"Anak, kumain ka na ba? Sabi ni Ethan kaninang umaga ka pa hindi bumababa," narinig kong sabi ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
Pinunasan ko ang aking luha, malalim din akong lumunok upang pilit na ibalik ang normal kong boses.
"Ma—mamaya po, Ma. Bababa po ako. Inaayos ko lang po ang mga kailangan ko para sa pag-a-apply ng trabaho bukas."
"Sigurado ka? Magsabi ka, Anak, kapag may problema ka, ha? Nag-aalala ako. Noong isang araw ka pa wala sa oras kung kumain."
Napalunok muli ako, upang pigilan ang aking pagluha, ngunit hindi ko na napigilan at muli silang tumulo.
Gusto kong humingi ng tawad kina Mama at Papa...
Dahil nagkamali na naman ako.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito.
Hindi na nila ako maipagmamalaki, tulad ng dati.
Dapat ay isa na akong guro ngayon... Dapat ay ipinagmamalaki na nila ako ngayon, tulad ng ginagawa nila noon.
Pinilit kong gawing normal muli ang aking boses.
"Okay lang po ako, Ma. Binabawi ko lang po ang puyat ko noong nagre-review ako para sa LET exam," pagdadahilan ko, kahit dalawang buwan na ang lumipas simula nang mag-take ako ng exam.
Exam na dalawang beses na akong bumagsak.
"Sige. Anak... lagi mong tatandaan na palagi kaming proud ng Papa mo at mga kapatid mo sa'yo," sabi ni Mama, dahilan para lalo akong mapaiyak sa aking narinig.
Wala nang ka-proud-proud sa akin.
Wala na...
Habang ako ay umiiyak ay napayuko ako, habang nakahawak sa aking tiyan.
Bakit?
Bakit nangyayari sa akin ito?
Ano ba ang nagawa kong mali?
Habang ako ay patuloy sa pag-iyak ay ang biglang pag-tunog naman ng akinh cellphone.
Nang makita ko ang pangalan ng tumatawag, hindi ko naiwasan ang makaramdam ng matinding galit. Hindi ko ito sinagot, ngunit nagpadala siya ng mensahe, sinasabing nasa labas siya ng aming bahay.
Agad kong pinunasan ang aking luha at tumayo. Lumapit ako sa bintana at nakita kong nasa tapat nga siya ng aming bahay.
Nakasandal siya sa kanyang itim na kotse at nakangiting nakatingin sa akin.
Tumunog muli ang aking cellphone.
Kahit ayaw kong sagutin ang kaniyang tawag, wala na akong nagawa kung 'di ang sagutin na lamang ito.
Alam kong hindi niya ako titigilan.
("Na-miss ko ang napakaganda mong mukha, mahal ko,") saad niya sa kabilang linya, dahilan para mapakunot noo ako.
"Tigilan mo na ako, Jasper," sagot ko.
("Bababa ka, o gusto mong tawagin ko pa ang mga magulang mo?") pagbabanta niya, dahilan para maramdaman ko bigla ang mabilis na pagkabog ng aking puso.
Hindi na niya puwedeng makausap ang kahit sino sa pamilya ko.
"Makikipagkita ako, pero hindi ngayon. Please... bukas na lang. Kahit saan, huwag lang dito," sabi ko, habang pinagmamasdan ang nakaloloko niyang ngiti niya mula sa labas ng bahay namin.
("Walang problema, mahal ko. Alam mo naman na malakas ka sa akin, at alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin. Mahal na mahal mo talaga ako,") sagot niya.
Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone na nakatapat sa aking tenga.
Noon 'yon, Jasper. Noong hindi ka pa binago ng bisyo mo at ng mafia.
Pagkatapos ng usapan namin na iyon, sinabi niyang magkita kami bukas ng gabi sa isang club, kung saan dati akong nagpa-part-time bilang waitress.
Kahit ayaw ko, napilitan akong sundin ang nais niya, dahil alam kong kaya na niyang saktan ang pamilya ko kapag hindi ko siya sinunod.
Kinabukasan ng gabi, ginawa ko ang kanyang gusto. Dumiretso ako sa VIP room kung nasaan siya, kasama niya ang kapwa niya tauhan ng mafia.
"Nandirito na pala ang pinakamamahal ko!" nakangiti niyang sabi, nang ako ay makapasok sa VIP Room.
Agad niya akong sinugod ng halik, isang madiin na halik.
Kahit labag sa kalooban ko, hinayaan ko na lang siya. Hinalikan niya rin ang akinh leeg bago niya ako ipinakilala sa kanyang mga kaibigan.
Masaya siya sa ginagawa niya sa akin, ngunit ako ay diring-diri na sa aking sarili.
"Siya ba ang sinasabi mong girlfriend mo noong college ka pa? Napakaganda nga niya," tanong ng isang lalaking lubog ang pisngi.
"Sabi ko sa inyo, sobrang ganda at sexy niya! Ako ang first boyfriend niya, at virgin pa 'yan nang magalaw ko," pagmamalaki ni Jasper.
Nagtawanan silang lahat.
Madiin akong napayukom ng kamao dahil sa galit. Ito lang ang tanging kaya kong gawin tuwing hindi ko nagugustuhan o ikinagagalit ko ang kaniyang inaasal.
Sa tuwing may bago siyang ipinapakilalang kaibigan, palagi niyang ipinagmamalaki 'yon, na para bang wala akong halaga maliban doon.
Napakahayop niya talaga!
Nagsimula ang kanilang inuman at kwentuhan tungkol sa mga ilegal na gawain at sa matinding kaaway ng kanilang boss, ang Maximo Mafia.
Habang nag-uusap sila, hindi nawala ang pambababoy ni Jasper sa akin.
Pasimple niyang ipinasok ang kaniyang kamay sa loob ng suot kong palda at nilaro ang aking pagkab*bae. Hindi ito napapansin ng kaniyang mga kaibigan dahil may nakatakip na unan sa aking kandungan.
Sinabi niya rin sa akin kanina na palda ang aking isuot, kaya wala akong nagawa kung 'di ang sundin siya.
"Jasper... Tama na... please..." bulong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin, at hinalikan ako sa labi. Matapos noon, sa wakas dahil inalis niya na rin ang kamay niya sa akin.
"Halos magda-dalawang taon na ako rito, pero hindi man lang natin nababawasan ang pamilya nila. Imbis na sila ang mawala, tayo ang nalalagas," sabi ni Jasper, at siya ay tumawa.
"Pasalamat na lang tayo, dahil hindi nila nahuhuli ang grupo natin. Kung mahuli nila tayo, paniguradong hindi nila tayo bubuhayin. Masyado talagang malakas ang Maximo Mafia, kaya nga bilang na lang sa kamay ang buhay sa pamilyang Amonte," sabi naman ng lalaking lubog ang pisngi.
"Kapag naubos sila, Boss, lilipat na lang ako sa Maximo," pabirong sabi ni Jasper, dahilan para sila ay magtawanan.
"'Wag kang maingay! Baka biglang dumating na si Boss at marinig ka. Baka ikaw pa ang—" naputol ang nais pang sabihin ng lalaki, dahil sa biglang ingay na aming narinig.
Napatayo ako bigla nang bumukas ang VIP room at bigla akong natigilan dahil may mga lalaking pumasok na naka-black suit, may mga hawak silang baril.
Bago pa man ako makapagsalita, isang lalaki ang biglang lumapit sa akin, agad niyang tinakpan ang bibig at ilong ko gamit ang isang panyo.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong naluha sa sobrang takot. Mabilis na rin ang pagkabog ng aking puso, at aking katawan ay nanginginig, habang mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa akin.
Naramdaman kong tinutulak ako palabas ng kwarto, kasama ang ilan pang miyembro ng Amonte Mafia.
Idinaan nila kami sa likod ng pinto ng bar palabas, dahilan para hindi mapansin ng mga tao ang pagdukot sa amin.
Isinakay kami sa isang itim na van na nakaparada sa labas ng club.
Habang nagsisiksikan kami sa loob ng van, ay sinusubukan kong tignan ang aking mga kasama.
Wala si Jasper.
Nakatakas ang lalaking dahilan kung bakit ako nandirito ngayon.
Hindi ko naiwasang maisip ang pamilya ko. Panibagong problema na naman ito na hindi ko masabi sa kanila.
Ang dumukot sa amin, sigurado akong sila ang mga miyembro ng Maximo Mafia... ang mafia group na kinatatakutan nila Jasper.
Ngayon, hindi ko alam kung matatagpuan pa ako ng pamilya ko.
Kung matagpuan man nila ako, hindi ko alam kung buhay pa ba ako.