Oi, pare! I'm glad you're here. Akala ko walang Aaron na darating.”
"Kilala mo ako Nick, may isang salita ako." sabay yakap sa isat-isa.
"Alright! Pare, ikaw nga pala si Aaron Anderson. Naalala ko pa nga noon na palagi kang on-time at present kapag may lakad tayo. Hindi ka lang naman nakakarating kapag inaya ka ni Valerie mamasyal, diba?" sabay kindat nito sa kanya. Nakangiti ito na para bang nang-aasar.
Biglang dumilim ang mukha nito at huminga ng malalim.
“I'm sorry, pare! Alam ko naman kung ano ang nangyari noon sa pagitan niyo ni Valerie. Seriously pare, walang kasalanan si Valerie kung ano man ang ginawa ni Don Carlos sa nanay mo.”
Habang sinasabe iyon ni Nick nakatingin lang ito rito at malalim ang mga matang nakatingin sa kawalan.
"In fact, ang karma na ang naningil kay Don Carlos! Balita ko baldado na ito at halos bumagsak na ang kabuhayan nila. Look at yourself. You are now a successful businessman. Forget the past. Move on and forgive." wika ng kaibigan.
Napatayo naman siya dahil sa mga sinabi ng kaibigan. Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. Itinaas ito na halos hindi na lumalapat ang mga paa nito sa lupa.
"Easy pare! Hindi ako ag kaaway mo.” wika Nick. Maging siya ay nagulat rin sa ginawa niya rito.
'I'm really sorry, Nick. Nadala lang ako ng sariling galit.” pabuntong hininga siya humingi ng sorry sa kaibigan.
"It's easy to forgive Nick, but it's hard to forget. Sana ako na lang. Bakit kailangan pang idamay nila ang nanay ko?”
Sa mga oras na iyon hindi niya napigilan ang emosyon na kinimkim sa loob ng limang taon. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan bilang simpataya sa nararamdaman nito.
"So, anong plano mo ngayon?"
Muling tumayo ito. Lumagok muli ng wine na hawak nito na nasa baso.
"Si Valerie Fuentebella ang kukunin kung kabayaran sa lahat ng kasalanan ni Don Carlos sa akin at sa nanay ko na walang awang pinapatay niya!"
"Uulitin ko pare ah. Walang kasalanan si Valerie."
"Bakit anong kasalanan ng nanay ko? Nagmahal lang naman ako ng babaeng akala ko ay mamahalin at ipaglalaban rin ako hanggang sa huli.”
"Wala ka na bang nararamdaman para kay Valerie?”
Hindi niya masagot iyon dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano ang isasagot rito.
Maya-maya pa’y dumating rin sa lugar na iyon ang grupo ni Henry kasama ang mga tropa nito. Nakita niya agad si Valerie.
"Hi, baby! wika ni Henry na nagmula sa likuran ng kinauupuan nila ni Fredy.
"Oh, Henry! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito.
"Hahahaha!" Tumawa ito ng malakas na parang sa isang kontrabida sa isang pelikula.
"Narito kami para mag enjoy katulad ng mga taong naririto. May problema ba, baby? Wala man lang ba akong kahit isang kiss d'yan?”
Tiningnan niya ito ng masama.
"Kiss mo ang mukha mo! Pwede ba Henry, lubayan mo na ako!" pagtataray na sagot niya rito.
"Hindi lang sa panaginip tayo nagkikita maging dito. Destiny talaga ang nagsasabe na tayo talaga ang para sa isa’t isa.”
"In your dreams Henry!”
"Bakit? Sinong gusto mo, si Aaron? Huwag ka nang umasa pa sa bastardong yon! Halos isumpa ka na niya at ang pamilya mo.”
"Pwede ba, Henry? Kung sisirain mo lang ang araw ko, huwag ngayon dahil nandito kami para mag-relax.”
"Valerie, tandaan mo na para sa akin ka lang. Akin ka lang! Handa ako pumatay mapasaakin ka lang, huh?"
"Papah Henry!, mukhang ayaw sa’yo ng friend ko. Ako na lang. Paligayahin kita buong magdamag!”, sabay pulupot ng mga braso nito kay Henry. Umiikot-ikot pa ang mga mata nito habang nagsasalita.
"Fredy!" Lubayan mo nga ako, bakla ka! Baka mapatay pa kita ng wala sa oras!"
"Oh Ayan, che! Gwapo ka sana kaya lang ang sama ng ugali mo.”
Natatawa na lang siya sa mga ito.
"Iba talaga ang beauty mo friend. Valerie Fuentebella, ikaw na talaga! Halos lahat ng kalalakihan dito sa lugar natin, mapa mayaman o mapa mahirap, ikaw ang pinapangarap nila. Sa bagay, napakaganda mo naman talaga! Mala-dyosa ang beauty mo! Sinalo mo lahat friend!"
Natatawa lang siya sa sinabi ni Fredy.
"Ikaw talaga Fredy,"
"Tawa tawa ka dyan. Hindi ka man lang nagtira ng kagandahan para sa akin!" Sabay irap nito sa kanya.
"Seryoso, friend. Pinapatawa lang kita. Alam ko naman kung gaano kabigat ang mga dinadala mo ngayon.”
Sabay yakap nito sa kanya. Sa mga oras na iyon lumuwag kahit papano ang pakiramdam niya dahil kay Fredy. Kaya yumakap siya rito at nagpasalamat.
"Tama na ang drama nating ito friend. Let's go! Doon tayo sa maraming papa na pogi," sabay turo nito kabilang table. Napapatawa na lang siya rito. Kaagad naman siya sumunod sa kabilang table na tinuro nito.
"Good Evening, everyone! Thank you very much to those who came here to the opening of my resto-bar. Pero hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ng aking mahal na kaibigan. Please welcome our guest speaker for tonight! No other than, Anderson Land Corporation CEO, Aaron Anderson!"
Laking gulat niya ng marinig ang pangalan ni Aaron. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nabibingi siya. Maging si Henry naman ay nagulat rin ng makita ang karibal.
"Hello, good evening everyone! It's my pleasure to be invited here."
"He's so handsome! Mas gwapo pa siya sa’yo Papah Henry," sabay irap at siko nito kay Henry.
"Hoy, bakla! Kapag hindi ka pa talaga tumigil, mapapatay na kitang bakla ka.” asar na wika nito.
Aminado naman siya na talagang napakagwapo nitong ex niya. Bumagay sa kanya ang suot nitong plain Polo shirt and Ankle slacks with white rubber shoes. Abot-abot ang kaba na nadarama niya habang nakatingin siya rito mula sa kinaruroanan nila.
Magpapatuloy na sana siya sa kanyang speech nang masipat ng kanyang mga mata ang kinaroroonan nina Valerie at Henry.
Samo’t saring emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Galit para sa babaeng kinamumuhian niya at sinamahan pa ng matinding selos dahil nakita niyang magkasama ang mga ito.
Kagad namang napansin ni Nick ang biglang pagbabago ng mood ng kaibigan nang makita ang mga ito kaya mabilis itong tumayo. Nilapitan niya ito para kunin ang hawak nitong microphone. Pero tinabig nito ang kaniyang kamay.
"Pare, okay ka lang ba?"
"I'm fine! Sa katunayan mayroon akong big announcement para lahat ng naririto."
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Valerie nang marinig ang sinabe nito.
"Aaron, ano naman ba ito?" mahinang bulong niya.
"I would like to invite my fiance to join me here, Valerie Fuentebella!"
Sa sobrang gulat niya sa pag-anyaya nito ay nabitawan niya ang hawak na baso na bahagyang may laman pa iyon.
"Friend, okay ka lang ba? Relax ka lang." wika ni Fredy.
Tumango naman siya kay Fredy at ngumiti.
“At anong pinagsasabi nito na fiance niya daw ako? Bakit, pumayag na ba ako? You are crazy ,Aaron!", mahinang bulong nito sa isip niya.
Nakiusap naman si Nick na samahan niya si Aaron sa pa-anyaya nito para hindi na raw magkagulo. Nahiya naman siyang tumanggi rito dahil maging siya ay hindi niya gugustuhin magkagulo ng dahil sa kanila. Halos hindi nya maihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa kinaroroonan nito.
Biglang tumigil ang mundo niya ng makitang papalapit na ang dalaga papunta sa kinatatayuan niya. Angat na angat ang alindog ng katawan na mayroon ito dahil sa kasuotan. Nakaramdam siya ng pagnanasa rito. Kahit noon pa man ay hindi niya maiwasang pagnasahan ito. Madalas nitong tanggihan siya dahil gusto nito makapagtapos muna sila ng pag-aaral. Sa ilang taon niya bilang lalaki ay walang kahit na sinong babae nagparamdam ng ganito sa kanya. Si Valerie lamang. Bukod sa malakas ang s*x appeal nito, maputi ito, dagdagan pa ng sobrang kinis ng balat at mala dyosang mukha. Kaya’t hindi niya maiwasang mapalunok nang makailang beses habang papalapit ito.
"Babe, you turn me on," bulong niya rito.
Mas tumindi naman ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa ginawa nitong pagbulong.
"I can't wait to be your husband."
Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay gusto na niya mawalang parang bula.
"Aaron, ano ba ito, huh?" tanong niya rito.
Biglang nag sigawan ang mga tao dahil maging ang mga ito ay kinikilig rin. Sumisigaw ang mga ito ng, "Kissss! Kissss."
Napapikit na lang siya habang naluluha siya dahil sa tensyon sa pagitan nila ni Aaron.
“Kung alam ninyo lang kung anong pakay ng lalaking ito sa akin. Palabas niya lang ang lahat ng ito," mahinang bulong niya.
"Babe, calm down. Wala pa akong ginagawang masama sa’yo," mahinang bulong nito.
Pakiramdam niya dahil sa bulong nito sa tenga ay para bang kumalat iyon sa buong katawan niya. Nagsitayuan ang mga balahibo sa kanyang buong katawan.
"Aaron, ano bang kalokohan ito?"
Ngumisi lang ito at enjoy na enjoy na pinaglalaruan siya sa harap ng mga tao. Biglang nagtagis ang mga bagang nito nang walang anu-anong hinawakan siya nito sa bewang. Pilit na pinaharap siya pagkatapos ay kinabig siya nito. Siniil siya ng may gigil na paghalik nito sa kanyang labi kaya’t pumailalim ang dila nito sa kanyang bibig dahilan para malasahan niya ang ang ininom nitong alak. Naaamoy niya rin ang pabango nito na lalong nag patigil sa mundo niya. Para bang ang sarap lang nitong amoyin habang nakalapat ang katawan nila sa isa’t isa.
"Aaron, stop it!"
Bigla siyang natauhan sa paghalik nito dahilan para masugatan ang gilid ng kanyang mga labi.
"Hindi pa ako tapos sayo. Humanda kang babae ka!", bulong nito habang nakanangising hawak pa rin siya nito.
Hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila si Henry. Agad nitong inundayan ng suntok si Aaron. Agad naman itong gumanti ng suntok kay Henry dahilan para matumba sila pareho.
"Hayop ka! Bastardo! Bakit ka pa bumalik ng Pilipinas? Akin lang si Valerie!"
"Kailan pang naging sa'yo ang pag-aari ko, huh?"
Nagtagis ang mga bagang niya at muling sinugod ito at inundayan ng makailang pang suntok. Inawat nito si Aaron at buong lakas niya ito hinila papalayo kay Henry. Ngunit tiningnan lang siya nito ng masama at itinulak siya nito ng ubod ng lakas dahilan para matumba siya. Napapikit siya ng tumama ang kanyang braso sa lamesa. Pakiramdam niya namula iyon dahil sa lakas ng pagka katama doon. Impit-pikit na tiniis niya ang sakit. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Fredy para tulongang makatayo.
"Kung nagawa ko dating paghiwalayin kayo, magagawa ko ulit ngayon," wika ni Henry.
"Subukan mo! I will kill you!" Bumunot ito ng baril mula sa kanyang likuran at tinutok iyon kay Henry. "Ano, huh? Ngayon mo ilabas ang tapang mong hayop ka! Kung sino man ang haharang sa mga plano ko ay hindi ako mangingiming patayin.”
Pagkatapos binitawan at itinulak ito. Napahiga ito sa lakas ng pagbitaw rito. Samantalang ang mga ka barkada ni Henry ay naglabas na rin ang mga kanilang baril dahilan para tuluyang matakot at mag takbuhan ang mga tao palabas ng restobar. Halos hindi siya nakagalaw sa nasaksihang gulo sa pagitan ng mga ito. Makalipas ang limang taon, hindi na siya ang dating Aaron na minahal nito. Ang gwapo nitong mukha. Kung ano ang ikinaganda ng mga mata nito ay siya namang kadilim at kapait ang nagtatago sa loob nu'n.
Si Nick naman ay kumilos na rin para maawat ang gulo sa pagitan nila Aaron at Henry.
Napakiusapan naman ni Nick ang grupo nila Henry na umuwi na lamang ang mga ito. Akmang tatalikod na siya kasama si Fredy para umuwi na nang biglang may bumuhat sa kanya.
"Ayyyy!", malakas na tili ni Fredy. "Papah Aaron, ibaba mo ang friend ko. Ako na lang ang kidnapin mo!”, sigaw nito habang pairap-irap at pumipilantik ang mga kamay nito habang patuloy itong nakasunod sa dalawa.
Walang imiik na bumunot muli ito ng baril at itinutok kay Fredy. Sa takot nito ay hindi na ito muling nagtangkang sumunod sa kanila.
"Aaron, ibaba mo ako please! Uuwi na ako. Naghihintay na sa'kin si Yaya Mercy."
"No way! Matapos mo akong painitin? Sa mansion ko ikaw matutulog ngayong gabi.”
Buhat buhat siya nitong palabas ng restobar na parang wala lang naririnig sa mga pakiusap niya. Samantalang napapailing na lang si Nick.
"Tsk tsk! Pag-ibig nga naman," pangiti-ngiting sabe pa nito bago sila makalabas at tumungo sa parking area.
Matapos buksan ni Mang Larry ang ang pintuan ng sasakyan, isinalya siya nito sa loob dahilan para tumama ang kanyang braso sa set belt at masubsob ang kanyang mukha sa upuan.
"Arayyy!" sigaw niya.
Hindi man lang siya tinanong ni Aaron kung kumusta siya. Pero wala ng mas sasakit pa sa pinaparamdam ni Aaron ngayon sa kanya na halos wala na itong pakialam kung nasaktan ba siya o hindi.
"Drive!" sigaw nito kay Mang Larry.
"Opo sir!"
Alam niya na possesive na tao si Aaron kahit noon pa man. Pero pinaglaban nito ang relasyon nila sa kabila ng pagtutol ng kanyang magulang. Minahal niya ito sa kabila ng katayuan ng buhay na mayroon ito noon.
* Flashback *
"Valerie, hija, gaano na ba ka seryoso ang relasyon ninyo ni Aaron?"
“Mommy, mahal ko po si Aaron. Kung tatanungin ninyo kami kung gaano kami ka seryoso, ang sagot po ay seryoso po kami na handa naming ipaglaban ang relasyon namin kahit pa tumutol si daddy.”
"Hija, huwag mong masamain ang pagtutol ng daddy mo sa relasyon mo kay Aaron. Iniisip lang niya ang kapakanan mo.”
“Iniisip? Kailan pa niya naisip ang nararamdaman ko? Pilit nito akong tinutulak kay Henry. Ayaw ko sa kanya. Maliban sa hambog na, mama's boy pa.”
"Ay, naku! Ikaw talaga na bata ka. Halika ka nga dito." Hinawakan nito ang kanyang pisnge.
"Hija, kahit ano at sino pa man ang nasa puso mo, sundin mo kung ano ang magpapasaya sa’yo. Basta siguraduhin mo lang na pinag-iisipan mo ng maayos ang bawat desisyon na ginagawa mo sa buhay.”
Humalik siya sa kanyang ina. "Opo naman mommy," nginitian niya ito.
* End Of Flashback *
Bigla niyang na-miss ang yumaong ina. Kaya’t hindi niya namalayan nakating na pala sila sa mansion ng mga Anderson.
"Baba!", pasigaw nitong bulyaw.
Pagpasok nila sa mansion ay bumungad agad ang napakalaking larawan ng ina ni Aaron, si Nay Silya.
“Ano pa ang tinatanga-tanga mo d'yan? Go to my room and take a shower!" bulyaw na utos nito.
“Bakit? Ano bang gagawin mo sa akin?” Biglang nakaramdam siya ng takot sa tinuran ni Aaron.
"Malalaman mo rin mamaya. Get ready for my punnishment,"
Matapos nitong sabihin iyon tiningnan siya ng matalim na tingin.