Prologue
DISCLAIMER: This book is a work of fiction. All names, characters, locations, and incidents are products of the author's imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living, or dead, locales or events is entirely coincidental.
-
"If you love someone, you can't really just avoid the pain 'no?" I said, before I drink the fifth shot of tequila.
I'm here at the bar, drowning myself with different alcohols while recalling my memory of what happened last week. Everything that happened was still very fresh to me, and I didn't know if I would insist of fixing it. I'm so tired of it.
"That's right!" Pag sangayon nang kasama ko. She's Nica, my bestfriend since high school.
"You know love is very messy! You should always keep that in your mind, Caliana. " Dahil nga nasa bar kami ay laging napapalakas ang boses , sa sobrang ingay ba naman ng paligid.
Kaya lang naman kami nasa bar at nag papaka lasing dahil sa boyfriend- Opps, hindi ko na pala siya boyfriend, nakipag hiwalay siya sa'kin last week.
We've been in a relationship for more than six years, not until nakipag kita na lang siya sa'kin isang gabi at sinabing kailangan na raw naming tapusin ang relasyon namin. For the past six years we are deeply in love with each other, we had a healthy realationship kahit na minsan ay nag aaway, na aayos at napag uusapan naman namin agad.
Hanggang sa dumating na nga iyong mga araw na hindi kami masyadong nag kikita. Pareho kaming naging busy school. He's taking law and I'm currently in my first year in med school.
"So ano ba talaga rason bakit kayo nag hiwalay?" Nica asked, lumilipad ang isip ko kanina, nakalimutan kong may kasama pala ako.
"He wants to focus on his study and career, he wants to achieve his dream. At gano'n din ang gusto niya na gawin ko." Sagot ko. Sa totoo lang nararamdaman ko naman na may iba pang rason, pero hindi niya lang masabi sa'kin.
Para sa akin nabababawan ako sa mga rason n'ya. Naguguluhan ako! Ano bang kulang? Palagi ko naman siyang iniintindi, kahit nga wala na kaming oras sa isa't isa ay naiintindihan ko. I want us to be successful together! Makakaya naman naming iyon, kahit mag kasama kami.
"Pero parang sa sinasabi mo na hihintayin mo siya? Anak ng tokwa, papahirapan mo lang sarili mo." Nakakunot ang noo ni Nica habang nagsasalita, halatang naiirita sa desisyon ko.
Man hater kasi ampucha.
"Final na iyon Nics, wala eh... hindi ko pa kayang mag let go, mahal na mahal ko." Ngumiti ako pero ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking dibdib nang maisip na, sa malayo ko na lang siya pwedeng tignan at hindi ko na siya gaanong makikita o makaka usap.
Lintek na pag ibig 'yan. Ampucha, in love rin siguro si Kupido nung pinana niya ako.
"Paano kung sa gitna ng paghihintay mo na 'yan ay may matipuhan siyang iba?" Tanong niya na ikinakaba ng puso ko. Bakit hindi ko nga ba naisip 'yon?
"It will just make your heart bleed more Caliana." Hindi ako nakapag salita agad sa mga sinabi ni Nica. Gulong gulo na'ko! Hindi ko na alam kung papaano ko na s-survive ang araw araw dahil sa mga nangyayari.
Alam ko namang may point siya doon. Pero umaasa ako na hindi iyon mangyayari, sana. My expectations for him is just too high kaya siguro hindi ako nagdududa na baka may iba.
Biruin mo habang nagkaka siyahan ang mga tao sa loob ng bar, andito ako nakaupo at lugmok sa pag ibig na 'yan.
"Kita mo nga naman, one is still in love while the other one is leaving. Tsk!" Medyo nananampal iyon ah.
"Putik naman, you're really making me cry again!" Reklamo ko, hindi ako naka ilag doon ah!
"P-pero mahal pa ako no'n, hindi naman pwede na sa isang iglap lang ay mawawala na agad iyon! Parang wala lang iyong six years sa kan'ya kapag gano'n!" Depensa ko sa sarili, sige lang saktan mo pa sarili mo Caliana.
"Gaga, sinasabi ko lang iyong mga bagay na makakapag pabago pa ng isip mo, kasi alam ko masasaktan ka d'yan sa mga desiyon mo."
I can see the concern on Nica's eyes, after all siya lang naman ang matatakbuhan ko ngayon. She's the only person who I can lean on right now.
"J-just let me do this Nics, staka mo na isampal sa akin lahat ng maling desisyon ko kapag natauhan na ako." I just can't let him go now. Nakita ko kung paano napa buntong hininga si Nica.
"Sabi mo eh, hihintayin ko ang araw na 'yan. You'll see it Caliana." She replied, alam kong seryoso na siya sa mga sinasabi niya sa akin. Kaya lang matigas talaga ang ulo ko.
Sana nga Nics, sana nga ay matauhan ako para makalaya ako sa sakit. For now I just can't let him go, because I really love Yohan.
The whole night seemed so long, kila Nica na ako matutulog ngayong gabi. Hindi ko na kasi kaya pang mag drive pauwi ng bahay. Naparami ata ang ininom namin kanina pagkatapos ng pag uusap namin.
Naka handa akong matulog, pero pag kalipas ng ilang minuto ay hindi ko pa rin magawang matulog. Kaya nga ako nag lasing para mabilis akong makatulog, at para na rin hindi ako iyak nang iyak tuwing gabi. Pero hindi naman pala effective.
Niisip ko na naman si Yohan. It's so hard to stop myself contacting him.
Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya, kung okay ba siya, kung na iisip niya rin ba ako. Gusto ko rin malaman kung okay ba siya na magkahiwalay kami ngayon.
Kasi ako, hindi ako okay.
I just realize na sobrang hirap maging understanding. I have no choice but to understand everything, kahit pa hindi ko gusto at labag sa kalooban ko. Kahit pa alam ko na ikadudurog ko iyong mga desisyon ko.
There is just something inside me that feels so heavy.
Naupo ako sa gilid ng kama habang hawak ko ang aking cellphone na may larawan naming dalawa ni Yohan. One week pa nga lang ang nakalipas ay sobrang hirap na, at gusto ko na agad siyang makita. Paano pa kaya iyong mas mahabang panahon.
I wish I could message him, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong iiyakan ko na naman siya buong gabi. I knew that I will not be able to get over him.
Pero kapag siguro dumating na 'yong araw na sinasabi ni Nica, iyong araw na susuko na ako. Hihingi na lang ako ng tawad sa kaniya at sa sarili ko kasi hindi ko na matutupad iyong mga pangako ko.
In that way maybe I can save myself from breaking my heart more, wherein there's no more pain, that when I look my eyes in the mirror there will be no sadness and hate anymore.