Chapter 1

3951 Words
Emerald POV Naglalakad ako kasama si Dave papasok ng T.U. Dala-dala ko ang napakaraming libro na babasahin ko sa bahay namin. Gaya ng dati ay nakatingin pa din sa amin ang mga estudyanteng tumatambay sa pasilyo ng eskwelahan. Ang mga mata nila ay nagtatanong, nagtataka at nag-iisip. Hindi yata nila maisip na si Precious Emerald dela Merced ay naglalakad sa hallway na ito na may dala-dalang libro. Ironic isn't it? Ang dating party-goer ay may dala-dalang libro at nagpapakanerd. "Tss, don't mind them." Bulong sa akin ni Dave habang patuloy kaming naglalakad. Tumango nalang ako at yumuko. Sa makalipas na isang taon, ang dating ako ay tila nawala na. Ang dating si Chaos Empress ay isa na lamang alamat. Nang mawala si Regina ay nawalan na din ako ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay I mean ipagpatuloy namin ang buhay. Wala na ang Emerald na malakas ang loob at walang inuurungan ang pumalit ay isang Emerald na shy-type at nagpapakanerd. Yes, you read it right. Maraming nagbago sa makalipas na buwang wala siya sa tabi namin. I don't know but if she's not around we are robots without batteries. Hindi makagalaw at hindi maipagpapatuloy ang buhay. She's like our air that we need to breath para lang mabuhay. Pagkatapos na pagkatapos ng labanan sa Subic halos hindi na kami lahat nagkikita. Tila bawat isa sa amin ay gustong makalimot pero hindi maga-gawa yon dahil sa puso't-isipan namin andun pa din siya. Sa puso't-isipan namin buhay pa din sila at nag-aantay lamang ng panahon para muli kaming makasama. Nasa iisa pa din kaming eskwelahan lahat. Bakit nasa eskwelahan pa din kami at nag-aaral? Well, dahil sa labanang yon na siyang sumira ng mga buhay namin. Last year is the saddest part of our lives, wala kaming ganang lahat na mag-aral kaya napabayaan namin ito at hindi nakapagtapos. But, now I realized magiging masaya ba si Regina kapag hindi namin ipinagpatuloy ang buhay magiging masaya ba siya kapag di namin tinapos ang pag-aaral namin? No, hindi siya magiging masaya baka nga pinagbabatukan na niya kami ngayon mula noon hanggang ngayon alam kung kami palagi ang iniisip niya kahit pa hindi namin soya nakikita.  "Babe, huwag mo na munang isipin ang nangyari noon." Dave said wipping my tears off. Hindi ko alam tumulo na pala ang mga luha ko kanina pa at dito pa mismo sa gitna ng pasilyo kami nadrama. Nakayakap na pala siya sa akin pero hindi lang namalayan. I mentally rolled my eyes when everyone gossips. Damn this life! Hindi ba sila titigil? Yeah, paano nga ba sila titigil kung unang araw palang ay may dala-dala na akong libro habang nakikipagyakapan sa harapan ng madla and one more thing, wala daw ata ang presensya ko bilang isang gangster. Paano ko naman gagamitin yon? Kung ang dahilan kung bakit ako masaya sa buhay na yon ay wala na. Hinila ko si Dave papasok ng classroom namin. Marahil, ang iba ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa eskwelahan na ito. Ang isang dahilan dito ay ang pagliban namin sa klase noon ng mahigit anim na buwan kaya hindi namin naipasa ang mga subjects namin at ang isa ay dito mas nakikita namin ang presensya ni Regina. Nagtatawanan at nagbibiruan dito din namin nagawa ang mga bagay na lubhang kinatakutan ng mga estudyante ng buong eskwelahan. Pumasok kami sa classroom agad hinanap mga mata ko ang dalawang kasapi pa ng Chaos or shall I say the members of legendary Chaos Gang. Yes, tanging alamat na lamang kami ngayon kahit pa sabihin aktibo pa ang mga allies namin still hindi na kami aktibo doon. Hindi ko alam kung anong tawag dito, pansamantala o pansamatagal na pumalit sa puwesto namin ang 7 Kings para na rin mapanatili ang mga taong naniniwala pa din sa kapatiran ng Chaos Gang. Bumuntung-hininga ako at naupo sa tabi ni Dave ng makita kong