5

1466 Words
“DARLING! I’m so glad you’ve come!” Nginitian ni Keith si Joshua, isang kapwa plastic surgeon. Nagkakilala sila sa isang seminar sa New York limang taon na ang nakararaan. Nang umuwi sila sa Pilipinas ay naging malapit sila sa isa’t isa. Iniabot niya rito ang dala niyang regalo. “Happy birthday.” Inakbayan siya nito pagkatapos tanggapin ang regalo niya. Iginiya siya nito papasok sa party venue. “Thanks! So how’re you? Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko ngayon.” “It’s your birthday, man, of course I’d be here.” Ang totoo ay hindi sana niya nais na magtungo roon. Mas gugustuhin niyang magpahinga na lang sa bahay. Ngunit may kailangan siya kay Joshua kaya siya nagdesisyong magpunta. Cathellya of the Cattleya Foundation had proposed sending him on a surgical mission. Hinimok siya nito na mag-participate sa isang malawakang free plastic and reconstructive surgery. Nakapag-screen na ito ng mga pasyente na nangangailangan ng surgery ngunit walang kakayahang sumailalim sa mamahaling operasyon. Nang ipakita nito sa kanya ang ilang case studies ay naging interesado kaagad siya. Mostly ay major series of operations ang kailangang pagdaanan ng pasyente dahil pinili talaga ni Cathellya ang pinakamalalalang kaso at pinakamahihirap na pasyente. Kailangan niya ng malaking pondo kaya kailangan din niya ng sponsors. Joshua Casiño was well-known in the Philippines as the doctor to the stars. Malaki at sikat ang mga klinika nito sa buong bansa. Karamihan sa mga kliyente nito ay mga artista at mayayaman. Nang magkakilala sila sa New York ay pilit siya nitong pinipirata sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Tinumbasan pa nito ang suweldo niya sa ospital. He had to turn him down. Ang sinabi niyang dahilan ay ang kondisyon ni Charlene noon. She had been on the waiting list for a heart transplant in the hospital where he worked. Hindi na niya idinagdag na hindi appealing sa kanya ang mga kasong madalas na dumarating sa clinic nito. Nang magdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas, dahil iyon sa magandang alok sa kanya ng Cattleya Medical Center. They promised to help him with his niece’s condition. Nag-aagaw-buhay na ang pamangkin niya noon nang hindi inaasahan na dumating ang malusog na puso na matagal nilang hinintay. From then on, he devoted his practice to Cattleya Medical Center. Madalas din siyang tumanggap ng pro bono cases. Madalas na cleft lips and cleft palates ang ginagawa niya. Umaasa siyang makakatulong sa kanya si Joshua at ang asawa nitong kapareho nilang plastic surgeon. Magiging magandang publicity iyon sa klinika ng mga ito. Mas makakaakit ng pasyente. Hindi lingid sa kanya na nauungusan na ito ng karibal nitong klinika. Hindi lang naman si Joshua at ang asawa nito ang plano niyang lapitan para sa pinakabagong proyekto niya. Naroon din siya dahil naisip niya na matagal na siyang hindi nakakapag-party sa kaabalahan niya sa trabaho. It wouldn’t hurt to try to have some fun and meet new people. It was time to try dating again. Sapat na marahil ang panahon ng “pagluluksa” niya sa pagkabigo niya kay Charmaine. Kahit na tila wala pa siyang ganang mag-party at makipagkilala sa ibang babae, kailangan niyang pilitin ang kanyang sarili. Iisipin na lang niyang magandang warm-up iyon. “What’s up?” nakangiting tanong sa kanya ni Joshua pagkatapos nitong iabot sa kanya ang isang baso ng inumin. “Kind of busy at the hospital.” Nitong mga nakaraang buwan ay pulos trabaho na lang ang inaatupag niya. Nawalan siya ng social life na hindi niya gaanong namamalayan. “Masaya ka pa ba sa CMC? My offer still stands. Naiintindihan ko ang dahilan mo kung bakit mas pinili mo dati na doon ilaan ang lahat ng oras mo sa ospital. Siguro naman kahit na paano ay nakabayad ka na ng utang-na-loob.” “I enjoy working at CMC.” Hindi nito alam kung gaano kalaki ang utang-na-loob niya sa mga Castañeda, lalong-lalo na kay Simon Castañeda. Namatay sa isang aksidente ang dating nobya ni Simon noong mga panahong bibigay na ang puso ni Charlene. The girl had been declared brain dead by the hospital director himself. Masuwerte na may organ donation card ito. To make a long story short, napunta kay Charlene ang puso ng dating nobya ni Simon at ngayon ay ang mga ito na ang magkasintahan. Sa opinyon marahil ng ibang tao, maaaring wala siya maituturing na utang-na-loob. Ngunit napakaimportante sa kanya ng kaligayahan ni Charlene. Napakahalaga sa kanya na buhay ito at kasama pa rin niya. Masaya siya na nagagawa na nito ang mga bagay na dati ay hindi nito magawa. Masaya siya dahil masaya na rin ito ngayon at umiibig kay Simon. “Hindi ko naman hinihiling na iwan mo ang CMC. Just do some consultations in my clinic. You’re one of the greatest surgeons in Asia, Keith.” Inilapit niya ang baso ng alak sa bibig niya sa halip na sumagot. Modesty aside, alam niya na mahusay siyang siruhano. Bata pa lang siya ay alam na niyang nais niyang maging doktor—siruhano. He was ten when he realized he wanted to be a plastic surgeon specializing in reconstructive surgery. Nang minsang dumalaw sila ng kuya niya sa ospital ay nakakilala siya ng isang pasyente na halos nasunog ang buong mukha. Tinanong niya nang tinanong ang isang nurse kung maaari pang maibalik sa dati ang mukha nito. He had always been a charming boy kaya kahit na abala sa trabaho ay ipinaliwanag pa rin sa kanya ng nurse ang gagawin ng isang siruhano upang maibalik sa dati ang hitsura ng pasyente. Hindi siya nakontento roon, ginulo niya pati ang siruhano na siyang mismong gagawa ng ilang serye ng operasyon. His fascination with plastic surgery bloomed. He decided that he wanted to be a plastic surgeon when he grew up. “Fact is, I need something from you, Joshie,” panimula niya sa paghingi niya ng tulong dito. “There’s—” Natigil siya sa pagsasalita nang may mahagip ang mga mata niya. Isang magandang babae ang dumating sa party. Pamilyar ang mukha nito at alam niyang artista ito ngunit hindi niya maalala ang pangalan nito. She was not smiling and she looked like she didn’t want to be there. Nagsalubong ang mga kilay niya. She was beautiful. Kahit na hindi ito nakangiti at tila walang balak makisaya sa may kaarawan ay magandang-maganda pa rin ito sa paningin niya. She looked like a doll. She looked Korean. She was tall and slender. Payat ito sa pamantayan niya ngunit hindi pa rin niya maalis ang kanyang mga matang nakamatyag sa bawat paggalaw nito. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. She had perfect skin. She was really beautiful. Not his usual type, but she was really a stunner. Para siyang nahimasmasan nang tapikin ni Joshua ang balikat niya. Nang lingunin niya ito ay natagpuan niya itong nakangisi nang nakaloloko. Napangiti na rin siya. He had expected to see and meet beautiful women at the party but he hadn’t expected that someone would actually attract his attention. Muli siyang tumingin sa babae na kausap na ngayon ang asawa ni Joshua. Nakangiti na ito ngunit pilit na pilit. Kahit na halatang pilit ang ngiti, mas gumanda pa rin ito sa paningin niya. Paano pa kaya kung totoong ngiti na ang ibibigay nito na aabot pa hanggang sa singkit na mga mata nito? “Name?” tanong niya kay Joshua habang hindi inaalisan ng tingin ang babae. Natawa si Joshua. “You don’t know her name? You don’t know who she is? Come on, man. Nasa EDSA ang mukha niya, ang laki-laki n’ong billboard.” “Artista?” “Yeah.” “Alam mong wala akong gaanong kilalang local na artista. Madalang na madalang akong magbukas ng TV. Name?” Naiinip na siya. He wanted to know who she was. For the first time since meeting Charmaine, nagkaroon siya ng ganang makipagkilala sa ibang babae. She’d fall for his charms. Everyone did. “She’s Nicole Kim. Maingay ang pangalan niya ngayon dahil sa ilang kontrobersiya. She’s—” Bahagya niyang itinaas ang kanyang kamay upang tumigil ito pagsasalita. Hindi siya interesado sa kahit na anong kontrobersiya. Sa pangalan lang nito siya interesado. “I want an introduction.” “Nicole is kind of vulnerable right now. Hindi siya maaaring pagla—hell, maybe you’re what she needs right now. Come, I’ll introduce you.” Nagpatiuna na ito sa paglalakad patungo sa babaeng kanina pa niya nais lapitan. Hindi na niya gaanong maalala ang dahilan kung bakit siya nagtungo roon. He was going to have fun tonight. He was going to have her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD