"Sorry..." Tumulo ang luha ko sa balikat niya. "It was a mistake." Sinilip ko siya nang hindi siya nagsalita. Nakapikit pa rin siya pero may luha sa pisnge niya. "What did I do to you? Saan ako nagkulang, Tanya? I gave everything." Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan ang sarili na mapahagulgol. Ang sakit ng boses niya; rinig na rinig ko ang lungkot sa boses niya. "Yes you did. Kaya nga sorry, Rigal. Hindi ko naman na inulit iyon. Hindi na mauulit, I promise. Please... maniwala ka na sa 'kin." "Sasama ka sa kanya... magtatanan kayo." "Kasinungalingan iyon. Wala kaming planong gano'n. Iniiwasan ko na nga siya. Sinisiraan niya lang ako sa 'yo, Rigal para itaboy mo 'ko, para tuluyan tayong masira. Please... ayokong mawala ka sa 'kin. Believe me..." "Tangina ng gagong iyon. Baki

