Chapter 13 ERA POV Gaya kahapon, bantay sarado ako kay Tom. Nakaka ilang talaga ang presensya niya. Hanggang sa after lunch, magsasara kami for break time, lumapit na siya sa akin at kinorner ako sa isang sulok. “Era, usap na tayo… sa room ko,” sabi niya na ubod ng senswal habang nakatingin sa mga labi ko. “Dito na lang tayo mag… m-mag usap. Bakit sa kwarto mo pa?” nauutal kong tanong. Lalo lang siyang dumikit sa akin. Hindi ko siya malayuan kahit na nakakapaso ang kanyang init. Inaasahan ko naman ang mga pang aakit niya pero tinatablan pa rin ako kahit na anong pagsupil ng damdamin ko. Kinulong na niya ako sa kanyang mga bisig. Hindi man mahigpit ang kanyang yakap pero hindi ko magawang makatakas sa kanyang kontrol. “Maraming CCTV dito, Hon.” “A-ano naman, mag-uusap lang nama

