"Nakausap ko na nga pala ang isang sponsor natin. He told me that they already made all of the preparations for the press conference of the qualifying teams and we are one of those teams," Jim announced after their online match.
"How? Shouldn't we first attend any qualifying match to enter the national tournament like we did in NA?" Cloud asked puzzled with the sudden announcement.
"Didn't Demi joined a tournament recently and won?"
"Yeah, they did."
"Then, that's it."
"What... are you serious?!"
"Hindi naman kasi ito tulad ng mabubusing pagpili ng mga player. Qualifying teams will be decided upon sponsorships. Halimbawa, ang isang management na willing na hawakan ang isang squad, they will sponsor them then that squad will represent that management. Tulad ngayon, ang naging sponsor natin ay ang Clarence. So our squad is now called Clare."
"Seriously? Hindi ba't parang tunog pambabae ang pangalan ng squad natin?"
"I don't mind. It's quite appealing for me," Gino said.
"By the way, Clarence is a company of apparel. They took the name of their company from the CEO's son named Clarence who died from Leukemia two years ago."
Cloud gulped. He's ashamed of what he said. "Is that so..."
"Demi agreed with them when they offered us a lot of advantages. They are also nice and hands on with everything we need, they even called me this morning and asked me what are the things we need before the press conference. As a matter of fact, they are now working for our official gaming shirt. Ipinasa na rin sa akin kaninang umaga ang official design at darating na rin in less than a week ang mga gaming phone na gagamitin natin."
Napapito sa pagkamangha si Cloud. "Wow, I'm amazed with their efficiency and punctuality."
"That's good then..."
"All of these were because of Demi's doings."
Napasinghap si Cloud nang pumasok si Demi na may dalang chord na nasira niya kanina ng hindi sinasadyang nahatak niya iyon ng malakas. "I saw this inside the storage room," she said. Iniabot ng dalaga ang hawak na chord kay Zain na kasabay nitong pumasok. Nagtaka ito dahil sa kakaibang katahimikan ng gaming room ng hapon na 'yon. "Is there something wrong?"
Agad na umiling si Jim at natatawang hinawakan ang pinsan sa magkabilang balikat. "Wala naman. We're just talking about where we can eat dinner later tonight."
"Maybe we should stay here tonight to eat dinner. Hanggang ngayon tulog pa rin si Miles and I'm worried na hindi pa bumababa ang lagnat niya." Lumapit ang dalaga kay Zain na ngayon ay pinapalitan na ang nasirang chord sa pwesto ni Cloud. "I'll cook dinner for tonight," nakahalukipkip na wika nito.
A perfect goddess! Demi's a real epitome of a perfect woman! Smart, cool and can cook!
***
Zain moved his gaze avoiding to be seen by Demi. Nagtaka marahil ang dalaga sa ikinilos niya ng mga oras na 'yon pero hindi na lang din siya nagsalita at kinaila na madalas niyang palihim na sinusulyapan ito.
He's having a hard time figuring out whether he wants to bring back all of their childhood memories to Demi or just simply create new ones. But, as far as he can remember from what he had read and researches that he did, malaki ang chance na baka lumala ang kondisyon nito kung pipilitin niyang ipaalala ang mga nawalang alaala nito. Gradually, he will wait patiently until she can finally remember him however if it is no longer possible he wanted to create new memories with her.
Ayaw na rin niyang maalala nito ang pagiging hangal niya noon kung paanong ilang beses niya itong iniwasan nang magtapat ito ng pag-ibig hanggang sa bumalik ito ng Pilipinas. It was his stubborness why things became this messed up.
He couldn't tell yet kung handa rin ba siyang tanggapin ng tuluyan na hindi na talaga siya nito gusto, or else he will do his best to Demi likes him again.
Easy as a piece of cake.
Iyon ang akala niya.
***
"George Moore will become your coach," Demi introduced. "I'm sorry for the sudden introduction."
Isa-isang nakipagkamay ang apat kay George. "Hindi ko alam na ang buong squad mo pala Jim ay binubuo ng good looking men." Natatawang hinarap nito ang pamangkin. "Mabuti naman you're not having a hard time being with them all day."
Hindi iyon pinatulan ni Demi at nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Tumikhim lang si George upang pukawin ang atensyon nilang lima. "This Saturday, we will be attending a press conference to introduce all the teams for the national tournament and I know of course that you are all fully aware of that."
"Yes. Natanggap na rin namin ang mga gaming shirt na susuotin," wika ni Jim.
"I'm glad to hear that."
"Magpatuloy lang kayo sa pag-eensayo at huwag hayaang masayang ang oras bago ang mismong tournament. Maganda rin na ma-expose kayo ng maaga sa mga team na makakalaban niyo kung sakali sa nationals. Tatlongpu ang lahat ng team na maglalaban para sa iisang tropeyo."
"Thirty?" Cloud exclaimed.
"Hindi kasi nagkaroon ng qualifying tournament kaya hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming teams ang maglalaban," paliwanag ni Gino.
"Marahil napanood niyo naman ang naging laban nina Demi sa kaniyang school. Iba ang set ng matches kailangan makapasok man lang kayo kahit sa lower bracket it will be also your advantage kung mapupunta kayo roon hindi tulad ng higher bracket na kapwa magagaling ang makakalaban niyo na malaki ang probable na hindi kayo makapasok ng semi-finals." Maraming pang mga importanteng detalye ang ipinaliwanag ni George. Mabuti na ang sigurado at paulit-ulit sa ibang mga proseso ng laro lalo na sa asian server na hindi pa gaanong gamay nina Jim. "Don't let your focus be overtaken by pressure during your press conference. It'll be a good chance to mold your confidence in front of many Filipino people. Ang balita ko rin ay dadalo ang Hollow PH squad, the MadDogs and many more na hindi man gaanong matunog ang pangalan once you meet their core players you will be amaze to see proplayers na palaging nasa solo queu pero nang dahil sa mabigat na titulong dala ng national tournament ay sumali sila. This is good for your career to be part of a big event like this. Huwag niyo sanang i-take ito for granted."
Hindi pressure ang naramdaman nila, rather they all feel fired up and optimistic on what will happen dala na rin ng napakapositibong pagpapaliwanag ni George sa kanila.
"Ang balita ko nandoon si Wayne, he wanted to experience the different pressure of going against global players." Gino stated while clutching his fists brought by excitement.
"Seriously? Then, I couldn't wait any further for the actual tournament!" Cloud excitedly said.
"Masyado kayong fired up. Bago matapos ang araw na ito, kailangan muna na makatapos kayo na kabisaduhin ang tatlong pahina ng counter heroes na inihanda ko." Inisa-isang iniabot ni Demi ang mga folder sa mga kasama.
"Bago pala ang lahat. May I talk to you Demi after this?" tanong ni George sa pamangkin.
"Sure," sagot nito.
***
"Maganda kung hindi ka na muna sasama sa amin sa Sabado," bungad agad kay Demi ng kaniyang tito.
"What?" Demi couldn't believe what her uncle told her.
"Your dad called me and told me that you have a check up on that day. Sabi niya pa sa akin, pumayag siya na pwede mong gawin ang mga gusto mo however you shouldn't skip any of your check-ups. Nilinaw 'yon ng ilang beses ng daddy mo sa akin. If you keep on insisting to come with us, your father will surely go against you and the whole team will surely suffer because of your stubborness."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Demi. "Okay, I understand. I actually planned on skipping it. Kung iyon ang sinabi ni daddy wala na talaga akong magagawa." Napahawak na lamang siya ng braso at itinago ang pagkadismaya. "Thank you for informing me, Uncle George."
Nagtaka siya nang matagal na hindi nagsalita ito. Hindi rin siya umimik at naghintay sa iba pang sasabihin nito.
Tumikhim ito at bumuntong hininga. Like what she had expected. "Hindi ko yatang kayang makita ang pamangkin ko na nalulungkot tulad ngayon. I'll talk with Dr. Dominguez na gawing maaga ang check up mo." Gumuhit ang munting ngiti sa labi niya. "Is that okay with you?"
Of course! "Yes, thank you!"
***
"Nasaan ka na? Nakapag-register na kami sa may lobby pero wala ka pa," naiinis na tanong ni Gino habang kausap si Zain sa cell phone.
"I'm on my way," sagot lamang ni Zain at pinutol na ang tawag.
Kanina pa silang lahat nasa may lobby ngunit hindi pa rin dumarating si Zain. Wala naman itong sinabi na may gagawin muna ito bago magpunta sa venue ng press conference.
"Wala ba talaga siyang nabanggit na mahuhuli siya o kung may naging problema ba siya papunta rito?" usisa ni Cloud kay Jim.
"Didn't he said na papunta na siya? He'll be here in no time," sabat ni Miles.
Hindi mabasa ng mga oras na iyon ang tumatakbo sa isip ng coach nila na si George lalo't dapat ito mismo ang unang nakakaalam kung ano man ang lakad nila na makakaapekto sa buong team. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng isa sa aking member," dismayadong paumanhin ni Jim. Hindi rin pala nito alam ang dahilan kung bakit late ngayon si Zain.
Walang naglakas loob na basagin ang katahimikan sa pagitan nila ng mga oras na 'yon. Saka naman dumating si Zain na naghahabol pa ng hininga. Una nitong nilapitan si George na wala pa ring imik tulad kanina. "I'm really... sorry," Zain apologised. Ilang beses itong nagpunas ng pawis.
Ang buong akala nilang lahat ay magagalit ang kanilang coach sa bagong dating na kaibigan subalit hinawakan lang nito ang balikat ni Zain. "No need to rush. You can rest first," nakapamaywang na inuwestra nito ang bakanteng sofa sa tapat ni Cloud.
Sandaling natahimik sila at hindi maiwasang magtaka. Bakit hindi ito nagalit? Imposibleng nasabihan ito ni Zain na mahuhuli ito ng dating, pero wala sa bokabolaryo nila na makakalimot magsabi o magtext ang kaibigan na male-late ito.
"I'm really sorry," Zain continously apologised to the rest of his teammates especially to Jim.
"Mamaya ko na tatanungin kung ano'ng nangyari. Magpahinga ka muna."
"By the way, aalis lang ako sandali para kausapin ang isang staff ng management. Maghintay muna kayo rito at huwag magpakalat-kalat," nakangiting pagpapaalam ni George sa kanila.
Nang makaalis ito saka naman malalim na bumuntong hininga ang isa sa kanila. "We thought you're dead man!" Cloud hissed.
"Where have you been? All of us here were terribly worried about you," Miles mumbled.
"Sinamahan mo ba si Demi sa ospital?" usisa ni Gino nang maupo ito sa tabi ni Zain.
"That was my plan."
"What do you mean by your plan?"
"She did not attend her scheduled check up today."
Bakas sa kanilang lahat ang matinding gulat. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" bulalas ni Cloud.
Nag-aalalang lumapit si Jim sa kaniya. "Sinubukan ko siyang hanapin sa buong vicinity ng ospital at nagtanong kung mayroon bang Demileigh na nag-check in para sa check up ngayong araw pero wala." Si Miles naman ngayon ang lumapit sa kaniya at hindi maipinta ang mukha. Napansin iyon agad ni Zain at agad inilabas ang cell phone niya. "Bumalik agad ako ng makatanggap ng text sa kaniya na she purposely didn't attend her check up today so I should stop searching for her."
"Pero may sinabi ba siya kung saan siya nagpunta?" nag-aalalang tanong ni Miles.
"I received a text from her na she's also on her way here," Jim said. Frustrated na napasuklay siya ng buhok.
Kapwa napukaw ng atensyon nila nang pumasok si Demi sa entrance, nasalubong pa nito si George at nagawa pang magbatian ng dalawa.
Did they panic for nothing?
Si Zain ang unang sumalubong kay Demi. He looks really worried.
Pinanood lang nila ang kaibigan habang nakikipag-usap sa bagong dating na dalaga.
Dumilim ang mga mukha nila nang may biglang mapagtanto. They get easily swayed then lost their composure in just a single incident. "Demi informed me na bigla siyang tinawagan ng isa sa mga staff ng sponsor this morning. I think I also forgot to tell you guys na you must stay compose all the time. I'm actually watching you all this time na pressured at worried kayo. These things happen most of the time so don't let this kind of incident ruin your composure."
They grit their teeth. What a lame reaction from them? They should think more of the ways to deal with it kaysa inuna nilang mag-alala over unnecessary things.
Hindi nila namalayang ang higit na nadismaya noong oras na iyon ay si Jim. Siya ang unang dapat naglinaw ng mga nangyari nagkaroon lang ng miscommunication, sa kaniya dahil naging masyado siyang kalmado at irresponsable. He's the leader after all.
Chineck niya ang cell phone saka lang niya napagtanto may apat na missed call na galing kay Demi. He did panic before handling the situation properly. Kaya't hindi kataka-takang tulad niya ay nag-alala rin ang mga kasama. He should have handled this incident professionally.
"Imagine if you are in the shoes of the SpaiDer members, they had experience more than you all did today." George glanced in his wristwatch. "Hindi ko sinasabi na maging tulad nila kayo. But remember, why Demi's here, she trusted you all pero dahil sa isang maliit na bagay lahat kayo isa-isang hindi makakilos at makapag-isip ng maayos. It's okay to worry to people you care about, however Demi doesn't like that."
Bumalik si Zain na bagsak pareho ang balikat kasunod nito si Demi na nakahalukikip at taas ang isang kilay. Gumaan din agad ang mood nito at napasapo sa noo. "I'm doing fine. Ni-resched ang check up at hindi na ngayong araw, nakipag-usap na ako kay dad and he allowed it. I hope this thing wouldn't happen again," kalmadong saad ni Demi. Lumapit si Miles dito at agad na niyakap. "I'm hoping that this wouldn't happen again."
"Yes," tugon nilang lahat.
***
Hugis dome ang lugar kung saan ginanap ang press conference noong araw na iyon. Malawak ang stage at makikita ang mga spotlight ay nakafocus lamang sa gitna. Isa-isang ipapakilala ang bawat teams na maglalaban sa nationals.
Hindi na bago kay Demi ang mga ganitong event na kaniyang dinadaluhan habang tumatayo siyang assistant coach sa SpaiDer. Maraming mga bagay ang itinuro sa kaniya ni Divo kaya't halos gamay na niya ang mga gagawin. Bawat teams ay may kaniya-kaniyang nakalaan na kuwarto, ganoon ka-enggrande ang ginawa ng buong management kahit hindi pa man nagsisimula ang tunay na tournament ay halatang ipinapakita na nito kung gaano kahalaga at katindi ang ginagawang preparations through opening and to main event.
Hindi pa naisusuot ni Demi ang shirt ng kanilang team kaya't nagpaalam muna siyang aalis sandali upang makapagpalit.
"Okay," pagpayag ni George.
Abala ang lahat dahil na rin sa mga pinadalang staff ng Clarence na nag-aayos ngayon sa lima. Hindi siya nagsisising ito ang pinili upang maging sponsor nila. Matagal na niyang alam kung gaano kahusay ang mga ito kapag humahawak ng teams, hindi mahalaga sa kaniya kung malaki o maliit ang isang company, what's more important for her is the devotion of the sponsors to their benificiaries.
Kahit sa labas ng kanilang silid puno na rin ng mga taong kapwa abala sa kani-kanilang mga gawain. Dumeretso agad siya sa pinakamalapit na restroom. Hindi tulad sa labas, walang gaanong tao sa loob hindi na siya nagtaka pa dahil bawat mga kwarto ay may kaniya-kaniyang restroom na nakalaan sa mga gagamit niyon.
Nang akmang papasok na siya sa isang bakanteng cubicle. Saka naman may babaeng humahangos na pumasok sa restroom. Balisa at bakas sa mukha nito na hindi alam ang gagawin. Nakamasid lang siya rito. Tumayo muna siya sa tabi ng sink. Hindi kasi niya maiwasang mag-alala para sa babaeng pumasok nagsimula na kasi itong magpanic habang hawak ang cell phone marahil may hinihintay itong tawag.
Nang mag-ring ang cell phone nito. Nanginginig pareho ang mga kamay na sinagot nito iyon. "Hello... yes, ako ang guardian ni Faye Sandoval. She's my younger sister... saang ospital siya dinala?" balisang sagot nito sa tawag. Kahit full blast na ang air conditioning pinagpapawisan ito ng malagkit. "Saan... saang ospital?" Malakas na ang boses nito nang maging maingay na sa labas.
Lalong bumuhos ang mga luha nito nang putulin ang tawag. "Oh my god... what should I do? Natanggap ko na ang pera..." Iyak nang iyak ito sa may gilid.
Nagtaka siya nang hindi pa ito umaalis. Hindi ba't nasa ospital ang kapatid nito? "I can't just leave... they will sue me for just leaving and not fulfilling the contract I signed..." she heard Miss Sandoval mumbled frustratedly.
Nagpasya na siyang lapitan ito. "Miss, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya. Napapiksi siya sa gulat nang humarap itong gulo-gulo na ang make up.
Higit siyang nabigla sa ikinilos nito nang lapitan siya at hawakan sa magkabilang balikat. "... my younger sister named Faye she has a diabetes. She was brought to a hospital and the doctor called me earlier... I need to go there now... but, I can't just leave my job. Nakapirma na ako ng kontrata at natanggap ko na ang kalahati ng kabayaran sa trabaho ko. I can't just leave..."
It broke her heart to see someone crying like this. "Baka may maitulong ako sa 'yo. I know someone who works in a hospital..." alok niya.
"I'm Polly and I'm currently working under Mr. Hillard's company. I'm actually one of the models of Hollow squad... Hindi ko alam kung may ideya ka sa mga ganoong bagay." Marahil napansin nito ang dala niyang bag na may logo ng ibang squad. "Oh... I'm sorry, I shouldn't be talking about this..."
"Hindi mo na kailangang isipin 'yon." Umiling siya. Ipinakita niyang taos puso ang pagtulong niya rito. "Heto, nagtatrabaho sa ospital na tinutukoy mo kanina ang daddy ko. Ipakita mo lang ang health card na 'to at sabihin mong kakilala mo ako at ibibigay nila ang ano mang kakailanganin niyo."
Dagling nagliwanag ang mukha nito. "I... just... can't," nag-aalangang tanggi nito.
"I lost my brother in an accident. I know what it feels like to be in your situation... that's why please take this."
Tinanggap na iyon ng babae. Tumulong muli ang mga luha nito. "I'm really sorry, and thank you so much. I will never forget this kindness you've shown me... I will be forever grateful to you..." Itinaas nito ang dalang sports bag. "I'm working as a model and an amateur cosplayer, this is actually my costume. Nang magpapalit na ako ng damit kanina nakatanggap agad ako ng emergency call about my sister," nagmamadaling paliwanag nito sa kaniya. Nang akmang paalis na ito, bumalik muli ito at may kung ano'ng inabot sa kaniya. "Muntik ko ng makalimutan. Heto ang identification card na may QR code sa likod mabuti na lang at walang picture ko..." Niyakap siya nito. "Maraming salamat talaga... tatanawin kong malaking utang na loob ito."
"Mag-iingat ka," paalam niya rito.
Naiwan siyang mag-isa sa loob ng comfort room. Napatingin siya sa sariling repleksyon sa malaking salamin na naroon.
'Kuya Divo...' Nag-iiyak si Demi sa loob ng restroom ng mga oras na 'yon. ‘I'm really sorry. I'm really really sorry...'
Biglang napukaw ang atensyon niya nang may pumasok sa restroom. Saka niya napagtanto na kaya hawak niya ang bag na 'yon ngayon ay dahil may taong nangangailangan ng tulong niya. Sinilip niya ang laman niyon. Totoo nga ang sinabi ni Polly. It was rather a costume, Polly was about to cosplay a hero of Night Lost.
Napakunot nga lang siya ng noo nang matuklasan na masyadong revealing ang lower part ng costume. Well, wala na siyang magagawa. This is for the sake of Polly and her younger sister!
Pumasok siya ng cubicle at agad iyon na sinuot. Mabuti na lang din at halos magkasing-size lang sila ni Polly. Masyado kasing fit ang damit na iyon. Napilitan tuloy siyang ilugay ang buhok para matakpan ang likod niya.
Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang bigla na lang may kumalampag sa labas ng cubicle niya. "Polly, aren't you yet done?!" bulyaw ng nasa labas. "I know that you are there! Hindi na bago para sa atin ang magpalit ng damit sa harap ng mga client, hanggang ngayon nahihiya ka pa rin!" Nakaramdam siya ng matinding kaba. Kilala nito si Polly kaya't baka mapansin nito na nagpapanggap lang siya at umalis ang tunay na Polly na hindi nagpapaalam.
Nang tumahimik. Inisip niyang baka umalis na ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto cubicle. Napabuntong-hininga siya ng walang makitang tao. "What the f**k, are you feeling relief for? Leave your feeling of relief kapag natapos na tayo!" bulyaw ng isang babae nakahalukipkip malapit sa may pinto ng restroom. "You?!" Napalagok siya ng laway. Sa itinagal-tagal ng panahon ngayon lang uli siya kinabahan ng ganito. Lumapit ito sa kaniya.
Napapikit siya. Did she recognize her? I'm sorry Polly! "So this is what you look like without those thick make ups... you're actually pretty." Crap... So Polly is always wearing thick make ups so no one actually know her real face!
"What...?" she forcefully smiles to hide her awkwardness.
Dumilim ang mukha nito. Nakilala niya ito sa suot nitong id, her name was Margaret. "Let's leave our compliments later! Late na tayo. Kailangan pa ng mga make up artists na ayusan ka, you're too far from Jinx." Jinx is a female hero in Night Lost. "How can they call you a professional model kung ganyan ka kabagal kumilos?!"
Isn't Polly an amateur cosplayer?
Hinatak siya nito pabalik sa silid kung saan ang mga ito nag-aayos. Saka niya lang naalala that Polly is a model from Hollow PH squad. Naabutan niyang abala ang lahat ng mga tao noong mga oras na iyon kaya't walang nakahalata sa kaniya. Pero hindi pa rin maitatago ang pagkailang niya sa suot. Masyadong malamig sa loob ng silid na iyon dahil sa malakas na air conditioning. She's wearing a very revealing clothing, her back is exposed and even her legs. Kung tumuwad siya makikita agad ang undergarments niya. Lalong nakaramdam siya ng pagkailang ng may maramdamang bastang humawak ng mga binti niya. Balak niya sanang sipain iyon. "What a beautiful pair of legs you have here?" Saka niya naalala kung sino iyon. Kung hindi siya nagkakamali, that was Rene, a professional fashion designer na-aligned sa paggawa ng mga costume for this kind of events.
"Ano pang hinihintay mo? Maupo ka na!" Itinulak siya ni Margaret sa isang bakanteng upuan sa harap ng malaking salamin.
"Wow, this is actually the first time I saw a beautiful cosplayer!" A make up artist exclaimed because of astonishment. "You're beauty is so natural, you could fit for any pretty female heroes in Night Lost!" he disappointedly said pertaining to other female heroes who don't to wear explicit clothes. Pero para sa kaniya, the clothes she's wearing is not that bad, it just happens that she's the one who wore it.
She couldn't gather her thoughts any further. Pinalibutan na siya ng mga tao na naroon. Hindi na rin niya nagawang makapagsalita ng simulan na siyang ayusan ng mga make up artist. She's now doubting if she could do this things right.
Pakiramdam niya binababoy ang buong katawan niya as of this very moment. Someone is touching her legs, when she opened her eyes, someone is just taking her measurement. Oh, darn. The way her thinking works is making her crazy and overly paranoid.
***