Chapter 5

4213 Words
Third Person POV "Bilis! Bilis! Ang bagal naman eh." Excited na sabi ng haponesang may kulay berde ang buhok. Sinong mag-aakala na ang babaeng ito ay labing-anim taong gulang na gayong ang height nito ay 4'9" lang. Hila-hila niya ang isa pang babae may pink na buhok na palaging nakasimangot. Kababa lang nila ng eroplano kasama ang anim pa nilang mga kaibigan dito sa Private airport na pinaglagakan sa kanila para landingan ng eroplano nilang galing ng Japan. "Huwag mo nga akong kaladkarin hindi ako bagahe mo!" Inis na singhal ng babaeng may pink na buhok sa kanyang kasama. Bilang ganti ay nagkibit balikat lang ito at muli siyang hinala. Napabuntung-hininga lang ang babaeng mag berdeng buhok at sinundan ang kasamahang patalon-talon na kinakausap ang sarili tungkol sa anu-anong gusto niyang gawin sa pagtira nila dito sa Pilipinas. Hindi nila alam kung ano ang plano ng leader nila basta ang alam lang nila kung nasaan man ito ay susunod sila. Napailing na lamang ang babaeng may berde ang buhok habang sinusundan ang kasamang mas excited pa sa leader nila gayong ang mismong dahilan ng pagtira nila dito ay gaya ng dati. She's not smiling nor talking. She will just looked at you and nods if she agreed but when she's not titignan ka niya ng malamig. "s**t! Guys! Sinong may salamin o pulbo dyan? Kawawa naman itong face ko oh' ang oily na ganito pala dito sa Pilipinas ang init!" Maarteng reklamo ng lalaking may dilaw na buhok sa kasamahan niya. Sabay-sabay na bumaba ang anim sa eroplano kahit pa medyo nahuhulo ang lider at ikalawang lider nila. Pinabayaan nalang nila ito dahil mukhang may pinag-uusapan ang mga ito ng masinsinan at alam nilang hindi sila pwedeng makialam dahil baka hindi pa sila nagsasalita dadanak na ang dugo dahil bubutasan ng lider nila ang leeg nila kapag sasabad sila ng walang pahintulot mula sa kanya. "Oh' ito bro, huwag mong ubusin ah? Kapag ikaw pa naman gumamit palaging ubos ang pulbo ko. Bakit ba kasi di ka nalang gumamit ng foundation atleast yon mas tumatagal." Wika naman ni Blue-haired sa may dilaw na buhok matapos ibigay dito ang pulbo. Agad na ginamit ng lalaki ang pulbo at pinahid sa mukha. "Tol, may salamin ka?" Bulong ulit ng dilaw na buhok sa katabi niya hindi naman napigilan ng may brown na buhok ang pagkaasar sa kaibigan na napakaarte. Siniko niya ito ng malakas dahilan upang mapaubo ito. "Ouch! Sakit nun Kuya." Sabi nito sa may brown na buhok na siyang tumatayong kuya nilang lahat dahi siya ang pinakamatanda sa mga ito. "Kahit dito ba naman dadalhin mo yang kaartehan mo? Bakit di mo tularan yang isa?" Nguso nito sa kasamang may indigong buhok na inaantay ang lider nila. Aware silang lahat na may gusto ito sa babaeng napakalamig kong tumitig ngunit dahil manhid ang babae ay hindi na nito kayang aminin ang nararamdaman sa babae. The girl never looked at him just the way he admiraly looking at her. "Tsk, tsk, alam naman niyang hindi siya mapapansin ni Leader eh' kahit na ano pa ang gawin niya. Bato ang puso ng babaeng yan." The Blue-haired said grinning at them. Napatango-tango naman ang dalawa dahil alam nilang totoo ang sinasabi nito. Walang pag-asa ang lalaki dahil kahit na babae ang lider nila at kahit anong kay gwagwapo nila hindi siya kahit kailan tumingin sa kanila gaya ng ibang babae. She's unique kaya siya nagustuhan ng may indigong buhok dahil sa lahat ng babaeng nakakandarapa sa kanila. She's exemption. Hindi katulad ito ng ibang babae na kapag kikindatan mo ay lalapit sayo. Iba siya dahil kapag ginawa mo yon siguradong black eye ka. "Bro, halika na mamaya mo na tignan yan kapag nasa tutulayan na natin tayo." Sabi ng may bughaw na buhok. Sa pagsabi niyang yon ay may halong pagbibiro na siya namang ikinatigil ng may indigong buhok bago tumango. Laglag ang balikat nitong sinundan ang mga kaibigan kahit anong sabihin ng mga kasamahan niya he will not surrender para lang makuha ang atensyon ng babaeng minamahal. Inakbayan siya ng mga kasamahan niya nakikisimpatya ang mga ito sa kanya dahil kahit anong gawin nitong pagpapansin bulag yata ang babae at hindi nito makuhang pansinin ang lalaki. Samantala ang dalawang lider naman nila ay nag-uusap sa mga bagay na gagawin nila sa pagtira dito. "Oldman said we have to go to School kahit pa tapos na tayong mag-aral sa Japan." Gray-haired said explaining everything to the girl. As usual tango lang ang sinagot nito. Napabuntung-hininga nalang ang lalaki hindi niya alam kung paano pa ito sasagot sa kanya gamit ang boses nito. Sumuko na siya sa para pagsalitain ito. Kahit na ano pa ang sabihin niya o pagbibiro niya hindi pa din ito nagsasalita o umimik man lang sa sinasabi niya. "Hanggang nandito tayo yon na muna ang pagkakabaalahan natin hangga't wala pang utos ang matanda." Sabi ulit ng lalaki. Tumango ulit ito, tinignan niya ang malamig nitong mata. Mga matang wala ng buhay kundi puro na lamang kawalan ang makikita ko sa kanyang mata hindi magawa ng lalaki na pagsabihan ito dahil kapag nagkataon siya pa ang mapapahamak. Walang sinasanto ang dalaga kahit na kaibigan niya. Yan siya makalipas ang ilang buwan. Napaisip ang lalaki, kailan kaya ito ngingiti o kaya naman ay tatawa. He miss her smiles and laughed na kahit kailan ay hindi na niya nakita mula noon. Bawat galaw ng babaeng katabi niya ay limitado ngunit asahan mong tatama sayo bawat kamao. "In the meantime, kailangan nating mag-ingat sa mga kalaban natin." Sabi ulit sa kanya ng lalaking kasamahan. The girl shrugs. Walang patutunguhan ang pag-uusap naming ito hindi naman makikinig ang babaeng to' Sabi sa isip ng lalaki. Alam niyang matigas ang ulo ng dalaga kasing tigas ng puso nitong walang emosyon at damdamin. "Mapapanisan ako ng laway sa babaeng to' kung hindi ko lang siya kapatid." Bulong ng lalaki sa sarili niya. Hindi niya inaasahang narinig pala nito ang sinabi niya dahil binatukan siya ng kapatid. "Ay! Bakit kailangang mambatok?!" Inis niyang turan sa babae. Tinignan lang siya ng walang emosyon ng babae at itinuro ang mga kaibigan nilang nag-uunahan na sa pagsakay sa mga limousine na magsusundo sa kanila. The boy rolled his eyeballs. Sasakyan lang naman ang pinag-uusapan bakit pa kailangang mag-away ng mga yon? Hinila siya ng kapatid niya papunta sa mga kasamahan nila. Sa simpleng bagay lang pinag-aawayan na ng mga ito at siya bilang isang isa sa lider ng Pentagon ay kailangang maging referree palagi sa mga pag-aaway ng mga ito. "Geez! Pati ba naman sasakyan pag-aagawan niyo? Apat naman yang limousine bakit di kayo sumakay ng tigdalawa-dalawa sa bawat limo?" Inis na singhal ng lalaki sa mga kasamahan niya. Napatalon naman sila sa gulat sa pagsinghal ng lalaki. Alam nilang sanay na sila sa pagiging mainitin ng ulo nito ngunit hanggang ngayon ay nagugulat pa din sila kapag sumama na ang timpla ng mood ito. "Parang mga bata! Ano pang hinihintay nyo dyan? Pasko? Puwes, kayo na lang!" Nagsiyukuan naman ang mga kasamahan nila. They are just excited. Excited na naging dahilan ng pagtatalo nila ata dahilan kaya nagalit ang isa sa mga haligi ng Pentagon. Magcoconvoy sila gamit ang mga limong sumundo sa kanila kaya hindi dapat sila mag-away dahil lang dito.  Gray-haired boy scoffed at sumunod na sa kapatid niya na nauna ng naupo sa pinakaunang limo na nagsusundo sa kanila ni hindi man lang nito pinansin ang mga kasamahang parang bata kung umasta dahil sa pag-aagawan lamang ng sasakyan. She never take a glanced on her fellow companions. Kasi alam niyang kaya na ng kapatid niya ang mga ito. Matatanda na ang mga ito pag-uugali lang ang kailangang baguhin. Sa grupo nila minsan tatlo lamang ang matured kung hindi sasama ang kapatid ng babae. Dahil minsan kapag nasa mood ito ay nauuna pa itong nang-aasar sa kanila. Iniwan ng lalaki ang mga kasamahang nagsisiyukuan at nagtutulukan sa pagpasok sa mga limong nakaparada sa harap ng airport. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay aakalaing ang mga nasa harapan nila ay mga artista dahil sa kay gaganda at kay gagwapo nilang tignan. Apparently, ang iniisip ng iba ay tama dahil ang Pentagon ay hindi lamang gang sa Japan. Isa din silang mga sikay na singer, aktor at mga modelo. Bawat isa sa kanila ay may mga pangalan na nakatatak sa isip ng mga Hapon ngunit sa kabila ng pagiging sikat ng mga ito ay nagkukubli ang mga sekreto ng bawat isa. Mga sekretong hindi alam ng media at mga pampublikong tao. Pentagon is not a normal gang. Dahil sa kabila ng impluwensya ng mga ito tago ang mga identity nila sa iba. Bawat isa ay galing sa maimpluwensyang pamilya sa ibat-ibang panig ng mundo na may mga dugong Pilipino. Ang mga magulang nila ay kilalang mga negosyante sa iba't-ibang bansa kaya tago dapat ang mga pagkakalinlan ng mga miyembro ng Pentagon at bawat pamilya ay may mga baho. Mga bahong nagpoprotekta sa mga pamilya nila. Their families are part of a Clan. Ang Clan kung saan lahat sila ay pinoprotektahan ng mga ito at minsan ay ginagamit nila ito bilang panakot sa kalaban ng mga Pamilya nila mapanegosyo man o personal. Naupo na ang lalaki sa tabi ng babae hindi maiisip na sa kabila ng pagiging magkamukha nila ay siyang pagkakaiba ng mga pag-uugali nila. Yes, they have the same face pero mas lamang lang ang isa dahil kapag itong isa ang ginalaw mo kahit dulo lang ng buhok niya. You'll never know what will she gonna do. Expect that unexpected or shall we say: Magpagawa ka na ng kabaong mo hangga't maaga pa. "What time is it?" Malamig na tanong ng dalaga ng mag-umpisang umandar ang limo. Nagtaka ang lalaki sa tanong ng dalaga ngunit binilang niya ang mga salitang lumabas sa bibig nito. "Hallelujuah! Praise the Lord! For how many months she finally said four words!" Kulang na lamang ay magtatalon sa limo ang lalaki dahil sa pagsalita ng kapatid. Papalakpak na sana siya ng napalunok siya sa kaba at gulat. Nakatutok sa kanyang leeg ang isang dagger ng kanyang kapatid. "Cheer or I'll kill you." Malamig na sabi ng cold-hearted Queen. Kinakabahang inalis ng lalaki ang dagger sa leeg niya. "Grabe, ito naman hind mabiro. Sabi ko nga tatahimik na ako ayokong masira itong lovely face ko ano!"  The boy nervously smiled while staring at her sister. Ito na nga ba ang sinasabi niya kahit kapatid pa siya nito hindi na yata maalis sa kapatid niya ang pagiging manhid at walang awa sa kapwa. Natatandaan niya pa ang unang atake nito ng sakit nito sa piling nila. That disease is rare na napapasa ng mga ninuno nila. Ang lolo nila ay namatay sa ganoong sakit pero ang pagkakaiba lang ng lolo niya at ang kapatid niya. Nagtitrigger lamang ito kapag nakakakita ng dugo. The Doctor said it is her bloodblust. Kapag nakakakita siya ng dugo lalong magsisidhi ang lust nitong makakita pa. And if she wouldn't see any blood flowing on her hands nanghihina ang kapatid niya. Ito lamang ang tanging paraan ng babae upang makasurvive magmula ng maaksidente ito. It's her own medicine...her vitamins..the only way she could surive is to kill. Wala na silang magagawa ng pamilya niya sa bagay na ito dahil na rin nanalaytay sa dugo niya ang pagiging isang mamatay tao. Marahil, ito ang palaging iniisip ng kapatid niya dahil ni minsan ay hindi ito nagsasalita pagkatapos nitong pumatay o kaya ay makakita ng dugo parang bampira ang babae dahil bigla na lamang mag-iiba ang mukha nito kapag nakita na ang dugong umaagos sa katawan ng iba.  The blood unlocks the beast inside her when she saw blood shreding. "Kiro, one more daydreaming and I wouldn't promise not to kill you." She said coldy dahil para umakyat ang lamig ng boses niya sa likod ng leeg niya na naging dahilan para tumaas ang balahibo niya. Yes, he is Yukiro Yokohama, the gray-haired boy also known as Berserker in the Gangster World. Namutla ang lalaki at muling napalunok ng laway. Kapag kasi nagbanta na siya nakakatakot na ang babaeng ito. He answered her sister stuttering. "I-it's o-one pm in the afternoon. Why did you ask sis?" Pilit niyang pinatatag ang boses niya dahil kahit kadugo niya ito nakakatakot talaga kapag nagalit ang kapatid niya. Sa loob ng mahigit isang taon walang ginawa ang babae kundi ang maging malamig sa lahat puro pagsasanay na lamang ang ginawa nito at pagpatay o di kaya naman ay binubuhos nito ang lahat ng atensyon sa pinapagawa ng kanilang ama. Alam ni Yukiro na magagalit ang iba sa ginawa nila ng pamilya nila pero para sa kanila ito ang nakakabuti att ang pag-uwi nilang ito sa Pilipinas ay ang paraan para matagil na ang paghahanap ang pagpapahirap ng bawat isa sa mga sarili nila. This past few months walang pinalampas ang lalaki na balita mula sa mga kaibigan niya sa Pilipinas o kung ituturing pa ba siya ng mga ito na kaibigan pagkatapos ng ginawa niya. Siguradong, gugulpihin siya ng mga ito pero wala siyang pinagsisihan dahil para ito sa nakakarami. Her sister nodded with his answer at tumingin sa labas ng salamin ng limo habang nakapatong ang ulo nitp sa bintana. Lahat ng impormasyon sa kanya sa makalipas na buwan ay tinago ng Rekuta upang hindi makapunta sa Pilipinas ang balitang buhay pa ang tagapagmana ng Rekuta Clan para na rin hindi targetin ang mga kaibigan nilang naiwan sa Pilipnas ng mga kalaban ng kanilang Pamilya alam kasi ng ama nilang dahil sa nangyari sa Subic noong nakalipas na taon ay mas lalong hahabulin ng ibang mga Clan ang pamilya nila. "Stop." Napatingin kami ng sabay ng driver sa kanya ng patigilin niya ang limo habang patuloya pa ding umaandar ang limo. Nagtataka sila anong pinapatigil niya? Minsan hindi mo maintindihan ang sinasabi niya dahil na rin magsasalita lang ito ng biglaan at isang salita lang ang lalabas sa bibig nito. Sometimes, Kiro misunderstood her sister wants dahil narin siya ang nakatukang bantayan ang kapatid palagi siyang napagbabantaan nito dahil mali-mali ang kanyang pagbibigay ng pangangailangan nito. Sinamaan siya ng tingin ng kapatid. "Ano ba sinasabi mo sis? Linawin mo kasi bago mo ako mapatay dyan." Kiro said half-jokingly while nervously looking at her sister na walang ibang ginawa kundi samaan ka ng tingin o kaya tignan ka gamit ang kanyang malamig na mata. Bawat galaw o gestures kasi nito ay may ibig sabihin kapag hindi mo ito maiintindihan kapag napikon siya sisinghalan ka na niya o di kaya'y tatapunan ng mga paborito niyang laruan which are daggers, knives, shurikens, etc. Wala kang magagawa kundi tumakbo o di kaya'y magtago kapag nasa ganitong sitwasyon ka na. Maliit ang pasensya ng babae kasing liit ng butil ng bigas kaya huwag na huwag mong gagalitin ang babaeng yan dahil kundi patay ka na bago kapa nakahukay ng libingan mo. "Stop.the.car." Madiin nitong sabi kay Yukiro na napapahawak na sa upuan niya dahil alam niyang ito na ang sinasabi niya kanina. Matigas ang ulo ng kanyang kapatid at ginagawa lamang nito ang kanyang gusto hangga't maari at walang itong pakialam kung sino man ang kanyang tapakan. "Sis, pauwi na tayo sa Mansion. Bakit mo pa pinapatigil ang sasakyan?" Kiro asked habang nakatingin ng matiim sa kapatid. Napabuntung-hininga na lamang siya. Basta kapatid niya ang nagsasabi hindi ito mababali kahit na magreklamo pa siya alam niyang di siya pakikinggang nito or tamang term walang pinakikinggan ang babae na kahit na sino. Alam ni Kiro na isang tao lang ang pinakikinggang nito. Ang tanong nga lang makikilala pa kaya ng kapatid niya ito? "Hindi niya pwedeng patigilin ang sasakyan dahil kapag ganyan na ang tono ng boses niya may gagawin siyang hindi maganda at siguradong ikakapahamak niya ito ngayon. Ayoko lamang na  maulit ang nangyari noon sa Japan ng maabutan siya ng oras." Inilingan niya ang kapatid. "No sis, huwag muna ngayon. Alam mong maari mong ikapahamak yan lalo na sa sitwasyon mo ngayon. I won't risk your security para pagbigyan ka lang ngayon." Kiro answered earning a col glare from his sister. Hindi nagpatinag ang binata dahil kapag nangyari yon mananalo na naman ang kapatid niya at gagawin naman nito ang gusto nito. Her sister shrugs at binuksan ang pinto ng limo ng makita ito ng driver na panay ang tingin sa kanila sa salamin ng limo ay napabreak ito dahil sa di inaasahang pagbukas ng among babae sa pinto ng sasakyan. Dahil sa ginawa niya ay napasubsob si Kiro sa harapan ng kinauupuan niya. Hindi niya inaasahang gagawin talaga ng kapatid niya ang gusto nito. Tumigil ang limo sa harapan ng isang mall at agad na bumaba dito ang babae. Kahit na nasa gitna sila ng daan at panay ang harurutan ng mga sasakyan naglakad pa din itong parang walang pakialam sa mga sasakyan nag-uunahan para makarating sa kanilang mga paroroonan. Ang iba ay napahinto dahil sa ginawa ng babae. Sinisigawan siya na kung magpapakamatay siya huwag sa gitna ng daan pero hindi sila pinapansin ng babae at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad papuntang Mall. Hindi niya alintana ang kapahamakang sinusuong niya sa pagtawid sa highway na dinadaanan niya. Walang pakialam, walang pinapansin tanging ang gusto niya ay gagawin niya. Samantalang si Kiro naman ay napahawak sa noo niyang nasaktan dahil sa katigasan ng ulo ng kapatid niya agad siya napaayos ng upo at tinignan ang pintuang nakabukas hindi mapigilan ni Kiro na mapamura. "s**t! Hard-headed." He muttered. Nagkabukol ang lalaki dahil sa lakas ng pagkakapreno ng Driver pero hindi niya ito masisi. Napahinto din ang ibang limo na nasa likod nila at kitang-kita kung paano lumabas dito ang babaeng lider nila. "Ano na naman kayang kalakohan ang gagawin ni Lider?" Brown-haired asked to himself at sumunod sa iba na puntahan ang sinasakyan ng mga lider nila kanina. Patakbo silang pumunta sa sasakyan ni Kiro at agad na tinanong kung okay lang ito. Hindi inalala ni Kiro ang sarili kundi ang kapatid na napakatigas ng ulo. Sapo-sapo niya ang noo na nabukol sa ginawa ng kapatid. "Darn! Huwag ako ang alalahanin nyo siya ang alalahanin nyo dahil baka mapano na naman yon!" Sigaw na sabi niya sa mga kasamahan nagkatinginan ang mga ito bago nagmamadaling sumunod sa patutunguhan ng kanilang lider. They know her very well konting hawak mo lang dito dugo-dugo ang ilong mo. Nagpahinga saglit si Kiro pagkatapos ay sumunod sa mga kasamahan. Nagpapanic ang kalooban niya sa maaring mangyari sa kapatid niya lalo na at konting minuto na lamang ay mag-aalarm na ang mga relos nila. Yes, bawat miyembro ng Pentagon ay may mga hawak na orasan sapagkat ito ang tanda nila na kailangan na nilang iuwi siya para kahit sinuman ang kasama niya alam na nila ang gagawin sa kanya. Ganitong oras ay punung-puno ang Mall ng mga tao at siguradong matatagalan sila sa paghahanap sa kanya. Kiro doesn't know where his friends are.  Marahil naghiwa-hiwalay ang mga ito sa paghahanap sa kapatid niya. Basta pumasok lang siya ng Mall hindi nga niya alintana paano siya nakapasok ng Mall ng hindi naiipit sa mga sasakyan naghahabulan sa pabilisan. Patingin-tingin din siya sa mga dumadaan pati na din sa relo niya. "Aish! Nasaan ka na? Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo? Naman! Ngayon mo pa nakuhang magtantrum." Bulong sa sarili ni Kiro. Ayaw niya lang mapahamak ang kapatid niya pero ito mismo ang nagpapahamak sa sarili niya. Naiinis din siya sa lugar na ito dahil panay ang pagpapacute sa kanya ng mga babaenh hipon.Yep, hipon. Maganda mukha ang katawan tapon ang ulo nginingitian niya lamang ang mga ito kung ang dating Yukiro lang siya malamang lalayuan niya ang mga ito pero dahil pinatino siya ng kapatid ngayon ay lalaking-lalaki na siya kahit minsan ay nadudulas pa din ang bibig niya. Pumasok siya sa isang department store at nagpalinga-linga agad niyang namataan ang babaeng may pulang buhok na kinakaladkad ang isang lalaki papalabas ng department store hawak-hawak nito ang kuwelyo ng lalaki habang nagpupumiglas ito sa kamay ng dalaga. "Damn!"  Sino pa ba ang babaeng may pulang buhok at ganyang kung makahawak sa mga lalaki? Well, she's no other than the leader of Pentagon. Furieus. Hindi na nagdalawang isip na sundan ni Kiro ang kapatid na nagmamadaling lumabas. "Kira Yokohama!"     Leslie POV   "Yan lang bang kaya mo ha? Leslie?! Ngayon ipakita mo sa akin kung ano pa?" Sigaw ni Emerald sa akin habang pinapahidan ang bibig na may dugo gamit ang likod ng kaliwang palad niya. Natamaan ko ang gilid ng mga labi niya kanina ng suntok ko. Tatlo kaming narito ngayon sa Training Ground ng Head Quarters ng Chaos Gang. Bagong tayo ito dahil ang nauna ay nasira dahil sa nangyari noon. Dinura niya ang dugong nasa bibig niya. Si Hikaru ay nasa gilid ng Ring kung saan kanina ay naglalaban kami. Natalo siya kaya kailangan na lamang niyang manood. Matapos kasi ang pagtatalo ni Hikaru at Jake noong nakaraang linggo ay hindi naming inaasahan ang pagtawag ni Emerald. Pinapapunta niya kami dito and now we are having a fight. Kapag mananalo ka susundin ng natalo ang gusto ng nanalo. Walang pagpipilian dahil ayaw niya kaming palabasin dito ni Hikaru. It's her plan noong una pa lang wala kaming choice kundi lumaban sa kanya hand-to-hand combat lang. Natalo si Hikaru kanina kaya ako naman but it seems walang kapaguran ang babaeng ito. Minsan na kaming naglaban noon pero hanggang ngayon yata wala pa din akong panama sa kanya hindi na ako magtataka kaya nga siyang tinawang na Chaos Empress hindi ba kasi bukod sa hinahangaan naming kaibigan siya ang sumunod na malakas dito. Noong kinukuha namin ang mga posisyon namin s gang alam kong hindi ako ganoon kalakas katulad nilang dalawa pero matalino ako kaya ginagamit ko ang utak ko sa labanan. "Same old Leslie, utak pa din ginagamit sa labanan." She said. I didn't expect what she did. Pinaulanan niya ako ng suntok kaya naman ilag at pagharang sa kanya ang ginagawa ko.Mapagbiro at mapang-asar nga itong babaeng to' pero pag nasa labanan napakaseryoso niya hindi ko pinansin ang sinabi niya ay kumukuha ng tiyempong makaganti ng kahit isang suntok man lang pero sadyang napakalakas ng kaibigan kong ito kung itinituring pa ba ako nilang kaibigan. "Siguradong magagalit sa inyo si Regina sa ginagawa ninyo sa sarili ninyo. Hindi niyo ba alam na mas lalo lang ninyo pinalala ang sitwasyon malamang habang kayo ay sinisira ang buhay niyong dalawa andyan lang siya at nakamasid sa inyo binabantayan ang bawat kilos ninyo." Sabi niya sa pagitan ng mga pagsuntok base sa mga pagsuntok at sipa niya ramdam ko ang gigil at inis niya. Hindi ko siya masisi dahil maging ako ay narealized ang pagkakamali ko sa sinabi ni Faust noon kung wala na ba si Regina bakit hindi namin ituloy ang buhay gaya ng gusto niya para sa amin. Kaya nga kami nagsama-sama noon dahil gusto naming mabuhay at maging masaya pero sa ginagawa naming pagbabago na wala sa lugar lahat naapektuhan at maaring ang mga bagay na iyon ay tuluyang mawala sa amin kapag pinagpatuloy pa namin ito. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang-kita ko si Hika na napayuko lang katulad niya ay malaki ang naging kasalanan namin sa mga taong pinoprotektahan lamang kami. "Oo, maaring buhay o wala na siya pero hindi iyon ang dahilan para hayaan nyo ang mga sarili niyong ipahamak ito. Kung gusto niyong magsuicide sabihian niyo lang ako. I'll be honored to give that to you." Nangigil at naiinis na singhal niya sa aming dalawa. Walang tao ang Headquarters dahil pinaalis niya ang lahat hindi pa sana papayag ang mga ito ngunit dahil wala si Regina siya ang tumatayong lider ng buong Chaos Gang ngayon kaya laglag ang mga balikat nilang umalis ng Headquarters sinabihan na lamang sila ni Emerald na tatawagan kong pwede na silang bumalik dito. Nasipa ako ni Emerald sa tiyan kaya napahawak ako dito. Nawala ang balance ng depensa ko kaya nasuntok niya ako sa panga na siyang nagpaupo sa akin akmang susuntok pa si Emerald ng patigilin na siya ni Hika. "Stop it Emerald, panalo ka na. Ano bang gusto mong gawin namin?" Hikaru softly said. Wala na ang maangas at palaging galit na boses nito. Oo, inaamin kong pagdating sa pakikipaglaban kay Emerald. Alam kong talo ako. Tumango siya at naupo sa harapan ko, lumapit si Hika at naupo din sa gitna ng ring kung saan kami naglaban-laban. Hawak-hawak naming ang mga tuhod namin habang nakaupo at nakapatong ang aming mga mukha dito dahil sa hingal at pagod sa ginawa namin. "Ang tagal ko na ding hindi lumaban ng ganoon ah? Ang sarap pa din sa feeling." Sabi ko at ngumiti, ganoon din ang dalawa kahit puno ng pasa ang mga katawan namin ay nagkatitigan pa kami. Ang tensyong namagitan sa aming tatlo ay nawala ng magkatinginan kami at nagtawananganyan ang mga magkakaibigan pagkatapos ng pag-aaway ay tatawanan na lang ang nangyari. Yes, I totally admit that what I've done this past months ate definitely wrong at sisiguraduhin kong itatama ko ito ngayon nang humupa ang tawanan ay nagsalita na si Emerald na agad sinang-ayonan namin ni Hikaru. "Don't change dahil wala siya dapat nga magpakatatag tayo dahil sa kanya dahil kung hindi natin siya nakilala hindi tayo naging ganito ka tapang at tatag."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD