"Mag-iba ka ng pose." Kanina pa 'ko pini-picture-an ni Rigal, nawili na ata siya. Mukhang na-miss talaga nang sobra ang pagkuha ng mga litrato. Ako namang si asawa ay kilig na kilig sa kanya. Kaya kahit ang init na ng araw, todo pose pa rin ako. Minsan ay binaba ko rin ang shades na nasa ulo ko. "Nagawa mo na iyan kanina. Wala na bang iba?" Kumunot ang noo niya, parang nayamot pa. Napabuga ako sa hangin. Buti na lang ay kahit may araw, hindi naman gaanong mainit at masakit sa balat; mahangin pa nga, actually. "Ayaw mo na ba?" "Hindi, sige isa pa." Sumubok ako ng ibang pose, wala na talaga 'kong maisip. Ayoko lang huminto; gustong-gusto ko i-cherish ang moment na 'to. Kay tagal ko kayang hiniling na sana bumalik ang pagkahilig niya sa pagkuha sa akin ng mga litrato. "Try mo humiga.

