Malayo sa kawalan ang isip niya sa mga oras na iyon. Nakatingin pa rin ito sa labas habang binabagtas nila ang daan pabalik sa sariling mansion. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman matapos ang muling pagkikita nila ng kanyang ex-girlfriend makalipas ang ilang taon. Wala paring pinagbago ito. Mas lalo itong naging kaakit-akit sa loob ng limang taon. Parang kailan lang noong mga bata pa sila hanggang sa maka-graduate sila ng high school. Noong sinagot siya ni nito, pakiramdam niya ay siya na ang pinaka maswerting lalake sa buong mundo. Bukod sa mala-dyosa nitong ganda, mabait, mahinhin, malambing at mayaman.
Halos nasa kanya na ang lahat. Nag-iisang anak ito nila Donya clarita at Don Carlos Fuentebella, ang pinaka mayaman sa lugar nila noon. Marami ang nagtangkang ligawan ito. Isa na rito si Henry Lee!, ang anak ng kaibigan ng daddy nito na si Mr. Lee. Pero sa huli sya parin ang nagwagi sa puso nito.
"Sir Aaron, mukhang lumilipad ang isip natin ah?, pangiti-ngitingi usisa ni Banjo.
"Siguro sir, hindi ka pa maka-get over sa muli ninyong pagkikita ni Ma’am Valerie? Ayeee! Kapag ganon talaga kaganda ang ex ko, hinding-hindi ko na papakawalan pang muli.” dagdag nitong biro.
"Hoy! Anak ka talaga ng kupal, Banjo. Si Sir Aaron na naman ang napagtripan mo”, singit ni Mang Larry.
"Bakit Mang Larry, totoo naman ah? Ayan ang problema sa’yo kaya hanggang ngayon at tumanda ka nang binata. Masyado kang mahina pagdating sa mga babae.”, dagdag pa na sagot ni Banjo habang nakatingin sa nagmamanihong si Mang Larry. Napailing na lang ito at nag-focus sa pagmamaneho.
"Tama na yan, puro kayo kalokohan!" saway na wika ni Aaron mula sa likuran. Tahimik ang lahat hanggang sa makarating sila sa sarili niya mansion.
Walang pagdsidlan ang mga luha niya simula pa kanina.
"Valerie, tama na iyan. Halos kanina ka pa iyak ng iyak. Baka mapano ka nyan.", wika ni Yaya Mercy na nag-aalala sa kanya.
Imbes na tumigil, lalo pa itong humagulhol ng iyak.
"Kung mayroon lang sana akong magagawa hija.” Niyakap niya ito para kahit paano maibsan ang bigat na nararamdaman.
"Hindi na siya ang dating Aaron na nakilala at minahal ko noon. Yaya mercy, ang mga tingin at hawak niya sa akin tila ba napakahigpit ng hawak nito na kulang na lang ay patayin na niya ako kanina.”
"Valerie, ganun talaga. Limang taon na ang nakalipas marahil binago na si Aaron ng panahon at ng galit nito puso."
"Yaya Mercy, anong gagawin ko? Paano na itong mansion? Ito na lang ang mayroon ako at kung mawala pa ito saan tayo titira nila daddy?” malamlam ang mga mata niya habang sinasambit ang mga tanong na iyon.
"Hija, ikalma mo lang ang sarili mo. Para makapag-isip ka ng maayos.”
“Pero Yaya Mercy, wala na akong iba pang maisip na pwede kong malapitan. Simula noong bumagsak ang mga kabuhayan namin, halos lahat ng mga kaibigan ni daddy at maging mga kaibigan ko ang tingin sa amin ay parang may nakakadiring sakit.” Napahagulhol siya sa balikat ni Yaya Mercy.
“Tahan na hija. Baka marinig ka pa ng daddy mo na umiiyak. Alam mo naman na lalo ng hindi makakatulong iyon sa kalagayan niya ngayon.”
Gustohin niya mang sisihin ang daddy niya" dahil sa mga nangyayare sa kanila ngayon mas pinili nya lang na saluhin ang lahat na mga hindi magandang nangyayare sa kanila ngayon.
Patuloy siya sa pagsimsim sa hawak nitong baso na mayroong bahagyang laman ng alak habang nakaupo sa sofa. Nakataas ang dalawang paa niya sa isang center table na mayroong litrato ni Valerie. Litrato ito ng dalaga noong araw na sinagot siya nito.
