Dumating na ang araw ng pasahan ng project nila Daniella at sigurado siyang na lahat ay masasabing binigyan ng effort ang paggawa ng project ng bawat estudyante. Pero mas pansinin ang gawa nila Daniella, dahil bukod sa malaki ay ito na rin ang isa sa pinakamaganda sa lahat. Pumasok ang teacher at napangiti sa kanyang estudyante na may nakapatong na mga project sa kanilang desk. “Nakakatuwa naman kayo. May ibang estudyante na hindi na gagawin ang mga ’yan dahil iniisip nila na hindi naman makaka-apekto sa grades, pero kailangan pa rin dahil parte ng isang lesson ang paglikha ng bagay na base sa inyong imahinasyon. Kaya naman uumpisahan ko ng libutin ang buong classroom at tingnan ang inyong mga gawa.” Kinuha nito ang isang marker at nag-umpisa ng suriin ang mga project nila. Samantalang s

