Chapter 6

4487 Words
Yukiro POV Agad ko siyang sinundan ng mamataan kong parang may gugulpihin na naman siya kahit na maraming tao ay nakikisingit ako dahil alam kong konting minuto na lamang ang nalalabi bago ang itinakdang oras para umalarma ang relos na hawak ko. Hindi siya pwedeng maabutan noon sa isang pampublikong lugar dahil hindi namin alam kong ano ang mangyayari sa kanya parang giraffe na ang leeg ko dahil sa nagkakandahaba ito habang sinusundan ang kapatid ko. Kung hindi lamang ganyan ang sitwasyon niya pababayaan ko siyang gawin ang gusto niya perp hindi eh' baka mas lalong magkagulo at malantad ang hindi dapat malantad hindi pa handa ang lahat sa maaring isiwalat ng pangyayaring makakapagpabago ng lahat. Geez! Bakit kahit na mas maaga akong nagtraining sa kanya mas magaling pa din siya sa akin? Bata pa lamang ako puro training na ang inaatupag ko pero siya dalawang buwan lang yata lahat ng natutunan ko alam na niya! At mas magaling pa siya sa akin sa lagay niyang yan ah' Napasabunot ako sa buhok ko ng mawala na naman sa paningin ko ang kapatid ko. Bullshit! Segundo nalang ang natitira kapag hindi ko pa siya nakikita may posibilidad na maipasara ko ng wala sa oras ang Mall na ito! Dahil sa kakasama ko sa kapatid ko pati yata ako naging bayolente na hindi mo makikita si Kira na nakaupo lang sa isang tabi dahil mas nanaisin niyang tapusin ang maaga ang laban lalo na at malakas ang nagiging kalaban niya. Tumunog ang aparato sa bulsa ko hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag basta sinagot ko na lamang ito. ["Boss, hindi namin siya makita kahit saan nilibot na namin ang buong Mall."] Sabi sa kabilang linya. Hindi ko na inalam kung sino ang kausap ko dahil pagkatapos niyang magsalita ay binabaan ko na ito at pinatay ang phone. Wala na akong panahon para makipagchitchat pa lalo na ngayong wala na akong oras. Pag nalaman ito ni mommy at daddy siguradong patay ako. Ako ang guardian niya pero ako pa wala sa tabi niya. Pag nagkataon malamang pababalikin kami ng Japan ng wala sa oras. Hindi man ako pumayag noong una pero ngayon buo na ang loob kong ipakita sa kanila ang dapat nilang makita. Lahat ng paghahanap dapat matuldukan kaya kung ito ang magiging paraan upang magkita silang muli so be it. Ayokong maging hadlang sa kaligayah ng kapatid ko she suffered enough at ayokong idagdag ang sarili ko para lamang hadlangan ang kaligayahan ng kapatid ko kahit na mahirapan pa sila lalo na ngayon. Isang lugar na lang ang hindi ko napupuntahan at yon ay ang Car Park ng Mall na ito. Mabilis akong tumakbo habang tinitignan ang bawat sign na nakalagay sa mga wall ng Mall upang hindi ka maligaw. Mga direksyon nagtuturo kung nasaan ang Parking lot. Yumuko pa ang gwardya sa akin nanglumabas ako sa glass door ng exit ng Mall, iginala ko kaagad ang aking mga mata. Searching for any sign of my sister. Tahimik ang Car Park at walang kataotao puro sasakyan lang ang nakikita ko. Dahan-dahan akong naglakad at bawat kasuluk-sulukan ng lugar na ito ay tinignan ko, hindi ko palalagpasin ang kahit anong sulok nito dahil nararamdam kong andito lang siya at sa tingin ko at nangyari na naman ang inaasahan ko. Lumakas ang pintig ng puso ko ng makarinig ako ng mahihinang hikbi at pag iyak sa kung saan. Pinuntuhan ko kung nasaang parte ng Parking lot lumalakas ang pag-iyak. Nang makarating ako sa dulo nito sa may madilim na parte nahabag ako sa kalagayan ng akong kapatid. Tumulo ang luha ko sa napagmasdan ko nasa lapag ang lalaking hila-hila niya sa kuwelyo kanina habang siya ang nakaupo sa gilid at hawak-hawak ang kanyang ulo. Gulong-gulo ang buhok ng kapatid ko, natunaw ang make-up niya at punong-puno ng luha ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin ng nagtataka. Hilam ng mga luha ang kanyang mga mata. Nakaawa ang kalagayan kapatid ko ramdam ko sa mga mata niya ang takot. Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan ngunit kahit wala na siyang aatrasas ay umaatras pa din siya. Masakit sa akin makita ang kakambal ko na ganito lalo na at lumalabas na din ang sintomas ng sakit na namana niya sa aming lolo. Tumingin siya sa akin pero hindi yong nakakatakot niyang tingin kundi yong tingin na siya ang natatakot. Paano nangyari sa kanya ito? As far as I know my sister didn't do anything that make other people cry nor feel pain kung wala itong atraso sa kanya. Hahawakan ko na sana siya ng lumayo siya sa akin na para bang may gagawin akong hindi maganda sa kanya. With her state of mind like this lahat ng taong lumalapit sa kanya ay kinatatakutan niya ibang-iba sa babaeng nanlilisik at malamig kong tumingin ang mga mata. I wanted to know her na hindi siya nag-iisa na hind niya kailangang mag-alala dahil poprotektahan ko siya. Ang ilang pulang hibla ng buhok niya ay tinatakpan ang kaliwang mata niya. My sister....my twin sister kapag nakikita ko siyang ganito tila pinipiga ang puso ko at sinasaksak ng ilang mga kutsilyo. "P-please... don't kill me..." She said full of fear and pain. When she's like this, I know something is scaring her na kaya niya nilalayo ang sarili sa iba dahil akala niya lahat ng lalapit sa kanya ay gagawin din ang kung anuman ang nangyari sa kanya noon. Umiling-iling ko, kahit kailan ay hindi ko magagawa sa kapatid ko ang sinasabi niya mas nanaisin ko pang ako ang mamatay kaysa siya ang masaktan ganyan ko kamahal ang kapatid ko higit pa sa buhay ko. "Hindi ko magagawa yang sinasabi mo. Kapatid kita, kakambal, kaya kahit kailan hindi kita magagawang saktan." Masakit para sa akin ang paulit-ulit na sabihin ito sa tuwing nagkakaganyan siya. Everytime I repeat this words telling and assuring her that nothing’s going to happen to her my heart is broken into pieces. Sinong kapatid ang gustong makita ang kapatid niyang nagkakaganito lalo na at kakambal pa niya? Hindi lang naman ganito dahil mas doble pa yata ang nararamdaman ng mga magulang namin. Walang araw at gabi na hindi umiiyak si mommy sa tuwing nakikitang ganito si Kira. Si daddy naman parang gusto niyang pugutan ng ulo lahat ng tauhan namin lalo na sa mga nagtraydor sa amin noon. My father is not heartless as they know and as I know dahil lahat ng nabuhay na mga kasapi ng Clan ng Rekuta na sumama kay Mera ay nasa kustodiya ng Council ng Rekuta at pinaparusahan. Nagbago na din ang ugali ng ama ko mula ng makasam namin ulit si mommy at Kira perp nariyan pa din ang kanyang pagiging istrikto. "I-I... don't know you.." Napahikbi ako sa sunod na sinbi niya na hindi niya ako kilala. Kailan ba dadating ang panahon na magkakasama kaming lahat ng walang anumang masamang nangyayari? With my sister's situation like this...hindi niya nakikilala lahat ng mga nagiging kaharap niya. Ang tingin niya sa amin ay mga estranghero na dapat katakutan. Hindi ko na napigilan mabilis kong niyakap ang kapatid ko even she's struggling when I hugged her. Hindi ako nagpatinag at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Get off! Get off!" Sigaw niya. Ano ba ang dapat kong gawin upang para maibalik ka sa dati sis? Bulong ko sa isip ko habang pinagsusuntok niya ako sa dibdib ko. Kira is like a child right now para din siyang tutang nawawala at hinahanap ang daan pabalik pero may humaharang sa kanya kaya hindi niya mahanap-hanap ang daanan. "Shhh, shhhh, stay calm sis. No one I mean no one will touch you. No one will ever harm you. Dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko bago mangyari ang iniisip mo." Bulong ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya. Kung makikita mo ang kapatid ko ngayon isa siyang inosenteng dalaga na ang nais lamang ay makatakas sa kung anumang nakakatakot na bagay ang nais niyang takbuhan kung sana pwedeng ako nalang ang pumalit sa puwesto niya gagawin ko basta ba safe lang ang kapatid ko. Marami na siyang nagawa sa buhay ko kaya kung magsasakripisyo lamang ang pag-uusapan. Isang malaking karangalan para sa akin ang gawin ito para sa kapatid ko hindi pa din siya tumitigil sa pagwawala at pagsuntok sa dibdib ko. Damn! Kahit na wala sa sarili niya itong kakambal ko masakit pa din manuntok. Iron fist nga ika nila. Nakita kong nasa gilid ng sasakyan ang isa sa kasamahan namin sa likod ni Kira. Praise the Lord! Mukhang nahanap na nila kami! Sinenyasan niya ako agad akong tumango ng makita ko ang injection na palaging dala namin in case na may mangyaring ganitong emergency. Ilang dose na naman kaya yan? Noong unang beses kasi namin siyang tinurukan maliit na dose lang hindi nakatulog kaya tatlo o apat na beses namin siyang tinurukan noon. So, I guess this one is strong at kailangang agad na tumalab yon kung hindi babatukan ko itong tuturok ng injection. Ang sakita na kaya ng panga, dibdib at likod ko dito para lang mafail siya. "Kira, Kira, please huminahon ka na hindi kita sasaktan, pakiusap." I said pleadingly. Dahan-dahan ang paglalakad ni Asher papunta sa kung saan kami nakasalampak ng kapatid ko sa sahig agad niya kaming sinunggaban ng makita niyang medyo nanghihina na ang kapatid ko dahil sa outburst nito. Tinurok niya ito sa likod ng leeg ng kapatid ko. Unti-unti namang nakatulog ang kapatid ko nang lupaypay na ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko ay agad ko siyang binuhat na parang sanggol. Inayos ko siya sa mga bisig, tinignan muna bago lumakad. May mga luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ko siya. I clenched my fist. I promise sis...kung sino man niyang kinatatakutan mo. Ako mismo ang papatay sa kanya sa mismong mga kamay ko. Alam kong hindi inaasahan ng iba na mangyayari ang ganito. Si Chaos Goddess na kinatatakutan ng lahat ay may ganitong sitwasyon ngayon sa buhay niya kung hindi mukha ng kapatid ko ang nakikita ko. Aakalain mong mayroon siyang dalawang katauhan na lumalabas minu-minuto. "Boss, nasa labas na ang limo." Tinanguan ko siya. Wala na akong ganang magsalita alam niya yon dahil kapag naging ganito na ang kapatid ko nagiging ibang tao na din ako. Pareho lamang kami ng kapatid ko. Ayokong nagkakaganito siya at kung ang paraan para maibalik siya sa dati ay narito. "Pangako sis, haharapin natin yang kinatatakutan mo."     Dave POV   Kanina ko pa pinagmamasdan ang dalawa kong kaibigan. Himala yata at hindi sila nakasunod sa mga babae nila? Usually kasi para silang mga asong buntot ng buntot sa mga yon walang araw na hindi nila binabakuran yong mga babaeng amasona nila. Ako lang yata walang problema sa nobya ko eh' kahit naman medyo may pagkasadista si Emerald hindi naman kami dumadating sa point na ganito. Oo nga ag naapektuhan ang lahat pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na kami. "Bro, anyare sa mukha ng dalawang yan?" I rolled my eyes sa kabuteng nagsalita sa tabi ko. Bakit ba nandito siya dito sa loob ng Headquarters namin? Hindi naman siya kasali sa Death Gang pero kung makaasta ang isang to' parang kasapi namin. Daig pa ang isang miyembro ng Death kung magamit ng pribliheyong nasa magandang Headquarters namin hindi ko talaga maintindihan si Uno kung bakit sinama-sama pa ang isang to' kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita siya. May gusto siya sa Emerald ko hanggang ngayon kaya alam kung hindi ako mapapalagay sa kanya. Siniko niya ako ng hindi ko sinagot ang tanong niya. Gagong to' pakialam niya ba? Siya kaya ang magtanong sa dalawang yan. Sa lahat ba naman ng magiging katabi sa couch bakit itong mortal enemy ko pa pagdating sa babe ko ang katabi ko. Samantalang itong mga nasa harapan namin, tulala lang habang nakatingin sa kawalan. Si Miguel naman ayan tulog sa one seater na couch..puyat yata. Ano na naman kayang kababalaghan ang pinagawa nitong si Mr. Bean sa lider namin bukod sa alam naming tinutulungan niya itong madivert ang atensyon sa iba mukhang kalokohan lang yata ang pinaggagawa niya kay Miguel. Yes, si Mr. Bean tong' katabi ko special child eh' kumpleto na ang tropa namin. My B1, B2, Kingkong at Mr. Bean. Ganda ng barkadahan namin no? Kanina pa ako kinukulit nito tanong ng tanong kung nasaan ang nobya ko. Aba, ako ang boyfriend hindi siya kung makatanong siya daig pa niya ang asawa. Fyi lang, ako magiging asawa ng babe ko. Magkamatayan man kami ng Mr. Bean na ito. "Sagutin mo naman ako bro, napapanis na laway ko dito ah. Anube! Bakit sa tuwing kasama ko ang tropa nyo palaging walang kuwenta ang laway ko." Sabi niya. Mabuti alam mong hindi ka welcome dito. Sa gilid ng mga mata ko nakikita kong nakangiti ng naasar si Uno mukhang nagtutulug-tulugan lang ang lider namin. Nag-eenjoy yata na naasar kami sa baliw na dinala niya dito sa Headquarters namin. "Wala ka bang pasok Jeff at dito ka naghahasik ng lagim?" Walang gana kong tanong sa kanya. Sino ba naman sisigla sa taong nasa tabi ko? Kung alam niyang kahit na may nobyo na si Emerald di pa din siya tumitigil sa kakadada tungkol sa girlfriend ko. So, sinong hindi maasar o maiinis sa mga sinasabi niya? Lalaki ako kaya alam ko kung anong nafefeel ng isangg lalaki sa isang babae lalo na at girlfriend niya pa ang pinag-uusapan. The hell! Kahit pa iniiwasan niya ang sabihin yon hindi mawala-wala sa isip ko na pwedeng agawin ng weirdong ito ang nobya ko. Kahit papano malakas ang laban niya ika nga nila asawa nga naagaw pa? Girlfriend pa kaya? Ako? Nope. Never. Hindi ako yong lalaking ipamimigay lang sa iba ang kanya, inakbayan niya ako at nang-aasar ng nakangiti. Tamo, he acts like nothing. Wala lang sa kanya kahit alam na niyang alam na ng iba ang nararamdaman niya. Si babe ko lang ata ang clueless sa bagay na ito masyado kasi akong gwapo para ituon pa sa iba ang atensyon niya. Tiwala ako sa sarili kong hindi ako ipagpapalit ni Emerald as long as tapat ako sa kanya. Hindi yata mangyayari yon. Emerald is mine! Manhid lang ata ang lalaking ito na kahit na nasasaktan na siya sige pa din siya masokista yata ang lalaking to' "Alam mo pre, hindi na kailangan pa nitong katabi mong mag-aral. Genuis to' tsong! Genuis!" He said aloud. Kinakabog niya pa ang dibdib niya. I groaned impatienly. Bakit sa lahat ng taong mababait sa akin pa tumabi ang isang to? Okay na akong kasama ang dalawang unggoy pero ang dagdagagan pa ng isang may sayad? Darn! Tama na baka hindi kaya ng utak ko at mauna pa ako sa kanila sa mental. Si Uno naman ayan kahit nagtutulug-tulugan nagpipigil ng tawa. Tsk, sana kabagan ka diyan sa kakapigil mo ng tawa mo bro bulong ko sa isip ko. Enjoy na enjoy siya kulang nalang bigyan ko siya ng popcorn. Alam ko namang dinadaan niya nalang sa tawa ang lahat mas mabuto nga yon dahil kahit papano o kahit minsan lang makakalimutan niya ang nangyari sa mag-ina niya. "Genuis mo mukha mo, lumayo-layo ka nga sa akin at gayahin mo nalang yong dalawang nasa harapan natin." Asar ko sa kanya at pinapalayo ang mukha niya sa akin. Baka magpalit pa kami ng mukha hindi ko yata mapapayagan yon. Wengya, mangyari lang ang lahat ng mangyari pero dalawang bagay lang ang hindi ko ipagpapalit. Ang mukha ko at ang nobya ko na kahit pa yon ang pinakasadista at pinakaamasonang babae sa buong mundo. I would love her with all my heart. Syempre, kasama ang mukha ko paano pa maiinlove ang Presyosa ko sa akin kung magbabago pa ang mukha ko diba tsaka baka pag nagpalit kami ng mukha ni Jeff sa kanya pa mainlove ang babae ko. "Tsk, oo na. Nahiya naman ako sa gwapo mong mukha baka magasgasan ko pa yan." He said pouting. Hindi lang si Jake marunong ngumuso? What the f**k?! Akala ko yan unggoy na nasa harapan ko lang ang marunong yon pala madami silang miyembro nang pouting boys? "Tsk." Nasabi ko nalang at ibinalik ang atensyon ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko na parang mga patay na walang imik at nakatingin lang sa kawala kailangan ko na atang tumawag ng Psychologist mukhang natuluyan na talaga ang dalawa. "Lagot mukhang kailangan nyo ng ipaconfine yang dalawa sa pinakamalapit na mental hospital mukha yatang natamaan na ng kabaliwan este kamamawan este...aish! Wag na nga lang mahal ko pa buhay ko." Bulong niya sa tenga. Sa gulat ko sa ginawa niya nasapak ko siya ng wala sa oras. Gago! Sinong lalaki ang bigla na lamang bubulong ng ganoon habang seryosong-seryoso ako sa pagtingin sa dalawa. "Sa susunod wag mo ang bulungan ng ganyan, nanayo balahibo ko sa hangin mula sa bibig mo." Inis kong singhal sa kanya. He rolled his eyes and seated comfortably at my side. Mukhang nasaktan ko yata ang ego niya, panandalian kaming nanahimik. Ano pa ba ang pag-uusapan namin gayong lahat ng narito aymga patay este mga wala sa sarili masyadong naapektuhan sa mga nobya nila...ay di nga pala, ang isa sa kanila ay nasa ligawan stage pa lamang. Ewan ko kung dahil mukhang wala ng ligawang mangyayari lalo na ngayon. Ikaw ba naman manligaw sa isang tigre di ka kaya magkakaganyan? Wala na yatang mas mahalaga pa sa mga babaeng yong kundi mga feelings nila. "TATAWAG NA TALAGA AKO SA MENTAL! LAHAT NG KASAMA KO DITO MGA BALIW NA! HINDI KO ITO MATAKE!" Muntik na akong mapalundag ng biglaang sumigaw si Jeff at nakatayo pa habang ginugulo ang buhok. Mukhang hindi yata makaya ni Mr. Bean ng isang lugar na tahimik kung ang dalawa mababaliw sa mga babae nila ang isang to' mabaliw sa katahimikan. Isa nga lang himala at hindi nag-iingay ngayon si Jake dahil sa komprontasyon nila ng honey niya. Kawawang bata ikakasal na nga lang sila inaaway pa siya ng fiancee niya kung ako sa kanya hindi na niya pinatagal yang kasalan na yan diyan din naman punta nila bakit nag-aantay pa na makalipad ang baboy? Knowing Hika's words noong isip-bata pa siya walang salitang lumalabas sa bibig niya kundi nonsensa lang naman. I was snapped with my thoughts ng nakarinig ako ng mga pagkasa. Pagkasa?! Dafuq! Napatingin agad ako sa kung saan nanggaling ang pagkasang yon. Nakatayo ang dalawang baliw este kaibigan ko sa harap ni Jeff hawak-hawak ang dalawang baril ni Regina. Teka, pano napunta yan dito? Yes, her two gold guns ay hawak ng dalawa. Nakatutok sa magkabilang sentido ng aming panauhing pandangal, napikon yata ang dalawa kaya si Jeff ang napagbalingan ng mga frustrations nila sa katawan. Kinakabahang ngumiti at nagsalita si Jeff kahit pa peke ang pagtawa niya. "Y--yow. Anong ganap?" Bahala siya kasalanan niya yan. Wala naman akong kinalaman dyan, kita niyang nag-iisip yang dalawa o kung talagang may mga isip yan. Ewan basta ang alam ko mamatay na si Jeff. Magpapalitson na ba ako? Natatawa ako sa itsura ni Jeff, numumutla siya at parang hihimatayin anumang oras. Ang kamay niya ay kinapa-kapa ako pero hindi niya mahanap ang katawan ko kung nasaa. He's out of focus. Sino ba naman ang hindi magkakaganito kung ang kaharap mo ay dalawa sa apat na notorious na gangster sa buong Pilipinas. Wow, you must be lucky enough. Tinaasan siya ng kilay ni Jake. Oops, mukhang masama gising ni antukin. Hahahahaha Don't worry Jeff dadalawin kita sa libingan mo. Paghahanda kita ng bulaklak sa patay linggo-linggo o kahit gusto mo araw-araw pa eh' His face it's epic dude! I would like to have a picture of his epic face. Papadevelop ko sa utak ko. "Wag mo kaming inaanong ganap dyan Jeff dahil hindi ko pa nakakalimutan yong sinigaw mo kanina." Asar na sabi ni Kevin. Maganda to' pwedeng magpadeliver ng food? Ang saya ng movie ko eh' Seryosong-seryoso ang dalawa habang si Jeff nakaalalay lang ako baka mahimatay mabuti ng handa. "Alindun sa mga sinabi ko King, wala akong natatandaan." Pagkukunyari ng baliw. Akala niya yata makukuha niya sa ganyan ang dalawa. Puwes, sorry ka nalang Killer dahil mamatay ka ng tahimik. Bagay na bagay sa codename mo ang kamatayan mo yong lider naman namin parang wala lang sa kanya at nakatihaya pa sa couch na palaging puwesto ni Jake. Nang-aasar din ang isang to' ayaw na nga paawar ng dalawa, nakikinood pa siya. "Ganoon din ginagawa mo gago!" Oo nga pala, walang pakialamanan bahala sila sa mga buhay nila hindi naman dadating sa p*****n yan. Tinatakot lang ng dalawa si Mr. Bean or shall I say Jeff. "Baka gusto mong kalabitin ko itong gatilyo ng baril para malaman mo kung anong sinabi mo kanina." Pagbabanta ni Antukin. Hala ka, Jeff. Patay ka talagang bata ka dahil napagtitripan ka ng dalawa. Akala mo yata ikaw lang marunong. Pinagmamasdan ko lang ang tatlo at sa tingin ko ay ganoon din ang ginagawa ni Uno. Ang malalaking butil ng pawis ni Jeff at ang makailang beses na paglunok niya ng laway. Actually, hindi naman ako galit kay Jeff dahil kaibigan din namin siya kahit papano. Gusto naman siya ng lahat kahit gaano kaingay at mapang-asar ang isang yan dahil parang nakikita namin lahat ng katangian naming apat sa kanya pero kapag may ginawa siya para sirain kami ni Emerald. Aba, ibang usapan na yon. Magkamatayan na kung magkamatayan dahil sa lahat ng kayamanan ko ang babaeng yon ang pinakaingat-ingatan ko. "Kayo naman mga bro hindi na mabiro. Joke lang yon. Joke." Wika niya ng nakatakas ang dalawang kamay sa ere na sinasabing di siya lalaban. Nagrerespetuhan kami bilang magkakaibigan na kahit pa parang papatayin na namin ang isa't-isa still para sa amin biro lang ang lahat ng iyon dahil after that babalik ulit kami sa pagtatawanan at pag-aasaran. Lahat yata ng miyembro ng Chaos Gang close na namin dahil sa alliance. Mula sa 7 Kings of Hell hanggang sa Pandemonuim Gang. Mga gang na naging kaalitan namin pero naging mgakatropa namin kapag kailangan namin sila. "Tama na nga yan mga tol, maupo nga kayo ng maayos at pag-usapan natin yang mga problema nyo mukhang tama naman si Jeff eh' tignan nyo nga mga itsura niyo para kayong mga kalahi ni Budoy." Sa gilid ng mga mata ko alam kung lihim na nagpapasalamat si Jeff sa akin. Tsk, hindi ko iyon ginawa para sa kanya. Ayoko lang na matuluan ng dugo ang pinakamamahal naming Head Quarters dito sa University. Malaki pa pakianabang nito sa amin kung gusto nila pwdede namang sa labas. Sinamaan ako ng tingin ng dalawa pero ibinaba nila ang mga baril at naupo pabalik sa mga puwesto nila ng nakayuko. Hinablot ko sa mga kamay nila ang baril. "Hindi naman sa inyo to' ginagamit niyo kapag nalaman ng may-ari na pinakialaman nyo gamit niya sabog yang mga bao ng ulo ninyo hindi ako nagbibiro alam nyo yan." This time sila naman ang napalunok ng mga laway nila. Inilagay ko sa tabi ni Miguel ang mga baril sa asawa niya yan baka gusto niyang itago sa muling pagbalik ng demonya. Naupo ako sa puwesto ko. Nanahimik na sa tabi ko si Jeff pero andun pa din ang pamumutla niya. Well, yon lang pala makakapagtahimik sa kanya. "Ano pang hinihintay nyo, bakit ayaw nyong magsalita kung makapagreact kayo kanina para kayong mga gago." Hindi ko mapigilang sabihin ang totoo yon naman ang napapansin ko seryoso silang tumingin sa akin. Natatawa ako sa mga mukha nila pero pinipigilan ko minsan lang ganyan ang dalawa baka matuluyan ako kapag nagbiro pa ako. "Tama ba yong ginawa kong paglabas ng sama ng loob sa honey ko? Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin o ni kausapin ako ni tuldok sa text wala." Hindi naman sa manghuhula ako pero alam kong ganyan ang problema niya same as Kevin. Walang ibang mga problema yan kundi ang mga babae nila. "Hindi din nagpapakita si Leslie sa kahit na anong bar ngayon na siyang nakapagtataka tawag ako ng tawag sa phone niya pero operator lang sumasagot sa akin kaya ayon pati operator nasisigawan ko na." Nakayukong sabi ni loverboy Kevin. Shete! Nakakapraning naman tong' problema ng dalawa. Hindi ko tuloy maisip kung ano ipapayo ko sa kanila para gumaan ang loob nila. "Nahuhuli na kayo sa mga balita mga bro." Napatingin kami kay Jeff ng bigla na naman siyang sumabat. Hindi ba niya mahal ang buhay niya nangunot ang noo ni Kevin. Anong ibig sabihin ng Mr. Bean na ito? Alam kong latedated ako pero hindi naman ibig sabihin noon wala akong alam sadyang hindi lang ako tsismoso. "Empress, Queen and Princess. Ang mga babae nyo, pinasara ang pasukan at labasan ng training romm ng Chaos Gang habang nasa CCTV Room lang kami at nanonood sa pagpapatayan nila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jeff. Wala akong alam doon! Kaya pala ng magkita kami ni babe ko noong isang araw puro pasa siya sabi niya wala lang daw ito mukhang pare-pareho kami ng reaskyon ng iba. "They insist na walang magbubukas kapag hindi sinabi ni Empress alam nyo naman ang isang yon parang si Chaos ang isang yon, maingay version nga lang." He smiled while saying those words. Damn! This man is whipped with my babe. At yon ang pinakaiwas-iwasan ko. "What happen? Nagkasakitan ba sila may dumanak ba na dugo? Sabihin mo!" Exaggerated na sabi ni Jake. Kahit na may tampuhan ang mga yon hindi nila magagawang saktan ang isa't-isa. Natawa si Jeff at ipinatong ang paa sa coffee table. Bah, parang siya naglilinis. "Wala naman pero guess what? Yon na yata ang isa sa pinakamasayang araw ng Chaos Gang dahil ang tatlo sa haligi ng Chaos Gang ay nagkabati na. They are back on their old ways." Proud na sabi ni Jeff. Is it a good or bad? Kung balik sila sa ganoon? I should prepare my grave and last will dahil mukhang balik sa pagiging battered boyfriend ang kagwapuhan ng isang Dave Drexel Javier. Natameme kaming tatlo sa sinabi niya kailangan yatang maging tsismoso ako kahit papano para hindi laging huli sa balita. Sunod na ginawa ni Jeff ay ang ngumisi ng nakakaloko. "Gusto nyo ba silang makita?" Wika niya na parang may binabalak na kakaiba agad kaming tumango sa sinabi niya. Sinong nobyo ang hindi gustong makita ang nobya niya? Tumayo si Jeff. Teka, hindi pa kami tapos mag-usap tumayo agad ang loko. Bastusan lang? "Ano pang inuupo nyo dyan. Hali na kayo! Alam ko kung nasaan sila." Sabi niya pa ang naglakad na nauna sa pintuan. Nagkatinginan kami then nagsalita si Kevin. "Saan nga ba sila?" Tanong ni Kevin, humarap ulit si Jeff sa amin. Ang sumunod na sagot niya ay ang siyang nagpatayo kay Uno sa higaan at mabilis pa sa alas kuwatrong sumunod kay Jeff. "They are at underground arena, watching the Pentagon Gang." What the hell? Anong nangyari dun? Usually, hindi naman sumasama niyan kapag ganito, Pentagong Gang ba kamo?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD