NAPABUNTONG-HININGA si Keith habang nakatitig sa makinang na bato ng singsing na binili niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya kanina at nagtungo siya sa isang jewelry store. Ang plano niya ay tumingin-tingin lamang ng maaaring iregalo kay Nicole. Ang naunang plano niya ay ibili ito ng kuwintas o bracelet, hindi singsing—hindi engagement ring. Pagpasok niya sa store ay hindi na niya malubayan ng tingin ang mga singsing kaya hindi na siya nagkunwari pang interesado sa mga kuwintas at bracelet. Inamin na niya sa sarili na engagement ring talaga ang sadya niya roon. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Alam naman niya na ayaw magpakasal ni Nicole. Napag-usapan na nila iyon sa simula pa lang. Inakala niya na hindi pa siya handa kaya nasabi niya na hindi niya ito pakakasalan. H