Flashback
"Talaga bang sinasagot mo na ako?
“Bakit ayaw mo?" nakangusong tanong nito.
“Ano ka ba? Syempre masayang masaya ako. Yaho!! Girlfriend ko na si Valerie Fuentebella!” malakas na sigaw nito.
Sa mga oras na iyon ay nasa sun flower farm sila kung kung saan isa iyon sa mga pag-aari pa ng mga Fuentebella. Lumapit ang dalaga at hinalikan siya nito. Inilagay nito ang hintuturo sa kanyang mga labi.
"Pst, ssshh! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa atin at makarating sa daddy ko. Alam mo naman na ayaw niya sa’yo.”
Walang ano anong hinapit nito ang bewang ng dalaga. Idinikit niya ang katawan nito sa katawan niya dahilan para maramdaman nila pareho ang kuryente na unti-unting dumadaloy sa katawan nila.
"I love you, babe." bulong niya rito.
"I love you more, Aaron Anderson,"
"Ah babe, pwede ba i-advance na natin ang honeymoon?”, pilyong tanong niya rito.
"Honeymoon agad? Kasasagot ko lang sa’yo!”
"Biro lang. Baka makakalusot eh", muli nitong hinalikan ang mga labi ng dalaga hanggang sa hinihingal na sila pareho dahil sa init na nararamdaman nila sa bawat isa habang ang isa pang kamay niya ay abala sa sa dalawang nitong bundok. Bumaba ang isang pang kamay nito sa gitna ng dalawang hita nito dahilan para makiliti ito.
"Aaron, stop it!” Namumula ang pisngi nito at pinipigilan siya nito sa kanyang mga ginagawang pag-romansa rito. Mabuti na nga lang at walang taong masyadong dumadaan doon. Madalas sila roon magtagpo kahit noong mga bata pa sila.
"Hoy, Anderson! Kailangan muna natin magtapos ng pag-aaral bago ang mga ganitong kaisipan.”
"Mrs. Anderson, hinalikan lang kita.
Hindi ko alam na advance ka pala mag-isip, huh?", pilyong sagot ng binata at kininditan ito. Mas lalong namula ang pisnge nito.
End Of Flashback
Tatlong magkasunod na tunog na nagmula sa kanyang cellphone. Kinuha niya ito at pakunot noong sinagot.
“Hello, who's this?
"Pare, si Nick ito. Huwag mong sabihing nakalimutan mo? Magtatampo talaga ako sa’yo, pare." wika nito.
"s**t!"
Ngayon pala ang opening ng restobar ni Nick. Inimbitahan nga pala siya bilang isang guest speaker.
"I almost forgot!" Agad na pinutol iyon sabay hawak sa ulo nito at nagtungo sa banyo para maligo.
( At the Midnight Lover Resto-bar )
Eksaktong 8 pm ng makarating si Valerie dito tulad ng napag-usapan nila Fredy na magkikita sila. Bahagya pa lang dumarami ang mga tao roon kaya nagpasya siya na umuna nang mag order ng makakain nila para mamaya ay kakain na lang. Maya-maya pa ay dumating na rin ang kaibigan.
"Oh Girl Shuta, ang ganda mo naman. Kinabog mo ang beauty ko", pabirong pagtataray nito habang sinasalubong siya ng yakap.
"Kung alam ko lang na kakabogin mo ako eh nag-gown sana ako. Che!", sabay pitik ng mga daliri nito. Natatawa na lang siya rito.
"Pero in fairness, bagay na bagay sayo ang suot mo. Orange cut-out dress with gold sandals,stunning Beauty. Sana all!” patuloy na papuri nito.
"Thank you, friend. Dahil sa lahat ng mga friends natin noong college ikaw lang yong nariyan sa akin at hindi ako iniiwan."
"Oi girl!, bawal mag-iyakan. Nandito tayo para mag-enjoy! Enjoyin natin ang isang gabi na virgin ka pa girl!"
“Ikaw talaga, Fredy," natatawang saway nito sa kaibigan.
"Ay este, yung pagiging single mo pala!" Sabay irap nito sa kanya.
Naikwento niya kanina sa palitan nila ng text ang kanyang problema kaya ito sila ngayon. Nagyaya si bakla na pumunta rito at sabe pa sa text na may bagong resto-bar na magbubukas sa lugar nila ngayong gabi.