Chapter 3

4516 Words
Hikaru POV "Woah! Ang gwapo mo Uno ah!" Gulat na tanong ni Jake. I rolled my eyes and begin to think what I would do this night or after school. I don't understand myself right now. When Regina was gone I became the woman I didn't know. Wala ako sa sarili ko. Gusto ko palagi ng away dahil doon naalala ko siya dahil doon kahit presensya niya lang maramdaman ko. "Gago!" Singhal ni Miguel kay Jake, sinapak niya ito at walang emosyong naupo. Lahat ay nagbago hindi lang ako kung mas masakit sa akin mas masakit yon kay Migue ni ayaw niya nga kaming tignang magkakaibigan nakikita niya sa amin si Regina. Naupo ang leader ng Death Gang sa pinakalikod gaya ng nakasanayan niya noong nandito pa si Regina. "Uno, saan ka nagpakulay ng buhok sana sinabi mo na magpapablonde ka ako nalang sana ang gumawa.'' Dagdag pa ulit ni Jake na iniikot-ikot ang dulo ng hibla ng buhok ko na parang kinukulot. Alam ko namang kahit saan ako magpunta naroon ang mokong na ito sa tuwing ng mapapahamak ako at nakikipagbugbugan nandoon na siya. Hindi ko man siya pinapansin o kinikibo he knows that I wouldn’t fall out inlove with this man beside me. I love him I really do mula noon at ngayon pero nais ko munang manahimik dahil parang hindi ko na kilala anh sarili ko. Wala na ang immature at kinagigiliwan nilang Hikaru. Wala na ang isip bata at slow na Hikaru na gustong-gusto ng lahat. Gusto kong ibalik yon pero parang ayoko dahil baka doon ay mas lalong hindi bumalik ang matalik kong kaibigan. Ang kapatid ko sa ibang magulang. Ang kapatid ko hindi man sa dugo ngunit sa puso. Natatakot akong kapag ibalik ko ang dating Hikaru baka mas lalong hindi siya magpakita o hindi namin siya makita, naupo ng maayos si Miguel. Lahat kami ay inaatay ang Propesor tahimik ang lahat lalo na at nariyan si Miguel parang sinasabi ng isang bahagi ng utak ko o namin na huwag magsalita. He needs peace of mind, ilang araw din siyang hindi nakapasok sa eskwela. Huli ko siyang nakita noong muntik na akong mauwi sa selda. Bawat isa sa amin ay nagsisisi. We blamed ourselves because we didn't do anything to save her, to save them. Hinila ko ang buhok ko na kanina pa niya ginagawang kulot ang dulo. Kung ako lang ang dating Hikaru marahil ay aasarin ko lang siya dahil talagang parang bakla siya ngayon na kinukulot ang buhok ko, ang mga pang-aasar ko sa kanya ay sa utak ko lang sinasabi ayokong sabihin niya na nagbalik na ang dating Hika na hindi naman dahil hindi ko magawang maibalik-balik ang sarili ko. "Uno, ano nga pala ginagawa nyo sa kulungan ni Jeff?" Sabat naman nitong fiancee kong bakla sa katahimikang namamayani sa loob ng classroom dahil sa tanong ni Jake na yon napatingin ako kay Miguel yon din ang tanong ko pero hindi ko magawang isatinig dahil na rin nais kong manahimik nalang at huwag makialam. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sinasamaan ng tingin ni Miguel si Jake. Ngayon ko lang napansin, pare-parehas kami ng mukha. Pagod na malungkot, haggard at parang mga wala sa sarili. Oo nga at maganda pa din kaming tignan nila Leslie pero ang mga mata namin ay walang mga buhay. Kahit pa anong kapal ng make-up ni Leslie hindi na pa din niya maitatago ang nararamdaman niya o kahit pa anong kapal ng suot ng salamin ni Emerald she can't hide the loneliness and emptiness she feels hindi ko itanggi na ganoon din ako behind this feisty side of me is the feeling that I am utterly sad for my bestfriend's absence. Binatukan ni Dave si Jake dahil sa tanong na yon. Alam ko namang may nagbalita na sa iba sa nangyari noong nakaraang linggo. "Bobo mo talaga tol, tumahimik ka nga." Dave said at bumalik sa kanyang upuan katabi ni Emerald na nagpalipat-lipat lang ng tingin sa kanila. Nalungkot ako dahil kaming tatlo na lamang ang narito na sana ay nagdadaman kami gaya ng ginawa ni Regina noon kung wala si Regina nagmamalfunction ang mga utak ng Chaos Gang. A robot without battery, we can't move nor think. "Naman Bro, kung nagseselos ka dahil si Uno ang pinapansin ko huwag ka naman manapak. Don't worry Davey loves mamaya sayong-sayo ang atensyon ko." I scoffed and rolled my eyes. Sila lang yata ang hindi nagbago. Ang tatlong unggoy ng Death Gang lang ang hindi nagbago. Namula si Dave sa inis sa pang-aasar sa kanya ni Jake. These people want us to smile even just for awhile. Even if we hide it on our smile still hindi pa din maalis ang sakit instead of smiling iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kanila. Parati namang ganito ang mga to' may magbabago pa ba? "Tsk, hindi na ako magtataka kung magpapatayo kayo ng sarili niyong Parlor." Dumagdag na ang isang unggoy namely Kevin Breeks Gabison. Wala naman akong magawa kundi makinig sa mga sentemiento nila dahil may tenga akong matalas sa pandinig. Hindi na din siguro dadating ang Propesor dahil mahigit trenta-minutos na siyang late. Nakikinig lamang ang kami sa mga patawa nila kahit hindi kami natatawa. All I want is to have an intense fight mamayang gabi. Gusto kong manira ng mukha gaya ng ginagawa namin nila noon. I mentally smiled, reminscing those happy memories of our friendship. Ganito ang ginagawa ko upang maalala ang mga bagay na may kinalaman sa kanya pigilan man ako ng lahat hinding-hindi ko gagawin yon dahil dito masaya ako dahil dito naalala ko siya. "Honey?" I was snapped with that thought when Jake called me. Tinignan ko siya sa mukha. Ngumiti lang siya sa akin but I didn't smiled back. Bakit kahit anong gawing kagagahan ko ay narito pa rin siya at pilit na hinihila ako pabalik sa dating ako? "Ano?!" Singhal ko sa kanya. Kailangan kong gawin ito upang hindi maging mahina. Dahil gusto kong kahit na wala siya ay manatili pa ding matatag at kinatatakutan ang Chaos Gang ngumiti lang siya sa akin at piningot ang ilong ko. I wanted to wiped those smile of him na siyang nagpapatunaw sa puso ko. Inches lang ang pagitan ng mukha namin kaya dahil sa paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Instinct of a woman, I punched him right on his ika nga niya handsome face. Sapo niya ang mukha niya habang lumalayo sa akin. "Masakit yon, grabeng pagmamahal yan honey tagos na tagos." Sabi niya habang tinitignan ako ng masama hindi ko kasalanang ilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Ayan ang napapala ng nang-aasar palaging nabubugbog kung hindi ba naman siya tanga hindi niya gagawin yon. My body is using its own advantage. "Yan, ang bilis ng karma tol no, parang yong una lang ninyong pagkikita?" Nakangising sabi ni Kevin. Isa pa tong' loko-loko. Magkakaibigan nga sila puro kalokohan lang ang alam. "Tsk, pwede ba umalis ka na nga lang sa harapan ko at huwag kang sunod ng sunod sa akin!" Singhal ko sa kanya na rinih na rinig ng buong klase. Tumayo ako at iniwan siyang natitigilan naglalad ako papalabas ng classroom ngunit hindi ko pa naihahakbang ang paa ko papalabas ng pintuan ay may kamay na humila sa braso ko pagtingin ko si Jake lang pala ito pero hindi usual na Jake na happy-go-lucky, mapang-asar at palangiting Jake ang makikita mo kundi Jake na punong-puno ng sakit ang mga mata at lungkot. Tila lumambot ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata niya kumirot ang puso ko ng makita siyang ganyan sa buong pagsasama namin ngayon ko lang nakita ang emosyong yan sa mukha niya at nagsisi ako dahil ako ang may gawa noon sa kanya. Nagkatitigan lang kami ngunit mas nagulat ako ng biglang tumulo ang mga luha niya sa mga mata. Ako ba ang may gawa sa kanya nito agad niyang pinahid ito gamit ang likod ng kanyang mga palad. He looked at me his eyes are sad, pain and longing but what is the most shocking when he open his mouth and said something that I regretted the most. "Okay lang sa akin na hindi mo ako pansinin araw-araw dahil makasama lang kita masaya na ako kahit pa asar na asar ka na sa pagmumukha ko." Pag-uumpisa niya hindi ako makagalaw sa sinasabi niya. Ako na yata ang pinakaworst na nobya. Yes, I may not childish but what I am acting right now made my love ones broke their hearts. "Seeing you like this hindi na kita kilala hindi ko na kayo kilalang lahat. Yes, maybe Regina's not here pero inalala nyo bang kung ganyan kayong lahat sasaya siya sa ginagawa nyo kung tatanungin nyo ba siya kung okay siya sa pinaggagawa nyo? Ako na ang sasagot ng mga tanong na yon. DEFINITELY NOT! Isa-isa nyong binago ang mga sarili nyo pero hindi nyo alam unti-unti na ding nawawala ang mga taong nagmamahal sa inyo hindi nyo kami binibigyan ng pagkakataong pasayahin kayo kahit na doon man lang ay mapawi namin ang sakit na nararamdaman nyo pero hindi mas pinili nyong maging iba para sabihin malakas kayo na matatag kayo hindi naman sagot ang mga yan nandito kami palaging nasa tabi niyo but because of what of your doing hindi na ako magtataka kung isa-isa sa amin ay kusang lalayo at susuko." Mahabang saad niya. Bawat salitang lumalabas ngayon sa bibig niya ay patalim na tumutusok sa puso ko dahil bawat salitang yon ay tama. Alam kong hindi lang ako ang natamaan sa mga sinabi niya dahil dinig na dinig yon ng lahat. Ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Jake ang saloobin niya dahil kahit minsan hindi siya umimik kahit saan man ako magpunta sumusunod lang siya sa akin kahit saang gulo ako pumasok. Poprotektahan niya ako pagkatapos noon ay uuwi ako ng hindi man lang magpapasalamat. He's my fiancée for Christ sake! But, I treat him like a trash hindi ko pinaramdam sa kanya na mahalaga siya sa akin na masaya ako kahit papano na nariyam siya sa tabi ko at hindi ako iiwan. "Pwede ba kung sino ka man. Ibalik mo ang honey ko, ibalik mo ang fiancee ko, ibalik mo ang dating childish, slow at wafer monster na mahal ko. Ibalik mo ang dating si Irish Dream Hikaru na mahal na mahal ko." Pagkatapos niyang sabihin yon ay nauna pa siyang nagwalk-out sa akin. Nanghihina ako sa sinabi niya dahil alam kong yon ang totoo. I don't even know who I am. Sa kanya na nga lang ako kumukuha ng lakas tinataboy ko pa siya palayo sa akin. Napasandal ako sa wall ng classroom dahil sa panghihina ng tuhod ko. Jake never complained ngayon lang, ngayon lang siya nagsalita ng ganoon sa akin rather sa amin, kami pala ang mismong sumisira sa buhay namin. I stared at my two bestfriend their eyes are same as me. Nakasulat sa mga mata nila ang pagsisi maging ang mga kaklase naming mga usisera na hindi man lang nagbago ay nanahimik dahil ngayon lang din nila narinig si Jake na magalit ng ganoon lalo na at sa fiancee niya pa which is ako. Tulala akong nakatingin sa kawalan iniisip kong bakit nagawa ko yon sa kanya siya na nga lang ang taong pinagkakatiwalaan ko tinataboy ko pa. Oo nga at nawala si Regina tama nga siya pwede naman kami sigurong huwag magbago dahil lanh wala siya hindi ba? Tama nga siya sa huling mga sinabi niya. Matutuwa nga ba si Regina kapag nakitang nagkakaganito kami dahil lang sa pagkawala niya? His words had a greater impact in my heart. Lahat ng yon ay totoo ni walang halong pagbibiro mula sa kanya. Never siyang naging seryoso ngayon pa lang kaya dahil doon mas lalong lumaki ang pasakit na ibinibigay noon sa dibdib ko. Tumayo si Miguel sa pagkakaupo niya, aalis na din yata siya naglakad siya sa harapan ko pero tumigil siya at hinarap ako. Dapat sana siya ang dinadamayan namin pero bakit parang kaming lahat ay kailangan ng karamay? Siya ang mas mabigat ang dinadala kaysa sa amin pero wala kaming ginawa ng mga kaibigan ko kundi ang unahin ang mga sarili namin. Napakaselfish pala namin ng mga kaibigan ko. "Huwag mong hayaan na ang bagay na mahalaga sayo ay mawala. Oo nga at nandito pa siya sa tabi mo pero baka bukas makalawa sumuko na siya sayo." Makahulugang saad niya sa akin. I saw sincerity on his eyes. Gusto niyang huwag kaming tumulad sa kanya bagkus we have to try to make everything alright. "Oo dalawa lang silang nawala pero pakiramdam ng mga kaibigan ko lahat kayo ay nawala sa kanila hindi pa siya patay kaya huwag kayong umakto ng nagluluksa hindi nyo ba nakikitang tatlo sila lang ang nagtatiyaga sa inyo dahil ganoon nila kayo kamahal pero lahat ay may limitasyon kung ang balde ay napupuno din ng tubig, ang pasensya pa kaya ng tao?" Dagdag niya pa ulit sa akin bago tuluyang lumabas. Bakit lahat ng sinasabi nilang lahat ngayon ay puro tagos sa puso at isip ko. I accept it. I accept what I did. I shouldn't change myself just to prove that nothing happens dahil hindi naman mababago nito ang lahat. Ang kailangan lang ay matuto kaming maging matatag para sa nagmamahal sa amin. Sana nga ay makaya ko ito dahil baka kapag hindi ako na mismo ang lalangoy ng dagat upang halughugin kung nasaan sila. Ganoon kamo magpahalaga ng kaibigan dahil hindi lang siya isang kaibigan sa amin kundi isang kapatid at kapamilya hindi man nakikita ng iba ang kahalagahan niya pero para sa amin she is and always be the best friend you want to wish for. Kung mababalot lang siya bilang regalo para sa pasko matagal ko na iyong ginawa para maging mabuti ang ibang tao. Third Person POV   "Nasaan na ba sila, late na sila!" Sabi ng lalaking kay kulay blonde with mix orange ang buhok habang nakatingin pabalik-balik sa relos. Apat na lalaki ang nakakunot ang noo habang patingin-tingin sa nagdadaan. Ang dalawang babae naman ay asar na asar ang mukha,         inip na inip na ang mga ito at kulang na lamang ay manuntok sa mga dumadaan sa kanilang harapan. "Bakit ba palagi nalang silang late kapag ako natalo sa pustahang ito. Goodbye, Ferrari na ako." Dagdag pa ng lalaking kulay brown ang buhok. The two girls scoffed, they have pink and green hair habang tinitignan ang ibang kasamahan na hindi na mapakali sa kanilang mga kinuupuan. Marahil malaki ang pinusta ng mga ito kaya ganoon na lamang ang kanilang pag-aalala kapag hindi pa nakarating ang inaasahan nila. "Bobo! Hindi lang ikaw kapag natalo ako hindi na magiging kulay dilaw tong' buhok ko magiging ROYGVIB na ito dahil sa  pustahan namin ng makalaban niya." The blue-haired said. Yes, their hairs are unique. Walang hindi mapapalingon kapag may nakakakita sa kanila dahil sa atensyon na nakukuha nila mula sa mga buhok nila. "Tiwala lang mga bro,masyado kayong tensyonado. Chill-chill lang." Pa-cool na sabi ng may dilaw at orange na buhok habang nilalasap ang lollipop sa bibig niya. Ilang minuto pa man lang sila nag-aantay pero kung mawalan ng pasensya ang mga to' ay segundo lang. "Sige, magreklamo pa kayo dyan pero kapag kayo narinig nun yang mga buhok niyo imbis na magiging ROYGVIB yan baka makalbo yan." Sabi ni babaeng may pink ang buhok habang nakangisi na nakasandal sa kanyang kotse katabi ng may berdeng buhok ang kasama nilang may indigong buhok ang nakikinig lang pero ramdam mong inip na inip na din ito hindi nila alintana na nakikinig lang ang pinag-uusapan nila sa may likod nila at nag-aantay lang ng tamang pagkakataon or talagang inaasar lang niya ang kanyang mga