Chapter 7

3631 Words
Miguel POV Hindi ako mapalagay dito sa kinauupuan ko. Pagkarinig na pagkarinig ko kanina ng Pentagon Gang ay agad akong tumayo sa kinahihigaan ko sa Head Quarters namin sa Uninversity. Ako, ang ka-gang ko at si Jeff ay narito sa taas kung saan ay kitang-kita ang lahat ng mga naglalaban-laban sa Arena. Marami-rami na ring tao ang nasa baba mga manonood at ang iba ay nagpupustahan. Sabik na sabik sa mga maglalaban. Napag-alaman ng mga tsismoso courtesy of Budoy aka Jeff na darating daw ang leader ng Pentagon. Alam ko namang si Berserker ang tinutukoy niya pero hindi lang nila alam na naghihinala na ako kung sino si Berserker. Ang kailangan ko nalang ay patunayan ito. Ang hindi ko lang maintindihan kung sakaling totoo nga ang hinala ko. Ano pa ang kailangan ni Yukiro dito? Sumuko na siya sa paghahanap sa asawa ko..sa kakambal niya. Wala na siyang dahilan upang bumalik pa dito. Alam kong hindi ko pag-aaro ang Pilipinas at may karapatan siyang magpabalik-balik dito but hindi naman babalik ang isang tao dito kung walang magandang dahilan hindi ba pwera nalang siguro kung magbabakasyon. Bahala na nga, hindi ko pa nga napapatunayan ang hinala ko ang dami ko na agad iniisip. "Mga tol, may nakalimutan pala akong sabihin." Ayan na naman ang mga hirit ng tsismoso kung naging ka-gang ko lang to' malamang palaging may libreng batok siya pero hindi eh' kaya nga siguro sa amin siya nagsasama kasi nagsasawa na ang mga ka-gang niya sa kanya o kaya naman naiirita na sa kaingayan niya. Okay pa sana kung si Jake lang ang kasama namin pero dinagdagan niya pa kaya parang 3x na Jake ang kasama namin. Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Now, I know pwede na talaga siyang pumalit kay Bernadette Sembrano este Pia Guanio. Ay, ewan hindi ko alam kung sino ang nagbabalita ng tsismis dyan. "Tol, kung ang kagwapuhan ko lang ang itsitsismis mo huwag ka ng mag abala na sabihin sa kanila. Alam na nila yon." Mahanging saad ni Jake. Buset! Ito na naman siya akala mo wala siyang problema kung makasabi ng ganyan. Napapoker-face kaming lahat sa sinabi niya, tumaas naman agad ang isa niyang kilay. Tamo, hindi pa mapakaniwala gayong totoo naman sinasabi ng mga galaw namin. "Mga tol, hindi ako nagsisinungaling tsaka alam niyo namang pinag-tsitsismisan tong' kagwapuhan ko may pakpak ang balita at may tenga ang daga kaya ayon alam na ng lahat." Mayabang niyang saad sa amin. May suklay pa siyang dala-dala at sinuklay sa buhok niya. Dave rolled her eyes while Kevin ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata. Si Jeff naman ay pasipol-sipol lang at ako? "Itigil mo nga yang kakasuklay mo hindi to' salon kaya magtino ka kung hindi kakalbuhin ko yang buhok mo." Iritado kong wika sa kanya ewan ko kung saan nanggaling tong' gunting na hawak ko pero ipinakita ko sa gagong si Jake ito. Napatahimik naman siya sa kinasasandalan niya sa pader at ngumuso lang. Nagpigpigil naman sa tawa ang iba habang ako ay tutok na tutok pa din ang mga mata sa Arena. I don't know what pero hindi ko pwedeng ialis ang mga mata ko doon yon ang sabi ng utak ko. "Alam nyo bang hindi na lalaki ang leader ng Pentagon Gang?" Biglang sabi ni Jeff. Kahit kailan talaga hindi marunonong magpasintabi ang isang to' pwede namang tumikhim kapag gusto niyang magsalita hindi ba hindi yong bigla na lamang siyang nagsasalita. Paano nalang kung may sakit sa puso ang kausap niya? Siguradong diresto yon sa ospital. As far as I know, babae na ang leader nila alam nyo namang minsan lang sila magpakita hindi ba? And this is the first time na magpapakita sila sa publiko kahit pa nakamaskara sila." Nakikinig lang ako sa kanya kahit na nasa Arena ang mga mata ko. Dahil sa hindi pagpapakita ng Death Gang ng ilang buwan hindi na rin kami nakibalita sa kung anong nangyayari sa Gangster World para kaming mga inosente nito dahil wala kaming alam na kahit ano dito. Nagkatinginan na lamang kamo ng mga ka-gang ko dahil wala kamong masabi. Si Jeff lang yata ang gangster na kahit madaming ginagawa tsismoso pa din lahat ng sasabihin niya puro impormasyon tungkol sa kahit na anong gang na alam niya. Actually, hindi naman bobo o tanga ang isang to' kaya lang mahilig siyang mantrip ng tao gaya nitong mga kaibigan ko. "They call her Heartless Furieus, na ang ibig sabihin ay furious at syempre wala din siyang puso sa mga kumakalaban sa kanya...walang inuurungan o kaya naman ay inaatrasan ang babaeng yon. She had this cold eyes na tinitignan ka palang ay umaatras na ang kalaban niya. Ang mga ka-gang niya lang ang nakakakita sa kanya. Ang pulang buhok niya na kahulugan ay tapang and what's the worst with that? She can kill, kaya niyang pumatay kung kinakailangan." Tumayong bigla ang buhok ko sa leeg sa narinig ko. Parang may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko ng dahil sa sinabi niya. She can kill, what a heartless person. Yes, inaamin kong hindi kami anghel ng mga kaibigan ko. We are the same as hers but we don't definitely kill without any valid reason. Katulad siya ng Chaos Gang pero ang pagkakaiba ang mga yon ay may mga puso pa din at nagpapahalaga lang sa mga bagay na pinoprotektahan nila. Nakakagulat ang impormasyong ito ni tsismosong Jeff dahil ni minsan noon wala pa akong nababalitaang may pinatay ang Pentagon Gang dahil sa lahat ng Gang na pinakamalalakas sa mundo sila lang ang tahimik at ni hindi makabasag pinggan tapos mababalitaan ko nalang na may bago na silang leader at pumapatay sila kung kinakailangan? Wow, this must be crazy! "Did you saw her face Jeff?" Kevin asked with seriousness in his voice. Mukhang lahat kami ay nakuha ang atensyon at kuryusisdad dito sa bagong leader ng Pentagon. It looks like hindi lang dalawa ang kailangan kong alamin. Gusto ko ding makita ang mukha ng sinasabi nilang Heartless Furieus lahat kami ay nag-aantay sa magiging sagot ni Jeff maging ang maingay at mahanging si Jake ay nacucurios din. Himala at ayaw niyang magsalita para ipaglandakan ang mukha niya. Seryoso ang mukha ni Jeff na minsan lang namin makita ng mga kaibigan ko mula ng makilala namin ang mga allies ngn Chaos Gang. "No, I mean no one is allowed to see her face. Kahit pa makipagpustahan ka sa kanya. Kahit kailan hindi ka mananalo at hindi mo mapapatanggal sa kanya ang maskara niya gaya ng mga kasamahan niya. Alam nyo namang bukod sa Chaos Gang, Pentagon ang sunod na naghahari sa Gangster World hindi ba?" Jeff stated with a hanging question for us. Ofcourse, alam ng lahat yon. Walang bobong gangster ang hindi alam kung sino ang mas nakakataas sa mga mahihina. Takot nalang nila kapag nakaharap nila ito. "Yes, but because of Chaos Goddess absence, ang Pentagon na ngayon ang nangunguna sa ranking ng Top Strongest Gang sa buong mundo. Pumapangalawa nalang ang Chaos Gang." Ayan, mga naihipan ng hangin pati si Dave tumatalino na rin. Matanong nga sa kanila ano ang kinakain nila araw-araw makain nga rin minsan bigla akong natahimik ng banggitin ang pagkawala ni Chaos Goddess ang asawa ko. Yes, isa siyang haligi ng Chaos Gang kaya ng mawala siya parang nawala na din ng gana ang mga ka-gang at allies nila. Who could have thought na ng mawala sila ay lumabas na din ang Pentagon. Walong taong nanahimik sa loob ng maraming taon, walong taong ngayon ay inilalantad ang kanilang mga sarili. Ano kaya ang plano nila? "Lahat ba sila lalaban ngayon?" Tanong ni Kevin habang ang kanyang kaliwang kamay ay nakapatong sa kanyang baba hindi siya nakatingin sa amin pero alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ng mga kasamahan niya. He is looking intently at the ring arena. "Ayon sa source ko tatlong miyembro ng gang lang ang lalaban ngayon hindi ko lang alam kung sinu-sino sa kanila. You know that in gangster world you have to expect the unexpected. Kaya kung sino man makakalaban nila ngayon dapat maghanda." Killer said puffing his cigar. Ako man din ay napahithit ng sigarilyong kanina ko pa hawak. Oo, naninigarilyo na ako ngayon na hindi ko naman magawa. Pang patanggal ng stress ika nga nila minsan lang naman to' kaya alam kung hindi to' makakasama sa katawan ko. Ibinuga ko ang usok sa kawalan. "They must really something." Jake muttered. Nakacross-arms niyang sabi sabay tingin sa ring arena gaya ni Kevin kung talagang malakas sila ibig sabihin noon kaya nga nilang maghari-harian dito.  Kung sa Chaos Gang nga lang tumba na kaming apat paano pa kaya sa Pentagon gang na miyembro ay walo? Kung ako lang ayaw ko ng makisali pero kailangan eh' this is the life I have chosen so, I must face it. Life is a matter of choice if you follow what's in your heart malalaman mong masarap pala ang mabuhay pero kung magpapadala ka sa sinasabi ng iba baka magaya ka sa isang puppet na nagiging sunud-sunuran sa iba. Hindi ko hiniling na magkaganito ako dahil kung pinili ko lang noong una ang makakabuti sa akin nandito pa sana siya ngayon kasama ko habang pinapanood ang nangyayari sa baba na gustong-gusto niya. Hindi siya pipigilan sa kung anuman ang nais niyang gawin dahil alam kung kung ano ang gusto niya, gusto ko na din. The till death do us part na sinasabi sa kasal ay hindi ko magawa dahil hanggang ngayon para sa akin ay buhay siya. Buhay na buhay at magkikita pa din kami. "s**t! DARN! DAMMIT!" Nangunot ang noo ko ng biglang sabay-sabay na nagmura si Dave, Kevin at Jake. Namumutla sila habang nakatingin sa salamin which is ang baba ay ang ring arena nasa ikalawang palapag kami. Ang arena ay pabilog na may dalawa palapag. Ang itaas ay ang mga kuwarto kung saan nanonood ang mga vip na mga gang. Kitang-kita mo dito ang mga naglalaban sa unang palapag dahil sinadya ito para sa mga manonood na gang sa mga naglalaban para sa kasikatan, kapangyarihan at karangyaan. Karangyaan, syempre naman bawat laban dito ay may katapat na pera bilang bayad sa mga naglalaban manalo man o matalo may pera ang bawat isa. Hindi pa kasali doon ang pustahan sa labas ng ring. Ang unang palapag kung nasaan ang ring ay pinapalibutan ng mga parang hagdan na upuan. Lahat pwedeng pumasok dito lahat naman kasi dumadaan sa security nitong Arena kaya sinisiguradong walang makakapasok ng mga parak. Dahil kung hindi tapos ang maliligayang araw ng mga gangsters. "Anong minimura-mura nyo dyan?" Taas-kilay kung tanong sa kanila. No one answered me dahil matapos nilang titigan na parang mabubuta sa mga tingin nila ang salamin ay nagtatakbo sila pababa sa unang palapag ng hindi lumilingon sa amin ni Killer. Letse! Bakit ba nagpapanic ang mga yon pati tuloy ako nagulat sa ginawa nila. Nakita kong lumapit si Killer sa puwesto kanina ni Kevin nanlaki ang mata niya at napangsinghap. Uyy, teka ano ba talaga ang nangyayari? Hindi naman siguro sa laban--wait! Agad akong dumukwang sa salamin. Tangna! Pati ako napamura. Precisely! Expect the unexpexted! Kaya pala nagkukumahog yong tatlo na makababa kasi ang nasa ring arena ay walang iba kundi ang Chaos Gang kung andun sila ngayon at ang Pentagon ang lalaban...ibig sabihin ang Chaos Gang ang kalaban nila!? Sa pagkakaalam ko hindi nag-uusap ang mga babaeng yan. So, paano sila maglalaban ngayon? Siniko ko si Killer na kay Chaos Empress lang nakatingin. Peb-ebeg nge nemen. "Hoy! Baka matunaw yan remember may nobyo na yan." Sabi ko sa kanya. He smiled bitterly while staring at Empress na ngayon ay nakikipagtalo na kay Death Emperor sa baba. You can't blamed them kasi naman nag-aalala lang ang mga kaibigan ko sa kanila. "Yeah, I know." Killer answered. Sus, basa ko na yang mukhang yan. Yan din ako noon noong hindi kami bati ng asawa ko. Nagdadaydream na sana ako yong kinakausap niya na sana ako yong nasa tabi niya. "Hindi naman yan ang issue ngayon set aside muna natin yan. Ang pinagtataka ko bakit andyan yang tatlong yan sa ring?" Nagtataka kong tanong. Alam naman naming lahat na hindi sila magkasundo dahil you know ni hindi nga magkasama palagi ang tatlong yan kaya paano sila lalaban dyan kung wala silang sa teamwork? "I don't know either pero kung lalaban man sila ngayon. I think mahihirapan sila lalo na ang Pentagon ang kalaban." He answered my question walking towards the door. I guess, kailangan naming sumunod doon sa baba bilang suporta sa tatlong babae para kahit papano maramadaman nila na mahalaga sila sa amin. Bakit ba kasi sa lahat-lahat ng ugaling iniwanan ng asawa ko yon pang katigasan ng ulo niya? We know that they are strong pero hindi na naman dapat nila patunayan yon dahil for the past years alam na yin ng lahat. Stubborn girls ni hindi nila inisip ang mga lalaking nag-aalala sa mga kalagayan nila. They are not psychological okay. Sa araw-araw ba na ginawa ng Diyos bakit parang kaming mga lalaki ngayon ang kailangang magbabysit sa mga batang este mga babaeng ito? Hindi sila nag-iisip hindi nga sila magkasundo lalaban pa sila ngayon? Magpapakamatay ba sila kung ganoon pwede kayang sumama? Aw, s**t! Ano ba itong iniisip ko? Makikisali pa ako gayong magulo na nga. Hindi katulad ng tatlo naglakad lang kami ni Killer papunta sa baba. Wala naman kaming pakinabang doon as if namang makikinig ang mga babaeng yon. Gangsters sila hindi robot hindi mo makukuhang utusan yon na itigil ang gagawin sa isang salita kaya sigurado akong mahaba-habang pilitan yon. Madilim na pasilyo ang dinadaanan namin. Ano nga ba ang aasahan mo sa isang abandonadong gusali? Yeah, ang tinatawag naming Underground Arena ay isang abandonadong gusali kapag titignan sa labas pero pag pumasok ka. Wooh! Doon mo makikita ang kaastigan ng lugar na ito. Nang makita  ko ang dulo ng pasilyo na maliwanag alam kung ang dulong yon ay bubungad kaagad sayo ang ring arena. Ang dinadaanan namin ay ang daanan kung saan lumalabas ang lalaban sa bawat gang na gustong lumaban at makipagpustahan. Hindi pa man kami nakakarating kahit na malakas ang sigaw ng mga tao ay rinig na rinig pa din ang pagtatalo ng mga kaibigan ko at ng Chaos Gang. What a lucky guess! Ang galing ko sabi na nga ba mahaba-habang usapan to' "Mukhang dito tayo matutulog sa ring ah?" Killer said jokingly with a smirk on his face eventhough its's dark I can see what's on his face. Mukhang maging siya ay nahulaang mangyayari ito. "Di ka ba nagdala ng unan at kumot dyan?" Biro ko pabalik sa kanya. Napaatras akong bigla ng lumapit siya sa akin ng seryosong-seryoso hindi pa kasi kami totally lumabas sa pasilyo kung nasaan kami. Sumandal muna kami sandali at nakinig sa mga sigawan nila. Lumapit siya sa akin habang nakalahad ang mga kamay niya nang itinaas niya ito ay sinapak ko kaagad siya. "Aray! Masakit yon Death God ah!" Sabi niya habang hawak ang ilong na nabali ata. Gagong to' akala niya siguro papayag akong magpayakap sa kanya. "Kasalanan mo yan! Bakit ka mangyayakap? Gago! Lalaki ako! Kung bakla ka huwag kang mandamay!" Asar na sagot ko sa kanya. Natigilan naman siya sandali at biglang humalakhak pasalampak sa sahig, gumulong-gulong pa siya habang hawak ang tiyan. Ayan, nabaliw na. When I was about to dial on my phone nagsalita si Killer sa pagitan ng pagtawa. "Huwag kang assuming Death God, hahawakan ko lang sana ang noo mo kaya itinaas ko mga kamay ko hindi kita yayakapin akala ko kasi may sakit ka nakuha mo kasing magbiro." Napapoker face ako ng marealized ang ginawa ko. I face palmed mentally. Napangunahan ako ng kilabot agad. Syempre, sino bang mag-eexpect na yon pala gagawin niya? Malay ko ba mabuti ng sigurado kaysa sa hindi. "Tsk, tsk, ilang beses ko bang uulit-ulitin sayo na hindi ako bakla. Chickababes ang gusto ko, chickababes." Wika niya habang dinudrawing pa ng dalawa niyang kamay ang hugis coca-cola na bote sa kawalan. I rolled my eyes at mabilis na naglakad papalabas ng pasilyo. Lalabas na ako baka may makakita pa sa amin sa daang yon sasabihing may ginagawa pa kaming milagro. Iniisip ko palang pinanayuan na ako ng balahibo. Yong sinabi ni Killer kanina sa pagbibiro. Tama siya ni minsan sa loob ng maraming buwan hindi ako nagbiro lalo na at kaharap ko sila mas nanaisin ko pang manahimik at makisamang tumawa sa kanila kaysa sa akin mismo manggaling baka hindi ko lang kakayanin at maiyak ako. Kahit pa sabihing pwedeng umiyak ang mga lalaki sa harap ng iba still I prefer not eventhough it's okay to be weak infront of others I won't. "Ano ba! Huwag nyo kaming pigilan! Palaklakakin kita ng wafers dyan eh!" Narinig kong may sumigaw. Don't asked you know who's being fond with wafers. Nang makalabas ako I saw them arguing. Ang huli kong narinig na sumigaw so, si Hika talaga yon kasi si Jake ang sumagot. "Honey please, huwag muna sa araw na ito pakiusap huwag ka ng makipagtalo sa akin alam ko namang galit ka dahil sa nakaraang araw pero please, sobra kitang mahal na ni kagat ng lamok nga ayaw kitang pakagat." Death Pronce almost kneeled infront of Chaos Princess. Pag nagmamahal ka hindi ka mahihiyang lumuhod sa harapan niya. Sa pag-ibig hindi dapat pinapairal ang pride walang mararating yon. Napag-aralan ko yon noong nagkabalikan kami ng asawa ko. "Ulol! Pakagat sa lamok ba kamo?! Tulog mantika ka nga eh' mapapansin mo pa kaya ang lamok?" Killer laughed beside me. Ako man din ay napatawa, nakakagulat lang walang bakas na bangis at angas sa mukha ng mga dalaga. Nagkakamot naman ng ulo si Jake alam niyang ta si Hikaru. "Babe naman, makinig ka na pleass kung hindi iiwanana kita dito mag-isa kang uuwi at alam mo namang hindi ka marunong sa direksyon." Isa pa to' bakit ba ang daming lovers dito. "Under si Death Emperor ni Chaos Empress." Bulong ni Killer sa tenga ko napalo ko siya sa ulo. Ayoko yong ginugulat ako kaya mag-ingat ka at makakatikim ka ng kung anu-ano sa akin. He zipped his mouth at nanahimik. Lovers, lovers. Hindi naman sa naiinggit ako natutuwa nga ako na pinapansin na sila ng mga babaeng matitigas ang ulo na yan. Tinignan ng masama ni Emerald si Dave. "Okay, nandyan naman si Queen at Princess eh' silang maghahatid sa akin pauwi. Kaya shoo! Lumayas ka sa harapan ko at huwag ka ng papakita sa akin pag-iiwanan mo ako dito." Napalunok si Dave sa sagot ni Emerald. Mukhang natameme ang loko hindi kami makikialam sa kanila taga-suporta lang kami. "Wala ba kayong tiwala sa amin? Bullshit! Ilang buwan na tayong magkakasama pero tingin nyo sa amin parang mga babasaging crystal pa din!" Asik ni Leslie kay Kevin na hinahawakan ang balikat ni Leslie. Looks like hindi lang kami ang nanonood ng free live drama dahil ang mga taong maiingay kanina dahil sa pagpupustagan ay nanahimik parang dinaanan ng anghel ang buong arena at tanging tunog ng ga insekto at boses nga anim ang naririnig namin. "Oo! Kung yan ang iniisip mo para sa amin hindi lang kayo crystal dahil para sa amin hangin kayo! Hangin na kapag nawala, hindi kami makakahinga...mamatay kami kasing halaga niyo ang hangin para sa amin!" Sagot ni Kevin na siyang ikinapula ni Leslie mukhang tinamaan ng kakiligan ang huli. Lupet mo tsong gusto ko sanang isigaw pero nag-eenjoy talaga ako sa drama nila at sagutan nila. "Whogoat!" Sigaw ni Killer. Kahit kailan talaga panira ng moment ang isang to' kaya ayon lahat ng nasa Arena ay tinukso ang tatlong pares na nasa loob ng ring na nagtatalo parang boxing ang argumento nila. I saw the girls shruggs at pinalabas ang mga lalaki sa loob ng ring. "Have faith on me babe, kaya namin to' hindi man kami kumpleto. She's always with us especially in here." Emerald said pointing her heart.  Tumango-tango ang tatlo. It's a miracle! Nagkasundo na yata wala ng cold treatment at iwasan! Kailangan yata ng mga lalaki na magdiwang bumalik na ng mga nobya nila sa dati. Nagkatinginan ang tatlong unggoy at walang ganang lumabas sa ring. Wala silang magawa dahil kahit pigilan nila ang mga babae mananalo pa din sa bangayan ang mga babae. "Huwag ka munang maging oa Death King, hindi pa tayo." Pahabol na sabi ni Leslie at sumandal sa corner ng ring biglang lumiwanag ang mukha ni Kevin. Nanalo ata sa lotto ang ekspresyon ng mukha niya. "May "pa" tol' laki ng pag-asa mo. Huwag susuko kahit amasona at sadista mga girlfriend namin tamo sa abs palang namin, tiklop na sila." Bulong ni Jake. Mayabang pa siya gayong wala naman siyang nagawa kay Hikaru. And worst, narinig pa yata ni Hikaru ang bulong niya kaya ayon bukol ang ulo hinagisan ba naman ng leather shoes? "Sayo na yang abs mo! Patayuan mo lang ako ng factory ng wafers para yon pakasalan ko!" Asar na sabi ni Hikaru na may halong pagbibiro. Napataas naman agad ang kamay ni Jake at sinasabing sumuko na siya. Tumawa naman ang lahat dahil sa asaran nila. "Magtiwala lang kayo sa amin hindi ang mga babaeng nakikita niyo nitong mga huling mga nakaraang buwan." Seryosong saad ni Emerald. Making us all believe of what she said. Sabay-sabay na tumango ang mga ugok ngayon pa ba sila mawawalan ng tiwala sa mga babae nila gayong halos araw-araw nilang sinusundan ang mga yan na parang mga asong ulol? Nararamdaman ko din naman yong nararamdaman nila lalo na noong minsan ay hindi ako nagtiwala sa asawa ko pero hindi na mangyayari yon kapag nahanap ko na siya, laglag ang mga balikat ng lalaki na tumabi sa amin at nanahimik. "Kung yan ang gusto nyo babe, hindi naman namin kayo mapipigilan kahit na anong gawin namin.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD