"Magaling." Pumasok siya sa bahay nang walang ka-emo-emosyon. Ano na namang problema niya? Napailing-iling ako bago sumunod sa loob. Dumiretso kami sa kwarto namin sa itaas. Inamoy kong muli ang bouquet sa side table bago ko binagsak ang katawan ko sa kama. "Nakaantok." "Matulog ka muna kung gusto mo." Hinubad ni Rigal ang polo niya. Umupo ako. "Hindi. Kaya ko pa naman; ano pa bang activities ang pwedeng gawin dito?" Kung pwede nga lang hindi na matulog, ay hindi talaga ako pipikit. Minsan lang kami magbakasyon; ang sarap kasi lahat ng problema at mga iniisip tila ba naglalaho; 'pag balik namin sa Manila baka balik na naman din ang dati sa lahat. "Matulog ka muna para may lakas ka." Hinalikan niya 'ko sa noo saka siya naglakad patungong pinto. "Papa-deliver lang ako ng mga pagkain

