"Ayusin mo iyong lipstick mo; lagpas-lagpas," ani Rigal habang sinusuot ang pantalon niya. Kinapa ko ang gilid ng labi ko. Kumuha ako ng tissue saka pinunasan iyon. Tinignan ko siya na abala ng nagkakabit ng belt niya. Kakatapos lang namin magparaos sa kama. It felt wonderful. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang sobrang sarap ng indayog ng pagsasalo namin. Hindi wild, hindi masakit, hindi pilit. For a moment, I felt like it was all love. Lumapit ako sa kanya. Tinapat ko ang kamay ko sa mukha niya pero umurong ang palad ko, nagdalawang isip kung hahawakan ba siya. Inatras niya ang mukha niya't kumunot nanaman ang noo niya. "Ano? Puta." Iritado agad siya. "Ikaw din, may lipstick ka sa mukha mo saka sa leeg." Sinilip ko ang leeg niya. Tumalikod siya sa 'kin saka parang diring-diri

