Chapter 17 LINDO POV Bata pa lang kami ni Era nang una ko siyang nakita. Mga musmos pa talaga, limang taon siguro kami noon. Hindi naman malayong hindi kami magkatagpo dahil iisang mundo lang ang aming ginagalawan, ang Hacienda Viloria. Isang kusinera ang nanay niyang si Manang Ging. Madalas ay dumadaan siya sa workers’ quarter at tinatanong kung anong ulam ang request na irarasyon? Tuwing Biyernes kasi ay may libreng hapunan si Don Ramon at Donya Sevi para sa mga manggagawa. Reward baga sa isang linggong pag sisipag at katapatan ng mga trabahador para sa hacienda. Sa tuwing pumupunta si Manang Ging sa workers’ quarter, sumasama sa kanya si Era. ang mga katiwala kasi, gaya ng kusinera, labandera, mayordoma ay sa loob ng mansyon naninirahan habang kaming mga manggagawa lamang ay sa kapir

