Bakit naman kasi kailangan halikan niya pa ako para alisin lang ang ketchup sa bibig ko? Dapat sinabi niya na lang sa akin.
Kasi naman, ba’t naman kasi…
"Ang lambot ng labi niya…"
Napatanggal ako bigla sa pagkakahawak sa aking labi at napapadyak pa ako sa inis.
"Ano ba ’tong sinasabi ko! Ba—" natigil ako sa aking nais sabihin nang tumunog na ang elavator.
Nasa pinakatuktok na pala ako ng building.
Sa sobrang lutang ko dahil sa ginawa ni Boss Pogi, hindi ko pala napindot ang elevator papuntang ground floor.
At ang ginawa pa rin talaga niya ang inaalala ko ngayon?
Pipindutin ko na sana ang elevator papunta sa ground floor, ngunit nang bumukas ang elevator ay may nakita akong babae. Siya ang babae kanina na dapat maghahatid ng pagkain ni boss pogi.
Nasa pinakadulo siya ng rooftop, nakatanaw sa lungsod. Animo’y napakalalim ng kaniyang iniisip.
Lumingon siya sa ‘di kalayuan kaya agad ko siyang nginitian. Mas lumaki ang ngiti sa labi ko at napalabas pa ako ng elevator, dahil ngitian niya rin ako pabalik.
Hindi ko inasahan na ngingiti rin siya sa akin.
Nakakatakot siya dahil ang strong ng itsura niya... nakasuot siya ng black suit, may nakasukbit na baril sa kaniyang belt, maikli ang kaniyang buhok at pulang-pula ang labi dahil sa lips stick...
Ang ganda-ganda niya, at mas gumanda pa siya nang ngumiti siya.
Lumapit ako sa kaniya.
"Naihatid mo ba?" tanong niya sa akin nang ako ay tuluyang makalapit.
Tinanguan ko siya.
"Kaso hindi niya nakain, natapon ko e," sabi ko naman.
"Bakit? Anong nangyari?"
"May pagkalam—woah!" Hahawak sana ako sa parapet, ngunit bigla akong napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat. "Grabe, nakalimutan ko, sobrang taas pala ng building na ’to. Nakakalula," sabi ko, dahilan upang makita ko ang kaniyang pagtawa.
Ang ganda niya.
Napahinga muli ako ng malalim bago tuluyang humawak sa parapet at tumanaw sa paligid.
Napakaganda. Tanaw ang iba pang gusali na sobrang layo dito sa lugar na kinatatayuan namin.
"Sorry 'uli. Sinabihan mo pa naman ako na mag-ingat at ’wag itapon."
"Okay lang, samahan kita mamaya. Papagawa na lang tayo kay Manang."
"Sige, ikaw na lang din ang magbigay sa kaniya. Baka matapon ko 'uli e."
Nakakahiya rin kasi na bumalik kay boss pogi matapos ng ginawa niya sa akin.
Tapos nakakatakot rin kasi talaga presensya niya.
"Hindi ‘yan, ano ka ba... ikaw na lang 'uli," sabi niya na natatawa. "Aalis na rin kasi ako mamaya. Babalik na ako sa totoo kong boss," sabi niya habang nakatanaw sa paligid.
"Iba ang boss mo?" tanong ko at tumango naman siya.
"Oo. Dati si Lucas talaga, kaso pinalipat niya ako sa kapatid niya last year lang. Ang boss ko kasi ngayon ay galit sa akin, kaya pinilit niya akong pabalikin dito. Ayoko naman na talaga rito. Sa kaniya na talaga ang gusto ko," sabi niya, dahilan para magsalubong ang aking kilay.
Naguguluhan kasi ako sa sinabi niya.
"Kumusta pala si Lucas?" sabi niya at binaling ang tingin sa akin.
Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niya kasi kakaumpisa ko lang rin ngayong araw.
"Bago lang ako rito," sabi ko at nakita kong napatingin siya sa aking kasuotan.
"Hindi ka mafia?" tanong niya at tinanguan ko siya. "Oo nga pala. Kaya ikaw lang ang kakaiba ang suot rito. Kung ganoon, ano ka pala rito?"
"Teacher ako ni Princess."
"Talaga?" tanong niya bigla, para bang hindi siya makapaniwala. "Pumayag na siyang mag-aral?"
Oo nga pala, hindi pala totally teacher. Ano ba kasi talaga ako? Hindi ko nga tinuturuan ng pang-school si Princess, at wala pa talaga akong naiituro sa kaniya ngayon.
“Ay… paano ko ba sasabihin 'to… Sabi niya kasi kapag may tinanong siya, sagutin ko lang siya ng totoo. Gano’n. Ewan. Naguguluhan rin talaga ako e,” sabi ko, dahilan para matawa muli siya.
“Magulo talaga silang magkakapatid,” natatawa niyang sabi, ngunit bigla rin siyang naging seryoso. “Ayos ka naman ba rito? Base kasi sa itsura mo, malayo ka sa kung anong buhay na mayroon kami. Lalo na, ang kasama mo pala madalas ay si Princess," saad niya at napanguso naman ako na parang isang bata.
Iniisip ko kung ano ba kasing sasabihin ko sa kaniya.
"Nakakaramdam ako ng kaba kapag nandirito, kaso kailangan kong tanggapin." sabi ko naman.
Base sa itsura niya ngayon, parang nakuha na niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi ka naman ba nila sinaktan?"
"Hindi pa, at sana hindi rumating ang araw na 'yon... lalo na’t hindi lang ang buhay ko ang delikado," sabi ko, mapait naman niya akong nginitian.
