Third person pov
"Aray, ko!" Dahan-dahan naman, Calvin! Baka mapaano ang baby natin!" Piksi na reklamo ni Cristely ng hilahin siya ni Calvin palabas ng kotse at kaladkarin papasok sa loob ng ospital.
"Hindi mo naman kailangan gumamit ng dahas sa akin, eh. Susunod naman ako sa 'yo kahit saan mo pa ako gustong dalhin, kahit nga sa langit mo pa ako dalhin, okay na okay lang sa akin!" She added. Umasim at nalukot naman ang mukha ni Calvin sa narinig na sinabi nito. Anong langit ang pinagsasabi ng babae na kasama niya? Kung siya lang ang masusunod, sa mental hospital niya dadalhin ang babae na gumugulo sa tahimik niyang buhay ngayon. Sa ingay ng bibig nito ay baka sa pinto palang ng langit, hindi na sila papasukin ni San pedro!
"Langit? Hindi ka bagay sa langit, for sure hindi ka papapasukin ni San Pedro sa langit! Sa mental hospital ka nababagay, doon bagay ang ingay ng bibig mo! Para kang baliw na kung ano ano ang mga pinagsasabi mo!" Sabi nito kay Cristely.
"Eh, sino ba kasi may sabi sa 'yo nasa itaas na langit ko gustong pumunta? Eww! Ayoko pang pumunta ng itaas na langit, 'no!" Mabilis niyang sagot sa lalaki.
Bakit pupunta pa siya ng langit? Ngayon kasama na niya ang langit niya. She giggled.
"Tsaka, ayoko sa langit, kasi bawal ang beer doon—aww!"
Napa daing si Cristely sa sakit nang tumama ang likod niya sa nakasaradong pinto ng clinic.
GONZALES-OB/GYN CLINIC
Basa niya sa nakasulat sa pinto. Ngumisi si Calvin sa kanya. "Sa oras na mapatunayan ko na that baby is not mine, himas-rehas ang aabutin mo!" Sindak na sabi nito. Pero ni hindi naman makitaan kahit na katiting na kaba sa dibdib si Cristely sa pananakot ng kaharap niya.
Hinaplos niya ang tumama na balikat sa nakasarado na pinto. "Okay! Deal, himas-rehas ako kapag napatunayan mo na hindi mo baby ang batang ito, but… pag napatunayan ko na ikaw ang Daddy ng baby dito sa tiyan ko, then…" tinalikuran niya ang lalaki. "Ako ang hihimasin mo!" Mahinang sabi niya na halos siya lang ang makarinig. Alam na niya ang binabalak na gawin ni Calvin, iyon ata yung tinatawag nila na prenatal paternity DNA test, or kung ano man ang tawag dun. Basta ni-research na niya sa internet ang tungkol sa bagay na iyon. kaya sure siya na kaya hinila siya ni Calvin sa Ob-gyn clinic para mag undergo sila ng baby niya sa prenatal paternity test.
"Mr. Calvin Guevara?" Tanong ng assistant ng doctor kay Calvin. May hawak ito na papel for patient information.
"Yes, ako nga po, Miss." Nakangiti na sagot ni Calvin sa assistant ng doctor. Kaagad umasim naman ang mukha ni Cristely nang makita niya na napangiti ang babae na kaharap nila dahil sa ginawang simpleng pag ngiti ni Calvin sa assistance ng doctor.
"Pasok na po kayo sa loob, sir." Pa-cute na sabi ng babae at sinadya pa nito na ngumiti ng matamis. Sa inis ni Cristely ay siya na ang naunang humakbang papasok sa pinto at sinadya niya na apakan ang paa ng babae.
"Awww! Ang sakit!" Napangiwi sa sakit na daing nito.
"Sorry! Ikaw naman kasi, tatanga-tanga ka! Pinapapasok mo kami sa loob ng clinic ni dok, eh nakabalandra ka naman sa pinto. Tsk. Tsk. Tsk…" napapailing na reklamo ni Cristely sa babae.
Deserve! Abay kung makatitig sa my Calvin my loves ko, gusto na atang lingkisin eh! Well, no way! I can't just let you stealing my Big Boy!
Nakangiwi pa rin dala sa sakit ng paa na inapakan ni Cristely ang assistant ng doktor at iika-ika na lumayo sa pinto ngunit pinilit pa rin ang ngumiti ng humarap kay Calvin.
"Pasok na po kayo, Sir," matamis ang ngiti sa labi na alok nito sa lalaki, pero sa loob ay namimilipit sa sakit ng paa. Ginalingan kasi ni Cristely ang pagtapak sa paa nito at sure siya na napuruhan ang malanding assistant ng ob-gyn doctor.
Sinara ng babae ang pinto tsaka hinarap sila. "Ano po ang name?"
Mabilis na naningkit ang mga mata ni Cristely. Siya ang dapat na tanungin ng babae at hindi ang kasama niya. OB-GYN clinic ang kinaroroonan nila. So means hindi naman ito tanga para hindi nito ma-gets na siya ang magpapa-check up at hindi si Calvin.