si Hika kasama ni Jake ngunit hindi gaya ng dati na naglalambingan bagkus pinapaalis ni Hika si Jake sa tabi niya. Kahit pa sabihing magfiancee sila tila nawala ang bagay na iyon na bumigkis sa kanilang dalawa. Lahat na yon ay nagbago wala na ang dating isip batang Hikaru at ang antuking Jake. Palaging nakasunod nalang si Jake kay Hika kahit saan man ito nagpunta dahil kung saan man ito pumunta siguradong gulo ang dala niya. Wala itong pinapatos kahit pa mapalalaki. Matanda man o bata basta gusto niya ng away andoon siya. Yan ang sabi ni Jake sa akin I mean sa amin. "They change a lot." Bulong ni Dave na siyang sinamaan ng tingin ni Hika. Narinig niya yata ito. Wala na..wala na ang dating masiyahin at makulit na Hikaru. Hinawakan ko si Dave sa kamay at umiling lang sa kanya. I know napipikon na siya because Hika gave her a f**k sign. Yes, yan na ang bagong Hika. Walang pakialam, walang inuurungan. Sa tingin ko ay ginagawa niya lamang ito upang buhayin kahit papano ang presensya niya. Ang presensya ng aming pinuno, ayaw niyang mawala ito gaya ng ayaw naming kalimutan ito.  "Shhh, babe huwag mo ng patulan." Sabi ko sa kanya at pinakalma siya. Masakit mang tanggapin pero hindi lang siya ang nawala sa akin pati din sila ang dalawa ko pang matatalik na kaibigan. Sa loob ng isang taong pagmomove-on namin ni hindi kami nagkikita tanging balita mismo ang lumilipad upang makarating sa amin. Ang tanong ko nga. Nakamove-on na kaya kami? Gayong parang mag malala yata ang nangyari tila mga bagong tao ang kaharap ko ngayon. Ngayon ay hindi ko nakilala ang mga kaibigan ko pati ang sarili ko ay hindi ko na kilala para kaming nagising sa mahabang pagtulog palaging madilim ang anyo ni Hikaru ni walang bahid na emosyon ang makikita sa mukha niya. Mas naging tahimik din siya at malalim na nag-iisip sabi ni Jake sa amin. Tanging ang mga lalaki lang ang nagsasabi sa akin kung anong nangyayari sa dalawa. I don't even know myself gaya ng nangyayari sa dalawa parang bumalik kami sa pagkabata at nag-uumpisang magsalita at maglakad. We we're just like babies who's learning to talked at walked. Pumasok na ang teacher namin. Inilibot ko aking aking mata, wala pa si Miguel, Kevin at Leslie. I sighed those three were the worst. Sila ang mas malala sa aming lahat lalo na si Miguel dahil siya ang mas naapektuhan sa aming lahat. Alam naming para siyang buhay na patay. Ang tanging bumubuhay nalang sa kanya ay ang pag-asang buhay pa ang mag-ina niya. Sabi ni Dave ay palagi daw itong lasing sa bahay na ipinagawa niya para sa mag-ina niya. Nagulat pa nga ako ng sabihin niya yon sa akin. Sorpresa niya daw iyon sa mag-ina niya. Kawawang Miguel kami na sana'y kadamay niya ay walang magawa upang ibsan ang sakit na dala niya dahil kami mismo sa sarili namin walang magawa upang hilumin ang mga sugat sa mga puso namin. Leslie, ang pangalan ng isa ko pang kaibigan na siyang una naming takbuhan dahil ngayon ay hindi na. Siya mismo ay kailangan ng mag-eease ng pain na nararamdaman niya. Dahil sa aming tatlo, she never talked nor said anything. Nabalitaan lang namin kay Kevin na sinubukan niya maglaslas para sumunod daw kay Regina. I can't blamed her dahil sa aming lahat napakalapit niya kay Regina. Si Leslie ay hindi na gaya ng Leslieng palabasa at tahimik sa isang tabi. Dahil ang babaeng yon laman ng mga Bars sa gabi kung si Hika ay basag ulo ang hanap siya naman alak ang parating karamay o kaya naman ay mga lalaki. Yup, who could have thought that Leslie will gonna be a playgirl na mas lalong ikinangitngit ng kalooban ni Kevin.  Nag-ring ang bell tanda na pwede ng umpisahan ang klase agad namang bumati ang guro sa amin ngunit naputol ito ng pumusok ang taong nasa isipan ko. Right, speaking of the devil. Gulo-gulo ang buhok niyang pumasok pati lipstick niya ay hindi din nakaayos. s**t! Nakipag-make out siguro to' early in the morning. Kinindatan niya ang mga lalaking nasa harapan at nadadaanan niya. Laglag ang balikat niyang tumabi sa amin ni Dave. "Anong nangyari?" Tanong ng tsismosong si Dave. Minsan, iniisip ko tuloy kung sino ang mas tsismoso ang lalaki ba o ang babae. Ako dapat ang magtatanong pero inunahan ako ng gago kong nobyo iyong totoo, siya yata ang babae sa amin. Bumuntung-hininga ng malalim si Kevin at napahilamos ng kamay sa mukha. Asar na asar ang mukha niya. "Muntik na akong makapatay ng ulol doon sa labas." Ah' may binugbog pala siya akala ko naman kung ano. Wait, wait, tama ba pagkakadinig ko? Sa ganito kaaga may nabugbog siya?! Napatayo ako at gulat na sinigawan siya. Oo, ako na ang late reaksyon. "Ano?! May nabugbog ka?! Bakit? Paano? Buhay pa ba?!" OA kong sabi na siyang ikinagalit ng Professor namin. He glared at me making me shut mouth. Humingi ako ng paumanhin. Tinignan ko ang dalawa na parang wala lang sa kanila ang nangyari. Naupo nalang ako ng malungkot wala na ba talaga silang pakialam sa akin? "I saw her kissing some assholes sa parking lot." Sinagot ni Kevin ang tanong ko kanina na parang wala lang sa kanila ang eksenang ginawa ko. Kailangan ko pa bang magulat? Kung mismo si Tita hindi na maintindihan si Leslie. Maraming beses na akong tinawagan ni Tita pero hindi ko alam ang gagawin ko. She's being a slut, wala na siyang pakialam sa sarili niya o sa kung anupamang bagay. Ang tanging ginagawa niya daw ngayon ay hindi gawain ng isang Leslie Vhanz Summers noong nandito pa si Regina. Siya lang naman ang nag-iisang taong makakapigil sa amin kahit ano pa yang ginagawa namin isang salita niya lang lahat kami tiklop. Nakadepende ang bawat isa sa amin sa kanya. Dahil siya ang kaisa-isang taong nakaintindi sa aming gaya ng kami din ang nakakaintindi sa kanya. Sa ilang buwan na nagdaan bawat isa sa amin ay may team na inutusan para maghanap sa kanya kahit pa maubos ang pera ko sa kakahanap sa kanya wala akong pakialam bakit madadala ba ang pera sa libingan? Gaya ni Miguel malakas din ang loob ko na siya ay buhay pa. She's out there, somewhere. Mahahanap namin siya, hinding-hindi kami susuko kung yon lang ang tanging paraan para bumalik ang lahat sa dati so be it. Miss na miss ko na ang pagsinghal niya sa amin. Ang ngiti niyang once in a blue moon mo lang makikita pero pag nakita mo ay ngingiti ka din. Lahat kami na apektuhan sa pagkawala nila lalong-lalo na ang pamilya ni Regina. Oo ng at gumaling na si Kuya Ryder pero when he found out that his sister is lost kulang na lamang ay magiba ang mansyon ng mga Wudson dahil sa pagwawala niya. Even Yokohama's dahil sa sakit at pait na naranasan nila dito sa Pilipinas ay mas pinili nilang umuwi sa Japan at doon magmove-on. I smiled bitterly kami lang yata ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakamove-on at wala sa bukabularyo namin ang mag move-on. Dave never leave me, siya ang naging sandigan ko sa masalimuot na pangyayaring ito ng buhay ko. Nag-umpisa ng magturo ang Professor pero wala ang isip ko sa sinasabi niya ata alam kung ganoon din ang iba. Nakatingin lamg sa labas si Hikaru. Si Leslie naman ay patingin-tingin sa kuko niya na ginawagawa ko noon. Cliche right? Nagkapalit-palit yata ang mga ugali namin. Napailing na lamang ako kung narito pa kaya siya ano kayang mangyayari sa amin? Siguro may kanya-kanya na kaming mga buhay ngayon. May kanya-kanyangg trabaho sa mga kompanyang pag-aari ng mga pamilya namin at nagsasaya pagkatapos ng nakakapagod na trabaho namin. Siguro ay bawat isa sa amin ay naghahanda na sa future namin. Maybe, Hikaru and Jake are married o kaya naman kami ni Dave at kasal na o kaya naman ay magkasintahan na sina Leslie at Kevin. But, our world turns upside down