Eksaktong alas-tres nang huminto ang sasakyan nila sa harap ng Montenegro Grand Hotel. Makapal ang ulap sa ibabaw ng lungsod, at nagsisimula nang bumagsak ang maliliit na patak ng ulan sa salamin. Mula sa labas, tahimik at elegante ang hotel, ngunit sa loob ay abala ang staff sa paghahanda para sa sunod-sunod na events. Hawak niya ang floor plans habang kasunod niya sina Nina at Marco. Hindi niya nakalimutan ang huling mensahe ni Jack. Sinabi niyang siya lamang ang kailangan nito, kaya sinigurado niyang kumpleto ang team niya.
“Para ka namang sasabak sa gyera,” mapanuksong sabi ni Nina habang pinagmamasdan ang tatlong folders sa braso ko.
“Site inspection ito,” seryosong sagot ni Alex. “Mas mabuting kumpleto kaysa may makalimutan.”
“Folders ba talaga ang proteksiyon mo kay Jack?” natatawang tanong ni Marco.
“Marco!” mariin kong saway.
“Joke lang, Boss,” mabilis niyang sagot.
Pagbukas ng elevator sa ballroom floor, si Hannah ang sumalubong sa kanila. Maayos ang buhok nito, ngunit halatang nagmamadali dahil sa hawak na tablet at dalawang cellphone.
“Good afternoon, Ms. Valderama,” magalang na bati ni Hannah. “Mr. Montenegro is already inside.”
“Nandito rin ba ang foundation committee?” pormal na tanong ni Alex.
Saglit siyang nag-atubili.
“Darating po sila mamaya. Gusto munang makita ni Mr. Montenegro ang initial plan ninyo.”
Pagpasok nila sa ballroom, bumungad ang malawak na espasyong naliligiran ng matataas na salamin at gintong poste. Patay ang karamihan ng ilaw, kaya ang kulay-abong liwanag mula sa ulan ang kumalat sa makintab na sahig. Nakatayo si Jack sa gitna, nakasuot ng itim na polo na nakatiklop hanggang siko. Wala ang suit at pormal na anyo niya kahapon. Sa simpleng damit, mas malinaw ang lapad ng balikat at kumpiyansa sa bawat galaw niya.
“You brought an army,” nakangiting puna ni Jack.
“I brought my team,” malamig na sagot ni Alex. “Gaya ng sinabi ko.”
“I remember.”
“Then sana hindi ka nagulat.”
Ngumiti siya at tumingin sa team.
“Make yourselves useful,” kaswal na utos ni Jack. “Hannah will show you the service entrance and kitchen access.”
“Kasama ako roon,” mabilis na sabi ni Alex.
“You need to inspect the main ballroom with me.”
“gagawin namin ng sabay-sabay.”
“Alex, hindi kita kakainin,” mapanuksong sabi ni Jack.
Humigpit ang hawak niya sa folder.
“Mr. Montenegro, tigilan mo ang ganyang salita habang nagtatrabaho tayo!” mariing babala ni Alex.
“Fine,” kalmado niyang sagot. “Lead the inspection.”
“Kung dito ang main stage, makikita ito mula sa lahat ng tables,” paliwanag ni Alex habang itinuturo ang hilagang bahagi ng ballroom. “Pero kailangan nating ilipat ang dalawang chandelier lights para hindi matamaan ang LED wall.”
“How long will that take?” seryosong tanong ni Jack.
“Two days, kasama ang safety testing.”
“Approved. Coordinate with engineering.”
“Kailangan ko ng written approval.”
“You don’t trust my word?”
“Sa trabaho, papel ang pinanghahawakan ko, hindi salita.”
“Satisfied?” mahinang tanong ni Jack.
“Professionally, yes,” maingat na sagot ni Alex.
“And personally?”
“Wala tayong personal.”
Bago siya makasagot, narinig nila ang malakas na kalansing mula sa itaas. Napatingala siya. Isang technician ang nag-aayos ng temporary lighting bar, ngunit biglang lumuwag ang metal clamp sa gilid. Bumagsak ang mahabang cable malapit sa kinatatayuan niya.
“Alex, move!” galit at nag-aalalang sigaw ni Jack.
Hinila ni Jack si Alex sa bewang bago pa tumama ang cable sa sahig. Napasandal siya sa dibdib nito habang umalingawngaw ang bakal sa buong ballroom. Saglit na nawala ang ingay sa paligid. Naamoy niya ang malinis nitong pabango at naramdaman ang mabilis nitong paghinga sa ibabaw ng kanyang ulo.
Sa isang iglap, napalitan ng takot ang kayabangang nasa mukha niya. Hindi na siya mukhang lalaking nakikipaglaro. Nakatuon lamang ang mga mata niya sa kanya habang ang kamay niya ay nanatiling nakapalibot sa baywang niya. Sa paligid nila, nagtakbuhan ang mga staff, ngunit parang malayo ang lahat ng tunog.
“Are you hurt?” nag-aalalang tanong ni Jack habang mahigpit pa rin ang hawak sa akin.
“I’m fine,” hingal na sagot ni Alex. “Bitawan mo ako.”
“Jack, bitawan mo ako!” galit na ulit ni Alex.
“Who approved that installation?” galit na tanong ni Jack.
“Sir, temporary lang po iyon,” takot na sagot ng technician.
“Temporary doesn’t mean careless!” galit niyang sigaw. “Clear the ballroom now! Walang gagalaw ng kahit anong kagamitan hangga’t hindi nasusuri ng engineering!”
“Yes, sir,” mabilis na sagot ng technician.
“Alex, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Nina.
“Okay ako,” mahinahong sagot ni Alex. “Cable lang iyon.”
“Cable na puwedeng tumama sa ulo mo!” galit na singit ni Jack.
Humarap siya sa kanya.
“Pwede ba hindi moko kailangang sigawan!” mariing sagot ni Alex.
“And you don’t get to act like nothing happened!” galit niyang sabi. “You could have been hurt!”
“Pero hindi nga ako nasaktan. At salamat sa paghila mo sa akin, pero kaya ko naman alagaan ang sarili ko.”
“Obviously, hindi mo nakikita ang nahuhulog na cable.”
“Dahil nakatingin ako sa planong pinapagawa mo!”
“Take ten minutes,” malamig na utos ni Jack. “Hannah, dalhin mo sila sa lounge.”
“Hindi mo ako puwedeng utusan kung kailan magpapahinga,” matigas na sagot ni Alex.
“Then consider it a safety order from the owner!” galit niyang sagot.
“Alex,” maingat na tawag ni Nina. “Pahinga muna tayo.”
Nanginginig pa ang mga tuhod niya. Tumango siya kay Nina at naglakad patungo sa lounge. Naiwan si Jack upang utusan ang engineering.
Sa lounge, iniabot ni Hannah sa kanya ang tubig.
“Pasensiya na po,” nahihiyang sabi ni Hannah. “Hindi dapat nangyari iyon.”
“Hindi mo naman yun kasalanan,” mahinahong sagot ni Alex.
“Nagulat lang ako kay Sir Jack,” maingat niyang dagdag. “Hindi siya karaniwang natataranta.”
“Hindi siya nataranta. Nagalit siya dahil may naging pabaya sa property niya.
”
Tumingin sa kanya si Nina na may makahulugang ngiti.
“Sigurado ka bang property ang inaalala niya?” mapanuksong tanong ni Nina.
“Huwag mong ngang bigyan ng kahulugan ang wala,” mariing sagot ni Alex.
“Inspection is suspended until tomorrow,” seryoso niyang sabi.
“May iba pa kaming kailangang sukatin,” paliwanag ni Alex.
“Tomorrow, Alex.” ani Jack
“May schedule kami sa ibang client bukas.” giit ni Alex
“Then name your available time.” ani Jack
“Friday, ten in the morning.” saad ni Alex
“I’ll be here.” malumanay na sagot ni Jack
“Hindi mo kailangang sumama. Puwedeng si Hannah ang mag-assist.” paliwanang ni Alex
Lumapit siya nang isang hakbang, ngunit sapat ang distansiya upang hindi siya umatras.
“I hired you,” mababa niyang sabi. “I’ll supervise the project.”
“Supervise, not interfere,” mariin kong paalala.
“We’ll see.” giit ni Jack
Kinuha niya ang bag niya at tinawag ang team. Biglang dumilim ang ballroom kasabay ng kidlat at malakas na ulan.
“I’ll have a driver take you home,” seryosong alok ni Jack.
“No, thank you,” pormal na sagot ni Alex.
“It’s raining hard.”
“May sasakyan kami.”
“Alex, stop arguing about everything!” galit niyang sabi.
Huminto siya at hinarap siya.
“Then stop acting like you own every decision I make!” galit na sagot ni Alex.
“Fine,” malamig na sabi ni Jack. “Go.”
“Goodbye, Mr. Montenegro,” matigas na sagot ni Alex.
Iniwan niya siya roon. Pagsakay nila sa sasakyan, nakita niya sa bintana ang isang silver sports car na huminto sa hotel entrance. Bumaba si Camille, suot ang maikling pulang damit, at agad na sinalubong si Jack. Yumakap siya sa leeg nito at hinalikan ito sa harap ng mga staff.
Hindi umiwas si Jack. Inilagay niya ang kamay sa baywang ni Camille at isinama ito sa elevator papunta sa penthouse.
“Still a playboy,” mahinang sabi ni Nina.
“Wala naman siyang ipinangakong iba,” malamig na sagot ni Alex.
Ibinalik ni Alex ang tingin sa folder sa kanyang kandungan. Malinaw ang lahat para sa kanya. Ang pagligtas ni Jack ay reflex lamang. Ang galit nito ay dahil sa kapabayaan ng staff. At ang paghawak nito kay Camille ang tunay na Jack—isang lalaking sanay kumuha ng babaeng gusto nito at kalimutan ito kinaumagahan.
Sa penthouse, sigurado siyang ipinagpatuloy niya ang dating buhay niya. Ngunit bago matapos ang gabing iyon, dumating ang isang maikling mensahe sa cellphone niya.
Jack: Let me know when you get home safely.
Hindi siya sumagot.
Hindi alam ni Alex kung bakit nagpakita pa si Jack ng pag-aalala matapos sumama kay Camille. Maaaring bahagi lamang iyon ng magulo nitong ugali. Anuman ang dahilan, hindi niya kailangang sagutin ang mensahe nito.