Namewang siya. "Ahem!" Malakas niyang tikhim kaya napunta sa kanya ang atensyon ng assistant. "Hindi ba dapat ako ang tanungin mo? At hindi ang kasama ko?" Taas ang kilay na pagmamaldita niya rito.
Napa kamot naman sa pagkapahiya ang babae at hinarap siya. "Ano po ang name niyo Ma'am?" Kapagkuwan ay tanong nito sa kanya.
"Cristely Alteros, 19 years old." Sagot niya sa babae.
"Ahm… magpapa-check up po ba sila?"
Pinagala ni Cristely ang paningin sa apat na sulok ng clinic. "Malamang, is this an OB-gyn clinic for pregnant women like me, right? So I guess, yes! Magpapa-check up ako!" Inis na sabi niya sa babae.
"Go na! Ibigay mo na kay doc 'yang information paper ko para ma-check up na niya ako at makaalis na kami dito," utos niya rito.
"O-okay po, Ma'am!" Pa-sexy na lumakad ang babae papunta sa naka sarado na sliding door. Ang space ng clinic kung saan ini-examine ang mga patient ng ob-gyn doctor.
"Pwede na po kayong pumasok sa loob, Sir and Ma'am," wika sa kanila ng assistant ng doktor.
"Mabuti naman!" Mabilis na sagot ni Cristely at siya na ang humila sa lalaki papasok sa naka bukas na sliding door.
"Good day po, dok!" Siya na ang bumati sa doctor.
"Take a seat, hija," wika naman ng may edad na lalaking doctor sa kanya.
"Ano ba ang nararamdaman mo? Ilang weeks ka na bang buntis?"
Umupo siya sa silya na tinuro ng doctor. Hinarap naman siya ng doctor. Naka upo ito sa swivel chair na lumapit sa silya na kinauupuan niya.
"Um… kasi po… dok…" nahihiya na panimula niya tsaka bumaling ng tingin kay Calvin. Aba! Ito ang humila sa kanya na pumunta sila roon sa OB-gyn doctor tas ngayon may kaharap na sila na doctor ay tahimik lang ito?
"Actually, dok, hindi ko rin po alam sa Daddy ng anak ko kung bakit niya ako kinaladkad rito," pag amin niya sa doktor. Tumingin naman ang doktor sa nakatayo na si Calvin.
"So, you must be the father?"
"I'm not sure, doctor. That's why we're here. I want to know if I am the real father of her child." Walang pasakalye at emosyon na tugon ni Calvin sa doktor.
"I want a prenatal paternity DNA test," he added.
Lumaki ang mga mata ng doctor sa sinabi ni Calvin. "If that's the case… tatapatin na kita, Mister. Hindi madali ang gusto mo. Prenatal paternity test or DNA testing can be done as early as the end of the first trimester of pregnancy, starting any time after the 8th week with the SNP micro- array procedure, or during the 10th week through the CVS procedure." Hinarap nito si Cristely.
"Mag sasagawa tayo ng trans-v ultrasound para malaman natin kung ilang weeks ka ng buntis hija, para maisagawa natin ang prenatal paternity test na gusto ng ama ng baby mo."
Mabilis na tumango si Cristely sa doktor. "Kung ano po ang kailangan gawin, dok, para mapatunayan ko na siya ang ama ng baby dito sa loob ng tiyan ko. Kasi… siya naman po talaga ang nag iisang ama ng baby ko," sang ayon niya rito at sinadyang pinalungkot ang tinig upang kaawaan siya ng doctor…
Pinahiga siya sa maliit na bed upang isagawa ang trans-V ultrasound. Napasinghap pa siya sa gulat ng may ipasok ang doktor sa private part niya. Mabilis na ginalaw-galaw ng doctor sa private part niya ang aparato na nasa loob niya at nakahinga siya ng malalim nang matapos na ang trans-v ultrasound sa kanya.
Hawak ang result ng tran-v ultrasound ay muli silang hinarap ng doctor.
"Regarding dito sa trans-v ultrasound mo, hija, 6 weeks ka pa lang buntis." Tumingin ang doctor kay Calvin.
"Sad to say na hindi pa kayo maaaring mag undergo para sa prenatal paternity test, we need to reach the certain weeks to be allowed for the procedures. And also for the safety of the baby," the doctor informed Calvin.
Napatitig si Calvin sa kaharap na doctor. Ang sabi nito kanina ay 8 weeks to 10 weeks para makapag undergo ng prenatal paternity test. Ilang weeks na lang naman ang hihintayin niya kaya sige… hihintayin na lang niya na sumapit ang 8 to 10 weeks ng pinagbubuntis ni Cristely.
"Okay po, Dok, babalik na lang po kami dito sa clinic once na nasa 8 to 10 weeks na po ang tiyan niya." Sabi niya sa doktor at lumakad na palabas ng sliding door. Hindi na niya hinintay pa si Cristely. Pumunta siya sa assistant para magbayad ng doctor's consultation fee.
"Thank you so much po, Dok! Pagpasensyahan niyo na po ang Daddy ng baby ko, na-shock lang po kasi siya ng malaman na buntis ako, pero good boy naman po siya!" Nagmamadali na sinundan ni Cristely si Calvin dahil baka iwanan siya ng lalaki.