Ramdam ko ang sakit ng ulo ko at dibdib ng magising ako. Nang magmulat ako ay bumungad sakin ang kulay puting kisame... Wala ako sa kwarto ko. Kilala ko ang amoy nang paligid ko. Hindi ako Nagkakamali, nasa ospital ako.
May kung anong mga apparatus ang nakakabit sakin. Dinig na dinig ko rin ang pagbi-beep ng heart rate monitor. Damn. These goddamn people. Ganun ba ka lubha ang nangyari sakin para mapunta sa ganitong sitwasyon? I don't think so. Sumakit lang naman yung dibdib ko kanina nung nasa bar ako. At hinimatay, I guess? Naalala ko pa kung pano ako pilit na nagsisigaw pero nawalan ako nang tinig. Nandun ako sa parking lot nung mga oras na yun at sa pagkakaalam ko ay wala roong katao-tao dahil napadpad ako sa madilim na sulok. Sino kayang nagdala sakin dito?
Inikot ko ang paningin ko sa paligid at bahagya akong nadismaya nang makitang wala akong kasama sa loob ng kwarto na to. Edi wow. Wala talagang nagmamalasakit sakin. Whatever. Wala din naman akong pake sa ibang tao. Mga hipokrito.
Napairap nalang ako. Agad akong napahawak sa tiyan kong kumakalam na. Hindi pa nga pala ako nakakain simula kaninang umaga. At dahil yun sa sulat na nabasa ko.
Damn.
Napahawak ako sa sentido ng ulo ko nang maalala ko yung sulat. Dapat nakalimutan ko na yun ei. Uminom nako ng gamot para makalimutan ko yun pero bakit ang bilis lang ata ng epekto? I thought the effect would last forever? Damn. Bigla nanaman tuloy bumigat yung pakiramdam ko. Bakit ba ganun nalang ang epekto nun sakin? Ayoko ng ganito. I need to do something. Kailangang tuluyan nang mabura sa isipan ko ang tungkol sa sulat na iyon.
Umaasa akong pinasunog na ni Manang Beth ang library namin sa bahay kasama na ang sulat na iyon. Mabulok sana iyon sa empyerno. Simula ngayong ay ayaw ko nang makakita ng kung ano mang bagay na umuugnay sa nakaraan. Ayaw ko ng makaluma. I'm living the present so I don't give a damn sa nakaraan. Honestly, walang naman akong nakikitang kahit na anong interesting about sa history. Wala akong pake kay Jose Rizal na Presidente daw ng Pilipinas noon. O kay Emilio Jacinto na nag sulat ng Noli Me Tangere. Kayang kaya kong ipasira ang reputasyon nila kahit pa patay na sila. I am Cruzzette Ruzzo.
Na bo-bored nako kakahintay dito sa loob ng kwarto so I decided to go out. Dahan- dahan lang ako sa pagbaba ng hospital bed at nang magtagumpay ay iniabot ko ang dextrose ko saka yun binitbit papalabas. At yung mga apparatus? Tinanggal ko na, Im a med student. I know how to handle everything.
Tinahak ko ang hallway papalabas ng ospital para pumunta sa canteen. Nagmamadali akong naglalakad ng makasalubong ko ang mukhang balyenang kapatid ni Papa. Si Uncle David. Doctor siya dito at kasamaang palad ay pagmamay-ari niya to.
"Ija, bakit ka lumabas ng room mo?" Nag aalalang tanong niya. Agad ko siyang tinaasan ng kilay.
"Pake mo ba? Bakit? Inaya ba kitang sumama?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Napatingin maman ang mga mga pasyenteng nasa paligid namin. Pooritas. Mga kawawang nilalang na hindi maka afford ng private room at nagtitiis nalang sa mga mukhang basurahan na kwarto o di kaya'y dito sa hallway. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin. Wala naman silang maiaambag sa kagagahan ko.
"Cruzzette, why don't we talk in your room?" malumanay na saad ni Uncle pero nababatid ko na nagpipigil lang siyang huwag lumabas ang pagkahalimaw niya. Puro pakitang tao lang naman ang alam neto. Kunware mabait, kunwari malumanay, kunwari matulungin. Puro siya pagkukunwari kahit na ang totoo ay isa naman talaga siyang kampon ng demonyo na gahaman sa pera at kapangyarihan. Wala siyang pinagkaiba sa mga magulang ko.
"We can talk here. Pwede mo namang sabihin lahat ng gusto mong sabihin dito. Unless, nahihiya kang marinig nila kung gaano ka kademonyo? Hahahaha" matabang na sabi ko sakanya sabay tawa.
Unti-unti namang gumuguhit sa noo niya ang pagkunot at nakikita ko narin ang invincible usok na lumalabas sa ilong niya pati na sa tenga. Napansin kong kumuyom ang kaliwang kamao niya na may hawak-hawak na ballpen. Don't me bastard, hindi ako matitinag ng mga kagaya mo!
"Well, if you wouldn't mind. Excuse me.. UNCLE" I rewarded him a smirk and walk out. Wala akong panahon sa pakikipag plastikan sa mga taong ni minsan ay hindi ko naman ginustong maging kaibigan.
