Lumipas ang ilang oras at panahon na para sa pagpapalit pansamantala ng estudyante mula sa eskwelahan nila Daniella. Nang araw rin na 'yon ay hindi na pumasok si Charice dahil kailangan na nitong pumasok sa kabilang eskwelahan at ang lalaking estudyante mula doon ay ngayon araw na ito papasok na din sa eskwelahan nila Daniella at sa mismong classroom nila. Bago pa man magpalit ng estudyante ay binigyan muna ng paalala ng teacher nila Charice kung saan at anong kailangan niyang gawin hangga't naroon siya. Naghihintay na ang lahat sa pansamantala nilang magiging kaklase. Pumasok ang teacher nila kasama na ang lalaking estudyante sa loob ng classroom, pero si Daniella ay nakasandal at nakahalukipkip lang ang braso na nakayuko ang ulo at nakapikit sa sobrang antok kaya hindi niya nakita o na

