Chapter 32 TOM POV Gaano kasakit na tinaguan ka ng anak sa loob ng apat na taon? Nang makita mo na ang anak mo ay hindi naman ikaw ang kinikilalang ama. Ikaw ang totoong tatay pero iba ang hinahanap. Napakasakit. Wala naman akong magawa kundi ang ibigay ang kahilingan ni Rina. Kung saan siya masaya at kung kaya ko naman ibigay at gawin ay ibibigay at gagawin ko. Kaya labag man sa aking puso, tinawagan ko si Nick sa kalaliman ng gabi. Isa naman siyang doktor, kaya sanay siya sa mga alanganing oras na emergency. “Daddy Dada, I miss you… I love you Dada Nick.” Parang sinasaksak ang puso ko habang harap harapan kong naririnig ang usapan nila Nick at Rina. Pero mas masakit kung ang anak mo ang mas nasasaktan kaya sige lang, kung maiibsan ang kalungkutan niya ay pababayaan kong mag-usap s

