Chapter 2

4427 Words
Miguel POV Regina Christine Wudson-Triston, she's my wife, the mother of my daughter, my love, my everything. The reason I am still living. Pero ngayon parang gusto ko ng sumuko sa buhay. I am nothing without her. Sa araw-araw na nagigising ako ng hindi siya nakikita at tila sumasabog ang puso ko sa sakit at pighati. Hindi pa din ako tumitigil na hanapin ang mag-ina ko dahil malakas ang loob kong buhay pa sila. I won't believe those crazy bastards saying that my wife and daughter is dead. Dahil kong patay na sila mararamdaman ko yon, alam ko kung sila ay tumigil na puwes ako hindi pa hangga't patuloy akong umaasang andyan pa sila hinding-hindi ako susuko. Sila ang buhay ko, wala ng iba. Sabihin man nilang inaaksaya ko ang buhay ko wala akong pakialam. Yes, maybe I'm wasting my life. Araw-araw naman kasi akong nasa Bar kundi man ay nasa Subic bay at patuloy na nag-aantay sa kanila. First day of class nga hindi ako pumasok eh' Kahit saan kasi ako magpunta nakikita ko ang mag-ina ko. Smiling at me. Baliw na kung baliw but I can't help it. I miss her so freaking much na kahit sa panaginip ko ay patuloy ko siyang nakikita and this, ang alak lang ang nagpapalimot sa akin. And usual, dito lang ako nakaupo sa harap ng Bartender. Iinom lang ako hangga't gusto ko pagkatapos ay uuwi na din ako at doon ibubuhos ang pangungulila ko sa kanya. Mag-isa sa madilim kong kuwarto sa bahay na pinagawa ko sana para sa pamilya ko. Ang bahay na yon ang tanda para sa akin na uuwi pa sila at magkakasama-sama kami. Nilagok ko ang beer na hawak ko at pinahidan ang bibig ko. Nakayuko lamang akong mag-isa lalo nang ganitong gusto kong palaging nag-iisa. Hindi ko na kailangan pang idamay ang mga kaibigan ko sa ginagawa ko sa buhay ko dahila I know they have their own lives, their own love ones. Hinahayaan ko lang silang gawin ang gusto nila. Magmula kasi noong mawala ang asawa at anak ko parang nagkanya-kanya na rin kami. Si Regina lang talaga ang taong hindi naman palakaibigan pero binibigkis ang lahat. She had the leadership skills na wala ako. "Musta Death?" Napalingon ako sa tabi ko ng may tumapik sa balikat ko. Haist, kaya nga ako umiiwas sa lahat para hindi ko maalala siya pero ito parang pinapaalala pa ng tadhana na may mga kaibigan pa akong handang dumamay sa akin bumuntung-hininga ako at tinanguan si Jeff Vlask Euman aka Silent Killer matagal-tagal ko din siyang hindi nakita should I say matagal ko na din silang iniiwasan mula noong matapos ang labanan. Gangster's around the globe call it GORY WAR dahil na rin sa dugong dumanak at ang walang awang pagpatay ni Regina sa mga Rekuta, kilala na siya ngayon bilang isang legendary gangster na walang awa kapag inagrabyado siya. "Zup, pre?" Pag-uulit niya ng pangangamusta sa akin. I shrugged at tinungga ang beer ko. Anong klaseng tanong yon? Isn't it obvious that I am not okay kailangan pa bang sabihin yon kung nakikita naman nila. Uminon din siya ng tequilla. Jeff also reminded me of her kasi naging kaibigan din niya ito alam kong pinakikiramdaman lang nya kung ano ang gagawin o sasabihin ko ngayon. "Alam ko kung anong nararamdaman mo bro dahil yon din ang nararamdaman naming mga kaalyado niya." Sabi niya at humarap sa mga taong nagsasayaw habang nakaupo. Minsan di ko din maintindihan itong mga kaibigan ng asawa ko palagi silang nakikialam kapag may nangyayari sa akin lalo na kapag napapahamak ako dahil sa kalasingan ko. One time may nakabangga ako leader na kasama ang kanyang mga kabarao ng isang gang, Rank 3 ata yon dito sa Pilipinas. Dahil nga nakita nila ako, they helped me. Pandemonium Gang ang mga yon and I am glad dahil natulungan nila ako hindi talaga yon maalisa sa mga kasamahan ni Regina dahil sila mismo ay marunong magpahalaga sa samahan. "It's not wrong to tell what you feel bro. Alam mo namang kapag patuloy mong kikimkimin yan patuloy kang magdudusa." Sabi niya sa akin habang sumisipol sa mga nagdadang mga babae sa harapan niya. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang may papalit na ata kay Kevin Breeks Gabison sa pagiging hugot King. I didn't expect that this man had also a deep words hiding on his coco brain. Mukhang kailangan ko na talagang pagpapraktisin si Kevin dahil mukhang mapapalitan na siya ng gagong to' na nasa tabi ko na kulang na lamang ay pumasok sa powder room ng mga babae dahil sa kakatitig niga dito. p*****t pala ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Regina. Buti na lamang wala siyang HD sa asawa ko kundi nabugbog ko na siya. "Seryoso ka ba dyan sa pinagsasabi mo Killer o hollogram lang tong' kaharap ko." Ang pananahimik ko ay biglang naglaho dahil sa daldal ng katabi ko. Plano ko pa namang sanang wag ng magsalita at siya nalang pagsasalitain ko. Nanlalaki ang matang humarap siya sa akin at tila hindi mapapaniwalang sumagot ako sa sinasabi niya. Tumayo siya at bigla na lamang lumuhod sa harapan ko. Tangna! Anong ginagawa ng mokong na ito pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong nasa loob ng Bar. s**t! Baka akalain ng mga to' bakla ako. "Gago! Tumayo ka dyan! Anong ginagawa mo!" Singhal ko sa kanya. Gusto ko ng ipukpok ang hawak kong bote sa ulo niya kung hindi lang siya kaibigan ng asawa ko. "Halelujiah! Nagsalita ka higit sa apat na salita yon!" Sabi niya habang lumuluhod at pinipraise ako. Ako napapahiya sa ginagawa niya. Tangna! Parang kaharap ko ang pinagsama-samang ugali ng Death. Mas malala nga lang si Jeff dahil mas mabaliw siya sa mga kaibigan ko. "Gago ka Jeff! Tumayo ka dyan! Pinapahiya mo ako." Malamig kong wika sa kanya kailangan yatang seryosohin ko lahat ng mga kaharap ko. Wala pa akong ganang ngumiti o tumawa. I promise myself hindi ako ngingiti hangga't hindi sila ang kasama. Aanhin ko naman ang pagngiti gayong ang dahilan nito ay wala na. Natigilan si Jeff sa ginawa niya, tumikhim ito at inayos ang sarili. "Yeah, yeah, but then, nagsalita ka pa din bro’ matext nga iba." Sabi niya sabay kuha ng cellphone at nagbusy-busyhan siya sa pagpindot-pindot screen ng cellphone niya. I rolled my eyes at tinuloy ang pag-inom. Bakit big deal sa kanila ang pagsasalita ko? Ah' oo nga pala for how many months hindi naman nila ako makausap ng maayos puro tango at iling lang ang sagot ko sa kanila. Ayokong magsalita di dahil sa problema ko kundi dahil sa tinatamad lang ako. Gusto ko lang magsalita ng magsalita kapag nandyan si Regina dahil gusto kong malaman niya na hindi ako magsasawang magkwento ng magkwento sa kanya habang tumatanda kami. Ang katabi ko ay putak ng putak na parang manok kung anu-anong sinasabi niya tungkol sa gang. Kwento siya ng kwento sa mga nangyari sa Chaos Gang sa makalipas na buwan. Mga balitang wala na akong pakialam siguro kong nandyan pa ang asawa ko. Patuloy akong maniniwala sa gang pero dahil wala na siya. Isa na lamang kwento para sa akin ang GANG. Kwentong nakatago na sa baul ng buhay ko, kinalangan ko munang maglie low bipang isang gangster para mas mapatuunan ng pansin ang pag-aaral at paghahanap sa kanila. Alam ko kasing hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pag-aalala sa kanya. I smiled bitterly baka nga masapok pa ako nun sa inis at asar eh. I know my wife well, ekspresyon palang niya sa mukha alam ko na kung kailan siya galit at kailan siya masaya. "Death, alam mo bang may naghahamon kay Chaos?" Napahinto ako sa paglagok ng bote ng beer sa sinabi niya. He knows ba hindi makakalaban si Regina dahil nga wala siya dito. Yes, ang alam ng lahat or should I say ang alam ng Gangster World ay naglie low lang si Chaos. Yon ang pinalabas ko upang patuloy pa ding matakot ang ibang gang na gumawa ng hindi naayon sa kagustuhan namin. Hindi ito ang panahon upang magkagulo sa Gangster World dahil wala pa siya. Wala pa siya upang pigilan ang lahat. Isang salita niya lang alam kong wala ng makakapigil sa kanya. "Akala ata nila matatalo nila si Chaos, ang yayabang eh." Pinabayaan ko lamang na magsalita si Jeff. As if namang mapipigilan ko ang bibig nito. Kung meron mang magiging katapat si Emerald sa pagiging maingay siguradong itong lalaking to' kahit walang pumapansin ata sa kanya magsasalita pa din siya. Yong totoo pinaglihi ba siya sa ingay ni hindi niya yata alam ang word na tahimik. Ipakilala ko kaya sila sa isa't-isa baka sakakiling di niya kilala kung sana mapipili lang ang mga kaibigan matagal ko ng ginawa, biruin mo hanggang ngayon nakakatagal pa din ako sa kanila. "Sinabihan ba naman kaming baka hindi namin pinahaharap si Chaos sa kanila dahil totoo ang sabi-sabing patay na raw ito." Pagkasabing-pagkasabi ni Jeff sa mga katagang yon ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ayokong pag-usapan ang asawa ko lalo na at sa ganyang mga bagay. Kinuwelyuhan ko siya at sinamaan siya ng tingin. Narealize yata ni Jeff ang sinabi niya. Tumahimik ito at tinakpan niya ang bibig. Ang pinakaiiwas-iwasan kong topic ay bigla na lamang sukumlpot out of nowhere. "I-I am sorry bro, hindi ko sinasadya." Paghingi niya ng dispensa. Binitiwan ko siya.  I can't move.  Hindi ko magawang igalaw ang mga parte ng katawan ko pati ang isip ko ay nastuck sa ibang mundo. Ayaw na nitong gumana lalo na ngayon kaya nga umiwas ako diba? Bakit kahit saan ata sinusundan nila ako? Ito ba ang paraan nila upang tuparin ang pangako ng samahan nila. Kung oo, naiirita na ako.alam ko namang concern lang sila but I want peace of mind kaya gusto kong mag-isa kailangan ko pa kasing sabihin sa sarili ko araw-araw na wala pa siya na hindi pa siya nakikita para lang mailagay ko sa isip ko. Tumayo na ako sa stoll na kinauupuan ko. Nagpagewang sandali ang katawan ko. Damn! Naparami ata ang ininom ko. "Woah! Easy bro." Sabi ni Jeff habang dinadaluhan ako. Inalis ko ang mga kamay na nakaalalay sa akin hindi na ako pilay para alalayan pa at di ako imbalido. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang leather jacket ko pati na rin ang mahaba kong buhok matagal ko na din itong di pinagugupitan. I will cut my hair if si Regina ang nag-utos sa akin pero hangga't wala mananatilo lang yang ganya. "Uuwi ka na bro?" Tanong ng maingay na si Jeff hindi bagay sa kanya ang code name niyang Silent Killer. Noisy Killer pwede pa. I shrugged at seryosong naglakad papalabas ng maingay na Bar na ito. Gusto ko pa sanang magtagal pero ayaw na ng puso at utak ko ang makarinig ng impormasyon walang kinalaman sa pagbalik niya. I compose myself at ibinalik ang cold kong ekspresyon. Napapailing siguro ang mokong na yon dahil sa ginawa ko. Nakayuko akong naglalakad. Pinifeel ang pagtingin sa sahig ng Bar puro ingay at musika ang naririnig ko. Maiingay na halakhakan at sayawan. Ang iba ay nagmamake out na.  Geez! I'm glad hindi masyadong ganito ang asawa ko hindi katulad ng iba. Dahil sa pag-iisip ko ng malalim at paglalakad na pagewang-gewang hindi ko namalayang may nakabangga pala ako. "Pasensya na." Hingi ko ng paumanhin pero parang walang narinig ang kaharap ko dahil sinamaan niya lang ako ng tingin. Gago to' ah! Nagsorry na nga may gana pang magalit. Kasalanan ko bang binabandera niya yang walang abs niyang katawa kaya nga nakalagay na exit eh' kasi nga labasan. Walang narinig ang kaharap ko. "Pre, pwede ba umalis ka sa harap ko ngayon? Humihingi naman ako ng pasensya kanina." Inis kong sabi. Psh! Nonsense people. Napagpatuloy ako sa paglalakad sa exit ng may humawak sa balikat ko. Bullshit' Ano bang kailangan ng isang to?! Sakit ng katawan? Yeah, ang pumigil sa akin ay ang lalaking nabangga ko. Hinarap ko siya peeo this time may galit na. I saw him with his minions on his side. Nagtawag pa ang loko, akala yata aatras ako konting pagkakabangga lang yon, ang sensitive namang ng damdamin ng isang ito. "Hindi mo ba kilala ang binabangga mo? Ang gang ko lang naman ay papalit sa Chaos Gang na maging number 1 sa GANGSTER WORLD." Oh' gago ambyisoso. Mataas ang ambisyon ng isang ito. Natamaan yata ng niyog sa ulo noong bata pa siya? Hindi ko nalang pinansin at tumalikod ulit pero napaharap ulit ako sa kanya ng nasabi niya ang katagang kinaiinisan ko. "Weak pala tong' kaharap natin, narinig lang ang gangster na salita nabahag na ang buntot." He said. Sa tingin ko siya ang leader. Siya kasi ang salita ng salita. I saw Jeff on the corner of my eye. Nakatayo siya sa likod ng mga gagong to' at nag-aantay ng hudyat ng labanan. I mentally rolled my eyes. Dahil na dyeta ang mga kamao ko. Ang lalaking nasa harapan ko ay hindi makikilala ang mukha pagkatapos ng suntukang ito. I didn't give him the chance to say anything again. Agad ko siyang inupakan. Dahil sa hudyat kong yon ang nagkagulo ang loob ng Bar agad na nakisali si Jeff sa rambulan. Madami palang kasama ang gagong nakabangga ko. Magkatalikuran kami ni Jeff ngayon habang inaantay namin kunh sino ang unang susugod. Ang leader naman nila ayon hindi pa nakakamove on sa suntok ko. Tulaley eh' Ang mga kasamahan niya ang babanat sa amin dahil ang leader nila ayon parang babaeng nagpapahinga. Mukhang kami yata ang hindi kilala ng mga ugok na ito kung magtapang-tapangan akala mo naman may ibubuga. "Tol, sabihin mo nga hindi ka lang yata habulin ng chics ano pati din yata gulo." Asar ni Jeff. Isa din tong' gago. Kita naman niyang napapaaway na nga kami nakuha pang mang-asar. Haist, Regina...bilisan mo ng bumalik baka mabaliw ako sa mga kaibigan mo. Please lang bawiin mo na sila. Sabay-sabay na lumapit sa amin ang mga herodes na ito. Agad akong dinambahan ng suntok sa panga ng isa buti na lamang mabilis reflexes ko at nailagan ko ito. Nagcounter attack ako ng isang malaking sipa sa tiyan niya kaya natumba ito kasama ng mga lamesa sa likudan niya. Nagkanda-basag ang mga baso at inumin na naroon. Suntukin mo na ang lahat huwag lang ang parte ng mukha ko dahil ito puhunan ko sa pagmamahal ni lovey ko bigla akong napaluhod ng matamaan ang likod ko. Darn! Di marunong lumaban ng patas hindi marunong lumaban ng harap-harapan. Agad akong tumayo at sinamaan ng tingin ang nanipa sa akin sa likod. Pasalamat kayo at lasing ako ngayon kung hindi mas masakit ang ibibigay ko sa inyong bugbugan. Mabilis akong tumakbo sa kanya at kwenilyuhan siya sa pader hindi ko siya binigyan ng pagkakataong lumaban pa, binigyan ko siya ng isang malakas na bazooka punch sa tiyan dahilan para sumuka siya ng dugo. Hindi ko na inintindi si Jeff. Malaki na yon kaya na niya ang sarili niya. Paano pa't naging right hand siya ng Chaos Gang kung hindi siya marunong lumaban? Hindi pa ako nakontento at sinuntok ang mukha ng kalaban ko ngayon lang akong muli nakaramdam ng ganitong adrenaline rush sa nakalipas na mga buwan. Binitiwan ko ang lalaking halos di na makilala. Nakangisi akong naglakad, lumapit sa akin ang iba pang kasamahan ng leader nila na hindi pa din tumatayo. I mentally slapped my forehead dahil ang inaakala kong nakikipaglaban na si Jeff ay ayon sa Bar Counter at umiinom habang pinapanood akong nambubugbog. Ano to' gusto niya ng live show? Tang'na! Mamaya ka sa aking loko ka. Akala ko pa naman tutulungan niya ako yon pala manonod lang asan na yong patalikod-talikod pa siya kanina at may fighting stance pa? I glared at him. He smirked and mouthed "Kaya mo na yan." I rolled my eyes and began kicking those man who are getting near me. Nagsitumbahan ang mga gamit na narito sa Bar. Wala ng tao dito sa loob ng Bar dahil nagsilabasan. Nagkagulo na kasi dahil sa akon at sa mga to' sinipa ko ang nakahigang walang malay na lalaki. Mabuti din pala ang makipag-away nakakalimutan ko ang problema. At kahit papano ay nakakalimutan ko kung anong nangyayari sa akin. Tulog na ang lahat ng lumalaban sa akin pwera nalang sa leader nila. Nakangisi akong lumapit sa kanya, takot siyang tumingin sa akin. "You! Do you know who I am?" Malamig kong sabi sa kanya at bawat salita ay dinidiin ko at iniemphasize para mas lalo siyang matakot siya. Kinuha ko ang upuan sa tabi niya at iniupuan ito. Pinatong ko ang paa ko sa tiyan niya. Ilang beses siyang napalunok. Diniinan ko ang pagkakapatong ko sa paa ko. Napasigaw siya sa akin kapag ito hindi pa sumagot, hindi niya alam ang mangyayari sa kanya. "Kilala mo ba ako o hindi?!" Sigaw ko at sinapak ko sya. Marami na yatang gangster ang hindi gumagalang sa Death Gang at sa Chaos Gang. Well, ipapakita ko ulit sa kanila kung sino ang kinakalaban nila. Lumapit ako sa kanya at bumulong na siyang ikinaputla niya. "I am Death God." Pagkatapos kung sabihin yon ay binunggo ko ang ulo niya sa pader na sinasandalan niya. "Death, one more thing, sila yong gang na naghahamon kay Chaos." Narinig kong sigaw ni Jeff na alam kong libreng umiinom sa Bar counter. Sino ba naman ang hindi iinom ng libre kong walang bantay ang bar na ito pati ang mga bouncer parang na tagu-taguan. Nang marinig ko ang sinabi ni Jeff nag-init bigla ang ulo ko. Ayokong kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao sa asawa ko kaya hangga't maari ginagawa ko ang lahat upang pigilan ang mga yon. Muli kong binalik ang atensyon sa gagong nasa harap ko. Ang lakas manghamon kung sa akin nga lang wala na siyang panama paano nalang kaya sa asawa ko baka di siya abutin ng segundo. "Ang lakas ng loob mong manghamon sa akin pa lang lumpo ka na! Paano pa kaya sa asawa ko?" Sabi ko tsaka pinaulanan siya ng suntok. Tuloy-tuloy lang ang ginawa ko. I don't care if I kill this man all I know is that he insult me and my wife na ayaw na ayaw ko. I kill will those people who bad mouthing my wife. Puno na ng dugo ang kamao ko pero hindi pa din ako tumitigil hanggang sa may mga kamay na humawak sa magkabila kong balikat. Nagpupumiglas ako, alam kung di si Jeff ang pumipigil sa akin dahil na rin nag-eenjoy yon sa ginagawa ko. Nang lingunin ko kung sino ang mga ito. Napamura ako. Gago ka Jeff! Bakit di mo sinabing may mga pulis pala dito?! "Sir, tama na kawawa na yong binubugbog nyo." Sabi ng isang pulis habang tinuturo ang binugbog ko. Nakita ko siyang nakahandusay at puro dugo ang mukha halos hindi na siya makilala pero wala man lang awa akong naramadaman o konsensya man lang mas lalo pa akong natuwa sa nangyari sa kanya dala siguro ng kalasingan. "Sir, kailangan muna namin kayong dalhin sa presinto upang malaman namin kung ano talaga ang nangyari dito at kung anong kaso ang maihahain ng may-ari sa pagwawala niyo." Wika ng sa tingin ko ay ang naka-assign dito. I smirked, as if namang tatagal ako sa kulungang yon. Pinusasan nila ako, inilibot ko ang aking mata ng makita kong dahang-dahang naglalakad si Jeff padaan sa fire exit. Lokong to' iiwan pa ako. "Hoy! Jeff! Saan ka pupunta?! Sasama ka dito! Sir! Isama nyo yon kasama ko po yan dito." Sigaw ko habang tinuturo si Jeff sa pulis na tatakas sana. Damay-damay nato' huwag niya akong pinagloloko. Nabato naman siya sa kinatatayuan niya. Ang akmang pagtakas niya ay hindi natupad bagkus laglag ang balikat niyang lumapit sa pulis at nagpaposas. Napangisi ako ng nasa tabi ko na siyang pinapalakad papalabas ng Bar. Maraming tao sa labas pati mga press andito. I rolled my eyes, mga usisero. Siguradong, headlines na naman kami bukas. Baliw na kung tatawa man ako ngayon pero hindi ko mapigilan dahil sa sinabi ni Jeff. Takot pala sa lola. "Wengya ka Death, ayon na eh' nakatakas na sana ako. Ngayon, patay ako nito sa lola ko. Headline mga mukha natin bukas."     Jake POV   Bwisit naman ngayon lang nakatulog ang gwapong to' tapos may mang-iistoborbo pa sa handsome rest ko? Chupeste! Kakapagod kayang sumunod kay honey ko gabi-gabi. Tapos gabi-gabi ding may riot yon. Kung sinu-sino lang ang sinasapok ng babaeng yon kaya pati tuloy ako napapalaban ng wala sa oras. Buti na lamang di nasisira tong' gwapo kong mukha. Pinapa-facial ko pa to' para kuminis tapos masisira lang dahil sa gang fight na sinasalihan ni honey ko. Ano ba, kasing cellphone ko tunog ng tunog. Ghad! Alas dos na ng umaga! Sinong tatawag ng ganitong oras? Padabog kong kinuha ang cellphone ko sa mesa malapit sa lampshade ko at pasigaw na sinagot to' "ANO BA? ALAS DOS NA NG UMAGA MAGPATULOG KAYO?! LANGYA! WALA PA AKONG TULOG SA KAKASUNOD KAY HONEY KO!" Sigaw ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Narinig kong may tumawa dito habang ako naman inis na inis na dahil sa pagkakaistorbo sa akin kung sino ka man bwisit ka makakatikim ka ng instant batok pag nakita tayo hindi lang naman tulog at kagwapuhan ko ang pinoproblema ko ano pati din si honey ko. Miss na miss ko na ang isip bata kong honey, yong honey kong matakaw sa pagkain lalo na sa wafers, yong honey kong mapang-asar at makulit. "Hoy! Jake! Andyan ka pa ba o tulog ka na?" Teka, pamilyar ang boses ah? Sino ba to? "Yes, andito pa ako teka, sino ba to?" Nagtataka kong tanong. Narinig ko na ang boses nito. Saan nga yon, nagiging makakalimutin na yata ako nitong mga nakaraang araw. Tatanda ako ng maaga kay Hikaru, walang laban na hindi pinapatos. "GAGO KA! HINDI IBIG SABIHIN NA HINDI NA TAYO NAGKIKITA NITONG MGA NAKARAANG BUWAN AY KAKALIMUTAN MUNA ANG BOSES KO! WALANGYA KANG LALAKI KA! SI EMERALD ITO!" Singhal niya sa kabilang linya. Oww, si Fresh Shoes pala. Grabe talaga itong babaeng ito siya lang yata ang hindi nagbago sa kanila. Err, pwera nga lang sa pagiging nerd niya. Nangangarap atang maging Leslie Vhanz Summers eh, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Precious so better get one for her kahit pa magkatunog yon iba naman spelling. "Oh? Napatawag ka Fresh Shoes?" Nawala ang antok ko sa pagsigaw niya. Sige, mang-aasar muna ako ngayon hindi ko na magawa kay honey ko yon kasi sa tuwing aasarin ko siya inaambahan ako ng suntok. "Gago! Huwag mo akong tinatawag na ganyan kaysa mang-asar ka pa! Puntahan mo nalang ako dito sa presinto ng pulis. Malapit sa condo mo, ikaw na pinapunta ko kasi ikaw ang malapit dito." Sagot niya. Hala, anong krimen ginawa ng babaeng to' at nakulong siya? Teka, bakit ako tinatawagan nito? Alam ko namang gwapo ako pero wengya di ako tumatalo ng babae ng kaibigan ko atsaka may fiancee na ako kahit parang malabo na yon. "Jake, alam ko yang iniisip mo. Hindi ako ang nakulong, puntahan mo nalang ako dito dahil si Miguel at Hikaru nasa kulungan. Taena, parang mga bata ang mga ito." Naasar na sabi ni Emerald. Hula ko nakatampal ang kamay niya sa noo niya o kaya sabunot-sabunot niya ang buhok niya ngayon. Nang marealized ko ang sinabi niya di na ako nagdalawang isip na tumayo sa kama ko kahit pa mahal na mahal ko ito mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at sinuot ko ang t-shirt ko at lumabas sa condo. Pumasok ako sa elevator at inip na inip na nag-antay nang bumukas ito ay dumiretso ako sa car park at sumakay sa kotse. Ito na nga ba sinasabi ko ano na naman ba ginawa ni Hikaru at ang nakakagulat kasama pa si Uno. Ano ba ginawa nila? 25 minutes lang ay nakarating ako sa presinto. Kinakabahan akong pumasok sa loob, napailag pa ako ng nay lumipad na upuan malapit sa akin nanlaki ang mata ko ng makita kong si honey yon. Nagwawala at pinagsusuntok ang mga pulis na lalapit sa kanya, lumapit si Emerald sa akin. "Faust, pigilan mo yang fiancee mo. Ako na ang bahala sa dalawa doon." Turo ni Emerald kay Uno kasama si Jeff? Jeff?! Sa loob ng rehas may mga pasa sila kaya marahil napaaway ang dalawa kaya nakulong. Kakagulat naman kung hindi lang ako nagpapanic sa kakailag ngayon tatawanan ko sila sa ayos nila. Amoy kulungan na ang dalawa buti nalang tong' mukha ko di pangkulungan. Sampung pulis na ang pumipigil kay Hikaru kaya wala na akong nagawa at lumapit na dito. "Maam, tama na po. Maam! Aray ko po! Maam, huwag nyo naman akong sabunutan huwag po kayong magwala dito." Sabi ng pulis na sinasabunutan ni Honey ko. Dear Lord, bakit napakabangis ng soon-to-be Mrs. Faust ko? Sira-sira na ang gamit ng presinto. "Sir, ako na bahala sa kanya." Mahinahon kong sabi sa mga pulis at hinila ang braso ni Hikaru minsan kailangan din ng babaeng to' ang magdidisiplina sa kanya. Naasar na talaga ako sa pagbabago niya. "Mabuti pa nga Sir, parang dinaanan ng bagyo ang presinto namin dahil sa kanya. Suko na kami dyan Sir, hindi namin mapasok-pasok sa selda dahil binubugbog kami." Sabi niya. Tss, padadalhan ko nalang to' ng pang-ayos ng mga gamit na nasira. "At isa pa sir. Please lang. PLEASE LANG, SABIHIN NYO ANG NOBYA NYO NA HUWAG NG BUMALIK DITO." Pahabol ng pulis at pinag-aayos ang mga gamit na sinira ng babaeng  katabi ko. Pilit ni Hikaru na tinatanggal ang kamay ko sa braso niya pero pikon na pikon na talaga ako sa kanya ngayon. Binuhat ko siya at inilagay sa balikat ko kaya nasa malapit sa mukha ko ang pang-upo niya. "Bitawan mo nga ako! Ibaba mo ako kaya kung maglakad!" Sigaw niya habang pinagsusuntok ang likod ko. Damn! Martilyo ang pumupokpok sa likod ko hindi ko siya sinagot at pinalo ko ang pang-upo niya na siyang ikinainis niya lalo. Nag-aantay naman ang tatlo sa labas ng presinto habang nakangisi si Emerald at Jeff, high ba ang dalawang ito? Si Uno, ayon no reaction. Tinanguan ko ang tatlo para magpaalam, pinasok ko si honey sa passengear seat, nakasimangot siyang naupo nang okay na siya ay lumipat ako sa driver seat. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng sumigaw si Jeff na siyang ikinatawa ni Emerald. Walanjo! Kung hindi lang ako nagmamadali ngayon babalikan ko siya. "Nice, boxer short Death Prince. Sponge bob, Square Pants."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD