"Brother!" Malokong tumawa si Seval. "Wholesome lang kami ni Tanya; wag kang masyadong mag-isip." Nginig ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa nang ibalik ko ang tingin kay Rigal; umigting ang panga niya habang nakatingin kay Seval. "Wag na tayong maglokohan dito; alam kong noon mo pa siya gustong agawin sa 'kin." "Threatened ka sa 'kin, bro?" Sinipa ko si Seval sa ilalim ng mesa, tinignan niya ang nagmamakaawa kong mukha na tumahimik na lang siya at wag ng sagutin ang kuya niya. Baka ako nanaman ang masisi kapag gumawa sila ng eksena rito. "Binabalaan lang kita." Nakayukom na ang kamao ni Rigal sa lamesa. Hinawakan ko iyon pero hinawi niya lang ang palad ko. "Threatened ka nga?" "Seval, tama na." Lumunok ako ng maraming bato. Tumama ang matalim na mga mata ni Rigal sa akin. Hinabl