He was left there, dumbfounded. Asshole.
I went to the canteen as I planned. I was kinda amazed with their canteen... actually para na siyang food court. Ang daming iba-ibang tindahan at stalls and foods are just so damn attractive. Wag nyokong inaano, alam kong masama ang ugali ko pero marunong parin naman akong ma amaze at mag appreciate ng konting mga bagay. At higit sa lahat, mabait naman ako sa mga mababait.
I headed to stall where they serve Spanish dishes. I ordered Paella, gazpacho and churros.
These were damn good. Isa kasi ang mga spanish dishes sa paborito ko. Nang matanggap ko ang order ko ay dinala ko na ito papunta sa isang bakantemg mesa. Inilapag ko na ang tray at inumpisahang lantakan ang pagkain ko. Nakakabit parin yung dextrose ko kaya medyo sagabal.
Tahimik lang ako sa pagkain nang mapansin ko ang dalawang lalaking nasa kabilang table. Well well well, they're freakin hot. Landiin ko kaya? Charot. Ang harot ng utak ko grabe. Magkaharap sila ng upuan habang tumatawa, hell kahit yung isa nalang sa kanila ang ibigay sakin. Ang perfect lang kasi... they're face, no kidding pero mukha silang naligaw na hunk model dito sa ospital. The jaws, jawline, lips, muscles, nose, jaws, jawline,jaws. Nasabi ko na ba ang jaws? Damn, yung panga talaga nila ei. What if isa sa kanila ang mapapangasawa ko? Ang ganda siguro ng lahi namin. Shet.
Damn Cruzzette.
Hindi pako tapos sa pagpapantasya ko sa kanila ng biglang akong natigilan. Lumuwa ang mata ko nang biglang sinubuan nung isa yung kasama niya. What the hell is happening?
Windang nanaman yung mga pangarap ko. Well, whatever. As if kawalan ko yun or something. Mga mahaharot na hitad. Napairap nalang ako ng subuan din niya ito pabalik. Hypocrites.
Bigla akong nawalan ng ganang kumain dahil sa nakita ko. Damn, nasamid pa ako sa pag-inom ng tubig nang bigla silang naghalikan. No kidding, they were damn French kissing! In public. Damn.
"Hey! What's wrong with you people?!" I yelled in irritation. Bigla silang napaharap na dalawa sakin. They gave me a questioning look. Oh no, tanga-tangahan lang ganun? Gupitin ko kaya yung nga labi nila at i superglue.
"Hypocrites! Kung gusto niyong maglaplapan, wag dito. Find a place kung saan may privacy kayo. Hindi yung magchuchuk chakan kayo sa harapan ko na parang wala lang kayong pakealam kung nagugustuhan ko ba yong mga pinaggagawa niyo. Insensitives!" Kumukulo talaga yung dugo ko sa kanilang dalawa. Bakit ba kasi nagkalat yung mga immoral na nilalang ngayon? Damn.
" Miss una sa lahat, hindi ka namin inaano. Pangalawa kung hindi ka natutuwa o nalalaswaan ka sa ginagawa namin pwede mo naman kaming kausapin nang mahinahon at sabihing ayaw mo sa nakikita mo kasi titigil naman kami at aalis. Lastly, hindi porket ayaw mo sa ginagawa ng ibang tao ay may karapatan ka nang umakto ng ganyan. Ni minsan ay wala kang karapatan para insultuhin kami dahil hindi ka naman namin pinapakailaman. Anong tingin mo sa sarili mo? Prinsesa? Senorita? O kahit na ano pa man ang tingin mo sa sarili mo I don't care. You know what, sayang. Maganda ka pa naman sana at halatang galing ka sa isang marangyang pamilya pero kasing baho naman ng mga asong may galis sa kanto yang ugali mo. Siguro wala kang pamilyang nag-aalaga sayo kaya ganyan ang ugali mo!" Mahabang litanya nung lalaking naka gray habang hawak hawak ang kamay ng lalaking kasama niya. Kitams, ang lalandi. Damn. Kahit na ano pang sabihin niya, wala akong pakealam. It's just nonsense.
Agad akong umirap at pinasadahan sila ng tingin mula ulo hanggang paa. Hypocrites! Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking naka gray at saka nagsalita ulit.
" You can say whatever you want, but I'm telling you, nagsasayang ka lang ng laway mo kung ako yung papangaralan mo."
Before I left, I gave them my sweetest sarcastic smile. Napansin kong sakin nakatingin at nakatuon ang mata ng lahat ng tao sa canteen. Ganun talaga pag dyosa.
....
Hindi muna ako bumalik sa room ko. Instead, I went to the rooftop to breathe some air. Magpapalamig muna ako ng ulo. Napaka stressful ng araw ko ngayon. Dala narin siguro to ng pagod dahil sa ilang linggo rin akong kumayod na husto para mairaos yung exams ko. Graduating student pa naman ako kaya kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti. I need to maintain my Uno's dahil yun nalang ang tanging pinanghahawakan ko na hindi galing sa pera ng mga magulang ko. At kapag nakapagtapos nako ng pag-aaral ay pwede nakong mag hanap ng trabaho at makakaya ko narinng buhayin ang sarili ko. Pag nagawa ko na yun ay aalis nako sa poder ng mga magulang ko at hanggat maaari ay puputulin ko narin ang lahat ng koneksyong meron ako sa kanila.
Humugot ako ng malalim na hininga atsaka napapikit. Napakalamig ng simoy ng hangin at tila niyayakap nito ang buo kong pagkatao. Umihip ang napakalamig na hangin mula sa aking likuran. Awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Napakabanayad ng paghaplos ng hangin sa balat ko. May kakaibang kirot itong idinulot sa puso ko. Hindi ko narin namalayan ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa mata ko.
Tila nangungulila ako sa isang tao. At ang pagkasabik na nararamdaman ko ay sadyang kakaiba. Damn. Di kaya minumulto lang ako? Napalinga ako sa paligid ko dahil pakiramdam ko ay may kung sinong nakatingin at nagmamatyag sakin. Pag ito nahuli ko, dudukutin ko talaga mata niya at ipapakain sa pusa namin.
Napansin kong wala namang tao sa paligid. Maybe I'm just imagining things. Tama, nahihibang lang siguro ako. Dulot lang siguro to nang mga gamot na iniinom-
*Blag*
Napatalon ako mula sa kinauupuan ko ng biglang may kumalabog mula sa likuran ng malaking tangke dito sa rooftop. Damn, kinabahan ako bigla at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Aalis na sana ako kaso mas nangibabaw ang curiosity ko, walang ano-ano akong lumapit dun sa tangke. Dahan-dahan lang ang mga hakbang ko. Napahinga ako ng maluwag nang makita ang isang kahoy na nasa sahig, marahil ay nahulog lang ito mula sa tangkas-tangkas na kahoy. I felt relieved. Damn.
"Kahoy lang pal-"
Kasabay ng paglingon ko ay pagkaluwa ng aking mga mata at paninigas ng aking katawan. Nakatayo ang isang lalaking nakatakip ang mukha at nakadamit ng itim na may hawak na kutsilyo tatlong hakbang mula sa'kin. Damn.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. This isn't good. Hindi ko pa man naisip na tumakbo ay inunahan nako ng mga paa ko. Tila may sarili itong utak at kumaripas papalayo habang tangay ang aking katawan. Habang papalayo ay naririnig ko ang mga yabag ng lalaking humahabol sakin. Malamig na ang pawis na tumutulo mula sa katawan ko. Puro ba talaga kamalasan ang araw na to?
Nang maramdaman kong nakalayo na ako ay saka naman ako tinraydor ng mga paa ko. Sa hindi inaasahan ay nadulas ako at unang tumama ay ang dibdib ko. Sobrang sakit nang pagkakabagsak ko dahilan para hindi ako makatayo agad. s**t!
Nang makabawi ako mula sa pagkakadapa ay sinubukan kong tumakbo ulit, ngunit nabigo nako. Akmang tatakbo pa lamang ako ay nahawakan nako sa braso ng lalaking humahabol sakin. Damn. Is it goodbye for me?
Pilit akong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya ngunit sadyang malakas talaga siya. Masama parin ang mga titig niya sakin at kung iisipin ay napakalaki talaga ng galit nito sakin. Sakin nga ba? Baka napagkamalan lang ako? Hindi pwede to!
"You hypocrite, let go of me!" Sigaw ko sakanya, ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sakin.
"Kailangan mong magbayad. Kailangan mong magbalik!" Hindi ko maintindihan kung anong magbayad at magbalik ang sinasabi niya. Damn. Nahihibang na ba to?
" Ano bang pinagsasabi mo? Bitawan moko, TULONGGG-" bigla niya akong sinampal ng napakalakas kaya tumilapon ako sa sahig. Nalasahan ko ang tila kalawang na likidong dumadaloy sa labi ko. Nagdurugo ang labi ko at namanhid ang pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.
"Patawad Maria"
Yun ang huling katagang narinig ko bago niya itarak sa dibdib ko ang kutsilyo. Tatlong beses niya itong itinarak at sa bawat pagtarak nito ay paulit- ulit niyang sinasambit ang salitang patawad. Bakit pa niya ginawa kung magsisisi naman pala siya? At kilala niya ako, tinawag niya akong Maria. Iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganun, ang dating trabahador namin na nag alaga sakin nung bata pa ako. Ang tanging taong minahal ko at tinuring kong tunay na ama.
Si Mang Benito.
Pero bakit?
Napatitig ako sa mga mata niya. Siya nga. Pano niya nagawa sakin to? Akala ko ba mahal niya 'ko? Itinuring ko siyang ama.
Lumabas na sa labi ko ang napakaraming dugo dulot ng pagkakasaksak niya. Damn. Sobrang sakit. Physically and emotionally. Bago pa man magdilim ang paningin ko at malagutan ng hininga ay naramdaman kong ginawaran niya ako ng isang mahigpit at mainit na yakap.
-binibiningusasaya?
-maligayang pagbabasa....
to Christine?