"Sigurado akong magiging mabuti ka rito. Sundin mo lang sila, at makikita mo na... na hindi talaga sila gaya ng iniisip mo… gaya ng iniisip ng lahat," sabi niya, dahilan para mapaisip ako.
Sa lahat ng nakita ko mula pa lang sa unang pag-apak ko sa lugar na ito, parang mahirap baguhin ang tingin ko sa kanila. Masama silang tao... mga taong hindi ko inaasahang totoong may gano'n.
Ang babae sa harap ko, kahit mabait siya sa paningin ko ngayon, parang kapag may bagay akong nagawa na hindi niya magustuhan, baka bigla niya rin akong bawian ng buhay.
"Tara na, baka nagugutom na rin si Boss Lucas," yaya niya sa akin. Tinanguan ko naman siya at siya ang naunang naglakad.
Pagkapasok namin sa elevator, hindi ko maiwasang titigan siya.
Kahit nakakatakot ang itsura niya, hindi ko maiwasang hangaan siya... Mukha siyang mahirap i-approach, pero madali ko lang siyang nakausap ngayon, na para bang hindi siya gaya nila Lucas.
"Ano pala ang pangalan mo?" Hindi ko na naiwasang tanungin siya.
"Ah, oo nga pala. Ako si Rhealyn Faith, pero ang tawag nila sa akin dito ay Rhea," nakangiti niyang sabi. "Ikaw, anong pangalan mo?"
"Nathalia," sabi ko, nakangiti naman niya akong tinanguan.
Habang pababa kami, naging tahimik na rin kaming dalawa. Hindi na rin ako makapagsalita pa, lalo na’t alam kong papunta na naman kami sa lugar ng maraming mga armado.
Buti na lang rin, sa pinakatuktok pala ng gusaling ito ay walang mga tauhan sa paligid.
Kahit papaano, nakaramdam ako ng kaginhawaan kanina sa rooftop na iyon.
Nang makarating kami sa ground floor, saktong pagbukas ng elevator ay nakita ko agad si Princess na nasa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto, nakatingin sa direksyon namin.
Itong dalagitang ito, isa pang maganda. Ang pagkakaiba lang nila ni Rhea, si Rhea ay strong ang itsura pero madali ko lang nakausap. Itong si Princess, maamo ang itsura pero ang hirap kausap... parang laging galit sa mundo kahit pa walang emosyon siyang dalaga.
Ay! Hala... Baka hinintay niya ako kasi kanina pa ako hindi bumabalik.
Dali-dali na akong lumapit kay Princess.
"Sorry, hinatiran ko pa kasi si Boss Lucas ng pagkain niya. Tapos pabalik na sana ako sa’yo, kaso napadpad ako sa pinakatuktok. Nakipagkuwentuhan rin ako saglit kay Rhe—"
"Why are you here?" biglang sabi ni Princess. Napatingin ako kung saan siya nakatingin.... sa likod ko kung nasaan si Rhea.
"Nathalia, sige na ako na lang pupunta kay Manang," sabi ni Rhea sa akin, hindi manlang niya sinagot ang tanong ni Princess.
Lalakad na sana siya paalis, ngunit bigla muling nagsalita si Princess.
"I'm talking to you, idiot," sabi ni Princess, dahilan upang mapakagat ako sa aking ibabang labi.
Mas matanda kasi sa kaniya si Rhea pero kung makapagsalita siya...
"Don’t worry, Princess. I was about to leave anyway."
"I’m asking you, why are you here again? After a year, Rhea," tanong ni Princess, dahilan upang makita ko ang malalim na paglunok ni Rhea.
"Luke asked me to come back. But don’t worry, I don’t want to be here."
"Don’t act like I was the one who forced you to leave. I’m just asking... why only now, after a year," sabi ni Princess, habang walang emosyon na nakatingin kay Rhea... Si Rhea ay parang hindi makapagsalita. "Idiot..." sabi pa ni Princess, bigla na siyang tumalikod at pumasok sa loob ng kaniyang kwarto.
Nang mapatingin ako kay Rhea, kita ko sa mata niya na para bang bigla siyang nalungkot habang nakatingin sa pintong pinasukan ni Princess.
Nang tignan niya ako ay mapait niya akong nginitian.
"Sige na, pumasok ka na," saad niya sa akin, mapait rin akong napangiti sa kaniya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ni Princess.
Pagkapasok ko ay natagpuan ko si Princess na nasa swivel chair muli, nakasandal at nakapikit.
Nandirito na naman ako at kasama ang dalagitang ito.
Hindi ko alam kung bakit ganito siya, napakalamig pero hindi ko maintindihan... ang mga sinabi niya kanina kay Rhea, para bang hindi lang basta ayaw niya makita si Rhea, para bang gusto niyang tanungin kung bakit ngayon lang ito bumalik, animoy hinintay niya si Rhea. Ewan! ganoon ang dating sa akin.
Hindi ako sigurado.
Napaupo na lamang muli ako sa sofa. Lilipas na naman ang oras na tutulala lang ako.
Trippings kasi nitong si Princess, sabi niya teacher daw ako, pero tulala lang naman ako rito.
Lumipas na naman ang ilang oras at palabas na ako ng kwarto niya, pinapauwi niya na ako dahil oras naman na rin talaga ng uwi ko.
Wala man lang akong naituro sa kaniya, hindi man lang kasi siya nagtanong... paano, busy siya matulog sa swivel chair niya, tapos busy rin siya sa mga papers ng illegal business nila, at mga tawag sa mga kapwa niya mafia.
"Boss..." bigla kong sabi nang makalabas ako sa kwarto ni Princess. Napahawak din ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
Akala ko naman ay makakahinga na ako ng maluwag...