Samantala, si William ay hinatid lamang si Charice sa bahay nito bago tuluyang umuwi sa kanila. Gusto pa sanang makausap ni Charice si William pero ng makababa na siya ng sasakyan ay humarurot na ito paalis. Hindi naman sana si William ang driver nito papunta at pauwi sa eskwelahan pero mukhang nakagawa na naman ito ng paraan sa mama ni William kaya pinilit itong siya na lang ang maghatid sundo kay Charice dahil pupunta rin naman siya sa eskwelahan. Nakauwi na si William at nakapasok na ang kanyang kotse sa gate ng kanilang bahay pero napansin niya na bukas pa ang ilaw sa loob ng bahay kaya sigurado siyang may gising pa. Pagkababa niya sa kotse ay naglakad na siya papunta ng pintuan sa harap ng kanilang bahay pero ng nabuksan na niya ito ay si Aling Lydia ang nakita niyang umiinom ng kap

