Demi found herself lying in the hospital bed. How nostalgic...
She deeply sighed. "What a day..."
"Sa dinarami-rami ng mga salitang pwede mong bigkasin oras na magising ka 'what a day’ lang ang una mong binanggit. You know how worried I am?" biglang usal ng ama na nasa tabi lang ng kaniyang kama.
"Daddy." Sinubukan niyang tumayo na inalalayan naman agad ng ama.
"Look at you. You're only twenty years old, pero daig mo pa ang isang forty year old na matandang dalaga!" singhal nito.
She chuckled. "Am I?"
Napabuntong-hininga ang ama niya. "Demi..." Hindi pa man lubusang nailababas ang sama ng loob ay sumuko rin itong pagsabihan siya. Marahan nitong hinaplos ang mukha niya. "Please, I'm begging you. Matanda na ako for worrying this much about you. I can die any minute because of so much stress."
"Daddy, I'm okay. Hindi niyo ako mauunahan, huwag kayong mag-alala."
Iiling-iling ito, halatang frustrated na sa mga biro niya. "Alam mong nang mawala ang kapatid mo halos hindi namin ng mommy mo nakayanan, look at you, gusto mo pa atang sundan siya sa kabilang buhay. Could you please consider us, your parents? Alalahanin mo na naman na may mga magulang ka na nag-aalala para sa 'yo halos mamatay na sa sobrang takot kapag itinatakbo ka na lang palagi sa ospital. Isn't it enough yet, let's stop now."
Hinawakan niya ang kamay ng ama. "I'm really sorry for bringing problems to you everytime we see each other..."
"Demi, this is not about you bringing problems but rather you clinging too much to the past." Naiyukom niya ang mga kamay. She bit her lower lip. Sawa na siyang marinig ang mga salitang 'yon mula sa ama niya sa tuwing magkikita sila sa ospital kung saan ito nagtatrabaho. "Pagod na ako anak na palagi kang unawain. Hindi pa ba sapat na minsan na kaming nasaktan ng mommy mo sa pagkawala ng kapatid mo at ngayon pati ikaw ay mawawala pa sa amin..."
"Dad!" Tuluyan nang bumagsak ang kanina pang pinipigilang mga luha. "Divo's death was not an accident, someone murdered him..."
"Demi!" Nagulat siya sa pagtaas ng tono ng boses ng ama.
Tumayo na ang ama. Paalis na ito nang tumigil sa tapat ng pinto. "Stop putting yourself to further problems."
Paglabas ng kaniyang ama saka naman pumasok si Jim. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalalala. Nakita pa niya na bago umalis ang ama ay tinapik pa nito ang balikat ng pinsan. Balak din ba nito na kumbinsihin siya na tumigil na?
Hinanda na niya ang sarili sa isasagot dito.
"I spoke with your personal doctor. Pwede ka ng lumabas maya-maya lang. I already brought your things with us..."
"If you're planning to convince me to stop--"
"Wala akong plano na pahintuin ka."
Nagulat siya sa narinig mula kay Jim. "Then..."
"Magpagaling ka agad at magpapatuloy tayo sa training. As I've heard from your doctor, you only exhausted yourself during the time of the tournament. Kulang ka sa tulog, sa tingin ko nagpractice ka ng ilang beses bago ka sumabak sa laban. You deprived yourself a proper sleep kaya't hindi kataka-takang bumigay ang katawan mo." Naupo ito sa kaninang inupuan ng ama niya. "Kinausap ko na si uncle na hindi na mauulit ang nangyari. Pumayag siya with a heavy heart. Pero may mga kondisyon siya na kailangan pa rin nating sundin."
She did colapsed because of her condition.
"Why?" She's puzzled why Jim is so eager to help her and he even go against her father.
"We will protect you while you're finding the truth." He hold her hands. "So please, put your trust on us."
***
"I can easily chain her so that she can't go anywhere and hurt herself. But I couldn't do that, she would definitely hate it." Nakita ni Zain kung gaano kalungkot ang ama ni Demi ng lumabas ito sa kwarto ng anak. Naupo siya malapit dito. "My daughter is so stubborn. Ngayon lang naging sobrang tigas ng ulo, even I, her dad beg her to stop, pero hindi pa rin siya nakinig." He let out a deep sigh. "Marahil iniisip niya ngayon kung gaano kawalang kwenta ang ama niya dahil wala siyang magawa para protektahan ang isa niyang anak. Wala naman akong ibang ninais para sa kanila kung hindi kabutihan. But look, I lost my son because of being a useless parent. Pati yata ang anak kong babae ay susundan na rin ang yapak ng anak kong si Divo sa langit."
"I will never let that happen," Zain suddenly said. Napunta sa kaniya ang atensyon ng ama ni Demi. Halatang nagulat pa ito sandali na ipinagtaka niya.
"You're Zain, right?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi pa man siya nagpapakilala subalit kilala na agad siya nito. Nahalata iyon nito. "Mayroon si Demi na larawan kasama ka sa kaniyang kwarto sa bahay."
Tila nanigas siya sa kaniyang kinauupuan ng mga oras na 'yon. May larawan siya kasama si Demi sa kwarto nito? "She lost her memories about me," his voice is c***k.
"Ganoon ba? Matagal na ng huling umuwi ang anak ko sa bahay. Naiintidahan ko kung bakit... She can't take anymore of the painful memories of that house. Even I, sometimes I couldn't bear it either..." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito. "I sent her in States because I'm a useless parent who couldn't let go of the memories of his deceased wife."
Nanlaki ang mga mata ni Zain. Deceased wife? "I couldn't even look at my daughter's face because she resembles her mother so much. Nang mamatay ang kaniyang ina, I changed a lot, even my treatment to my children was tainted. Nang parehong hindi na namin nakayanan ang lahat. I remarried. Sa kabutihang loob ng kapatid ni Paula, Demi's stepmother. Pinadala ko ang sarili kong anak sa States ng mag-isa."
How did Demi managed to survive those painful situations? When he met her, walang kahit na anong bahid na lungkot ang mga ngiti nito, dahil ba masyado siyang insensitive para hindi iyon mapansin? Wala siyang kaalam-alam sa mga pinagdadaanan nito noong mga panahong iyon. Demi hide those pain within her heart all this time.
"I love her," he confessed. "I will protect her no matter what." He kneeled infront of Demi's father.
Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang balikat. "Then... I'm entrusting you all her safety." Tinutukoy nito ang tatlo pa niyang kasama na nasa likod at tahimik na nanonood. "I'm too old already to handle everything by my own. I'm sorry, if I will burden you all with our family matters." Tumayo na ito.
***
"What's with those grumpy face" bungad na tanong ni Demi sa kanila nang pumasok sila sa silid nito. Nagulat siya ng biglang lapitan ni Miles at yakapin ng mahigpit. Ang laki naman ng pinagbago nito nang makatulog lang siya sandali. Ginantihan niya ng yakap ito at tinapik-tapik ang likod nito. Marahil ay natakot ito kanina.
"Stop it already," Cloud exclaimed. Hinatak nito palayo ang pobreng si Miles. Nagtaka siya ng umiwas ng tingin si Cloud. "I'm glad that you are now okay," he said.
She smiled that finally reaches her eyes.
Pretty. Cloud thought.
***
Siniko ni Gino si Zain na ngayon ay tahimik na namang muli sa tabi niya. "Kapag hindi ka pa nagsalita, sa isang iglap ay maaagawan ka na ng dalawang 'yon..." bulong niya.
Pero tulad din nina Miles at Cloud, unti-unting lumalambot ang puso niya para kay Demi. However, he clearly knows that it was not an attraction. Yes, compassion, it was pity. Sigurado siya ro'n.
***
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang school-based tournament ng Night Lost. Demi was far from she used to. Inisa-isa nito lagay sa paper bag ang mga lunch box na dadalhin sa gaming house ng pinsang si Jim. Hindi nakaligtas sa mata ng ina ang kakaibang kinang ng anak noong umagang iyon. Agad niyang nilapitan ito at nakangiting inabot ang mga canned drinks na dadalhin din nito.
Masayang hinaplos niya ang pisngi nito. "I'm happy to see you this lively," she gladly said. Kahit matagal na niyang nakakasama ang kaniyang stepdaughter ngayon ang unang beses na makita ang genuine happiness sa mukha nito. As if, she's finally enjoying her life. Ang tagal na niyang ipanapanalangin na makitang maging masaya ito without her pushing herself to any extent. She couldn't hide her tears of joy while staring at Demi. Even though she's not her real daughter, she could feel the love for Edward's daughter as if it was hers. Ngayon, pakiramdam niya ang mabigat na atmosphere sa pagitan nila dahil batid niyang naninibago pa ito sa presensya niya ay tuluyan nang naglaho.
Hinawakan nito ang kamay niyang nakadampi sa pisngi nito. "Thank you, mother."
She burst to tears upon hearing the voice of her daughter calling her mother with those genuine eyes. Kapwa naluluha silang dalawa nang siya na ang naunang tumayo. "Sige na. Baka ma-late ka pa sa lakad mo at kanina ka pa nila hinihintay." Inayos na niya ang dadalhin ng anak, inayos niya rin ang nagulong buhok nito.
"Opo, thank you, mommy." Demi kissed her cheeks before leaving.
A love from a daughter is truly remarkable and fulfilling. Siguro magpa-party siya mamaya sa bahay para ipagmalaki ang isa sa mga achievement sa buhay, to be loved this so much erased all her worries in life.
"Madam, mahaba na po ang pila," wika ng isa sa mga kaniyang employee.
"Ganoon ba, sige. Buksan mo na ang cash register, we're about to open." Nakangiting nilapitan niya ito na halatang ikinaliwanag din ng mood ng mga empleyado.
"Opo, madam!"
***
Kalalabas pa lamang ni Demi ay agad niyang natanaw sa hindi kalayuan si Zain. Nilapitan siya nito at kinuha mula sa kaniya ang bitbit. "Gawain mo na talaga ito, ano?" bungad na tanong nito sa kaniya.
"Sa tingin ko rin," sagot na lamang niya ng naghati sila pero agad din iyon na binawi nito.
"Siya pala ang hinihintay mo noong nakaraan hijo," wika ng isang matandang nagmamay-ari ng maliit na shop na kalalabas lang niyon. "Noong nakaraan din ay ilang oras siyang nakatayo riyan at mukhang may hinihintay. Sabi ko nga sa kaniya ay pumasok muna sa loob dahil mainit noon, kaya lang sabi niya baka magkasalisi kayong dalawa."
Nilingon niya si Zain. "Kailan?"
"Matagal na 'yon. Sumakay ka na ng sasakyan."
Binati lang nito ang matanda saka sumunod din sa kaniya.
Tumango lang siya bilang pagpapaalam.
***
Pagkarating pa lamang nila Demi at Zain sa gaming house agad na nagtungo ang dalaga sa kanilang training room. Naabutan niya roon si Gino na kasalukuyang nanonood ng gameplay. "Good morning," bati nito sa kaniya. "Nasa kabilang room sina Cloud at Jim may kung ano'ng inaasikaso lang sila sandali."
"Ganoon ba." Agad niyang nilapitan si Miles na ngayon ay mahimbing na natutulog. Pinantayan niya ito. Almost three inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha nito. A child. She pats his head that causes Miles discomfort. Unti-unting nagdilat ito ng mga mata. "Good morning," bati niya. Tumayo na siya.
"Good morning," anito at nagsimula ng mag-unat. Ilang beses pa itong humikab bago tuluyang tumayo at naupo sa tabi niya. "Last night. I reviewed my equipment build and notice something, I tried different emblems to see whether it can be used as an advantage in different line ups of the enemy team."
Hiniram niya sandali ang pwesto nito at inaral ang tinutukoy nito sa monitor. He was right. It affects significantly the damage of the hero before she's fixated on what emblem best suited her heroes. Dahil na rin sa iba't ibang role which of course has a corresponding emblem for them, hindi pumasok sa isip niya na pwedeng gamitin ang iba sa nakasanayang emblem ng isang role. Masyado kasing magiging risky ang gagawin nila kung basta na lang papalitan ang bawat emblem per role, pero ngayong nagpapractice pa lang sila. Magandang subukan pa rin ang ganitong bagong tactic.
"Mukhang ready na ang lahat," bungad agad ni Jim nang pumasok ito.
Sunod-sunod din na pumasok ang iba.
***
Hindi maiwasan na mapansin ni Gino ang kakaibang ikinilos ni Miles nang umalis ito at agad na sinundan si Demi sa kabilang part kung saan ito madalas na manood sa mga laro nila. He was flustered. Ipinagsawalang bahala niya lang 'yon at naupo na sa kaniyang pwesto. Kasabay niya noon si Zain na inaayos na ang headphones.
Jim was fully prepared already.
"Oh s**t, why is it that my chords are always this messy!" Cloud roared. Palagi kasing hindi nito inaayos ang pwesto pagkatapos gamitin kaya't imbes na agad makapagsimula kailangan pa nitong isaayos ang pagkakabuhol ng mga chord ng personal computer.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Miles at tulad kanina, he was still flustered. Nag-aalalang nilapitan na niya ito at siniyasat. Sandaling nagulat ito.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Hindi agad ito nakasagot. Saka niya napagtanto na may sinat ito. "You're somehow drowsy."
Inalis niya ang naisuot na nitong headphones. "I'm fine," sagot nito at muling ibinalik ang headphones.
Marahil kaya't walang nakapansin ng kondisyon nito ay dahil na rin sa madilim ang gaming room nila. Nilapitan ni Gino si Demi. "Miles is sick. I'll bring him first upstairs," he said while removing Miles' headphones.
Nag-aalalang siniyasat ito ng dalaga. Inalis ni Miles ang kamay ni Demi na nakadampi sa noo nito. "Okay lang ako," wika nito. Hindi na siya nagtaka ng mapaupo ito.
"Don't be stubborn," he worriedly said while he finally carries in his back his friend. "Hindi mo ba nakikitang sobrang nag-aalala na sa 'yo si Demi," bulong niya.
Marahil napansin iyon nito at napayukyok na sa kaniyang balikat upang itago ang mukha. "I'm sorry..." agad na hinging paumanhin nito. "... for being a burden."
Lumapit sa kaniya si Demi. "Susunod din ako sa taas. Huwag kang mag-alala. You're not a burden," Demi said while she's gently patting Miles' head.
Tumango siya. Sumenyas lang siya kay Jim na papanhik muna sila sa taas sandali.
Naramdaman pa niyang humigpit ang pagkakahawak ni Miles sa kaniya ng tuluyan silang makalabas sa gaming room. "I'm really sorry..." bulong nito. "I just want to help her but it turns out like this."
He smiled. "Miles, hindi mo kasalanan na nagkasakit ka. Huwag kang mag-alala. Oras na uminom ka ng gamot at makapagpahinga ka magiging okay ka rin at makakasali uli sa practice namin."
Dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Kasunod naman niyang pumasok si Demi na may dalang tray, nakalagay ang baso ng tubig, gamot at cold patches.
He's amused to see Miles suddenly clinging to Demi. Isiniksik nito ang ulo sa tagiliran ng dalaga habang hinihintay ang thermometer. May lagnat nga ito. "I'm really sorry..." he's now whinning.
Demi continuosly pats Miles' head. "You need to rest first..."
Inayos niya ang pagkakahiga ni Miles. "Magpahinga ka muna." Sumuko rin ito at umayos na ng pagkakahiga.
"Okay, thank you." Marahil dala na rin ng ininom na gamot ay agad din itong nakatulog.
Kasunod niyang lumabas ng silid si Demi. Sabay silang bumaba ng hagdan nang hindi niya maiwasang magtanong. "How did you know that Miles likes it?"
Tinutukoy niya ang palaging paghaplos ng kamay nito sa buhok ng kaibigan. Napagtanto siguro nito iyon. She chuckled before answering him. "I just like his hair. It was soft and shiny..."
"He actually likes when someone touches his hair and stroke it... that's why I'm wondering if someone told you about that."
She shooks her head. "When I was young, my brother used to stroke my hair. I kinda love it."
He chuckled. Natukso tuloy siyang guluhin ang buhok nito. "Like this?"
Halatang hindi nito iyon nagustuhan. "Dati pa 'yon. I kinda hate it now when someone touches my head." She sneered and left him behind. He must've told Jim about this mood swings of Demi.
***