when she and Khyra vanished. I don't know kung meron pa bang natitirang pagkakaibigan sa amin o sadyang nag-iiwasan lang kami upang hindi namin makita sa isat-isa ang alalaala niya. Hindi ko masyadong binabanggit ang pangalan niya dahil na rin mas lalong sumasakit ang dala-dala ko kapag naalalang may kaibigan akong nawawala. Dineklara na siyang patay ng mga awtoridad, sila lang ang naniniwala noon dahil kami patuloy kaming maniniwalang buhay pa siya hangga't wala kaming katawang nakikuta na nagpapatunay na wala na nga siya. "Ms. dela Merced! Ano ba?!" Nagising ako sa pag-iisip ko sumigaw ang Professor ko. Tumingin ako sa harapan and I saw them looking at me intently. Nakuha ko yata ang atensyon nilang lahat dahil sa pagkakatulala ko. Napailing ang Professor namin at galit na nagsalita. "Kung gusto mo lang tumulala sa klase ko dela Merced pwede ka ng lumabas! I don't need idiots here!" Singhal niya na siyang ikinapigil ng tawa ng lahat. Naikuyom ko ang kamao ko kung nandito lang si Regina. Tulog na ang Professor na ito dahil sa kakasigaw niya. And I am very sure hindi siya magtatagal dito sa eskwelahang ito. Bakit ba kasi nawala pa sila para kaming barko na walang gasolina hindi makapalaot dahil kulang ng isa. Hinawakan ni Dave ang kamay kong nakakuyom sa desk ko. Umiling lang siya, ito ang disadvantage kapag wala si Regina. I can’t stand on my own. "Tsk, tsk, diba sana gagraduate na kayong anim na nandito? Bakit nga ba hindi natuloy yon?" The Professor said. Huwag ka lang magkamali na magsabi ng hindi ko magugustuhan na salita sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nangako akong hindi gagawa ng ikasasakit ng kapwa ko hangga't wala siya. "Ah, yes. Narinig ko lang ito but it seems naapektuhan kayo sa pagkawala ng kaibigan nyo hindi ba?" Kay bago-bago mong Professor pero tila hindi ka yata magtatagal dito kapag ipapagpatuloy mo yang sinasabi mo. Oo nga at nangako ako pero hindi ibig sabihin noon hindi ko na kayang manakit ng tao lalo na kapag iniinsulto ang mga kaibigan ko. Tahimik lang ang lahat tila nagmamasid at nakikinig pero alam kong ramdam nila ang tensyon sa loob ng classroom. I can sense that they are holding there breath. This Prof need to learned his own lesson. Dapat sana kami tinuturuan niya ngunit parang siya pa ang matuturuan ko kapag hindi niya tinahi yang bibig niya. "Bakit pa kayo mag-aalala sa kaibigan nyong yon kung dapat nga ay masaya kayo dahil wala na siya, wala ng masamang impluwensya sa inyo." That's it! Wala na! Sorry Reg pero dahil inisulto ko niya hindi kp na kayang magtimpi. Ang matandang ito, gaya din siya ng Tita ni Sera. Para silang mga virus na hindi titigil hangga't hindi nakakapanira. Madilim ang anyo kong tumayo sa upuan ko. Napatingin ako kay Dave na hinawakan ang kamay ko at pinipigilan ako. Marahas kong kinuha ang kamay ko at naglakad sa unahan ngunit hindi pa ako nakakarating ay bulagta na ang Prof sa semento. Dumudugo ang ilong at nabungi ang ngipin. Guess who did it? No other than Irish Dream Hikaru. Mukhang mas napikon siya sa ginawa ng Prof kaysa sa akin. Pagkatapos niyang ginawa yon ay naglakad siya paalis ngunit nag-iwan siya ng isang banta para sa lahat. "One more insult for Regina and I will surely kill you." She said glaring each and every person na nasa loob ng classroom. Nakabuntot sa kanya si Jake na parang baliw sa laki ng eyebags sa ilalalim ng mga mata niya. He's favorite hobby is sleeping pero parang daig pa niya ang nagvigil sa laki ng eye bags niya. Wala sigurong tulog to' sa kakaproblema kay Hika at kakasunod dito. Wala ni isang nakapagsalita sa amin pati ako ay natigilan. Pagdating kay Regina pare-pareho kaming mag-isip. Ayaw na ayaw naming may nang-iinsulto sa kanya dahil hindi nila kilala kung ano at sino ang babaeng naging kapatid at kaibigan namin kung papipiliin ako ng mga kaibigan. Sila at sila pa din ang pipiliin ko wala ng iba. Tumayo na din si Leslie sa pagkakaupo niya at dali-daling lumabas. Nagdadalawang-isip namang si Kevin kung susunod siya o hindi dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ng babaeng yon. "Bakit di mo sinundan?" Tanong ni Dave sa kanya. Kevin shrugged at nanatili na lamang na nakaupo. "Itataboy niya lang ako gaya ng ginawa niya kanina." Malungkot na sabi ni Kevin sabay buntung-hininga ng malalim. Damn! Ano na ba ang nangyayari sa amin para na kaming mga taong naliligaw na hindi makauwi-uwi sa mga bahay namin. Arrghh! Reg, kung nasaan ka man. Bumalik ka na. Madaliin mo because this friendship is slowly fading baka pagdating mo ay mahuli na ang lahat baka pag uwi mo ay wala na ang lahat ng pinaghirapan natin. "Where are you Regina, come home."     Kevin POV Hingal na hingal ako habang tinatakbo ang bawat simabahan na makikita ko. Hindi ko alam kung saan at kung kailan basta ang alam ko kailangan ko lang magmadali. Nagpalingon-lingon ako at hinanap ang mga mukhang pamilyar sa akin ngunit wala sila. Hindi ko alam kung bakit ako naka-barong. Ano ang nangyayari? Bakit ako nakasuot ng ganito? Bawat taong naglalakad ay tinitignan ako na para akong nababaliw. Sino nga ba ang hindi magtataka kapag ang isang lalaki ay nakabarong at tila parang nababaliw na tumatakbo at halos mapudpod na ang sapatos sa kakahanap ng kung ano ngunit hindi ko naman matukoy kung ano ang hinahanap ko.  Ginulo ko ang aking buhok at sinipat ang relong nasa wrist ko. Bakit kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan? Hindi naman siguro ako nagmamadali hindi ba?  Nasaan sila Miguel? Si Jake? Si Dave? Nasaan ang mga kaibigan ko? Tanong ko sa aking sarili. Diba dapat ay magkakasama kami? Bakit tilaay nakakalimutan ako? Ano bang araw ngayon? Espesyal ba kaya ako nakabarong? Binyag ba ni Khyra? Teka, tapos ng binyagan si Khyra baka pambawi ni Uno sa anak niya. Nakarinig ako ng kalembang ng mga kampana sa simbahang nasa harapa ko. Sa tingin ko ay ito na ang huling destinasyon ko. Marahil, iniwan ako ng mga kaibigan ko dahil nalate ako ng gising at nauna na sila sa Simbahan kung anuman ang nandito. Mga lokong yon! Di man lang sinabi sa akin na may okasyon pala. Sana man lang pinapalitan ko ang barong na suot ko ng amerikana, ang baduy kaya nito. Gusto yatang magpakapinoy ng nagpasuot  nito sa akin. Humakbang ako paharap sa simbahan sa mismong malaking pintuan ng Manila Cathedral. Yes, sa harap ng Manila Cathedral. I don't know kung paano ako nakarating dito. Ang alam ko lang ay takbo lang ako ng takbo. Nakasara ang malaking pinto ng Simbahan. So, I assume nagsisimula na ang binyag ni Khyra. Damn! Ako pa naman ang isa sa mga ninong pero ako pa ang mismong late!  Mababatukan ko talaga si Jake sa hindi pagpapaalala sa akin sa mahalagang okasyong ito. Patakbo kong umakyat sa hagdan ng Simbahan, tinignan ko muna ang pintuan ng Simbahan bago binuksan ito ng dahan-dahan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko ng mabuksan ko ang pintuan. Totoo ba ang nakikita ko o dinadaya lang ako ng aking mga mata? Is it really true? Kinusot ko ang aking mga mata. Totoo nga, nanghihina ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang kasal ng babaeng mahal ko. Oo, it's Leslie's wedding with the person that became also my friend even we are not that close. Kaya pala...kaya pala nakabarong ako. "Do you Leslie Vhanz Summers, take Yukiro Yokohama as your lawfully wedded husband?" Tanong ng Priest kay Leslie. Tumingin siya kay Yukiro ng malungkot. Tumambol ang pintig ng puso ko. Lihim akong nagdadasal na sana ay hindi siya pumayag na sana ay inaalala pa niya ako hanggang ngayon. "Yes Father."  Laglag ang balikat ko sa sagot niya. Bakla mang tignan pero napaiyak ako sa sagot niya. Biglang gumuho ang mundo ko. Ang akala kong mahalagang okasyon na ito ay kasal pala niya. Kasal nilang dalawa. "By the power vested in me. You are now husband and wife."  Anunsyo ng Pari. Mali mang isiping gusto kong sakalin ang Paring nasa harapan ng altar at nagkakasal sa babaeng mahal ko. Parang naririnig ko ang kanta na 25 minutes ng Michael Learns To Rock ngayon. Tuluyan na akong lumuhod sa sahig habang tinitignan ang dalawa pares na kinaiinggitan ko. How could this happen? Saan ako nagkulang? Did Leslie really want this? Humarap sila sa lahat. She gasped when she saw me. Her tears are slowly dropping clearly. Kitang-kita ko ito. Sana ako at siya ang kinasal ngayon hindi silang dalawa kung sana hindi ako na huli kung sana nagmadali lang ako. Even if it is whispered on herself. I heard it. "I am sorry Kevin and I love you."   Hinihingal akong nagising. Naupo ako sa kama ko at ginulo ang aking buhok. Bullshit! Damn that dream! Akala ko totoo! Akala ko..akala ko. I can't imagine myself kapag totoo ang lahat ng yon. I can't even picture myself na wala siya sa buhay ko. This past few months alam kong nag iba ang lahat pero ang pagmamahal ko sa kanya kailan man hindi nag-iba. Buti na lamang panaginip yon. Buti na lamang kung hindi I would volunteer myself papasok sa mental institution. Bakit sa lahat-lahat ng panaginip yon pa? Nakakagago lang. Tinignan ko ang orasang nasa tabi ko. Napamura ako ng makitang late na ako sa unang araw ng klase. Dali-dali akong pumasok ng banyo at naligo. Geez! Past break lang to' kahit hindi naman ako maligo mabango pa din ako. Pagkatapos kong maligo aya agad akong umalis ng condo ko sa T.U nalang ako kakain. I really miss her kahit pa isang araw lang kaming di magkita. Kahit pa parang akong asong sunod lang ng sunod sa kanya wala akong pakialam basta safe lang siya. Oo, para niya akong buntot na palaging nakasunod sa kanya sa loob ng isang taon dahil iyon sa nagbago siya. I mean nagbago ang lahat ng nawala si Regina para siyang oxygen ng lahat hindi sila mabubuhay ng wala siya at parang ako din nagaya na sa kanila kahit pa hindi kami magkasundo ni Regina parang pati ako nakadepende na rin sa kanya. Agad akong pinaharurot ang McClaren ko papuntang eskwelahan. Sa nakalipas na mga araw. Bar at Condo lang ang routine ko dahil kay Leslie. Laman siya palagi ng mga Bar at palaging umiinom at ako namang si tanga ayon sa malayo binabantayan lang siya. She became wild when Regina was lost. Lahat ata ng lalaking makita niya ay pinapatos niya na siyang ikinakatakot ko. Kaya kapag lumagpas na sa limitasyon ako na mismo ang kumukuha at nag-uuwi sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya sa kanilang lahat bawat isa ay naging iba. Sa kanilang tatlong babae mas nagulat ako sa pinagbago ni Leslie. Ang dating tahimik ngayon ay mas maingay pa kapag nasa bar. Dahil malapit lang ang T.U sa condo ko ay nakarating agad ako. Nagngingit agad ang kalooban ko ng makita ko kung anong nasa Parking lot. Umimbis ako sa sasakyan at agad na biningwasan ang lalaking na kahalikan ni Leslie. Binanatan ko ito ng binanatan. Badtrip ako ngayon dahil sa panaginip na yon nadagdagan pa! Huling ginawa ko ay ang sinipa siya. Humarap ako kay Leslie pero wala na siya. I saw her heading papasok ng Classroom. I sighed at sinundan nalang siya. This woman is going to make me crazy! Tangna! Kung nasaan ka man Regina magpakita ka na. Maiking panahon ka palang nawawala. Nabubuang na ang lahat. Nag-aalala na ako sa mga kaibigan natin nang maabutan ko siya ay agad ko siyang hinawakan sa braso pero gaya ng dati ay pilit niya akong pinapalayo. Gusto ko lang naman damayan siya, sila pero sila ang kusang lumalayo. "GO AWAY! I DON'T NEED YOU!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD