Chapter 17

1441 Words

Maagang nagising si Jack sa penthouse. Tahimik ang silid at bukas ang mga kurtina. Sa tabi niya ay natutulog pa ang modelong inimbitahan niya. Hindi niya maalala ang buong pangalan nito. Malinaw ang usapan nila. Isang gabi lamang. Walang tanong at walang susunod na pagkikita. Dahan-dahang bumangon ang babae at hinila ang kumot sa dibdib. “You’re leaving already?” malambing na tanong nito. “I have a meeting,” malamig na sagot ni Jack habang isinusuot ang relo. “Can I stay for breakfast?” “My driver will take you home.” Nawala ang ngiti ng babae, pero hindi ito nakipagtalo. Sanay si Jack sa ganitong umaga. Ito ang buhay niya at hindi niya iyon babaguhin dahil sa isang babaeng matigas ang ulo. Pagpasok niya sa banyo, nakita niya ang mensahe ni Hannah tungkol sa project meeting. Hannah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD