggapan ng Gobernador Heneral,"
"K-kung iyon ang i-iyong nais. Hindi rin maganda ang kutob ko Pedring,"
Napayuko ako sa narinig ko. Halata sa boses nila ang takot. Betlog niyo green. Mga walangyang Alagad kayo na walang buntot. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang takot sakin ni Mang Pedring o kung totoong natatakot ba siya,pero kay Mang Benito...siguro ay dahil pinatay niya ako at iniisip niyang maghihiganti ako. Maghihiganti naman talaga ako.
Lihim akong napangiti dahil sa naisip kong plano.
Mas iniyuko ko pa ang ulo ko,naka lugay ang mahaba kong buhok kaya natakpan nito ang aking mukha. Unti-unti kong inangat ang ulo ko habang naka ukit na sa mukha ko ang isang nakakatakot na ngiti at nakatirik ang aking mga mata. At dahil siguro madilim ay hindi napansin ni mang Pedring ang paglabas ng kamay ko sa selda at hinawakan ang braso niya. Napatalon naman siya sa gulat ng maramdaman iyon at paglingon ay deretsong napunta ang paningin niya sa mukha kong katapat lamang nang umiilaw na lampara, kasabay nun ay tumawa ako ng napakalakas ma um-echo sa bawat sulok ng mga selda dito.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"
"BENITOOOOOOOOOOOOOWWWWWW!!"
Hindi sila magkumayaw sa pagtakbo papalayo at tila mabilis pa sa kidlat silang nawala sa paningin ko. Napatawa nalang ako. I never thought it was satisfying making fun of people. Dapat pala ay hindi lang pambu-bully ang ginawa ko noon. I should've done some pranks, tutal sa empyerno lang din pala amg bagsak ko. Patuloy parin ako sa pagtawa. But it was a genuine laugh this time...na unti-unti ding nawala dahil kumirot bigla ang sugat ko sa leeg. Aarrgh. Wala man lang gumamot sa sugat ko. Totoo bang doctors go to heaven? Damn.
"Roll over fuckers!" Pahabol kong sigaw bago napaupo sa malamig na sahig ng selda. Napasapo ako sa leeg ko. Tangina. Sobrang sakit padin ng sugat ko. Buti wala na iyong sugat na dulot ng pagkakasaksak sakin ni Mang Benito. That lying conniving asshole.
Pero totoo kaya sinabi niya? Na nasa Pilipinas kami pero nasa taong 1850? Ugh. This is insane. I should never believe that man. Isa siyang dakilang manloloko. Ipapalibing ko siya sa tuktok ng bulkang Mayon kasama ang pekeng San Pedro na si Jose Damian blah blah blah at ang Gobernador Heneral kuno na nag pakulong sakin dito.
G-gobernador Heneral? Diba't yun ang tawag sa mga Spanish na parang Presidente noon ng Philippines? Damn...hindi kaya totoong bumalik ako sa past? O baka nasa katawan ako ng past life ko? No no no, this can't be. Hindi ako pwedeng mapunta sa panahong iyon dahil maraming r****t nung time na yun. Hindi rin uso ang toothbrush at proper hygiene. f**k-I mean, yuck to the highest degree. Feeling ko mas magiging relieved ako kung nasa empyerno nalang ako. Tama. Nasa empyerno lang ako at hindi ako magpapaloko sa 'Alagad na walang buntot' na yun.
*Growl*
Napahawak ako bigla sa tiyan ko ng kumulo ito. I think I haven't eaten for months. Gosh, I'm so hungry. Kinapa ko ang plato na iniwan nila sakin na may lamang pagkain.Hindi ko nakita kanina kung ano iyon. Maarte ako sa pagkain but I don't think I can bear with my kaartehan this time dahil sobrang gutom nako. Inamoy ko muna ang pagkain. It doesn't smell awful though. Inumpisahan ko nalang na kainin ito. I can't bear with my hunger anymore. Ayokong ma cause of second death: 'starvation' noh.
Mmm.
Ang sarap nung pagkain actually. Hindi ko alam kung ano to but I think it just became my favorite right now. Impressive, hindi ko inexpect na masarap sila magpakain...sa igagarote nila.
My near second death is coming. f**k.
Mabilis ko nalang na isinubo ang kinakain ko at uminom ng tubig. Pagkatapos ay nahiga ulit ako sa sahig at tumitig sa kisame kahit wala naman akong ibang nakikita kundi puro dilim. Kadiliman is layp.
I was once a queen, but now, isa nalang akong basura. Worst...isang daga na ikinulong sa madilim at nakakatakot na kulungan. I began crying when I remember my mom and dad,si Christine and ofcourse Manang Beth. Ngayon ko lang na realise na namiss ko pala sila.And that I love them. Na mahirap palang mabuhay-mabuhay na patay na wala sila. I remenisced all my memories with them at kung ano-ano pa hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagbigat ng talukap mg aking mga mata. At nang magmulat ako, nakahiga na ako sa isang...
Malambot na kama.
-BINIBININGUSASAYA