kasamahan. "Hindi pa ba tayo pupunta sa kanila?" Tanong ng lalaking may kulay itim at puti ang buhok sa katabi niyang babae hindi umimik ang babaeng may pulang buhok hindi naman siya umimik. Magsasalita lang siya kapag kailangan o kung magsasalita man siya ay mabibilang mo lamang sa daliri ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig o kung magsasalita man siya ay siguradong mahihirapan ang taong hindi nakakaintindi ng sinabi niya. "Alam mong konting oras lang ang pananatili natin dito kaya kailangan mong tapusin agad yon." Sabi pa din ng lalaking katabi niya. The girl looked at her. Ayaw niyang pinakikialaman siya sa mga gagawin niya o kaya naman utusan siya sa mga ginagawa niya tinignan niya ang katabi ng walang emosyon gamit ang mga mata niyang sing-itim ng gabi. Walang hindi kikilabutan kapag siya ay nakatingin sayo. Her eyes illuminate power and bloodlust. Sa mga mata niya ay nagsasabing "don't mess with me or you'll die immediately" hindi nakaimik ang lalaki sa tabi niya dahil sa takot at kilabot na naramdaman niya sa buong kalamnam ng kanyang katawan. Maiisip mong isa lamang silang simpleng barkadahan but the truth is. They are assasins na nagtatago sa katauhan ng isang gangster. Yes, they are defintely a gangster. Gangster who are willing to kill. Gangster who don't thinking of second thought to bury their enemies alive. Sinong mag-aakala na ang mga mukhang mga anghel ay meron palang tinatagong kademonyohan sa mga pagkatao nila. The boy beside her is impatiently looking at his watch not just that, he stared at his watch worrying. Only twenty minutes left the boy thought. Gusto na niyang hilahin ang babaeng katabi niya sa mga kasamahan niya. Kinakabahan siya dahil baka may mangyari hindi inaasahan habang ginaganap ang karera. Muli niyang tinignan ang babaeng katabi na nakatingin pa din sa mga kasamahan nila ng walang kahit na anong emosyon. Napayuko ang lalaki sa isip niya ay hindi deserve ng babaeng kasama niya ang buhay na ganito. Kung may bagay man siyang gagawin dito na ikakasiya nito ay hindi ito kundi ang buhay na nais niya dito. Nagulat siya ng biglang maglakad ang babaeng katabi papunta sa mga kasamahan nila. "Oh' ano? Nasaan na siya huwag mong sabihin natakot na siya sa akin?" Kaya pala sabi ng lalaking kasama ng babaeng may pulang buhok. Nandito na pala ang mayabang na kalaban nitong babaeng to' sabi niya ulit sa isip niya. Nakangisi lang ang mga kasamahan ng babaeng may pulang buhok. Hindi pa nila nakikita ang leader nila dahil nasa likod pa siya ng mga ito habang tinitignan ng walang emosyon ang mayabang na lalaki na malakas ang loob na naghamon sa kanila. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang babaeng may pulang buhok sa likod ng mga kasamahan nito habang nasa pagitan ng mga sasakyan ng kanyang mga kasamahan. Nalilito naman ang mga kasamahan ng babae sa inasta ng lalaki at agad na tinignan ang mga likod nila. Napasinghap sila sa gulat ng makita ang pinuno nila na nasa likod nila. "K-kanina pa ba kayo dyan?" Kinakabahang wika ng may dilaw na buhok. Obvious na obvious na takot na takot siya sa leader nila maging ang mga kasamahan nito ay namumutla dahil alam nilang narinig sila kanina ng babaeng to' The white-grayed boy scoffed with his friends actions. Sinong hindi matatakot sa babaeng kaharap nila kung kahit kailan ay hindi ito nagpakita ng anumang emosyon o kahit na ekspresyon sa mukha. "Yeah, kanina pa kami nandito at rinig na rinig namin ang lahat." Nakangising sabi ng lalaking nasa tabi ng babaeng may puoang buhok mas lalong tinakasan ng kulay ang mga ito sa mga isip nila ay patay na naman sila, hindi mo ineexpect kung ano ang kayang gawin ng babaeng nasa harapan nila. Her presence can make everyone fear as hell. Wala siyang awa kapag ginalit mo siya at kahit kailan hindi siya naawa sa mga pinapatay niya. She doesn't fear anything even death. Napahawak sila sa mga harap ng kotse nila ng naglalad ito sa harap. Sa paningin nila ay parang nagsloslow motion ang galaw niya o sadyang sinadya lang ng mga ito na gawin iyon dahil sa kabang nararamdaman nila. Sumunod namam ang lalaking kasama nito kanina at mapang-asar na ngumiti sa mga kasama. They sighed in relief ng nilampasan lang sila ng babae maging ang lalaking magiging kapatapat nito sa karera ay hindi nakahulma sa presensya niya. Dumiretso lang ito sa 2015 Ferrari LaFerrari nito ang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Ang kulay ng kanyang sports car ay kasing kulay ng kanyang buhok. When her car is on the road siguradong mapapatabi ka sa takot dahil na rin sa plaka ng kanyang kotse. "DIE001" yan ang nakalagay. "Mukhang good mood ah?" Bulong ng may brown na buhok sa may indigong buhok dahil sila ang magkatabi pero napatuwid sila ng upo ng napansin nilang nakatingin sa kanila ang babae. "Damn, maiihi yata ako sa takot kay leader." Sabi ng may indigong buhok sa sarili niya. "Hoy! Ano na? Kakarera kayo o tutulala ka lang dyan?" Sigaw ng lalaking may pulang buhok sa lalaking kalaban ng kanilang leader. Kanina pa ito hindi makagalaw at parang nastroke na sa sobrang kaba hindi nitong inieexpect na presensya palang pala nito ay malademonyo na kahit pa mala-Dyosa ang mukha nito sa sobrang ganda still you wouldn't expect that the girl is breath-taking. "Mukhang natakot na yata." Tumatawang sabi ng babaeng may berdeng buhok sa pangalawang pinuno nila sumunod namang naghalakahakan ang mga kasamahan nito tila natauhan naman ang lalaki at wala sa sariling naglakad sa kotse niya at pumasok dito. Ang lakas ng t***k ng puso nito dahil sa tingin ng leader ng kabilang grupo pero hindi pa din matitinag ito dahil lang sa tingin ng isang babae, hindi siya papatalo dahil ito na ang pinakaantay ng kanyang gang ang makuha ang Ranked 1. This race is set bawat gang na kasali sa ranking ng lugar na ito ay manonood. Sino nga ba ang magpapahuli kung ang maglalaban ay ang 1st at 2nd Ranked minsan lang magpakita ang 1st ranked kaya lulubusin na ng mga gangsters. They are very excited dahil nakikita nila ngayon ang leader ng nasa unang posisyon pumunta na sa gitna ang may dala ng flag para sumignal na umpisa na ang karerahan. "Ang unang makakuha ng isang lap paikot ng hill na ito ay siyang panalo."  Pagpapaliwanag ng namumuno sa race na ito. Bawat bansa ay may Gangster Council kung saan sila ang nagpapanatili ng ranggo ng bawat gang bansa. Sila ay ang mga legendary gangster na dating namayagpag sa larangang pinili nila dahil sa heirarchy ng Gangster World kailangan may magfacilitate upang alam ng bawat isa ang mga gagawin nila. Dahil ng pagiging gangster ay hindi lang nasta mga sanggano o mga basagulero. Ang iba ay trabaho na ito dahil na rin sa mga perang nakukuha nila sa bawat laban na pinagpupustahan. Who could have thought that gangsters are rich? Kahit pa hindi tanggap ng society ang mga gangsters pero hindi pa din mababago nito na ang mga gangsters ay parte pa din ng kasaysayan kahit pa palihim lang ang mga ito. Illegal ang drag race na ito kaya kailangan nilang mag ingat. Sumenyas ang ang may dala ng flag at nagbilang ng tatlo. When he reached on three kasabay noon ang pagwagayway ng flag agad na tinapakan ng babaeng may pulang buhok ang senliyador ng kanyang sasakyan at pinaharurot ito. Ganoon din ang kalaban nila halos hindi makahinga ang mga tao sa napapanood nilang pag-uunahan ng dalawa. Wala pa ding emosyon na nagmamaneho ang babaeng may pulang buhok kumpiyansa siyang mananalo siya kahit pa nauunahan na siya ng kalaban niya. This race is dangerous dahil na rin konting kambyo mo lang sa manibela ay bangin agad ang kahuhulugan mo. Nagrelax lang siya at hinayaan muna ang kalaban na mauna ng kaunti bibilisan niya na lamang kapag nasa may tuwid at hindi bako-bakong daanan na sila. Nang malampasan nila ang parte ng bangin paikot sa lugar kung saan sla nagkakareraha ay tinapakan na niya ang senliyador indikasyon na gusto na iyang tapusin ang laban at iwanan ang kanyang kalaban tinodo na niya ang bilis ng kanyang ferrari pero sa di inaasahang pagkakataon may lahing mandaraya pala ang kanyang kalaban. Ang hulihin ng sasakyan nito ay nagpalabas ng maraming thumbtacks. s**t! s**t! Mura sa isipan ng babae. Inis na inis siya ang ayaw pa naman niya sa lahat ay mandaraya alam niyang nagkandabutas na ang gulong ng sasakyan niya pero hangga't hindi pa tapos ang karera mananalo pa din siya. Ang kailangan niya lang ay tansyahin ang hanging natitira sa kanyang gulong dahil doon nalang siya kukuha ng swerte para manalo. Malaking humps ang nasa hulihan ng karerang ito ang kailangan nalang niya ay palipadin ang kotse niya para manalo. What a brilliant idea red-head said to herself. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho ng makita niya ang humps. Magkatabi na sila ng kotse ng kalaban niya mukhang gulat na gulat ito ng makita ang kotse nito sa tabi ng kotse niya. She smirked. Hindi niya ba inaasahan na makakahabol pa ako? Red-haid said to herself. Malayo-layo pa lamang ang kotse niya sa humps ang bumwelo na siya sa manibela niya. "It's time." Sabi niya ulit sa sarili niya and with that binilisan niya na naging dahilan para lumipad ang ferrari niya. Hindi yata yon inaasahan ng kalaban niya, nang manonood at ng kanyang mga kasamahan. Nauna siya sa finish line kahit na flat na ang mga gulo niya dahil sa pandaraya ng kalaban. She stopped her car ng makaabot siya doon ar lumabas dito. Nagsihiyawan ang mga manood ang mga kasamahan niya ay pangiti-ngiti lang. Nakarating din ang kalaban niya at huminto sa tabi ng kotse niya ng lumabas ito sa sasakyan niya mabilis namang naglakad ang babaeng may pulang buhok sa katunggali niya. The boy extended his hands congratulating the girl but she didn't expect what the girl did. Hinawakan nito ang ulo ng lalaki at binunggo ang mukha nito sa mismong kotse na gamit nito. Nagulat ang lahat sa ginawa niya. Ilang beses niya itong ginawa kahit pa pinapatigil na siya ng mga kasamahan ng lalaki pero gaya nga ng sabi ng lahat wala siyang pinakikinggan wala siya sinasanto at wala siyang pakialam. Sabunot ng babae ang buhok nito kaawa-awa ang mukha nito dahil pumutok ang labi nito at nagdugo ang ilong at noo. "I DON'T LIKE CHEATERS!" Sigaw nito ng madiin at malamig na naging dahilan para manahimik ang lahat. Minsan lang lalo na kapag galit na ito, binitiwan niya ang lalaki at naglakad na parang pag-aari niya ang tinatapakan niya. Sinalubong siya ng lalaking kasa-kasama alam nitong tutunog na ang alarm ng kanyang relos ibig sabihin kailangan nang magpahinga ng babae. "You did a great job." Bulong niya dito. Nagsasaya naman ang mga kasama nila dahil hindi sa pagkakapanalo nila sa pustahan dahil sa nangyari sa kalaban nito. They are cheering when the watched alarmed. A sign that they need to get out of here as fast as they can. "Iwanan nyo na ang ferrari papakuha ko nalang sa tauhan namin." Gray-haired said nauna ng sumakay sa kotse niya ang babaeng may pulang buhok. Nagsitanguan sila at sumakay sa mga kotse nila. Bago pa sila nakaalis ay rinig na rinig nila ang anunsyo sa pagkakapanalo ng kanilang gang. "Pendagon is still undefeated.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD