Hiniling ng mga player kay George na dumaan muna ng ospital bago umuwi at magpahinga. Isa pang rason ay mga galos at pasang natamo ni Zain. Hanggang ngayon hindi pa rin nagpapaliwanag ang binata kung saan niyon nakuha ang mga iyon. Minabuting magtungo na muna sila sa ospital para bigyan ng lunas at maipatingin kung may mga nabaling buto ang binata, dahil kanina pa nila napapansing napapaigtad ito sa sakit kapag sinusubukang maglakad. Sinamahan ng kanilang team captain si Zain sa isang kwarto, habang magkasama naman sina Cloud at Gino sa labas ng ospital. Kasalukuyang may kausap ngayon ni Cloud ang ina sa cell phone. "Yes, tomorrow will be our last day. I'll surely return on Thursday." He heard his friend deeply sighed as it continuosly explain when it will return. "I'm doing fine. We're j

