Naiwan na magkasama sina Myles at Zain sa isang kwarto. Pero imbes na nakahiga at nagpapahinga sa kama ang binata na siyang dahilan kung bakit nandoon sila. Sapo ang masakit pa ring tiyan ay tumayo si Zain at nagtungo sa pinto. Walang gaanong tao sa pasilyo niyon. Tinungo niya ang silid ni Demi. Naabutan niyang wala ng tao sa loob niyon. Sakto namang may dumaan na isang nurse. "Excuse me," tawag niya. Nilapitan siya nito. "Yes sir, may problema po ba?" Tinuro niya ang silid kanina. "Where is the patient here yesterday?" "Inilipat na po siya sa isang regular room." Iginaya siya nito sa tinutukoy na bagong silid kung saan inilagay ang dalaga. "Dito po sir," anito. Tumango siya. "Thank you." Iniwan din siya agad nito. Sinilip niya ang maliit na bintana na nasa pinto. Demi is sleeping.

