Chapter 15 ERA POV “Magkita tayo sa address na sasabihin ko para makita mo si Rina.” Nanginginig ang kamay ko at nangangatog ang mga tuhod ko nang marinig ko ang boses ng lalaking kinasusuklaman ko. Si Lindo na dati kong nobyo na nang iwan sa akin sa harap ng altar. Ano na naman kaya ang kailangan niya at tinangay pa ang anak ko. “Just make sure hinding-hindi mo sasaktan o gagalawin man lang ang anak ko—” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at pinutol niya na ang linya. Grabe ang inis ko, kumukulo ang dugo ko. Gusto ko ng ibato ang cellphone ko, pinigilan ko lang dahil kailangan ko pang ma-kontak si Lindo para ma-monitor ko kung ano na ang nangyayari kay Rina. Nakatanggap ako ng text message galing sa unregistered number na pinantawag ni Lindo. Agad ko itong binuksan dahil gus

