CHAPTER 7

1327 Words
CHAPTER 7 ERA POV “Ok fine. Sige na Senyorito, let’s talk about it tomorrow,” sabi ko kay Tom para matapos na ang usapan namin dahil nag hihintay na si Nick sa akin sa labas ng resto. “Sige. I’ll wait for you sa cabin ko after lunch,’ sagot naman ni Tom. Hindi talaga niya ako titigilan. Napa-irap tuloy ako. Nakaka-inis dahil hindi ako maka ‘hindi’ sa kanya. Kahit na galit ako sa kanya pero sa kaibuturan ng puso ko, siya pa rin talaga ang gusto. Inilapit niya ang bibig niya sa aking tenga at bumulong, “I so love that quicky sa kitchen, but sobrang bitin. Naka isang round lang kasi tayo. Sa place ko, we can have as much as we want." Kinilabutan ako sa bulong niya sa akin. Nae-excite ako na kinakabahan. Yung thrill na dulot ng quicky namin sa kusina kanina ay ibang saya at sabik ang dulot sa akin. That spot sa kitchen where we did it would never be the same again. Siguradong maaalala at maaalala ko ang s*x namin sa tagong lugar na yun at hahanap-hanapin si Tom. Paano na ako makakapag focus sa trabaho ko? “Mag… mag-uusap lang po tayo Senyorito,” nauutal kong sagot dahil hindi pa rin ako maka get over sa quicky namin kanina. “You think, papayag ako sa usap lang?” “Tama na Tom. Bahala ka sa buhay mo!” pigil na sigaw ko dahl nasa loob pa kami ng resto at may mga ka-work pa ako na nasa paligid. Hindi na ako nagpa pigil dahl alam kong nasasaktan na si Nick na naghihintay sa akin sa labas. Sobrang tiyaga niya talaga. “See yah sa cabn ko bukas, I’ll wait,” narinig ko pang sabi ni Tom habang papalabas ako ng resto. Inakbayan agad ako ni Nick pagka labas ko. Tahimik lang siya pero seryoso ang kanyang mukha. Sa loob pala ng kotse niya ibubuhos ang selos niya. Pagka kabit na pagka kabit niya ng seatbelt ko ay nagsimula na siyang manggigil. “I told you iwasan mo na ang lalaking yun,” sabi niya at hindi pa rin binubuhay ang makina. Mahaba-haba pa yata ang usapan namin dahil ayaw niya pang umalis. “Paano ko siya iiwasan, Nick? Customer siya–” “D*mn it! May customer bang nagyayayang makipag date sa manager?” Tumataas na ang kanyang boses na hindi naman niya ginagawa sa akin sa ilang taon na naming magkakilala. Gaya ni Tom, he is so calm, and a man with few words pero dumating lang si Tom, he’s becoming ill-tempered. Sinisigawan niya na rin ako at todo bantay na rin sa akin. “Nick, salamat sa pagsundo sa akin. Alam kong busy ka at effort talaga na sunduin ako but you don’t have to. Kaya kong umuw—” “Umuwi? Saan? Sa lalaking yun?’ “Nick, may anak akong naghihintay sa bahay ko.” “Bahay na nakuha mo dahil sa’kin…” Natahimik ako. Totoo naman. Siya ang dahilan kung bakit kahit papaano ay naka ahon ako sa hirap. Siya rin ang dahilan kung bakit may maganda akong trabaho ngayon. Kung bakit ako nakapag tapos ng pinapangarap kong kurso. “And I am forever grateful sa’yo Nick. Salamat sa lahat—” Hinuli niya ang baba ko para magtama ang aming tingin. Seryoso siyang tumitig sa akin. “I’m sorry Savih. I don’t want to make it sound so…nanunumbat… how do I say this… Look Savih, everything I did for you, lahat ng binigay ko, I gave it out of love, not out of pity or what. Mahal kita Savih at wala akong hinihinging kapalit just love me back, yun lang–” Ang haba ng sinabi niya. Iyon nga ang mahirap… I cannot love him back. “Nick, alam kong walang kabayaran ang utang na loob pero hindi naman kita pinilit na gawin at ibigay sa akin lahat ng yun—” Inihampas niya ang kamay niya sa manibela at inilapit pa ang sarili niya sa akin. “After I did everything Savih? Ilang taon ako ang kasama mo, ako ang karamay mo. I even gave your daughter my name para hindi siya maging bastarda. My goddamn name Gaudin! ilang taon kong hinintay na magpakasal ka sa akin at nang pumayag ka, I was the happiest man on earth back then. Tapos ano? Dumating lang ang lalaking yun out of nowhere tapos balewala na ‘ko ulit?” ‘Hindi naman Nick—” “Anong hindi? Ano pala ‘tong ginagawa niyo sa’kin?” “Tama na Nick. I had enough for today. Kanina pa ako pagod makipagtalo–” “See, he’s harassing you and yet hinahayaan mo lang.” “Sabi ko tama na Nick! Anong gusto mong gawin ko? Hindi ko siya kaya. Isang hamak na manager lang ako ng restaurant. Tama na, naghihintay na sa akin ang anak ko. Kung susumbatan mo lang ako, bababa na lang ako at sasakay ng trike.” Binuksan ko na ang lock ng kotse niya pero agad niyang hinablot ang kamay ko nang itatapak ko na ang isa kong paa sa lupa. Isinandal niya ako sa upuan at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong braso. “I’ve invested a lot sa’yo Savih at sa anak mo. Money and material things can always be replaced, but the time, effort, and love I poured into you and Rina, those are priceless. No amount of money can repay the sacrifices I made, the moments I dedicated, and the care I gave wholeheartedly. Once those are given, they can never be taken back or compensated for. Pag ibig mo lang ang hinihingi kong kapalit, mahirap ba yun?” Totoo naman talaga ang lahat ng sinabi niya at grateful ako pero paano ba makakalimot ang puso? I’m still in love.. Madly in love with my childhood sweetheart, the father of my child. Wala ng papalit kay Tom sa puso ko. Napaluha na lang ako habang nakikipag titigan kay Nick. “Salamat sa lahat Nick. Pero hindi ko pala kayang tumbasan ang pag ibig mo. Bago pa ako malubog sa utang na loob, let’s end it here–” ‘Are you breaking up with me? Again?” Ilang beses na rin naman ako nakipag break sa kanya pero ilang beses din niyang tinanggihan. Sanay na yata siyang makarinig ng break up lines sa akin pero lagi niyang pinapa mukha sa akin, hindi man direkta pero paulit-ulit niyang pinapa alala kung gaano siya naging mabuti sa akin at kay Rina. wala na akong magawa kundi ang manatili sa piling niya. “Kasi nandiyan na si Tom? Seryoso na talaga yang pakikipag break mo? Ganun na lang ba kadali yun Savih? Pinaglaban kita kay Daphne. Kaya sana ilaban mo rin ako kay Tom. Pero paano mo naman gagawin yun…” “Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Nick. I’m backing out sa kasal natin hanggat maaga pa at wala pa naman nakaka-alam na ikakasal tayo–” “Siya lang kasi ang nakagalaw sa’yo!” Gigil na talaga si Nick, bakas sa kanyang mukha at boses. Ayaw ko na pahabain pa ang usapan namin. Kung matagal niya na kong pinakawalan, hindi naman kami sana aabot sa engagement. “Kung alam ko lang Savih… Kung alam ko lang na s*x lang pala ang makakapag baliw sa’yo edi sana matagal na rin kitang kinama–” Hindi na ako nakapag react pa sa sinabi niya na nakaka-offend talaga. Bigla na lang niya akong hinalikan. Malalim at madiin na halik. Tinulak ko siya ng malakas nang maramdaman kong nag iinit na siya. Tumigil na rin siya at bumalik sa pagkakaupo ng maayos. Binuhay niya na ang makina at pinaharurot ang kotse. Sa ibang daan niya pinadaan at hindi sa ruta papunta sa bahay ko. “Saan mo ‘ko dadalhin, Nick?” “Sa kama ko.” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. PAKI ADD DIN PO ANG MASAKIT, MAHAPDI. SALAMAT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD