Pumalatak si Gino. "I will never apologize to what happened earlier." He started to put a wall between him and Cloud. "Wala akong sinasabing mag-sorry ka sa 'kin," biglang pahayag ni Cloud. "Then, why do you look like as if you're waiting for me to say something." "Hindi ko alam kung ano'ng nakikita mo ngayon sa mukha ko pero sawa na akong makipagtalo pa sa 'yo. Kaya lang naman ako nandito ay dahil sa head coach natin. No more, no less." Nakabaling ito sa ibang direksyon at hindi magawang humarap sa kaniya. Bumuntong hininga siya. Kahit siya ay pagod na ring makipagtalo rito. Saka lang niya napagtanto na kamukhang-kamukha ng lugar na iyon ang isang pub na pinuntahan nilang magkakaibigan na kasama si Fiona habang nasa Los Angeles pa sila. What a huge coincidence? He thought. "Bigla kon

