Nakita ng babaeng kausap niya kanina ang reaksyon ni Jack habang nakatingin sa litrato at bigla na ring umalis at pumunta sa isang madilim na lugar. Nagliwanag ito at nag-iba ang katauhan, kanina na isang babae ngayon ay isang napakaliwanag na nilalang at pagkatapos ay naglaho na ito sa lugar na ’yon. Mabilis na tumayo si Jack at muntik ng mabangga ang isang babae, lumihis ito kaagad at nagpatuloy sa pagpasok sa restaurant. “Excuse me I have a reservation here. I’m Melissa Montecarlo,” saad nito sa isang staff. Nagtaka naman ang staff na kausap ng babae dahil alam ng staff ay kanina pa ito na sa loob at kausap na nga si Jack. “Yes Ms., this way.” Nagtataka man ay sinamahan na lang niya ang babae sa mismong table na naka-reserve sa pangalan na Melissa. Pero ang staff ay nag-aalinlangan m

