Chapter 1: Divert

1841 Words
Caliana's pov Naalimpungatan ako sa narinig kong ingay na sa tingin ko ay galing sa labas ng kwarto. Pungas pungas na naupo ako sa gilid ng kama, at tumingin sa buong kwarto. My eyes went to the clock. It's already six in the morning, sunday at wala akong klase ngayon sa school. Pero marami pa rin akong kailangang gawin, may exam din kasi kami sa susunod na linggo. I dragged myself out of the bed and slowly walk towards the door to open it. Pagka bukas ko ng pintuan ay nakita ko na si Nica at Zara na nasa dinning table at kumakain. Zara Marie is Nica's daughter, she's already six years old. "Good morning Tita ninang!" Zara said when she saw me. "Good morning too sweetie." Malumanay na bati ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at naupo sa bakanteng upuan. "Arghh! Sakit ng ulo ko." Reklamo ko agad. "Kung makainom ka kasi kagabi, akala mo mauubusan ka ng alak." Natawa agad ako sa sinabi niya, totoo naman kasi, walwal is life ang ate niyo kagabi. Dahil nagugutom na rin ako at marami akong kailangang gawin mamaya, sumabay na ako sa kanila mag breakfast. Kumuha ako ng fried rice, egg at bacon. Great combo! "Ay teka may nakalimutan ako." Tumayo siya at nag tungo sa kusina. Pag balik niya ay agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko ang hawak niyang platito na may lamang tuyo. "Alam ko minsan ka lang makatikim niyan kaya binili kita kanina, para naman sumaya ka nang kaunti." Paminsan lang kasi ako makatikim nang tuyo, at favorite ko iyon. Naalala ko si Nica talaga ang unang nag patikim sa akin nito, at doon ko na nga siya nagustuhan lalo na kapag may suka. Pero sabi niya ay hindi raw lagi itong kinakain dahil baka mangati ang balat ko. "Na miss ko kaya 'to!" Habang kumakain ay nag chichikahan din kami, napagkasunduan nang mag ina na sasama na lang si Zara sa cafe mamaya. Pupunta rin naman ako doon mamaya to do some works. Nica is a cafe owner, it is called Nicscafé, oo alam ko parang may katunog na isang brand. Ewan ko bas a babaeng 'yon at ganiyan ang naisip niyang brandname, pero maganda naman infairness. Sa ngayon successful ang business niya, currently may dalawa na itong branch, at lagi siyang hands on sa pag papatakbo nito. "Can we watch again later Tita ninang?" Napatingin ako kay Zara Marie. "Yes sweetie, but Tita ninang will study muna before tayo manood okay?" I said. Lagi kasi kaming nanonood ng disney movies, lalo na kapag disney princesses. Pareho naming paborito ang mga disney princess lalo na si Ariel sa The Little Mermaid. "Okay po!" "Nako huwag kayo doon sa office, mag kakalat nanaman kayo." Sabay kaming napatingin kay Nica. Palagi niya na lang kaming pinag babawalan manood at mag laro sa loob ng opisina niya. "Why Mama? Tita ninang will clean our mess naman po." Ang cute talaga ni Zara kahit kalian, lalo na kapag nag papaawa siya sa mama niya para payagan siya sa isang bagay. "Oo nga naman." Gatong ko agad. Okay lang na mag linis basta makanood kami doon. Malaki kasi ang tv sa office ni Nica sa cafe, kaya naman gustong gusto namin doon. Noong nakaraan kasi na nanood kami doon ay sinamahan ko rin mag laro ng lego si Zara kaya naging makalat. Kaya nung naabutan kami ni Nica na ganoon ka kalat ang opisina niya ay pinag bawalan niya na kami mag laro doon. "Sus! Hindi nga nag lilinis 'yang Tita ninang mo sa bahay at condo niya!" Sabi ni Nica na ikinatawa ko naman. Tamaan sapul, at sapul na sapul ako doon. Hindi naman ako makalat na tao, kaya minsan lang ako mag linis hindi niya lang nakikita. "Kumain na nga kayo nang kumain, at baka hindi na talaga kayo makanood sa opisina ko." Banta ni Nica, nakita ko naman si Zara na naniwala agad sa Mama niya. Galing talaga mang uto ng bata. Pag katapos naming kumain ay nag ayos na agad ako, uuwi muna ako sa condo ko. May kailangan akong ayusin na papers doon, at pag katapos didiretso na ako sa cafe at doon mag aaral. Madalas ganoon ang nagiging routine ko this past few weeks. Lagi kong kasama ang mag ina. Mamaya maya pa naman aalis para buksan ang cafe, sunday today malamang ay maraming tao ngayon. Busy na naman si Nica niyan for sure. "Alis na me!" Paalam ko sa dalawa, agad namang nag kiss sa akin si Zara at yumakap. That's why I really love this kid, she's so sweet and adorable. Alam kong tama ang naging pagpapalaki namin sa kaniya. "Ingat ka sa pag drive, hoy!" Pahabol na sabi ni Nica. "See you later Tita ninang, love you po." Tumango ako sa kanilang dalawa, nag paalam ulit ako bago tinahak ang daan palabas ng pintuan. Nag stay ako sa condo hangang nine AM, at paalis na ulit ako ngayon para pumunta sa cafe. Dala dala ko ang laptop ko at ilang libro, marami talaga kasi akong kailangang aralin at kabisaduhin para sa mga exams at recital. Okay pa naman siguro ako sa first year ko, siguro kapag kalagitnaan aabot na talaga ako sa point na hindi matutulog. Nag palit lang ako ng damit kanina sa condo at nag ayos ng kaunti, hindi ko na nga rin alam kung kalian ako makakapag laba, baka mag pa laundry na lang ako. Siyempre tatalakan na naman ako ni Nica, tamad tamad ko raw mag laba. Siya kaya pag labahin ko minsan? Dumiretso na agad ako sa kotse ko na pabulok na ata konting andar na lang kakalas na ang bumper, wala pa naman akong pambili ng bago. At hindi ko priority na bumili ng bagong kotse ngayon. Dumating ako sa cafe na marami ng tao sa loob. Sunday kasi at may ilang students din na nag s-stay minsan. Hinanap ko agad si Nica, pero nasa loob pa raw ng kitchen sabi ng staff. Alam kong mag tatagal pa siya doon sa kitchen kaya pumasok na ako sa office niya. Kilala naman ako ng mga staff nila dito. Ikaw ba naman halos araw araw nandito. Pag pasok ko ay naabutan ko si Zara na tulog naman sa sofa. Baka mamaya na lang kami manood, ang takaw din sa tulog nitong batang 'to eh. Lumabas ulit ako ng office dala-dala ang gamit ko, doon na lang muna ako sa usual spot ko. Nilapag ko muna iyong mga gamit ko sa table, parang gusto ko umorder ng pag kain o kaya kape na lang. Pampa-gana mag aral. Dahil may pagka chikadora rin talaga ako, lumapit ako sa gilid ng counter para chikahin muna cashier nila, si Ate Donna. "Yes Cali?" Naka ngiti niyang bungad sa akin. "Te Donna sino 'yon? Boyfriend ba ni Nica?" Usisa ko, talagang likas na sa akin ang chumika kung saan saan, at least hindi naman ako pakielamera ano. May na pansin lang kasi ako kanina pa, parang ngayon ko lang din nakita dito. "Ah bagong 'yan, na kaka interview lang kahapon." Napatingin nga ako sa pisngi ni Ate Donna dahil halata mo na namumula ito. Crush pa ata ang bagong staff nila, karamihan kasi ng staff ni Nica ay babae. Bilang mo lang ang lalake dito sa kitchen at front staff niya. Man hater nga kasi, mas bitter pa sa ampalaya. "Ah, akala ko jowa ni Nica eh. Pinagkakaguluhan ng mga babaeng costumer." Parehas kaming napatingin sa mga babaeng costumer na nag bubulungan pa rin, at namumula pa sa kilig. "Oo nga." Sabi nito, natigil lang ang pag uusap naming ng may dumating na costumer. Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina ng bigla naming lumabas itong si Nica, kasunod itong bago nilang staff. At si bruha naka ngiti pa, I smell something fishy right now. "Oh? Ginagawa mo d'yan?" Bungad sa akin ni Nica. "Wala, nakiki chitchat bakit." I replied. "Hinahanap ka na ni Zara." "Nakatulog na nga pag dating ko. Mamaya na lang kami manonood, aral muna ako." "Keri mo ba? Daming tao, baka ma distract ka." Parang may ibang kahulugan 'tong mga pinag sasabi nitong bruhang 'to. "Reto kita?" Taas kilay ko siyang tinignan, nakita niya pala akong tumingin doon sa bago nilang empleyado. "Gaga, tigilan mo nga ako." Masama ko siyang tinignan, "Pabili Iced latte, palista na lang." Pabiro kong sabi, nakita ko ang pag kunot ng noo niya. "Ano kala mo sa cafe ko, sari-sari store?" Natawa ako sa sinabi niya, agad kong kinuha ang wallet ko at inabot sa kaniya ang card. Para namang hindi kapamilya eh. Pag ka balik ko sa puwesto ko ay sabay buklat na ng libro. Puro libro na ata ang nakikita ko sa condo ko pati ba naman dito. Bukas monday na naman, kung pwede lang hindi pumasok at matulog lang buong mag hapon ay gagawin ko. Mukhang ako pa ata ang unang mababaliw sa ginagawa ko, magiging pasyente muna ako bago ako maging doktor. After I studied, Zara and I watched and played lego also. Nag paalam din ako kay Nica na uuwi ako sa bahay ng parents ko. May family dinner kasi kami every sunday, at maganda na rin iyon para naman may bonding pa rin kami. Pag karating ko sa bahay ay si Mommy agad ang sumalubong sa akin. As usual nag b-bake siya, hilig niya kasi sa pastries. Laking pasasalamat ko kay lord na hindi pa ako nagkaka diabetes, de joke lang. Our family dinner went well, just a typical dinner. Napag usapan namin ang tungkol sa pag aaral ko, sa work ni Kuya at kalaunan ay tungkol na sa business dahil kay Daddy. Si Mommy naman ay itinuturo sa akin ang mga recipies niya sa pag b-bake. And after that hinanap nila sa akin si Yohan. Madalas din kasing kasama si Yohan sa family dinner namin, at sila ni Daddy ang laging mag kasundo. I didn't tell them what happened between us and our relationship. Alam ko kasing magagalit si daddy at ma d-disappoint naman si mommy. Mataas ang expectation nila sa aming dalawa, at ayoko rin silang masaktan dahil alam kong malapit na talaga sila kay Yohan. Kaya nga minsan nag tataka ako kung sino ba talaga sa amin iyong totoong anak. Ang akala nga nila dati ay mag papakasal na kami, pero hindi naman dahil mag aaral pa ulit kami. Sasabihin ko rin naman sa kanila, pero hindi muna ngayon dahil alam kong madidismaya at mang hihinayang talaga sila. Lalo na si Kuya, baka pag nalaman niya ay magalit siya kay Yohan o kaya sa akin. Ayaw niya kasi akong nasasaktan o sumasama ang loob ko lalo na pag dating sa lalaki. He is always over protective when it comes to me. Na realize ko ngayon na kahit pala may nawala sa akin, nandiyan pa rin sila may mga tao pa rin sa buhay ko na nagmamahal at hindi ako pinapabayaan. Sa ngayon ang hiling ko lang ay sana matangap nila iyong nangyari, I hope they will accept it and be happy for us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD