Isang malakas na putok ng baril ang aking narinig... nang imulat ko ang aking mata, ay agad akong napapikit muli.
Halos hindi ako makahinga nang makita ko ang isang lalaki na kasamahan ni Jasper, na wala ng malay, duguan, at may butas ito sa noo dahil sa tama ng bala. Nasa mismong harap ko siya.
Nasa sahig ako nakahiga, at ramdam ko ang hinihigaan ko ay puro dugo...
"Don't kill them if they're still not awake. I want them to see the reason for their death. I want them to see the gun that will end their life," rinig kong sabi ng isang babae.
"Sige, Princess," sabi ng isang lalaki. "Ilan pa ang 'di nagigising?" tanong niya sa kaniyang kasamahan.
"Tatlo pa," sabi ng isa pang lalaki at naramdam ko na naglakad ito.
Ramdam kong nasa akin ang atensyon ng lalaki.
"Ito? Papatayin ba talaga natin? Ang ganda pa naman at..." rinig kong sabi ng lalaki at naramdaman ko ang kaniyang palad ay nakahawak na sa aking hita. "At ang sexy, muk—" Naramdaman kong itataas niya sana ang kaniyang kamay, ngunit natigil siya ng biglang magsalita ang babae.
"What are you doing, idiot?"
"Ah, Princess. Kung puwede, ipaubaya mo na lang sa akin ito?" sabi ng lalaking humawak sa akin. "Kapag nagising siya, 'wag mong patayin, sige na. Kawawa naman."
"Sure," sabi ng babae, at naging dahilan iyon para makaramdam ako ng kahit kaunting kaginhawaan, dahil may pag-asa pa na makita ko muli ang pamilya ko.
Ngunit... Sigurado akong may balak na masama sa akin ang lalaki.
"Talaga?" rinig kong tanong pa ng lalaki sa babae.
"Yes. I won’t kill her. You will be the one I kill."
"Prin—" putol nito, hindi naituloy ng lalaki ang kaniyang nais sanang sabihin.
Narinig ko ang isang malakas na putok ng baril at kasunod ay ang pagbagsak ng isang tao sa aking harap.
Naging dahilan din iyon upang bigla akong mapulat ng aking mata.
Ngayon... kitang-kita ko ang bagong lalaki na nasa harap ko, nakahiga, duguan, at walang malay.
Sigurado akong siya ang lalaking humawak sa aking hita.
"You're awake." Yumuko ng kaunti ang babae upang makita ako.
Naramdaman ko ang biglang panginginig ng aking katawan, at dahil sa takot ay napaiyak na rin ako.
May hawak siyang baril, nakasuot siya ng itim na gloves at walang ekspresyon ang kaniyang mukha.
Hindi ko inakala na isang teenager na babae lamang siya, nagagawa ng ganitong kasamaan.
Mula sa aking pagkakahiga ay umupo ako, at magmamakaawa na sana ako sa kaniya na 'wag akong patayin, ngunit hindi ko nagawa dahil iniwas niya bigla ang kaniyang tingin sa akin.
Nakabaling na ngayon ang kaniyang tingin sa dalawang lalaki na kagigising lang, ito ang mga kasamahan din ni Jasper sa Amonte Mafia.
Nakita ko ang pagkasa niya ng baril at papuputukan na sana niya ang mga ito, ngunit may nauna sa kaniya na gawin iyon.
Isang lalaking kararating lang.
Dahil dalawang putok ng baril na ginawa ng lalaki ay bigla akong napapikit.
Hindi ko na magawang imulat pa aking mga mata, dahil ramdam ko na nasa harap ko na ang lalaki at sa akin na nakatutok ang kaniyang baril.
"Please... please... huwag niyo akong patayin, nadamay lang po ako rito. Marami pa po akong pangarap... gusto ko pang maging isang guro..." saad ko na mas ikinaiyak ko pa. "Gusto ko pang mabuhay... gusto ko pang makasama ang pamilya ko. Parang awa niyo na, hayaan niyo akong mabuhay," paulit-ulit kong sabi, habang nakapikit at patuloy na umiiyak.
Ngunit alam kong wala lang sa kanila ang pagmamakaawang ginagawa ko, dahil isa silang malupit na tao.
Ito na ata talaga ang aking katapusan.
Narinig ko na ang pagkasa ng baril, kaya hinanda ko na ang aking sarili sa susunod na mangyayari.
Napahinga ako ng malalim dahil ramdam ko na nakakalabitin na ng lalaki ang gantilyo, ngunit para akong biglang nabunutan ng tinik nang magsalita ang babae.
"Don't kill her," sabi ng babae. "Or I will kill you, Lucas."
Unti-unting bumukas ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
Pagkadilat ko, imbis na ang babae ang aking titignan, ay mas hinila ako ng isang pigurang nasa harap ko... isang lalaking may mukhang perpekto, ngunit ang ugali ay masahol pa sa hayop.
Nakatutok ang kaniyang hawak na baril sa akin, habang nakatingin siya sa babaeng nasa gilid niya.
"What do you mean, Princess?" sabi ng lalaki, habang nakasulubong ang mga kilay.
Narinig ko na Lucas ang kaniyang pangalan.
"Try to kill her, and I will make sure you die."
"Anong gusto mo, pakawalan siya? Hindi pwede. Lalo na ngayong nakita ka niya."
"I want her to be my teacher."
.
.
.
"You know what I want from her, Lucas," saad ng Mafia Princess, bago lumabas ng kwarto.
Ako ay nakayuko lamang, habang nakaupo rito sa sofa ng kwarto ni Lucas.
"Tell me everything. Bakit kasama mo ang mga Amonte Mafia?"
"Pinapunta lang po ako ng boyfriend ko roon, wala talaga akong alam sa nangyayari," saad ko. Muli na naman akong napaiyak sa takot. "At saka pumayag lang naman po talaga ako na pumunta roon para makausap at pilitin siya na tigilan na niya ako, nakikipaghiwalay na po ako sa kaniya," umiiyak kong saad, habang nakayuko. "Hindi talaga ako kasama sa mafia nila, totoo po ang sinasabi ko."
"So you're always with them?"
"Paminsan-minsan lang po."
"Alam mo ang tungkol sa kapatid ko, ang mafia princess?" tanong nito.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil inaalala ko ang tungkol doon.
Oo, napag-usapan nila minsan na matagal na daw patay ang Mafia Princess, kasabay ng pagkamatay ng kanilang ina.
Kung ganoon? Ang babae kanina, siya ang mafia princess?
Buhay pala talaga ito.
Siya ang babaeng nagligtas sa buhay ko.
Ang nagpatigil kay Lucas na patayin ako.
"I'm asking you!" bigla siyang sumigaw, dahilan para mataas ang aking balikat sa gulat.
Agad akong napatango.
Nang tignan ko siya ay nakita ko ang nakakatakot niyang tingin sa akin. Para bang handa na siyang patayin ako.
Bumilis lalo ang t***k ng puso ko nang unti-unti siyang lumapit sa akin, habang siya ay may hawak na baril.
"Tell me everything you know," madiin niyang sabi.
"Wa—wala na talaga, ang alam ko lang... alam ng lahat ay patay na si Princess. Wala na talaga akong alam na iba, bukod doon."
"Pero ngayon meron na," saad niya at itinutok niya sa ulo ko ang baril. "Everyone believes the Maximo Princess is dead. You can’t tell anyone that she’s alive. If you do... I will kill you. And worse, I’ll kill your family too."
"Parang awa mo na, 'wag ang pamilya ko! Pangako hindi ko sasabihin kahit kanino. Pangako!"
"Make sure of that," saad niya at ibinaba na ang baril na nakatutok sa akin. "What's your name? Your full name. Tell me the truth... I will always find out everything. Kaya 'wag mo na akong pahirapan pa."
"Nathalia Soriano," sabi ko.
Natigil siya.
Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam's apply, dahil sa kaniyang malalim na paglunok. Para bang bigla siyang natigilin.
Hindi ko akalain na ganito kagwapo ang Mafia boss ng Maximo.
Napailing ako bigla, dahil pumasok sa aking isip.
Nang maibalik ko ang aking tingin sa kaniya, nakita ko na ang itsura niya ngayon ay wala ng emosyon, hindi ko na siya mabasa.
"Nathalia Soriano," ulit niya at tumango-tango.
Maya-maya pa ay nakita ko na nakatingin na siya suot kong palda na nakataas.
Ang suot kong itim na panti ay halos makita na pala, kaya agad ko itong tinakpan gamit ang aking palad.
Dahil sa nangyayari ngayon, hindi ko na napapansin ang aking ayos.
Napahinga ako ng malalim nang alisin niya ang kamay kong nakatakip sa aking binti, na halos makita na ang suot kong panti.
Habang nakatingin sa akin, hinawakan niya ang laylayan ng aking suot na palda, ibinaba iyon at inayos upang mas matakpan ko ang aking sarili...
Napakurap ako ng mabilis.
Hindi ko inaasahan na ganoon ang kaniyang gagawin.
Nakita ko ang malalim niyang paglunok muli, bago siya tumayo ng maayos.
"Fix yourself... your top," sabi niya at iniwas ang tingin sa akin.
Tinignan ko ang aking sarili at nakita ko ang suot kong tube.
Halos makita na pala ang aking cocomelon.
"And I will tell you what you need to do... and what you shouldn't," sabi niya at bumalik sa kaniyang swivel chair.
Tumango ako, kahit hindi siya nakatingin sa akin, at inayos ko ang aking red na tube.
Siguro... nandiri siya sa akin.
Nakakahiya!
Teka! Nakakahiya?
May gana pa talaga akong mahiya pagkatapos ng pinagdaanan ko sa kanila rito?