NICOLE wanted to stay home. Ayaw sana niyang magtungo sa party ni Joshua. Malapit niyang kaibigan ang mag-asawa, ngunit wala siyang ganang makisaya sa selebrasyon ng kaarawan ni Joshua. Ayaw niyang manghawa sa kahit na sinong guest sa gloomy mood niya. Alam din niya na baka kaawaan o pagtawanan siya ng ibang guest sa party. Inilantad na ni Jessie sa publiko ang anak nito. Nang tanungin ito tungkol sa ama ng bata, sinabi nitong hindi nito maaaring sabihin ang pangalan dahil pribado itong tao. Nang tanungin naman ito ng tungkol sa reaksiyon ni Jerome ay sinabi nitong tanggap nito ang bata at mahal na mahal na nito. Parang anak na raw ang turing ni Jerome sa bata. Hindi niya malaman kung matatawa siya o lalong manggagalaiti sa galit. Paano nagagawa nina Jessie at Jerome ang bagay na iyon? P

