"Bilisan mo. Mahaba pa ang byahe natin." Mabilisan na 'kong nagkabit ng lipstick nang marinig ko na ang inis na boses ng asawa ko. Pinagsisiksik ko na lang sa bag ang mga gamit at wallet ko. Miss ko na ang mga magulang ko sa probinsya kaya nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako ro'n. Noong una nga'y nagalit pa siya dahil parang ayaw ko raw siyang isama pero napakalma ko naman agad ang ulirat niya. Malay ko ba kasing gusto niya ring bumisita, dati-rati'y tamad na tamad siyang bumyahe sa malayo dahil sa Nueva Ecija pa ang probinsya ko. Pagkalabas ko sa kwarto, tumama agad ang mga mata ko sa asawa kong naka-black t-shirt at pants. Simple lang kung pumorma pero ang lakas ng dating lalo na ang tindig. Uminit ang pisnge ko nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Para akong teenager na na

